Mabuhay Ka

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 76

MABUHAY KA, ANAK KO

Cambodia

Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang


nakahiga’y namalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng
nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw.
Tiningnan ko ang aking relo. Alas singko ng umaga. Bumangon ako, dumungaw
sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka. Ang kalye ay
bumabaha sa tao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang
liwanag ng bukang-liwayway. Waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa.
Abril 17, 1975 noon, napagtanto kong patapos na ang digmaang-bayan.
“Thay, dear?” Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim. Siguro’y
pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksiyon ko. “Dali ka, Any.” Hindi ako
nakaramdam ng takot, bagkus ay tensiyon na pinatitindi ng kaalamang oras na
para kumilos. Kailangang kumilos kami agad para maiwasan ang labanan.
“Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.”
Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo’t nagbihis;
maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang wagwag ng kanyang
ulo’y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat. “Ano’ng mangyayari?”
tanong niya. “Huwag kang mag-alala,” sabi kong nagmamadaling pumunta sa
sala para kunin ang mga gamit namin. “Mahihirapan tayo sa umpisa, pero
magiging normal din ang lahat.” Nagising sa boses namin ang mga bata.
Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakatatanda – ang siyam-na-taong
si Sudath at si Nawath na limang taon – sa loob ng dalawang kuwartong
apartment na bumubuo ng lugar namin sa bahay ng aking biyenan.
“Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa
bayan bago makarating dito ang sundalo.” “Nawath!” tawag ni Any. Narinig ni
Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno ito kay Sudath sa kama. “Nawath,
lalapit ka pag tinatawag ka!” muling taway ni Any na lalong nilakasan ang
boses. Kung minsa’y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pero talagang
malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan nang kaunti. Nahagip niya ang
papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi ang pag-angal nito.
Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na
nagpalinga-linga. “Sige na, Sudath,” sabi ko sa panganay na lalaki. “Magbihis
ka na. Hindi mo ba nakikitang nagmamadali tayo?” Hindi naman mahirap
balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula
nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang
limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer
Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol.
Hinihintay na lang namin kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer
Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na
giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling
tamaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at
nakipagkasundong magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong
si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon.
Pinuno na namin ng gasolina ang lahat ng kotse. Wala na kaming dapat gawin
ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga
alahas ni Any, ang mga naipon namin at ang aking mga dolyar – talong libong
lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para
makarinig ng mga balita – at isang casette recorder na may kasamang
reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa
propesyon – mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng
lupa, isang diksiyunaryong French-English, at mga bolpen at papel. Sipa ng sipa
si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandali ring iyon,
pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong
handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni
Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at
kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin – mga libro, relo,
pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo – at minsan ko pang tiningnan
ang paligid, iniisip kung mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking
pamilya. Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon
Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge. Inapura ko ang aking pamilya
para sumama na sa mga magulang ni Any na noo’y sakay na ng kanilang
Austin. Ikinarga ko ang mga bagahe namin sa aking Fiat, habang isinisigaw ang
mga habilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad – ratatat ng machine gun,
pagsabog ng mga bomba sa malayo, at patuloy ba andar ng mga sasakyan.
Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang
agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang
puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling-
araw. Ang ilang pamilya’y naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga
bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang
mga ina. Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit
kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga
nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man
lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayari noong nagsisikip ang trapik
sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakararaan. Mayroon pang ilang
grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-
tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga riple, walang takot na
nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera. May isandaang yarda na
ang nalalakad namin, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang
makarinig ako ng isang pagsabog. Sa gawing kanan ko, sa may kantong
malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto
pa’y dumating ang mga ambulansiya at bumbero, nagtutunugan ang mga
kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan
at wala kaming nagawa kundi tumigil muna. Sa kabila ng pagmamadali ng
mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan, nadama
kong malayo kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taon ng
digmaang-bayan at sa kabila ng mga babala ng aking ama ukol sa kalikasan
ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng
nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan. Buhat ako sa
Oudong, isang nayong may dalawampu’t limang milya ang layo sa hilaga ng
Phnom Penh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na
negosyante. Hindi siya mayaman – tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming
may bubong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa – ngunit mataas ang
pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang
magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng
magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako’y
edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa matematika sa buong bansa. Hindi
ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga
taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon.
Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang aming pinunong si Prinsipe
Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring
napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa
pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia. Bilang isang matalinong
estudyante, naging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa.
Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Canbodian,
ngunit naging sentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa
Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya.
Bumalik ako sa Cambodia noong 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho
ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary.
Tulad nang karaniwang nangyayari sa mga bagong kasal, tumira kami sa
bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamang
opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak
ang panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon
sa isang magandang kinabukasan. Gayunman, kung babalikan ko ang
nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa
paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at
umugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang
lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin
ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang makapangyarihang
kapitbahay, lihim siyang nakipagkasundo na magagamit ng mga North
Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa
paghahatid ng mga sundalo at armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng
pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na
niyutralidad ng Cambodia. Bilang reaksiyon sa mga pangyayaring ito,
sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga
rebeldeng Khmer Rouge, na ang karamiha’y pinangungunahan ng mga
intelektuwal na nag-aral sa France. Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming
buhay. Ako mismo’y maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko
ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay namin ang pagsilang ng
aming pangalawang anak, nagsakit ng hepatitis si Thary na noo’y beinte kuatro
anyos lang. Hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang
manganak siya. Isang taon ko siyang ipinagluksa. Umasa na lamang ako sa
dalawang nakababatang kapatid ni Thary: si Anyung, beinte uno, at lalo na kay
Any, disinuebe, sa pag-aalaga kay Sudath habang ako’y nasa trabaho. Nang
lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay
Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at
balingkinitan ang katawan. Sa edad na beinte, naging kaligayahan na niyang
balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na parang sariling
anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si
Nawath. At noong 1973, si Staud naman. Noong mga unang taon ng dekada
sitenta, nataas ako ng puwesto at naging direktor ng Department of New Works
and Equipment sa ministri. Ang posisyong ito ang nagbigay sa akin at sa aking
pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampulitika at pangkabuhayan
na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any
kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin niya
inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay, masyado
kaming kampante, tulad ng iba panag kakilala ko. Naging kapansin-pansin na
ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahiil sa naging patakaran
ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North
