Professional Documents
Culture Documents
Dignidqd
Dignidqd
Dignidqd
Ako nga pala si Angga. Walang namang espesyal sa araw na ito. Minalas
nga ako e. Paano ba naman, napahiwalay ako sa mga kasamahan ko sa
paghahanap naming ng pagkain na madadala naming sa aming mga lungga.
Nadala kasi ako ng ihip ng hangin at nawalan ng malay. Pagdilat ko, hindi ko na
sila makita. Iniikot ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala talaga. Minabuti
ko na lamang na libutin ng mag-isa itong bahay na napuntahan namin.
Habang pauwi na kami ay inusisa nila kung ano ang nangyari sa akin
matapos tangayin ng ihip ng hangin. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari.
Mayroong mga naniwala sa sinabi ko, mayroon namang hindi. Nalaman na rin sa
lungga namin ang nangyari sa akin. Alam ko na maraming nag-iisip na baka
nagpapa-pansin lamang ako pero ayos lang iyon. Alam ko kasi na sa bawat
sampung langgam na nakaka-alam ng kwento ko ay merong isa man lang na
naniniwala sa akin. Marahil ito na ang kahulugan ng aking buhay – ang ipaalam
sa lahat na totoong may Panginoon at walang imposible basta’t huwag tayong
mawawalan ng pag-asa at tiwala sa Kanya. Patuloy kong paninindigan ang aral
na natutunan ko at patuloy ko itong ipamamahagi sa iba. Ano naman ngayon kung
maraming hindi naniniwala? Ang mahalaga, nagiging instrumento ako ng upang
pagtibayin ang ispiritwal na askpekto ng mga naniniwala sa aking kuwento