Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tungkulin at Gamit ng Wikang Filipino sa Iba't Ibang Larangan

Presentasyon nina Kathleen Mae E. Vista at Sharamie Jewel P. Poncian

Kwentong Barbero
Barbero Noon: Isang manggugupit ng buhok ng mga kalalakihan
Barbero Ngayon: Isang tao na mahilig gumawa ng kwentong wala namang katotohanan o maaring ang ilan ay totoo ngunit
ito ay mayroon ng dagdag o bawas
Kwentong Barbero = Kwentong hindi totoo at inimbento lamang
Usapang Barbero = Trash Talk = Usapan ng mga barbero na nagbibiruan o nag-uusap ng wala namang laman ang pinag-
uusapan kundi mga nakakatawa o payabangan lamang na pabiro

Balitang Kutsero
Kutsero: Tawag sa taong nagmamaneho ng kalesa
Kalesa: Isang sasakyan na kung saan meron itong karwahe na hinihila ng isang kabayo
Balitang Kutsero = Impormasyon na nagpasalin-salin ngunit walang nakakaalam kung saan ito nagmula
 Ito ang pagsasabi ng isang impormasyon na walang matibay na ebidensiya na maaari ding walang katotohanan o
ito ay gawa-gawa lamang.

Umpukan
Umpukan = Usapan, katuwaan, at iba pa sa malapitang salamuhaan
 Ito ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon.
 Ito ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga magkakakilala para mag-usap nang magkakaharap.
 Mga Kalahok sa Umpukan:
1. kusang lumapit para makiumpok
2. di-sadyang nagkalapit-lapit
3. niyayang lumapit
Usisero: Hindi kakilalang lumapit na ang tanging magagawa’y manood at makinig sa mga nag-uumpukan
 Kung siya ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga nag-uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida.
 Walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan:
1. buhay-buhay ng mga tao sa komunidad
2. magkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan
3. mga bagong mukha at pangyayari sa paligid

Umpukan ng Kalalakihan (Tagayan)


Tagayan: Istoryahan ng buhay-buhay ng mga magkakaibigan
 Ito ay isang uri ng pagbabahaginan ng mga ideya, paniniwala, kwento, balita at marami pang iba ng mga
kalalakihan kung saan ang usapan ay walang maayos na daloy dulot ng kalasingan.

Umpukan ng Kababaihan (Tsismisan)


Tsismisan: Istoryahan ng buhay-buhay ng mga kababayan
 Ito ay isang uri ng pagbabahaginan ng impormasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang makakilala o
magkapalagayang-loob kung saan ang katotohanan ay di-tiyak.
 Ang tsismis ay maaaring:
1. totoo
2. bahagyang totoo
3. binaluktot na katotohanan
4. sariling interpretasyon sa nakita o narinig
5. sadyang di-totoo
6. inimbentong kwento
 Ang tsismis ay mauri sa pinagmulan:
1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsinitsismis
2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapwa
3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang madla

You might also like