Vietnamese sa bansa – humigit-kumulang sa apatnapung libo – kaya ipinag-
utos ni Presidente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na ekstensiyon
ng dimaang sa huli’y makakasira sa kanya at sa amin. Taliwas sa inaasahan ang
naging epekto ng mga pagsalakay – lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga
komunista sa Cambodia. Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong
Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at
palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Sihanouk patungong Peking, at
ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer
Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga
rebelde na karamiha’y binubuo ng mga magsasaka, at hindi na niya
binigyang-halag ang ideolohiyang komunista ng mga ito. Sa simula’y malaki
ang pag-asa namin kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging
malinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili.
Inatake siya at naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa
kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang lakas.
Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North Vietnamese at Khmer
Rouge sa kabila ng tulong ng Estados Unidos. Walang nakinabang kundi Khmer
Rouge na tinatangkilik ng mga Intsik. Bumagsak ang bansa sa isang
pangkalahatang digmaang-bayan. Sinabayan ito ng nakasasakal na inflation
na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang bansa na magtago ng
salaping dayuhan, lalo na ng dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit
ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975. Kakatwang kaming mga
propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni
Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa
mga hindi maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang
kanilang programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni
Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa halip,
gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng “Ang mga
mamamayang Cambodian,” “Pambangsang Kalayaan,” “Kapayapaan,”
“Niyutralidad,” “Kalayaan,” at “Demokrasya”. Ako ma’y sumapi na rin sa
oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees
Club, isang propesyonal na may magkakaparehong kaisipan – mga opisyal ng
mga gobyerno, propesor sa unibersidad, mga opisyal, at ilang oposisyonistang
pulitiko. Laban kami sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol,
ngunit wala kaming tinatangkilik. Itinuturing naming ang mga Amerikano ay
magkahalong biyaya – laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang
bulok at walang-silbing si Lon NoI. Ibig naming magkaroon ng isang
pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang
koalisyong pamahalaan, kasama na ang Khmer Rouge. Naniniwala akong higit
sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtataguyod
sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil
nakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa
siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas kong siyang
sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginigiit ko pang nabubulagan
lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sarilingtauhan
sa mga gerilya si Sihanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong
pumapatay ng mga kababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring
komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin.
Noong mga unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na
mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na
magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag ng isang
bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa
solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-isa ng Abril, nahikayat
umalis si Lon Nol, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos
na kasunduan. Naiwanan ang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long
Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang dating
rehimen. Isa lamang akong karaniwang inhinyero. Hindi namin kailangang
umalis nang bansa. Hinintay ko ang pagtatapos ng digmaan at umasang
magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia. * * * Sa
kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago namin nalakbay ang
dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar
malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng
Phnom Penh – malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at
magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na
ito, may sapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang
pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng
mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan
iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng
bansa ang asawa’t anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan.
Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin,
ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan.
Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak – si Oan at ang dalawa
niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking
dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamilya nila, at ang
aming mga magulang – tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin,
tuwang-tuwa nang makita kami. May isang oras na sila roon at nag-aalala na
sa amin. Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda
ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vuoch na
nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawampu’t isa, ang intelektuwal
ng pamilya. Nasa ikatlong taon na siya sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya
na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang
simpleng pananamit at mabigat na pagsasalita, wari’y determinadong takasan
ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki.
Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kung
nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako
ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika. May bukas na radyo sa isang
mesa, pero walang balita, puro tugtog militar. Tinanong ako ng kapatid kong
lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang
taon lang ang kabataan sa akin ni Theng, may asawa siya at tatlong anak,
dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga
usaping pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa kanya, kundi dahil
sa posisyon ko sa ministri. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang
namin, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa
katawan niya kaya mas napakikinabangan siya kung mabigat na trabahong
dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre ‘yan ng mga
opisyal ng magkabilang panig… “E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?” sabat ni
Vouch. “Nakapagtataka nga,” sabi kong hindi tumitingin sa kanya para
makaiwas. “Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at
magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe
Sihanouk. Makikita mo.” “At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin
ang mga dating pagkakamali niya.” Bahagyang katahimikan ang nagdaan.
Para maputol ito, may isang nagsabi: “ Ano sa palagay mo, Sarun?”
Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siya noon bago
maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon
na ang nakararaan. Hindi na siya katulad ng dati. Dati’y masayahin siya at
mapaglaro, ngayo’y lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay
mahiyain siya na pang bata, pero minsa’y galit na galit o nagsasalita ng mga
bagay na walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pa’y naalis siya sa
eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit. Ang hindi nagbago sa kanya’y
ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na
babaing si Srey Rath. “Ano sa palagay ko?” ani ni Sarun sa dating matamlay na
ngiti. “ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli ‘yung
dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?” Naniniwala siyang naging
biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang
tungkol doon. Ngumiti ako’t nagkibit-balikat. “Ano ang inginiti-ngiti mo riyan,
Thay?” tila nanunumbat ang boses ni Keng mula sa kusina. “Siguradong
mababalik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede
bang tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.” Bilib kaming lahat kay Keng.
Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga. Noon
dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na para bang kababalik mula
sa pamamasyal sa buong bayan. “Sim!” tawag ni Oan na gulat na gulat. “Ba’t
nag-iisa ka? Nasa’n ang mga magulang mo?” “Wala pa ba sila dito? Akala
ko’y …” napahinto siyang nakasimangot. “Halika na, Sim,” sabi ng tatay ko ko
na kilalang-kilala si Sim mula pagkabata. Disiotso na si Sim at nasa haiskul, pero
hindi siya matalino. Wala siyang ginawa kundi maglakwatsa kasama ng mga
kaibigan. “Akala ko’y naririto na sila, tiyong. Nanood ako ng nasusunog na
bahay, tapos, hindi ko sila makita kaya nagpunta na ‘ko rito. Aalis uli ako’t
hahanapin ko sila.” “Loko ka ba, tumigil ka na lang dito. Hindi sila maaano.
Peligroso nang lumabas uli.” Doon nga kami pumirmi, paupu-upo kahit saan,
pakain-kain ng kanin, ulam at prutas na inihanda ni Any at ng iba pang nasa
kusina. Pinag-usapan namin ang mangyayari sa kabila ng ingay ng mga
nagsisitakas sa labas at ng tugtog ng radyo. Inulit ko ang paniniwalang
magkakaroon ng solusyong pulitikal. Karaniwang umaayon o nananahimik lang
ang iba. Kapag tutol si Theng, lalong maraming angal ang isa ko pang kapatid
na si Thoeon. Hindi siya lumaki sa amin, Nakisama siya sa kanyang mga biyenan,
kaya medyo malayo ang kanyang loob. Sumasali rin sa usapan si Vouch.
Samantala’y nanonood lang si Any, tahimik at minamasdan kung sino ang
nagsasalita, na karaniwan niyang ginagawa kapag maraming tao. Bahagya
ring sumasali si Oan kahit nasa bahay niya kami. Mayaman nga siya pero hindi
siya gaanong matalino. Sinuwerte siyang makapag-asawa ng may-kaya – may-
ari ng ilang sinehan ang biyenan niyang lalaki. Ngunit hindi madaling
papaniwalain ang aking ama. Paulit-ulit ang babala niyang komunista ang
Khmer Rouge. Mataas siya, malakas at may matatag na pagkatao, gayundin
sa pangangatwan. Hindi siya masalita at inirerespeto siya sa kanyang
paniniwala. Pero naiinis ako sa mga prediksiyon niya. Narinig ko noon. Paulit-ulit
ko nang nasabi sa kanyang walag dapat ipag-alala. “Tsismis lang ‘yan, ‘tay,
