Professional Documents
Culture Documents
1 2 Mga Kasanayan Sa Mapanuring Pagbasa Print
1 2 Mga Kasanayan Sa Mapanuring Pagbasa Print
1 2 Mga Kasanayan Sa Mapanuring Pagbasa Print
Ang mapanuring pagbasa ay pagsisiyasat ng isang tekstong babasahin. Mahalaga ang bagay na ito ang
tamang uri ng tekstong babasahin. Kailangan rin ito ngayon dahil may mga bagay na kumakalat na sa
ating panahon katulad na lamang paano mo mapapatunayan na tama ang mga sagot na nakuha mo sa
internet. Sa bagay na ito kailangan mo ng mapanuring pagbabasa upang sa ganun madali mo na itong
maidedefine kung may katotohan ito o wala. Mapanuring pagbasa ito ay pagbabasa na sinusuri ang
mga lingwistikang ginagamit ng makata sa kanyang akda.
Mapanuring pag-iisip ay ang pagsusuri ng panitikan kung ano ang nilalaman ng panitikan:
banghay,elemento at mga katangian ng tauhan.
Mapanuring mambabasa ay pagsusuri sa panitikang nabasa kung ano ang mga teoryang pampanitikan
ang napapaloob dito. Kung naapektuhan ba ang damdamin ng mambabasa at natutu mula sa binasa.
Pagbasa - Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Anderson, et.al.
Kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo
ng kahulugan. Wixson, et.al
Intensibo
Pagsusuri sa kaanyuhang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estraktura upang maunawaan
ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda. Douglas Brown (1994)
- detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito
susuriin o narrow reading (piling babasahin sa isang paksa) Long at Richards (1987).
Ekstensibo
Isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. Douglas Brown
(1994)
Kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kanyang interes na hindi
itinakda sa anomang asignatura, upang makuha lamang ang “gist” o pinaka-esensya at kahulugan ng binasa.
Long at Richards (1987)
Scanning – mabilisang pagbasa ng isang teksto upang hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda
bago bumasa. Hal. Pangalan, petsa, simbolo, larawan.
HALIMBAWA
Skimming – mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung ano ang
pananaw at layunin ng manunulat. Ginagamit kung may pangkalahatang tanong tungkol sa isang akda. –
bahagi ng sq3r method.
HALIMBAWA:
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Pangkasiyahan
Pangkaalaman
Pangmoral
Pangkapakinabangan
Pangkasaysayan
Pangkultural
Pampaglalakbay-diwa
Antas ng Pagbasa
Ayon kay Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa kanilang aklat na How to
Read a Book ay may APAT NA ANTAS ang PAGBASA.
Primarya o Batayang Antas - Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting o lugar o mga
tauhan sa isang teksto.
Mapanuri o Analitikal na Antas - Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Pagkilatis sa kahalagahan,
Pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, katotohanan o opinion ang nilalaman.
Sintopikal na Antas - Binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang SYNTOPICON na inimbento at ginamit nya
sa aklat na A Syntopicon: An Index to The Great Ideas (1952) na nangangahulugang “koleksiyon ng mga
paksa”. Pagsusuri at paghahambing sa iba’t ibang teksto na magkakaugnay.
Asimilasyon - integrasyon – pagtukoy sa uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may akda upang
ipaliwanag ang kanyang kaisipan.
Mga tanong
Mga isyu – iba’t ibang suliranin at sitwasyon
Kumbersasyon – pag-uusap
1. BAGO MAGBASA
2. HABANG NAGBABASA
Biswalisasyon ng binabasa
Pagbuo ng koneksiyon
Paghihinuha
Pagsubaybay sa komprehensiyon
Muling pagbasa
3. PAGKATAPOS MAGBASA
Pagtatasa ng komprehensiyon – pag-unawa sa binasa.
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat
na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian
ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na
batay sa obserbasyon at eksperimento.
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng
ating bansa.
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa
akin, sa ganang akin
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
3. Para sa akin, si Pangulong Duterte ang kaisa-isang pangulo na sumugpo sa korupsiyon at droga sa
gobyerno ng Pilipinas.
PARAPHRASE
muling pagpapahayag ng ideya ng may akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin
ito para sa mambababasa.
ABSTRAK
isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na
disiplina o larangan.
REBYU
isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at
anyo ng pagkakasulat nito.
1. Biyograpiya
2. Impormasyon sa diksyunaryo, encyclopedia, o almanac
3. Papel pananaliksik
4. Journal
5. Siyentipikong ulat
6. Balita sa diyaryo
Sanhi at Bunga
Paghahambing
Pagbibigay Depinisyon
Paglilista ng Klasipikasyon
Layunin nitong maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging OBHETIBO o SUHETIBO, gumagamit din ng tono at paraan
ng paglalarawan.
Espisipiko at may konkretong detalye upang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o paksa na
inilalarawan.
- Isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa
manunulat hinggil sa isang isyu.
Malalim na pananaliksik.
Patalastas - Ito ay isang paraan ng panghihikayat sa mga mamimili o customer upang tangkilikin ang isang
partikular na produkto o serbisyo.