Mga Tuntunin NG Pagsali Sa Timpalak at Panuntunan NG Paghahatol

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA TUNTUNIN NG PAGSALI SA TIMPALAK AT PANUNTUNAN NG PAGHAHATOL

I. TIMPALAK SA PAG – AWIT (POP)


 Bukas ang patimpalak para sa mga mag – aaral ng SLMSM
 Isang kalahok lamang sa bawat baitang
 Ang mang-aawit ay malayang makapili ng piyesang aangkop sa kanyang boses.
 Ang bawat kalahok ay malayang gumamit ng “minus one” para sa napiling awitin.
 Ang aawitin ay kinakailangang “Original Pinoy Music” (OPM)
 Ang magsisilbing panununtunan ng paghahatol ay ang mga sumusunod:

Tono ---------- 30%


Teknik o Istilo ---------- 20%
Showmanship ---------- 20%
Kahirapan ng Piyesa ---------- 20%
Anyo sa Entablado ---------- 10%

Kabuuan 100 %

 Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring mabago.

II. VOCAL SOLO CLASSICAL


 Bukas ang patimpalak para sa mga mag – aaral ng SLMSM
 Isang kalahok lamang sa bawat baitang
 Ang mang-aawit ay malayang makapili ng piyesang aangkop sa kanyang boses.
 Malaya ang kalahok na gumamit ng “minus one”, gitara o piyano.
 Ang magsisilbing panununtunan ng paghahatol ay ang mga sumusunod:

Tono (katangian ng boses) ---------- 30%


Musicianship (interpretansyon, himig, tempo) ---------- 20%
Piyesa (uri at akma sa mang – awit ---------- 20%
Kahirapan ng Piyesa ---------- 20%
Anyo sa Entablado ---------- 10%

Kabuuan 100 %

 Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring mabago.

III. FILIPINO DEKLAMASYON


 Bukas ang patimpalak para sa mga mag – aaral ng SLMSM
 Kinakailangan may isang kalahok sa bawat baitang
 Ang piyesang pinili ay angkop, hindi masyadong bulgar, at dapat ito ay may kapupulutan
ng aral.
 Ang piyesa ay di dapat patungkol sa mga taong may kapansanan o panggagaya ng kilos
o “mannerism” na makakalikha ng katatawanan sa mga taong nakakaranas nito.
 Dapat may kaangkopan ang kasuotan na gagamitin.
 Ang piyesa ay hindi kukulangin ng 5 minuto at hindi lalagpas sa 7 minuto.
 Ang magsisilbing panununtunan ng paghahatol ay ang mga sumusunod:

interpretasyon ---------- 35%


Tindig at tikas ---------- 20%
Nilalaman ng Piyesa ---------- 20%
Kaangkupan ng tinig ---------- 20%
panghikayat sa madla ---------- 5%

Kabuuan 100 %

 Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring mabago.


IV. MASINING NA PAGKUKWENTO
 Layunin ng patimpalak na pasiglahin ang sining ng pagkukwento gamit ang Wikang
Filipino bilang midyum sa isang paraang pupukaw sa interes o hilig ng mga mag – aaral
sa pagbabasa.
 Bukas ang patimpalak para sa mga mag – aaral ng SLMSM
 Kinakailangan may isang kalahok sa bawat baitang
 Ang paggamit ng props, musika/sound effects at espesyal na kasuotan ay mahigpit na
hindi pinapahintulutan.
 Dapat may kaangkopan ang kasuotan na gagamitin.
 Ang pakukwento ay hindi hihigit sa walong (8) minute.
 Ang pamantayan sa paghahatol:

Paraan ng Pagkukwento ---------- 30%


- Interaktibong pagkuwento
(Casual, relaxed, conversational)
Karakterisasyon ---------- 20%
Dating sa tagapakinig -----------20%
Tinig at kilos -----------20%
Kwentong Napili -----------10%
(Pagkakasaulo)

Kabuuan 100 %

 Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring mabago.

V. MADAMDAMING PAGBIBIGKAS NG TULA (SPOKEN POETRY)


 Bukas ang patimpalak para sa mga mag – aaral ng SLMSM
 Kinakailangan may isang kalahok sa bawat baiting
 Ang deliberasyon ng piyesa ay hindi dapat bumaba sa limang minute at hindi tataas sa
walong minute.
 Dapat angkop ang piyesang gagamitin.
 Ang magsisilbing panununtunan ng paghahatol ay ang mga sumusunod:

Piniling Kwento (Piyesa) --------- 20%


Paglalahad sa Madla (na may damdamin) --------- 20%
Kaangkupan ng tinig ----------20%
Gramatika ----------20%
Yaman ng bokabularyo --------- 10%
Panghikayat sa Madla --------- 10%

Kabuuan 100 %

 Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring mabago.

Sa iba pang mga katanungan hanapin lamang si:

G. RALPH RAVEN N. MUPADA

You might also like