propaganda,” sabi kong hindi ipinahahalata ang pagkainis. “Wala namang
binabanggit tungkol sa komunismo ang kanilang programa. Kaibigan ko ang
ilan sa mga taong iyon. Hindi sila magsisinungaling. Bakit pa? Mayaman ang
ating bansa. Hindi nila kailangang gumawa ng kalupitan para pakainin ng
taumbayan.” Tumahimik ang aking ama. Ang aking naman ang nagsalita.
Mukha siyang mahina, maliit, kung ikukumpara sa mga anak niyang babae.
Buong buhay niya’y nagugol sa pag-aalaga sa pamilya sa nayon. Pero kung
narinig mo siyang magsalita, mahuhulaan mong sa kanya nagmana si Vouch.
“Igalang mo naman ang tatay mo, Thay,” aniyang mahina pero matigas.
“Nakausap namin ang mga taong nagsisitakas, napatay ang kanilang pamilya,
sinunog ang kanilang mga bahay. Malupit ang Khmer Rouge. Komunista sila,
gaya ng mga tauhan ni Mao sa China. Kapag sila ang namuno, katapusan na
ng relihiyon natin. Kalimutan mo na ang kaligayahan.” Ang inay naman!, sabi
ko. “Anong komunista ang sinasabi n’yo? Iyong iba sa kanila siguro, pero alam
nilang napakarelihiyoso ng mga Cambodian at mapagmahal sa buhay para
tanggapin ang komunismo. Makabayan muna sila bago komunista. Susundin
nila ang gusto ng mga tao.” Alam kong tama ako. Mga tanging impormasyon
ang ibinibigay sa akin ng mga kakilala ko. Isa pa’y nakapangibang-bansa na
ako’t may malawak na pananaw. At ano’ng nalalaman ng mga magulang ko,
na simpleng negsyante lang, tungkol sa tunay na sitwasyon? May isang oras
kaming nag-usap-usap. Maya’t maya’y natitigil kami dahil sa sigaw ng mga
bata at manaka-nakang pagsabog sa may kalayuan. Pagkatapos, nang
bandang alas diyes, isang boses na noon lamang namin narinig ang nagpatigil
sa tugtog-militar sa radyo: “makinig kayo! Abangan ang isang importanteng
pahayag!” napatigil ang lahat at tinawag ang mga kamag-anak na nasa
kusina at bakuran. Kinawayan ko si Any na mabilis namang pumasok matapos
tingnan si Nawath na nakikipaglaro sa kanyang mga pinsan. Namayani ang
katahimikan. Narinig sa radyo ang mahinang boses ng Patriarkong Budhista na
si Huot Tat. Nagkatinginan kaming lahat at tiwalang napangiti. Hindi lamang
siya ang may pinakamataas na awtoridad na panrelihiyon, ang simbolo ng
katatagan; miyembro rin siya ng aming pamilya, amain ng aking ama. Malapit
ako sa kanya. Sinubaybayan niyang mabuti ang aking pag-aaral at dahil na rin
dito kung bakit nakatagpo ako ng lakas sa mga aral ng Buddhismo noong
estudyante pa ako. Waring angkop iyon sa aking mga aspirasyon at pagkatao.
Nakasalalay sa sarili ang kaligtasan, turo ni Buddha. Walang magagawa ang
Diyos kung di ka magkukusa. Lahat ng kabutihan at kasamaan ay
magbubunga, maaaring sa buhay na ito o sa susunod, ngunit laging malaya
ang taong paunlarin ang sarili, magpakabuti, pagandahin ang ugali, sa
pamamagitan ng pagdarasal na patnubayan siya at bigyan ng malinaw na
pananaw, sa paggawa ng mabuti, at mahusay na paggamit ng kakayahan at
talinong kaloob sa kanya. Natitiyak kong nagawa ko ang pinakamabuting
magagawa ko, maraming salamat sa impluwensiya ni Huot Tat. Kaya tulad ng
iba’y sabik akong marinig ang sasabihin ng matanda, -- marahil ay mas sabik
pa – at makatagpo ng katiyakan sa sasabihin ng kagalang-galang na
matandang hindi mapag-aalinlanganan ang kalagayan, na ang patnubay ay
tiyak na kakailanganin ng bagong rehimen. “Huwag kayong mag-alala,” sabi
niya. “Itigil na ang labanan. Darating na ang kapayapaan. Nakaraan na ang
ating bansa sa isang mahirap na pagsubok. Kailangang muli natin itong itayo.”
Iyon lamang, at iyon lamang naman ang kailangan. Pagkaraa’y isa pang boses
ang narinig. Kay Heneral Mey Sichan iyon, ang puno ng sandatahang lakas ng
Republikano. “Dapat nang sumuko ang lahat ng sundalo,” sabi niya, “para
maiwasan ang pagdanak ng dugo samantalang ipinagpapatuloy ang
pakikipagnegosasyon sa ating mga kapatid.” Tapos na ang lahat, naisip ko.
“Mabuti,” bulong ko kay Any sabay yakap. Lumuwag ang pakiramdam naming
lahat. Ngunit ilang sandali lang at natabunan ang boses ng heneral ng di
maunawaang ingay. Pagkaraa’y isa pang boses ang sumingit, mas malakas,
parang may umagaw sa mikropono.”Ang digmaan ay naipanalo sa
pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon! Sumuko na ang mga puwersa
ng gobyerno! Nanalo ang mga rebelde! Tapos na ngayon ang digmaan!”
Pagkaraa’y nakatatakot na katahimikan. Walang musika, lahat ay natigil.
Nawala ang mga ngiti namin. May nagpatay at muling nagbukas ng radyo,
tinetesting. Wala. Naglalakihan ang mga matang nagkatinginan kami. Sa
katahimikan, namalayan ko ang tinig ng mga tao sa kalye, at ang ingay ng
mga makina. Panatag kaming nakakulong sa bahay, gayundi ang mga
kapitbahay. Pero sa labas, libu-libong mga tao ang nagsisiksikan patungo sa
sentro ng Phnom Penh. Saan sila pupunta? Naipalagay ko lang na tutuloy sila sa
mga pagoda, sa mga unibersidad o sa bakuran ng mga gusaling pampubliko,
hanggang sa matapos ang labanan. Isang oras ang lumipas. Patuloy na
naglaro ang mga bata samantalang mahinang nag-usap-usap ang
matatanda. Pagkaraa’y narinig namin ang sigaw ng pagsasaya sa kalayuan.
Tumalong palabas ng bakod si Sim para alamin kung ano ang nangyayari,
pagkatapos ay mabilis siyang bumalik at sumigaw, “Ang mga Khmer Rouge!”
Talaga nga palang tapos na. Nagmamadali naming binuksan ang pinto para
manood. Sa buong paligid, nagbitin ang mga puting tuwalya, kumot, damit, at
anumang puting maiwawagayway ng mga tao. Nagsimulang dumami ang
mga tao sa kalye, palayo sa amin. Isang uri ng prusisyon ang wari’y panonoorin
nila sa Preah Monivong, isang pangunahing kalyeng nagmumula sa timog at
kumukrus sa tabing kalye namin, may ilang yarda ang layo. Matapos isenyas
kay Any na bantayan ang mga bata, nakipagsiksikan ako sa mga taong nasa
harap kasama ng iba pa. Noon ako unang nakakita ng mga sundalong Khmer
Rouge. Malinis ang kalye, lahat ng tao ay nakatayo sa bangketa. Sa gitna ng
kalsada, isa-isang naglalakad ang mga sundalong noon ko lamang nakita,
nahahati sa pangkat ng tiglilimampu. Lahat sila ay nakaunipormeng itim na tila
padyama ang yari, walang dekorasyon pero maayos na nakabutones.
Nakasumbrerong Intsik sila at sandalyas ng Ho Chi Minh na yari sa gulong ng
kotse. Ang ilan ay may dalang AK47, ang iba nama’y mga rocket launchers.
Lahat sila’y may tsekerd na kramar – mga bandanang nakapulupot sa kanilang
leeg o sumbrero. Hindi sila nagmamartsa ngunit hindi sila mukhang nanlalata.
Nakatitig lamang sila sa unahan ng linya, walang kangiti-ngiti. Lahat sila’y
mukhang wala pang disiotso anyos. Ang tanawing ito ay magiging pamilyar
pagkaraan sa buong mundo sa pamamagitan ng mga retrato at pelikula,
ngunit ni wala kaming babala kung ano ang itsura nila. Hindi ako nabigla o
nangamba; gayunma’y nakadama ako ng pag-aalala sa katigasan ng mukha
ang mga kabataang sundalo, lalo na ng makita ko ang magandang
pagtanggap sa kanila ng mga tao. Nagpapalakpakan at walang takot na
sinundan ng mga tao ang hanay ng mga sundalo, ngunit ang kasabikan at
kasiglahan nila’y walang epekto sa mabalasik na mga kabataan. Nakatanaw
lamang sila sa malayo, walang damdamin, blangko, parang mga robot. Ngunit
masyado kaming nasisiyahan para bigyang pansin ang kanilang inuugali. Tapos
na ang giyera. Ni hindi kami nasaktan. Kaya nagyayakapan ang mga tao at
nagwawagaywayan ng mga puting tela. Sa halip na matakot, kaming lahat ay
nagtiwala sa kawalang – pakialam ng Khmer Rouge. Minsan lang akong
ninerbiyos. Isang trak ng militar na minamaneho ng isang sundalong
Republikano ang biglang lumitaw sa daan, pauwi na siguro at natutuwang
tapos na ang labanan. Isang Khmer Rouge ang sumenyas at nag-utos na siya’y
bumaba. Mabilis na tumalon at tumakbong palayo ang lalaki ngunit maagap
siyang hinabol at nahuli ng isang Khmer Rouge na may kipkip na baril. Isinalya
nito sa pader ang sundalo at tinutukan ng riple. Pagkaraa’y mahinahon nitong
inutusan ang sundalong hubarin ang kanyang uniporme at iwan ang sasakyan.
Sumunod naman ang lalaki at lumayo na ang Khmer Rouge. Muli akong
nakahinga, mas nakasisigurong maaayos ang lahat. Masaya kaming bumalik sa
bahay ni Oan, nagbibiruan, nagkukuwentuhan, nagpaplano. Sabi ko’y iuuwi ko
na ang aking pamilya. May ibang nagsabing pupunta sila tabing-dagat at
magsaya. Mukhang pabalik na sa normal ang lahat. Sakay ng kanilang Austin,
dumaan sa bahay ang mga magulang ni Any para sabihing babalik na sila sa
kanilang bahay. Kami man ay paalis na ng sabihin ni Oan, “Bakit hindi pa kayo
rito mananghalian?” Bakit nga ba hindi. Matitingnan naman ng mga biyenan
ko ang bahay namin habang wala pa kami. Naglalaro ang mga bata sa
bakuran. Mag-aalas onse pa lamang, walang dahilan para magmadali.
Naiwan kami, masayang nag-uusap. Nanananghalian kami at nag-iisip ako
kung papasok na ako sa trabaho kinabukasan, nang isang lalaki ang dumating.
Halos hindi makahinga. Siya ay katiwala sa bahay ng mga biyenan ni Oan na
nakatira may isang milya ang layo, sa gawing dinaanan ng Khmer Rouge.
Ipinagkatiwala nila sa taong iyon ang bahay nang umalis sila sa Cambodia
kasama ang asawa at nag-iisang anak ni Oan. Nakatayo ito ngayon sa may
pintuan, takot na takot at gulung-gulo ang ayos. “Pinalayas kami ng mga
Khmer Rouge sa aming mga bahay! Pinagsabihan kaming umalis ng siyudad!”
sabi nitong halos hindi makapgsalita. “Ano’ng gagawin ko?” Agad nagbago
ang pakiramdam namin. Nahinto kami sa pagkain at pinagtatanong siya:
“Sigurado ka ba?” “Bakit?” “Baka nagkamali ka lang ng pag-intindi?” “Wala
kaming narinig na sinabi nilang gano’n.” Nagbibiro ba siya? Mag-alisan kami,
parang hindi kapani-paniwala! Kailangang malaman namin ang totoo kaya
nagtanong kami sa mga kapitbahay para malaman ang mga pangyayari. Sila
ma’y nakarinig ng mga usap-usapan ukol sa ebakwasyon. Pero walang balita
sa radyo parang nakabubuhay ng loob ang kawalan ng opisyal na babala.
Hindi namin alam ang ang gagawin. Aalis ba kami sa bahay ni Oan?
Desperado na kaming makasagap ng impormasyon para makapagplano.
Iminungkahi kong konsultahin namin ang aming amain, ang Patriarkang si Huot
Tat na nakatira sa Onalon Pagoda sa tabi ng ilog dalawang milya ang layo.
Tiyak na alam niya kung ano ang nangyayari. Hihingi kami ng payo sa kanya,
makakukuha rin kami ng proteksiyon. Wala nang makaisip kung ano ang mas
mabuting gawin. Sumakay kaming lahat sa tatlong kotse – sa aking Fiat, sa
Puegeot ng aking kapatid na si Theng, at sa Mercedez Benz ni Oan. Muli,
