Opinion

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, pahirap o makakatulong sa bayan?

Isa-
isahin natin kung ano ba ang nilalaman ng tax reform package na tinatayang makapagbibigay ng
130 billion pesos na pondo sa pamahalaan.Mayroong tatlong aspeto ang reporma sa income tax,
dagdag buwis o increased taxes, bawas buwis o reduced taxes at bagong buwis o new taxes. Ang
pagpapababa sa income tax ang pinakamahalagang bahagi ng tax reform law na nasa ilalim ng
reduced taxes.Ayon sa Bureau of Internal Revenue 90% ng 7.5 million na mga Filipino tax payer
ang makikinabang sa naturang batas. Lahat ng sumasahod ng 250 thousand kada taon o kumikita
ng hindi hihigit sa 22 thousand kada buwan ay exempted sa pagbabayad ng buwis.Kaiba sa Tax
Code of 1997 o ang National Internal Revenue Code na kung saan lahat ng kumikita ng 10
thousand pesos pababa kada taon ay binubuwisan ng limang porsyento sa kanilang annual
income.Magkakaroon rin ng pagbabago sa value-added tax o VAT dahil sa TRAIN Law. Kabilang
dito ay ang exemption sa VAT ng lahat ng gamot sa diabetes, high cholestereol at hyper tension
simula 2019.Maituturing ang mga ito na pangunahing sakit na pinakamataas na naitatala ng
Department of Health sa Pilipinas. Mababawasan rin ang buwis sa estate tax at donors tax.Kasama
naman sa madadagdagan ng buwis o increase tax ang passive income, excise tax sa sigarilyo,
produktong petrolyo, mineral products gaya ng coal, automobile o mga sasakyan at documentary
stamp tax.Kabilang naman sa new taxes o bagong bubuwisan ang lahat ng mga matatamis na
inumin o sweetend beverages, non essential services gaya ng mga cosmetic surgery at buwis sa
mga nanalo sa lottery ng PCSO.Sa softdrinks at juice, 6 to 12 pesos kada litro na dagdag-presyo,
tataas rin ng limang porsyento ang pagpapa-retoke ng mukha at mayroon namang 20% na buwis
sa sinomang mananalo sa lotto ng mahigit sampung libong piso.Subalit bago naaprubahan ang
TRAIN Law, ilan sa mga probisyon ng batas ay na-veto o inalis ni Pangulong Rodrigo
Duterte.Kabilang dito ang dagdag na tax sa sigarilyo, exemption sa buwis ng ilang produktong
petrolyo na ginagamit bilang pamalit sa natural gas. Exemption sa percentage tax ng kabuuang
sales na hindi hihigit sa limang daang libo.Zero rating ng mga nabentang serbisyo o produkto at
pagpapababa ng buwis sa mga empleyado ng mga regional at operating headquarters, offshore
banking units at petroleum service contractor at subcontractor.Ayon kay Pangulong Duterte, inalis
ang mga naturang probisyon dahil nakita niyang hindi ito makatutulong sa kapakanan ng mas
nakararami.Malaki ang mawawalang kita sa pamahalaan dahil sa reporma sa income tax. Ang
tanong ng marami, saan ngayon kukunin ng gobyerno ang pang gastos upang suportahan ang ilang
proyekto kabilang na ang ambisyosong infrastructure project ng administrasyon Duterte na “Build,
Build, Build”? Iyan ang aabangan bukas sa ikalawang bahagi ng special report na ito kaugnay ng
train law” ( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

You might also like