Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SURING PELIKULA

"The How's of us"

Ang the Hows of Us ay isang 2018 na romantikong pelikulang romantikong


Pilipino na pinamunuan ni Cathy Garcia-Molina at pinagbibidahan nina Kathryn
Bernardo at Daniel Padilla. Kinilala sila bilang Phenomenal Box Office Stars at
binigyan ng Golden Jury Award at parangal sa 50th Guillermo Box Office
Entertainment Awards at natanggap ang prestihiyosong Camera Obscura Award
para sa kahanga-hangang tagumpay nito sa buong mundo.

Ang kwento ay tungkol sa isang batang mag-asawa ay nangangarap na


tumanda nang magkasama habang hinaharap nila ang mga pakikibaka ng pagiging
nasa isang pangmatagalang relasyon at Kuwento ng mag-asawang Primo (Daniel
Padilla) at George (Kathryn Bernardo) na nasa isang pangmatagalang relasyon at
binubuo at pinaplano ang kanilang hinaharap na magkasama. Ang kanilang pag-
ibig ay susubukan sa pagsubok habang ang kanilang relasyon ay nahaharap sa
mga hadlang - mula sa hindi pagkakaunawaan hanggang sa iba't ibang mga landas
sa karera, bukod sa iba pa.

Nag simula Ang kwento ng Masaya ang pagsasamahan ni George (Kathryn


Bernardo) at Primo (Daniel Padilla), maligayang nangangarap, at buong pag-asang
matatamo ang mga ito. Tanggap ng pamilya ni George si Primo, lalo na ng
kinalakihan niyang Tita Lola, kung kaya naman sa kanilang dalawa rin mismo
ipamamana ng matanda ang bahay nito sa kanyang pagpanaw. Bigo si Primong
matupad ang kaniyang pangarap na maging sikat na musikero at maisalba ang
kanilang banda kung kaya’t isa-isa na din siyang iiwanan ng mga ka-banda niya.
Didibdibin ito ni Primo at malulugmok siya sa depresyon habang hirap na hirap
namang aagapay sa kanya si George sa kabila ng pagsusumikap nitong
magtrabaho at mag-aral para maging isang doktor. Aabot sa sukdulan ang pagod
at pagtitiis ni George sa pinapasan, kung kaya’t sa ika-pitong taon ng kanilang
relasyon ay galit at luhaan niyang palalayasin si Primo sa kanilang bahay. Ang
paghihiwalay nila ay tatagal ng dalawang taon. Makakaahon kaya si Primo sa
kanyang pagka-palalo at makasarili? Matututo din kaya si George sa kanyang
pinagdadaanan?

Naging Makinang ang pelikula, maayos ang kaaliw-aliw na dialogue na mahusay


namang nai-deliver ng lahat ng mga nagsiganap. Akma sa kuwento
ang production set, kabilang na ang minanang lumang bahay at ang mga eksenang
kinunan sa Amsterdam. Pero hindi malaking hamon ang papel nila Padilla at
Bernardo — kung baga, de kahon na ang ganoong klase ng pag-arte nila pagka’t
sanay na sanay na sila sa pagiging magkatambal sa mga rom-com. Sa kabila ng
talinong nasasalamin sa mga mahahabang linyang binibigkas ng mga tauhan, hindi
pa rin gaanong umangat sa karaniwang romantic comedy ang The Hows of Us.
Hindi nakakaantig damdamin ang mga luha ni Bernardo at Padilla pagka’t
nangingibabaw pa rin ang kagustuhan ng pelikula na mangiliti. Sa pagpa-“pakipot”
ni George at sa sobrang pagka-bilib-sa-sarili ni Primo, mapapailalim ang
makabuluhang mensahe ng pelikula na dapat sana'y sinisiryoso ng manonood.

Ang magandang hatid ng The Hows of Us ay ang kahalagahan ng


pananagutan tungo sa ikabubuti ng isang relasyon. Tampok din ang
pagpapakasakit para sa mga minamahal sa buhay, at ang pagsusumikap upang
maabot ang pinapangarap.

Bukod sa pagsasama nila George at Primo sa ilalim ng iisang bubong — at


lumalabas pang kunsintidora ang matandang nagpamana ng bahay sa kanila —
wala ni pahapyaw na pag-uusap tungkol sa matagalang relasyong binasbasan ng
kasal. Mababaw ang kanilang mga pangarap — magtagumpay sa napiling karera,
magkamit ang maginhawang pamumuhay, at maging maligaya. Ang pakikipag-
relasyon sa tunay na buhay ay hindi larong bahay-bahayan lamang. Higit na
magbubunga ng mabuti ang isang pagsasama kung itó’y isinasabuhay nang
naaayon sa kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan.

You might also like