napasama kami sa mabagal na prusisyon ng mga tumatakas. Nagsisikip pa rin
ang mga kalye. Napasama na sa mga papunta sa sentro ng bayan ang mga
taong pinalayas sa kanilang mga bahay. Tila tulala ang lahat ngunit walang
kaguluhan o ingay, isang pulutong lamang ng mabagal na umuusad patungo
sa kung saan, mga taong naglalakad, nagbibisikleta, sakay ng trishaw, at mga
kotse. Paminsan-minsa’y isang putok ang naririnig mula sa kalayuan. Ang mga
ganitong pagunita na labanan ay nagpaalisto sa amin dahil hindi namin alam
kung sino ang binabaril nino. Kakatwang agad-agad ay naging masunurin at
magalang ang lahat, maingat na sinusunod ang tuntunin sa daan, takot waring
makaaksidente, takot waring mapansin. Nang sumunod na na isang oras,
minsan lamang akong nakakita ng Khmer Rouge, nang lumabas sa katabing
kalye ang tatlumpu sa kanila, tahimik na nagmamartsa sa isang hanay sa gitna
ng daan, hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pinaraan sila ng
mga kotse at mga taong nagdaraan. Nagmartsa sila nang hindi kami
pinapansin, wari’y iniiwasang mahawa sa amin. May sariling bakuran ang
pagoda ng Patriarka. Isa iyong mataas, dalawang-palapag na templong may
bubong na tisang kulay dilaw. Nakatayo iyon sa tabing-ilog, tumutunghay sa
pinagtatapuan ng ilog ng Mekong at Tonle Sap. Sa paligid niyon, kasama ng
mga puno at hardin ng mga bulaklak, ay ang tirahan ng mga monghe.
Ipinarada namin ang mga kotse, dinala ang mga bata at nagpunta sa bahay
ng Patriarka. Matapos kaming ituro sa isang malaking bulwagang puno na rin
ng may isandaang katao, ilan sa amin – ang mga magulang ko, ako, si Oan, at
ang mga kapatid kong lalaki – ang nagpunta sa tanggapan ng Patriarka.
Kakatwang malakas pa ang Patriarka sa kanyang walumpu’t limang taon,
matatag na nakataas ang ulo niyang ahit, at mukhang bata pa ang malapad
niyang mukha. Nakasuot siya ng robang dilaw na hantad ang isang balikat, at
napaliligiran ng mga monghe at sibilyan. Malinaw na maraming tao ang nag-
isip nang katulad namin, ang magpunta sa pagoda para malaman kung ano
ang nangyayari at hinginang proteksiyon ng Patriarka. Agad kong nakilala ang
dalawang lalaki, si Heneral Chhim-Chhuon, dating aide-de-camp ni Marshal
Lon Nol, at si Heneral Mao Sum Khem, Chief Operations Co-ordinator ng
sandatahang lakas ng Republikano. Ngunit parang mapagpakumbaba na at
nag-aalinlangan ang dalawang ito na dati’y palaban. Halatang badigard nila
ang ibang lalaking nakasibilyan. Lumuhod kaming kasama ng iba pang naroon
at ginawa ang tatlong ulit na pagpupugay na ang mga kamay ay magsalikop
sa may noo. Pagkaraa’y magkakrus ang mga binting naupo kami at nakinig ng
mga usapan. Dalawang pangunahing tanong ang lumilitaw: paano kikilos ang
mga opisyal na Republikano sa harap ng mga Khmer Rouge? At bakit pinaaalis
sa mga bahay nila ang mga mamamayan – dahil lumalabas sa mga report na
pinalilikas ang mga tao sa siyudad. Iginigiit ng Pariarka na maging mahinahon
ang lahat. Marahil ay wala namang pangkalahatang ebakwasyon, sabi niya.
Walang binabanggit na pangkalahatang deportasyon ang programa ng
Khmer Rouge. “Hindi makatwiran, kung gayon, na magkaroon ng
ebakwasyon.” Narinig kong sinabi niya, “Manatili kayong mahinahon at
maghintay ng utos.” Isang monghe ang inutusan ng Patriarka na tumelepono sa
presidente ng Cambodian Red Cross at kay Chau Sau, ang sekretaryo-heneral
ng Opposition Democratic Party. Dapat sanang makapagbigay ng
impormasyon ang dalawang ito, pero tila wala silang nalalaman kundi ang
deklarasyon ng Red Cross na niyutral ang Hotel Le Phnom at ang French
Embassy. May isang nagpatahimik sa lahat at itinuro ang transistor na nasa
mesang katabi ng Patriarka. Buhay na naman ang istasyon ng gobyerno at
may maikling mensaha. Tinatawagan ang lahat ng ministro at nakatataas na
opisyal ng sandatahang lakas sa Ministry of Information sa ganap na alas
kuwatro ng hapon. “Alam na ninyo ngayon ang gagawin,” sabi ng Patriarka,
“magpapadala rin ako ng sarili kong kinatawan.” Makaraang umalis ang mga
heneral at isang monghe, nagpalakad-lakad kami, nagtatanungan kung ano
ang ibig sabihin ng lahat ng iyon, iniisip kung pupunta kami sa French Embassy o
sa hotel Le Phnom. Nanatiling nakaupo ang Patriarka sa kanyang bangko,
mahinahong naghihintay. Naging lalong kainip-inip ang paghihintay habang
humahapon. Nagtatalo ang loob ko kung aalis kami, ngunit waring nakatatakot
ang kawalan ng katiyakan, ang posibilidad na mahuli kami habang lumilikas,
ang kaimposiblehan ng pagpaplano. Sa isang pagkakataon, humingi ako ng
permiso sa Patriarka na matawagan ang French Embassy. Nang humingi ng
asylum, sinabi ng nakausap ko na imposible para sa sinumang Cambodian ang
pumasok sa French Embassy dahil guwardiyado ng mga Khmer Rouge ang
pintuan. “Kahit na Patriarka mismo ang dumating,” sabi ng kausap ko, “hindi
siya papasukin ng Khmer Rouge.” Ibinaba ko ang telepono, gulat na gulat na
may Cambodian na hindi kumikilala sa awtoridad ng Patriarka. Sa kauna-
unahang pagkakataon, napagtanto kong naipit kami. Tinangka kong tawagan
ang mga biyenan ko at si Anyung sa bahay. Walang sagot. Wala kaming
magawa kundi maghintay. Nagpalakad-lakad ako, pilit na pinapayapa ang
loob ni Any sa pagsasabi ng tungkol sa mga tawag at sa pamamagitan ng
bahagyang pakikipag-usap sa mga bata. Masasaya naman ang mga anak ko,
nakikipaglaro sa mga kasing-edad nila. Nang magtakip-silim, mga alas sais,
dumating ang kinatawan ng Patriarka. Sinundan ko siya habang
nakikipagsiksikan sa karamihan ng mga tao patungo sa Patriarka, na nagtaas
ng kamay para patahimikin ang lahat. Pinilit kong basahin kung may
magandang mensahe sa kanyang mukha, ngunit blangko iyon. Sabi niya’y
maraming mga nakatataas na opisyal na Republikano at mga ministro sa
miting; naroon din ang Prime Minister na si Long Boret. Naupo ang monghe sa
tabi ng isang opisyal ng khmer Rouge na nakipag-usap naman sa kanya nang
buong galang. Pinuri ng opisyal ang mga kabutihan ng Khmer rouge at sinabing
maisasagawa na ang muling pagtatatag ng bansa sa tulong ng mga dating
opisyal, intelektuwal at teknisyan. Nang itanong ng isang monghe ang tungkol
sa ebakwasyon, umiling ang opisyal. Wala raw kabuluhan ang ganoong utos.
Bakit daw iuutos ang pagpapalikas ng mga taong may malakas na
pangangatwan gayong kakailanganin sila sa pagsasaayos ng ekonomiya.?
“Sabi niya sa akin: nasa iyo ang aking palabra de honor, wala akong narinig na
ganoong utos. Isa lamang iyong maniobra ng imperyalista. Ibig lamang nilang
matakot ang mga taumbayan.” Nakahinga ako nang maluwag at ibinalita ko
kay Any na hindi totoo ang usap-usapan ukol sa ebakwasyon, ngunit marami
pang nagsisilikas ang dumating sa pagoda at nagsabing patuloy pa rin ang
pagpapaalis sa mga tao. Tumindi ang aking pag-aalala. Alinman sa
nagsisinungaling o walang nalalaman ang opisyal. Tumanggi ang monghe
nang tanungin ni Oan, hindi raw maaaring magsinungaling ang opisyal. Ngunit
maaari ring wala siyang nalalaman. Sumapit ang gabi. Muli kong tinawagan
ang mga biyenan ko pero wala pa ring sagot. Nakikini-kinita ko ang pangit na
larawan: ang mga magulang ni Any at ang kapatid niyang si Anyung, kasama
ng agos ng mga nagsisilikas, hindi malaman kung saan patungo. Sinulyapan ko
siya para pumayapa ang kanyang loob. Dahil sa matinding pagod at pag-
aalala, nakatulog kami sa mga banig na inilatag sa baldosang sahig ng
pagoda – lahat kaming tatlumpu na nahahati sa iba’t ibang pamilya.
Kakatwang pati ang mga bata, pati na si Nawath, ay naging masunurin sa
aming kakaibang kalagayan at kalituhan. Ibinalot ko ang aking sa ilang damit
at binuksan sa Voice of America sa Cambodian para makibalita. Wala. Pinatay
ko ang radyo, pero hindi ako makatulog. Manaka-naka ang dating at alis ng
mga taong naghahanap ng matutulugan, at bawat dumating ay
nagpapatotoong patuloy ang ebakwasyon. Daan-daan ang nagsisiksikan sa
pagoda at sa bakura nito, habang libu-libo naman ang mabilis na papalabas
ng bayan. Nang natutulog na kaming lahat – mga alas nuwebe siguro ng gabi
– isang opisyal ng Khmer Rouge na may hawak na pistola ang pumasok. Mga
kasing-edad ko siya, mga treinta anyos. Sa masakit na liwanag ng mga
bombilya, naghihinalang tiningnan niya kami, nakatutok ang baril sa mga
natutulog na parang may inaasahang lalaban sa kanya. Pagkaraa’y nakita
niya ang anim na bisikleta at tatlong motorsiklong nakaparada sa may pintuan.
“Kanino ang motorsiklong ito?” sigaw niya. Walang sumagot. Isinuksok niya ang
baril at pinuntahan ang mga bisikleta. Isang asul na Honda na mukhang
bagung-bago ang kinuha niya. Nakakadena ito sa dalawa pang motorsiklo.
Dalawang bese niyang sinabi: “sino ang may-ari ng motorsiklong ito?” At
pagkaraan, “Kailangan ito ng Angkar!” Angkar – ang Organisasyon: iyon ang
kauna-unahang pagkakataon na narinig kong ginamit sa ganoong paraan ang
salitang iyon. Wala pa ring nagsalita. Inihiga ng opisyal ang motorsiklo, inilabas
ang kanyang baril at itinutok sa kadena. Dalawang beses siyang nagpaputok,
magkasunod. Naputol ang kadena. Nakatatakot ang pagpunit ng mga putok
sa katahimikan, lalo’t iisiping may mga batang natutulog. Nagising ang mga
bata, nagpalinga-linga, natulala. Ilang saglit pa, sakay ng motorsiklong umalis
ang opisyal, iniwan kaming natitigilan. Tiningnan ko si Any. Sinenyasan ko siyang
manahimik. Makailang sandali’y ibnulong sa akin ni Any, “Paano niya nagawa
ang gano’n?” “Ano’ng magagawa natin?” sagot ko. Isang matagal na tingin
ang ipinukol sa akin ng aking ama. “Siguro naman, hindi lahat sila’y gano’n,”
nagtatanggol na sabi ko sa kanya, pabulong din. Labinlimang minuto
pagkatapos, dalawa pang sundalo ang dumating at walang imik na kinuha
ang dalawa pang motorsiklo. Naging maliwanag sa akin at sa lahat ng naroon,
na hindi pagnanakaw o pang-aangkin lamang ang mga kilos na iyon. May
kahalagahan ang Patriarka na higit pa sa kanyang kalagayang panrelihiyon.
Iginagalang siya, maging sa pinakamalalayong kanayunan sa Cambodia,
ngunit dito, sa isang iglap ay napanoog namin ang tatlong taong parang hindi
alam kung saan sila naroon, wala ni paggalang para sa Patriarka. Iyon ang
unang babala na mawawasak na ang mabubuting kaugaliang taglay namin
sa loob ng maraming dantaon. Bago muling nakatulog, itinanong ng panganay
naming si Sudath, “Kailan tayo uuwi, itay?” Hindi ako nakakibo. Si Any ang
sumagot, “Matulog ka na anak, uuwi na tayo bukas.” Hindi ko na iyon
mapaniwalaan, at siya man, sa palagay ko.

