Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Guro: G. John Paul E. Aquino Markahan: Una


Antas: 10 Petsa: ika-
Pangkat: Oras:

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
(Panitikang Mediterranean)
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa
alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
1. F10PN-Ib-c-63 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
II. PAKSANG ARALIN
A. PANITIKAN: Ang Tusong Katiwala (Parabulang Naganap sa Syria)
GRAMATIKA: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
B. SANGGUNIAN: CG Filipino, Batayang aklat, internet
C. MGA KAGAMITAN: Laptop, Pisara, telebisyon
III. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL
Parabula
 Pagpapasagot mga mag-aaral sa kanilang kaalaman ukol sa Pagkakatulad at
Pabula
pagkakaiba ng PABULA at PARABULA sa pamamagitan ng Venn Diagram.

B. PAGGANYAK
 Ang guro ay mag-iisa-isa ng ilang kilala Parabula at tutukuyin ng mga mag-aaral aral na makukuha sa
bawat parabula.
Hal. Ang Alibughang Anak, Ang Mabuting Samaritano atbp.
C. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN
 Bibigyang tuon ng mga mag-aaral ang inilahad na katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal
sa Parabulang ibinigay.
D. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN
 Pagsasagawa ng Gawain 1: Larawan ng buhay p. 45 (sa pamamagitan ng Silent Movie)
 Gawain 2: Bawat Pangyayari Mahalaga pp.45-46 (sa pamamagitan ng Pantomime)
 Gawain 3:Isalaysay ang nangyari (sa pamamagitan Tableau)
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN:
 NAILAHAD ANG TUMPAK NA ARAL SA PRESENTASYON – 3 puntos
 PARTISIPASYON NG GRUPO – 1 puntos
 PAGSUNOD SA ITINAKDANG ORAS – 1 puntos
5 puntos

E. PAGLALAPAT
 Mula sa mga kilalang parabula gaya ng Ang Alibughang Anak ang aral sa parabula ang inyong
ibabaon sa pang-araw-araw ninyong pamumuhay.
F. PAGLALAHAT
 Bakit kinakailangan natin sa buhay ang magbasa ng Parabula?

G. EBALWASYON
- Ibigay ang inyong natutunan sa araw na ito gamit ang EXIT CARD.
IV. TAKDANG ARALIN
Basahin ang LINANGIN: Ang Tusong Katiwala pp. 47-48
V. Mga Tala
_____Natapos ang aralin at maaari nang magpatuloy sa susunod na aralin.
_____Hindi natapos ang aralin dahil sa kakulangan sa oras.
_____Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasiyon ng mga napapanahong mga pangyayari.
_____Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming ideya ang gustong ibahagi ng mga mag-aaral patungkol sa
paksang pinag-aaralan
_____Hindi natapos ang aralin dahil sa pagkakaantala/pagsuspindi sa mga klase dulot ng mga gawaing pang-
eskwela/mga sakuna/pagliban ng gurong nagtuturo.

Iba pang mga Tala:


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY
_________ A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
_________ B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
_________ C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
_________ D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

Inihanda ni : G. JOHN PAUL E. AQUINO


Guro sa Filipino 10

Iwinasto ni: GNG. PAULINA C. CAS Pinagtibay ni: JOSEFINA A. BRIÑAS


Head Teacher III Principal IV

You might also like