Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Botigues Integrated School

Botigues, Bantayan, Cebu

PANIMULANG PAGTATAYA SA FILIPINO 8


UNANG MARKAHAN

PANUTO: Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?


a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na
pamumuhay.
b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang-isip na pumapaksa tungkol sa mga pinagmulan.
c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang
nilalang.
d. Ito’y kwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa.
2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa loob ng kahon. Ano ang kapuna-puna sa pangyayari?
a. Makatotohanan b. kapani-paniwala c. posibleng maganap d. di kapani-paniwala
“Huwag kang makialam matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming
magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na magtawanan ang mga
kabataan.
“Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. Mula
ngayon, kayo ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga kabataan ang isnabi ng
matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikhikan. Hindi nila namalayan na unti-
unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay nagging ganap na bubuyog.
Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzzzzzzz, bzzzzzzzzz.
Bzzzzzzzzzzzzzz.
Halaw sa Alamat ng Bubuyog

3. Ano ang pinakapakahulugan ng salawikaing “ Anoman ang tibay ng piling abaka ay wala ring
lakas kapag nag-iisa?”
a. Pakikisama b. pagtitiis c. pagkakaisa d. pakikipagkapwa
4. Matatapos na ang inyomg breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyog silid-aralan
sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di
inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase.
b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag-aral.
c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siyas a clinic para mabigyan ng paunang lunas.
d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaalam ang kanyang nasaksihan.
5. Usong-uso sa mga kabataan ang fliptop. Nais mong maging “in” sa bagong henerasyon na iyong
kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong
ibabahagi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa karunungang-bayan ng ating panitikan.
b. Gayahin ang istilo ng isang sikat na rapper.
c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay na bumuo nito
d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video
6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sap ag-asam ng isang mabuting buhay para sa
kanyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng salitang may salungguhit?
a. Siya b. malayo c. namatay d. pag-asa
7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano
ang binibigyang turing ng salitang tanghali?
a. Palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa

Basahin ang liham at sagutin ang mga tanong sa bilang 8-10.


1809 Herrera St. Poblacion
Lungsod ng Makati
Ika-7 ng Disyembre, 2012

Mahal Kong Kaibigan,

Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat d-gaanong masaya
ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang
aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa ain bukod sa mas
mahaba ang pagdiriwang, mayroon pang iba’t ibang activities saan ka man pumunta.
Ganoon pa man, tulad mo ang ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang
aking mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon.

Hanggang sa muli.

Ang iyong kaibigan,


Noreen

8. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong masaya masaya ang pagdiriwang
mg Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking
pinapasukan? Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap?
a. Naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b. Nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon
9. Ano ang tinutukoy ng salitang may salungguhit sa loob ng liham?
a. Lugar b. panahon c. paraan d. pagsang-ayon
10. Ganoon pa man, tulad mo ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang
aking mga mahal sa buhay. Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan?
a. Pasko b. mahal sa buhay c. sa bahay d. tawagan
11. Uri ng dula na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa dagat.
a. Duplo b. karagatan c. pamanhikan d. Hueo de Prenda
12. Alin sa mga dulang patula ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa
palad ng sinumang nahatulang parusahan?
a. Huego de Prenda b. pamanhikan c. karagatan d. duplo
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag?
a. Sumakabilang buhay para sa namatay c. buto’t balat para sa payat
b. Magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa d. papatay-patay para sa hipong tulog
14. Ayon sa pagkakasalaysay,a ng uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang
pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon, saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang
paksa o isyu.
a. Tula b. sanaysay c. dula d. maikling kuwento
15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya?
a. Nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b. Madalas na itinatanong sa pagsusulit
c. Nagbibigay daan upang matandaan ang mga detalye
d. Susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya
16. Paano mo malalaman na haiku ang tula?
a. Isang uri ng tula na may lima-pito-lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod
b. Tula na may 14 na taludtod
c. Tula na may 12 sukat
d. Tula na may 12 sukat ang bawat taludtod
17. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku?
a. Tula na may 4 na taludtod, binubuo ng piting pantig at naglalaman ng isang diwa ng makata
b. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong
c. Tula na may sukat at tugma
d. Tula na may 6 na taludtod sa bawat saknong
18. Kalian masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. May ina, ama at mga anak c. nakatira sa maayos na bahay
b. May masaganang pamumuhay d. may pagmamahalan at respeto sa bawat isa
19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. Magiging mapanagutang mamamayan
b. Magiging sikat na mamamayan
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
d. Maayos ang pagpapalaki sa kanila
20. “Ilang gabi nang ako ay kapiling na sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang
dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…”
Ano ang nais ipahiwatig ng sitwasyon?
a. May problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
b. Isang sanggol sa piling ng isang ina
c. Nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. Binabalikan ang mga pangayayari

You might also like