-Penafiel, Michael Joseph


Isang Paillasse, Mainit
Cambodia

Isang maliit na bahay-kubo sa gilid ng sakahan Kumatok ako: binati ako ng Ina,
umiihip ang hangin “Maliit ang aking tahanan, pero may matutulugang
kuwarto Wala ako ni katre o kumot” Ginawan niya ako ng kamang-pawid
Narito ako, tila isang higad sa kaniyang tahanan Matamis ang samyo ng pawid,
hindi ako makatulog Ang pino, malutong na pawid Ay mas nakapagpapainit
kaysa katre o kumot Para sa lahat, pamatid-gutom ang isang butil ng bigas
Ngunit, itong mainit na pagpapaluwal ng pawid At ang malutong na bango ng
nahihinog na palay Ay di madaling napagsasaluhan ng lahat.

-Valmores, John Kirby


Ang Reamker
Cambodia

Ang Reamker ay nagsisimula sa protagonist nitong si Phreah Ream o Rama, na


pinatapon ng isa sa mga reyna na nais ang kaniyang sariling anak na
magmana sa trono. Matapos maipadala sa kagabutan, si Phreah Ream ay
sinamahan ng kaniyang maganda at tapat na asawang si Neda Siang (Sita),
na pinangalanan ng prinsipe mula sa kaniyang ama sa pamamagitan ng
pagiging nag-iisang Prinsipe na matagumpay na nakumpleto ang hamon ng
ama na magpaputok ng mga arrow sa pamamagitan ng isang umiikot na
gulong na may mga bulong. Si Phraeh Leak(Lakshmana), ang nakababatang
kapatid ni Phrea Ream, ay nag-aalala tungkol sa kaniyang nakatatandang
kapatid at sumali kay Neang Seda. Habang pumapasok sa kagubatan, sina
Neang Seda at Phreah Leak ay sumalubong sa rakshasi Surphanakar
(Surphanakha) na unang nagtangkang akitin Phreah Ream, at pagkatapos ay
si Phreah Leak. Si Phreah Leak, inis sa kilos ng demonyo, pinutol ang kaniyang
tainga at ilong. Ang butchered Surphanakhar na nauuhaw para sa
paghihiganti ay nagpunta sa kaniyang sampung pinuno ng kapatid na si Krong
Reap(Ravana), walang talo na panginoon ng isla ng Lanka. Lihim na napunta si
Korng Reap sa kagubatan. Nang unang tumingin sya kay Neang Seda, nagulat
siya sa kaniyang banal na kagandahan. Binago ni Krong Reap ang kaniyang
sarili bilang isang gintong usa at nagpapatakbo sa partido sa partido ng tatlo.
Napagtanto ni Phrea Ream na ang usa ay hindi tunay na usa, gayunpaman, sa
pagpilit ni Neang Seda na hinabol ito ni Phreah Ream pagkatapos sabihin sa
kaniyang nakababatang kapatid na manatili at bantayan ang kaniyang
asawa. Pagkatapos ay ginagaya ni Krong Reap ang tinig ni Phreah Ream at
tumawag sa kaniyang kapatid na lumapit at iligtas siya. Bagaman alam ni
Phreah Leak na hindi ito ang kaniyang kapatid na tumatawag, napilitan siyang
pumunta sa pagpilit ni Neang Seda. Gayunpaman, bago siya umalis ay
gumuhit ng isang mahiwagang bilog sa asawa ng kaniyang kapatid na
maiiwasan ang anumang bagay na pumasok sa bilog. Si Krong Reap ay
nakikilala ang kaniyang sarili bilang isang matandanh erigrante at madaling
nilitis ni Neang Seda na lalabas sa labas ng bilog, pagkatapos nito ay dinukot
siya. Bumalik si Phreah Ream at Phreah Leak at desperadong hinanap si Neang
Seda at pansamantala, tinulungan nila ang unggoy na si Sukreep(Sugriva)
upang sirain ang kaniyang karibal na Pali Thirat(Vali) at muling makuha ang
kaniyang trono. Nagpapasalamat sa dalawa, ipinadala ni Sukreep ang unggoy
na mandirigma na si Hanuman upang tulungan sila sa kanilang paghahanap. Si
Hanuman ang anak ng diyos ng hangin, ay lumilipad upang matuklasan na
ang demonyong si Krong Reap ay gaganapin ang bilanggo ni Neang Seda sa
isla ng Lanka.

