Professional Documents
Culture Documents
Accomplisment Buwan NG Wika
Accomplisment Buwan NG Wika
ACCOMPLISHMENT REPORT
Ang pagpili ng mga patimpalak sa pagdiriwang na ito ay nakabatay sa ibanabang gabay at panukala
ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Ito rin ay nakabatay sa pamantayang dapat maisagawa sa
asignaturang Filipino upang matugunan ang pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
asignaturang “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino” sa ika-11 baitang at
“Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan” sa ika-12 baitang. Karagdagan dito, ito ay paghahanda sa mga
patimpalak sa labas ng paaralan upang makipili ng mga mag-aaral na maaaring ipanlaban at ilahok sa mga
iba’t ibang patimpalak sa hinaharap.
Ang mga pagkilala sa patimpalak ng Buwan ng Wika ay nahahati sa tatlong gantimpala (Kampyon,
Ikalawang Gantimpala at Ikatlong Gantimpala) na kung saan ang ginawad na pagkilala sa mga mag-aaral
ay pinarangal sa panapos na programa ginanap sa entablado ng Main Campus ng OWS noong Agosto 30
(Biyernes). Bilang patunay sa kahusayan ng mga mag-aaral naggawad ang Samahan ng Filipino (SamaFil)
at kapulungan ng mga guro sa Sekondarya ng mga Sertipiko sa indibidwal na kategorya at Tropeyo sa
pangkatang kategorya sa mga nabanggit ng patimpalak.
Nagbigay daan din ito sa mas malawak na pagtanggap sa makabago at napapanahong implementasyon at
pag-inog ng ating wika. Nagbukas din ito ng pag-iintindihan at paghahalo ng nakaraan at ng pangkasalukuyan.
Kaya naman para sa mas ikakaganda ng programa pa ng Filipino, minumungkahi na ipagpatuloy ang mga
plano dito at makapagisip pa ng makabuluhang Gawain na may kinalaman sa Filipino.
Pagsusuri ni:
Ito ay nagbigay ng pagkakataon upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kakayahan nilang
gamitin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng patimpalak ng pagdiriwang na ito. Nagbigay daan
din ito upang mabigyang kamalayan ang mga mag-aaral sa kahalagan ng isang wikang magbubuklod sa
bawat isa at ang kahalagahan nito sa pambansang kaunlaran at progresibong pagsulong ng kultura at
sariling pagkakakilanlan. Ang mga programang nakalakip sa pagdiriwang na ito ay may malaking
kinalaman sa mga akademikong pangangailangan ng mga mag-aaral at sa panukalang nais isulong ng
Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), grupong namamahala sa pagpapaunlad sa wikang pambansa, kaya
sa pagsasagawa ng gawaing ito ay maaaring makatulong upang higit na pahalagahan ng mga mag-aaral
ang paggamit ng Wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas.
Sa kabuoan, naging matagumpay ang pagdiriwang na ito sa tulong ng kapulungan ng mga guro,
pagbibigay suporta ng mga magulang at pangasiwaan ng Olongapo Wesley School at ang masigasig na
kooperasyon ng mga mag-aaral sa mga ginawang programa. Hindi lamang ito naging matagumpay sa
pagsasagawa kundi tumugon din ito sa pagbibigay ng kamalayan sa mga mag-aaral sa kahalagan ng mga
wikang katutubong umiiral sa Pilipinas sa pag-unlad ng wikang pambansa.
Olongapo Wesley School Inc.
#4 Oregon St. Lower Kalaklan, Olongapo City
VII. Apendiks
Ilang larawang nakuhanan sa mga patimpalak na ginanap sa SHS Building noong Agosto
27-29. Sa unang larawan pinakikita ang pagbabalagtasan ng mga mag-aaral. Sa kanang mga
larawam ay ang pagpapakitang husay ng mga mag-aaral sa patimpalak ng Isahang Pag-awit at
sa ikatlong larawan sa kaliwa ay larawan ng pangkat ng mag-aaral na kasali sa Balagtasan
Ang mga larawang ito ay kuha noong kompetisyon ng Lakan at Lakambini. Dito
masisilayan ang ilan sa mga glamorosong mga damit ng mga kalahok at ang pagharap nila sa
madla.
Ito ang mga larawan ng produkto ng mga nagwaging mag-aaral sa patimpalak ng Islogan.
Olongapo Wesley School Inc.
#4 Oregon St. Lower Kalaklan, Olongapo City
Ito ang mga larawan ng produkto ng mga nagwaging mag-aaral sa patimpalak ng Poster o
Malikhaing Pagguhit.
Ang mga larawang ito ay pinakikita ang mga pangyayaring naganap na Pinoy Salo-salo sa
SHS noong ika-16 ng Agosto 2019. Nasisilayan sa larawan ang pagdidisenyo ng mga mag-
aaral sa pagpapakita ng representasyon ng pagkaing Pilipino.