-Esparto, Karel
Ang Kabit ng Lawa
Cambodia

Naka upo sa isang bato si Zhock habang tinatanaw ang lawa at ang paglubog
ng araw. Bakas sa kanyang mukha ang matinding kalungkutan. Parang kalian
lang, napupugaran ng mga puting sundalo ang bayan na ito. Si TOOLBOX,
isang amerikanong sundalo na nabighani sa kagandahan ni Zhock. Hindi na
sikreto sa kanilang bayan na isang ladyboy si Zhock. Ngunit gayun paman,
napaka buting tao nito at nagmamalasakit sa nangangailangan. Nang
mabatid ni Zhock ang pakay ni TOOLBOX sa kanya diniretso nya ito tungkol sa
kanyang tunay na pagkatao. Ikinagulat naman ni Zhock ang reaksyon ni
TOOLBOX sa kanyang pagtatapat. TOOLBOX: And? Are you not allowed to fall
in love and be loved in return? I don’t care if you are a ladyboy, I love you
Zhock and that is all that matters! Natulala si Zhock sa kanyang narinig. Ngayon
lang sya nakaramdam ng matinding respeto at pagmamahal mula sa isang
lalaki. Nakailang relasyon narin si Zhock ngunit hindi rin ito nagtatagal. Bagamat
alam na ni TOOLBOX ang kanyang lihim, kinakabahan parin si Zhock, alam
nyang meron pa syang isang tinatagong sikreto. Isang sikretong makakasira sa
relasyon nilang dalawa. Minaari nyang huwag muna itong sabihin. Magaling
mag ingles si Zhock na sya namang ikinatuwa ni Toolbox. They talked about
everything above the sun. Hindi mo maalis ang magandang tinginan nilang
dalawa sa isa’t isa. One time, hindi nakadalaw si TOOLBOX kina Zhock dahil
nilalagnat daw ito. Dalidaling pinuntahan ni Zhock ang irog upang punasan at
ipagluto ng mainit na sabaw. Tinanggal ni Zhock ang damit pangtaas ni
TOOLBOX upang punasan ito. Tumambabad sa kanyang mukha ang
magandang katawan ng amerikano. Hindi nanaig ang pagnanasa ni Zhock sa
lalaki, pinagpatuloy nyang punasan ang mainit na katawan nito. Mamaya
maya pa’y nagising si TOOLBOX at hinawakan ang kanyang kamay at pinisil.
TOOLBOX: What will I do without you? Napangiti lang si Zhock at tinitigan ang
lalaki. Hindi nya kayang lokohin ang sarili. Alam nyang hindi sya pwedeng
makipagtalik sa lalaking ito. Kailangan na nyang tapusin ang relasyon hanggat
maaga pa. Pinatulog na nya si TOOLBOX at umuwi. Hinanap ni TOOLBOX si
Zhock kinaumagahan upang magpasalamat sa kanyang pag galing, ngunit
wala ito sa kanilang bahay. Buong hapon nyang hinintay si Zhock ngunit nabigo
sya. Minabuti nyang tanungin ang kapitbahay kung saan naroroon si Zhock.
VHETTE: Zhock? Not in the house? Ahh…ehhh… check the lawa, maybe she is
swim there. I mean lake. Yes. Check the lake, she goes there lagi. I mean very
many. Tumungo si TOOLBOX sa lawa at naaninagan nya si Zhock na naliligo.
Mala ginto ang kanyang mga balat dahil sa repleksyon ng araw sa tubig.
Maganda ang kurbada ng kanyang katawan. Napahinto si TOOLBOX upang
pagmasdan ang kanyang minamahal. Kalmado ang itsura ni Zhock habang
naliligo, elegante sya kung kumilos, at sa malayo parang akala moy
nakikipagtalik ito sa lawa. Sa lawa na ito nakakapag isip ng maigi si Zhock at sa
lawa ding ito nya pinapatago ang kanyang sikreto. Napalingot si Zhock ng
makarinig ng kaluskos sa likod at nakita nya ang iniiwasang si TOOLBOX, dali dali
itong nagbihis tumakbo palayo sa kanya. Nagulat naman si TOOLBOX sa
reaksyon ni Zhock, na ngayo'y tinutulak ang bangka sa lawa. TOOLBOX: Wait!
Zhock! What have I done wrong? Hold on! Nakita ni TOOLBOX ang isa pang
bangka at ginamit nya ito upang habulin si Zhock. ZHOCK: Stay away TOOLBOX!
PLease, leave me alone! TOOLBOX: Why? what's wrong? please tell me! I love
you Zhock! ZHOCK: I can't explain it to you, if you really love me just let me go! I
don't love you! TOOLBOX: I don't believe you! I know you love me! Let's talk
about it please! ZHOCK: I don't have alot of time TOOLBOX, it's best if you leave!
TOOLBOX: What do you mean! Sa mga panahong ito ay bumuhos ang
napakalakas na ulan na sya namang ikinabahala ng mga alon. ZHOCK: I....I...I
have AIDS Toolbox! I can't lie to you anymore! I'm so sorry, please just go away!!!
Bago pa makasagot si TOOLBOX ay tumaob ang bangka nito sa sobrang lakas
ng alon. Nakita agad yon ni Zhock at dali dali syang tumalon upang sagipin ito.
Magaling lumangoy si Zhock at dalidali nyang nasagip ang lalaki.
Nakahandusay sa buhangin si TOOLBOX at nawalan ng malay. Bibigyan na
dapat ni Zhock ng pangunang lunas si TOOLBOX ngunit na inisip nya muna kung
mahahawa niya ito sa kanyang paghalik sa lalaki. Kinuha nya ang damit ng
lalaki at nilapat nya ito sa kanyang labi at inumpisahan syang iligtas. Nagising si
TOOLBOX sa loob ng Hospital, at si Zhock agad ang kanyang unang hinanap
ngunit wala na si Zhock doon. Ayon sa Nurse, hinatid daw sya ng isang
magandang babae at umalis din daw ito kaagad. Kung saan saan hinanap ni
TOOLBOX si Zhock ngunit hindi na nya ito nakita. Sumuko nalang si TOOLBOX sa
paghahanap at umuwi ng Amerika. (Pagkalipas ng isang taon....) Nakahiga si
Zhock sa kwarto, nararamdaman na nya na malapit na syang mamatay.
Eksaktong 6:59 ng gabi, natandaan ni ZHOCK si TOOLBOX, ilang beses nyang
pinaulit ulit sa isip ang magaga

-Esparto,Karel
Ang Alamat ng Mekong
Cambodia

Isang araw sa maliit na sakahan naninirahan ang mag-asawang, Taksin at


Chailai. Sila ay namumuhay ng matahimik at matiwasay pawing mabubuting
tao din ang nakatira malapit sa kanila. Sa panahong iyon ang bansa ay nasa
digmaan, kaya naman si Taksin ay isinama sa hukbong sandatahan. Matapos
ang halos isang taong madugong labanan natalo ang mga thai at sila ay
napailaliman ng mga Cambodian. Kaya naglakbay si Taksin pabalik sa kanilang
sakahan, ngunit sa daan pauwi may nakita siyang basket na iniwan sa daan.
Dali-dali niya itong pinulot at nalaman niyang mayroon ditong nakalagay na
sanggol na babae. Kinuha niya ito at nagpatuloy sa paglalakbay sapagkat
alam niyang matutuwa ang kaniyang asawa. Matapos ang ilang araw
nakarating si Taksin sa kanilang maliit na sakahan. Ipinakita agad ni Taksin ang
sanggol sa kaniyang asawa at kanila itong pinangalanang Mekong, dahil
nakita niya itong nakaburda sa kumot ng bata. Ang bata ay inalagaan nila ng
mabuti at tinuruan ng magandang asal. Ngunit napansin ng kaniyang mga
magulang ang angking katalinuhan ng ipinasok nila ito sa isang maliit na
paaralan sa kabayanan. Lumipas ang maraming taon at sa kanilang
masaganang pamumuhay ay hindi sila naabot ng digmaan dahil ang kanilang
lugar ay liblib at tila may proteksyon mula sa kapahamakan sa labas. Si Mekong
ay naging isang ganap na dalaga at sa kaniyang katalinuhan ay naging isa sa
mga guro sa kabayanan. Ngunit ng magkaroon ng pag-aalsa ang mga Thai, si
Taksin ay muling lumahok sa hukbong sandatahan at sa pagkakataong ito
sumama din si Mekong, na nokng una ay ayaw payagan ni Taksin. Dahil sa
katapangan ni Taksin siya ay naatasan na pamunuan ang mga Thai na
naninirahan sa pagitan ng Cambodia at Thailand, malugod naman itong
tinaggap ni Taksin at siya ay nakilala sa buong bansa, si Mekong din ay isang
dedikadong sundalo at ipinagmalaki ng kaniyang ama. Matapos ang
dalawang taong mahigpit na labanan, tila nagwawagi na ang Thai,sa ilalim ni
Taksin, kaya naman sinalakay na niya ang pangunahing siyudad ng mga
Cambodian ang Angkor, ngunit sa kasawiang palad natalo ang mga tauhan ni
Taksin at kaniya rin itong ikinamatay. Dahil sa pangyayaring ito si Mekong ang
ginawang bagong pinuno. Agad niyang sinalakay ang mga kalaban, sa
pagkakataong ito kaiyang napagtanto na siya ay may kapangyarihan ng
maapula niya ang apoy sa isang nasusunog na taniman ng itinaas niya ang
kaniyang kamay dahil may lumabas ditong malakas na talsik ng tubig. Naisip
niya itong gamitin upang tapusin ang digmaan ng paghiwalayin niya ang
Thailand at Cambodia sa pamamagitan ng paggawa ng isang ilog. Dahil dito,
hindi na nagpangabot ang dalawang lahi at nagbalik si Mekong sa kanilang
sakahan, ngunit walang sinuman sa kaniyang mga tauhan ang muling
nakatagpo sa kanilang dakilang babaeng heneral. Pagtagal ng panahon
tinawag ang ilog na Mekong, na ang ibig sabihin ay " Ina ng Tubig"

-Esparto, Karel
Ang Paglilitis
Cambodia

Ang paglilitis – Maikling kwento mula sa Cambodia Ang paglilitis kwentong


bayan ng Cambodia Salin ni Erwin L. Fadri Noong unang panahon sa kaharian
ng Cambodia, may isang binata ang umibig sa isang dalaga, sya ay pumunta
sa magulang nito upang sabihin na nais niya itong pakasalan. “Gusto ko pong
hingin ang kamay ng inyong anak at kami ay magpapakasal.” Ang sabi ng
kanyang magulang, “kailangan mo munang dumaaan sa mga pagsubok.
Kailangan mo munang ilubog sa tubig na hanggang leeg na nakatali ang mga
paa ng tatlong araw at tatlong gabi. Kahit na ikaw ay nilalamig, hindi ka
maaaring gumalaw upang mapawi ito. Kapag nalampasan mo ang pagsubok
na ito sa pamamagitan ng iyong lakas ng loob maaari mong makuha ang
kamay ng aming anak upang magpakasal.” At ang binata ay pumayag sa
kasunduan at sya ay tinalian at inilubog sa tubig. Makalipas ang dalawang gabi
at dalawang araw na pagkakalobog sa lawa, nakita niya ang isang sunog sa
ibabaw ng burol. Sya ang pagod at nilalamig na, itinaas niya ang kanyang
kamay at itinuro ang apoy sa di kalayuan. At sa pagkakataong iyon ang
magulang ng babae ay bumaba sa may lawa at nakita ang kanyang ginawa.
At naisip nilang gusto lamang ng lalaki na mainitan ang kanyang sarili sa apoy
mula sa malayong burol at di niya natupad ang isa sa mga kondisyon. At
tumanggi silang magpakasal ang kanilang anak. Ang binata ay nagalit ng
dahil dito at siya ay umalis upang magreklamo sa mahistrado. Inimbita ng
opisyal ang magulang ng babae at ang hinuhusgahan. Ang magulang ng
babae ay pumayag at dahil sila ay mayaman nagawa nilang magbigay ng
mga regalo sa mahistrado. Subalit, ang binata ay mahirap at walang maibigay
sa mahistrado, at ito ay nagbigay ng hatol. “ang binata ay di tumupad sa mga
kondisyon ng pagsubok sa pamamagitan ng pagpapainit sa kanyang sarili. Sya
ay natalo sa paglilitis na ito. Hindi niya maaaring pakasalan ang dalaga. At sa
karagdagan, kailangan niyang bayaran ang nagtatanggol sa pamamagitan
ng pabibigay ng salo-salo sa ating lahat.” Ng marinig ng binata ang nagging
hatol, siya ay nagalit at nabalisa, sya ay umalis na nagrereklamo ng sobrang
sakit. Sa kanyang paguwi, nadaan niya ang hukom na kuneho. “bakit ka
nalulungkot, kapatid?”ang tanong ng hukom ng kuneho. “kailangan kung
umalis at maghanda ng isang salu-salo,” ang sagot ng binata. “ah” ang sabi ng
hukom na kuneho, “magpatuloy ka at maghanda ng piging; pagkatapos
bumalik ka at ako’y sunduin at isama sa handaan. Maaari kang manalo sa
kasong ito kung susundin mo ang sasabihin ko. Kapag naghanda ka ng
pagkain, huwag mong lalagyan ng asin ang sabaw. Ilagay mo ang asin sa
ibang putahe.” Tuwang tuwa ang binata sapagkat alam niyang tutulungan siya
ng hukom na kuneho. At sya ay umalis upang ihanda ang salu-salo, siniguro
niyang walang asin ang sabaw katulad ng sinabi nito. At kaniyang inihain ang
salu-salu kasama ang hukom na kuneho sa magulang ng dalaga at sa
mahistrado. Nakita ng mahistrado ang hukom na kuneho at kanya itong
tinanong: “Kapatid na kuneho, bakit ka naririto?” “Naririto ako upang ikaw ay
tulungan sa kasong ito” ang sagot ng hukom na kuneho. “Ahhh” ang sabi ng
Mahistrado, “Tumigil ka muna at sumama sa kainang ito kasama namin?” At ng
ang salu-salo ay inihain, unang kumain ang Mahistrado. Dalawang malalaking
subo sa sabaw ang kanyang ginawa at nagsabi, “Bakit hindi nilagyan ng asin
ang sabaw na ito?” ang hukom na kuneho ay mabilis na sumagot sa kanya,
“Ang apoy na lumiliyab sa ibabaw ng malayong burol mula sa binata ay
ipinagpalagay na nakapagpainit sa kanya. Paanong ang asin para sa sabaw,
ng inilagay malayo sa sabaw ay hindi nagbigay ng lasa dito?” Ang Mahistrado
ay napahiya at natahimik. Ang kaso ng binata ay agad na binaliktad at
inihayag na nanalo at agad na ipinakasal sa dalaga.

-Ortiza, Xander Von


Pitong Salita
Cambodia

Ang Cambodia ay maliit ngunit nalampasan ng haka-haka Ang likas na yaman,


ang ani ng templo, ay labis. May mga bundok, dagat, isla, highlands, buhangin,
at bato Multikultural, pangkultura, masining, labis-labis. Napakaraming hindi
bunga na bunga Ang isang magandang gintong bigas na patlang ay isang
napakagandang pag-aari. Cambodia Kami ay mayaman sa wildlife sa buong
kalangitan Ang mga lumangoy na isda sa ilang mga lawa ay gumala sa mga
tabla. Maraming mga turista ng turista ang nagkakahalaga ng makita May
mga bangin, lambak, lambak, mga buwaya, taghoy. Napakaganda namin at
nakakaakit ng maraming bisita Napakarilag at maganda, isang tunay na
pagmamalaki ng Khmer. Sinulat ni Yi Yingling, Baitang 8, Sovannaphumi
Secondary School, Phnom Penh Pinadali ni Yi Chheng U

-Giray, Coby Bryant


Alamat ng Lansones
Pilipinas

Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang


uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit
na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang
nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng
bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason.
Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang “puno ng lason” ng may isang
manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga.
Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaaya-ayang kaanyuan ng bunga ay
pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita
upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng
nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos
makain ang nakalalasong bunga. Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay
marami pang ibang namumungang puno at halaman ang matatagpuan sa
bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding
tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang
magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa… Ang puno na nagtataglay ng
nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang
matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init. Isang araw ay
may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang
babaeng ito dahil ito ay pakanta pang tinungo ang lugar kung saan
matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang
pigilan ng ilang nakatatanda ang babae ngunit tila ba hindi sila narinig nito at
patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang
bunga ng puno.

-Larbio, Clarisse
TANAGA
Pilipinas

: Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng
mataus na pagdamay.

(KAIBIGAN) ni Emelita Perez Baes Palay siyang matino, Nang humangi’y


yumuko; Nguni’t muling tumayo Nagkabunga ng ginto

(PALAY) ni Ildefonso Santos Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak,


nadarama’t nalalasap ang pag-ibig na matapat.

(PAG-IBIG) ni Emelita Perez Baes Kabibi, ano ka ba? May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga, Nagbubunitunghininga!

(KABIBI) ni Ildefonso Santos Alipatong lumapag Sa lupa — nagkabitak, Sa kahoy


nalugayak, Sa puso — naglagablab!

(TAG-INIT) ni Ildefonso Santos Pag ang sanggol ay ngumiti nawawala ang


pighati, pag kalong mo’y sumisidhi ang pangarap na punyagi.

(SANGGOL) ni Emelita Perez Baes

-Larbio, Clarisse
KASABIHAN
Pilipinas

-"Kung ano ang itinanim, siyang aanihin." -"Aanhin pa ang damo kung patay na
ang kabayo." -"Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi
makararating sa paroroonan." -"Kapag may isinuksok, may madudukot." -"Ang
taong nagigipit, sa patalim kumakapit." -"Kung ano ang puno, siya rin ang
bunga." -"Kung hindi uukol, hindi bubukol." -"May tenga ang lupa, may pakpak
ang balita." -"Walang lihim na hindi nabubunyag." -"Habang maigsi ang kumot,
matutong mamaluktot." Kahulugan ng mga Kasabihan: Ang ibig sabihin ng
"kung ano ang itinanim siya ang aanihin" ay kung ano ang ginawa ng isang tao
sa kapwa niya iyon din ang gagawin ng ibang tao sa kanya. Kaya naman kung
naging mabuti ang taong ito sa iba tiyak na magiging mabuti rin ang ibang tao
sa kanya. Susuklian ng Diyos ang lahat ng kabutihan na gagawin ng tao sa
kanyang kapwa. "Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo" ay
nangangahulugan na ang tulong ay dapat ipinagkakaloob sa oras ng
pangangailangan at hindi kung kailan wala na ang nangangailangan nito.
Kadalasan, kapag huli na ang lahat saka lamang nagkakaroon ng kagustuhan
ang ibang tao na magpahatid ng tulong at kapalit nito ay nagkakaroon sila ng
pagsisisi at panghihinayang. "Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan
ay hindi makararating sa paroroonan" ay nangangahulugan na ang sinuman
na hindi marunong tumanaw ng utang na loob at magbigay ng pasasalamat
sa mga taong nakatulong sa kanya sa maliit o malaking bagay man ay hindi
kailanman magiging matagumpay sa buhay. "Kapag may isinuksok, may
madudukot" ay nangangahulugan na ang taong marunong mag impok at
magtipid ay tiyak na may magagamit na salapi sa oras ng kanyang
pangangailangan. Hindi na niya kakailanganin pang mangutang o manghingi
ng tulong sa ibang tao. Ang ibig sabihin ng "ang taong nagigipit sa patalim
kumakapit" ay ang mga taong dumaranas ng kagipitan ay kadalasang
gumagawa ng desisyon na hindi naayon sa batas ng moralidad tulad ng
pagnanakaw, pandaraya, at pangungutang. Ang ibig sabihin nh "kung ano
ang puno, siya rin ang bunga" ay kung ano ang katangian ng mga magulang
ay siya rin ang mga katangiang tinataglay ng mga anak. Kaya naman ang
pagkakaroon ng mabubuting magulang ay walang kapantay sapagkat ito ang
tutulong sa isang tao upang maging mabuti rin at tularan ang kabutihan ng
kanyang mga magulang. Ang ibig sabihin ng "kung hindi ukol ay hindi bubukol"
ay anumang biyaya na nakalaan para sa isang tao ay tiyak na
mapapasakanya kung ito ay kaloob ng Diyos para sa taong ito kapalit ng
kanyang katapatan at kabutihan. "May tenga ang lupa, may pakpak ang
balita" ay nangangahulugan na ang lahat ng mga salitang binibigkas o
lumalabas sa bibig ng isang tao ay makararating sa kaalaman ng iba sapagkat
merong tiyak na nakakarinig ng mga ito at ang mga balita ay patuloy na
kumakalat. Ang ibig sabihin ng "walang lihim na hindi nabubunyag" ay walang
lihim ang nananatiling lihim sapagkat minsan ang mga taong ating
pinagkakatiwalaan ang siyang nagsisiwalat nito sa iba. Ang ibig sabihin ng
"habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot" ay ang pagtitiis ay bahagi
ng buhay. Dapat na ang tao ay matutong magtiis habang hindi pa dumarating
ang tamang pagkakataon para sa kanya. Sapagkat ang bawat isa ay may
kanya kanyang oras kung kailan ang kanilang bituin ay magniningning.

-Larbio, Clarisse
ANG WIKA KO
Pilipinas

Ang wika ko’y wikang atin, katutubo, Na minana pa ni ina sa nuno ng kanyang
nuno; Taglay nitó ang salaysay na taal at mula puso, At ang ugat ng lumípas na
tagbagyo nang tumubò. Hindi ito natatákot sa pagsákop, Yumayaman ito kahit
lumuluhang nakagápos. Ngunit kapag nakalayà, asahan mong magsasabog
Ng bulaklak at insenso sa anak ng paghahamok. Ang wika nga, walang wikang
isinílang Upang maging mas mataas kaysa ibáng salitaan; Abá, hintay! Walang
wikang sa sarili’y yumayaman Nang higit pa sa may-ari’t gumagámit araw-
araw. Umibig man at manalig sa banyaga, Ngunit huwag lilimutin ang sarili’t
inang wika; Malango na sa mabango’t bulaklaking dáyong dila Ngunit huwag
isasangla pati diwa mong malayà. Ang wika ko’y wika nating malikhain, May
hiwaga ng gunitang pag hinukay, lumalalim; Langhapin mo’t ang linamnam,
umaalab kung haplusin, Kabaak mo, buong-buo, iyong-iyo pag inangkin.
Ferndale Homes 8 Agosto 2018

-Larbio, Clarisse
Manuel Luis Quezon y Molina
Pilipinas

TALAMBUHAY: Si Manuel Luis Quezon y Molina[1] (19 Agosto 1878 – 1 Agosto


1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935
– 1 Agosto 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas,
kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang
bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga
kapisanang internasyunal). Manuel L. Quezon Ipinanganak si Manuel L. Quezon
sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong 19
Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya
nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng
pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1] Bilang isang
binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din
siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil
sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados
Unidos.[1] Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya
bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang
makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya
ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si
Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa
panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon
sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng
pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang
muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1] Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod
siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L.
Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong
Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay.
Muli siyang nahalal noong 1941.[1] Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa
Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya
papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang
bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa
bansa.[1] Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake,
Franklin Country, New York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.[1]Unang
inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang
kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa
Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang
lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'

-Larbio, Clarisse
BUGTONG
Pilipinas

BUGTONG: 1. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: Baril 2. Maliit na


bahay, puno ng mga patay. Sagot: Posporo 3. May puno walang bunga, may
dahon walang sanga. Sagot: Sandok 4. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting 5. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo Sagot: Pako 6. Dumaan
ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: Zipper 7. Bumili ako ng alipin,
mataas pa sa akin. Sagot: Sumbrero 8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta 9. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila 10. Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos. Sagot:
Sapatos 11. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw. Sagot: Sobre 12.
Dikin ng hari, palamuti sa daliri. Sagot: Singsing 13. Isang hukbong sundalo, dikit-
dikit ang mga ulo. Sagot: Walis 14. Huminto nang pawalan, lumakad nang
talian. Sagot: Sapatos 15. Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot: Sagot: Singsing
16. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap. Sagot: Unan 17.
Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon. Sagot: Kalendaryo 18. Maraming
paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo’y parang tagayan,
alagad ng kalinisan. Sagot: Walis 19. Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
Sagot: Batya 20. Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan. Sagot:
Kalendaryo

-Larbio, Clarisse
HAIKU
Pilipinas

HAIKU: TAPAT DAPAT Kung maghahanap Kaibigang kausap Dapat ay tapat.


PILIIN Ang payo ko lang Makipagkaibigan Sa maiinam. LAHAT NG ORAS Ang
kaibigan, Iyong maaasahan Sa kagipitan. HUWAG BALASUBAS Dapat bayaran,
Utang sa kaibigan, ‘Wag kalimutan. HUWAG ITAGO Maging tapat ka, Sabihin
ang problema Huwag mangamba. HAIKU Itinuring ko, Kaibigang totoo, Ang
tulang haiku. BALATKAYO May kaibigan, Nasa tabi mo lamang, Kung
kasayahan. TUNAY Tunay na diwa, Nitong pakikisama, Ay nasa digma. ILIGTAS
Ililigtas ko, Mabihag man ng mundo, Aking katoto. PINAKA Pinakatunay, Na
kaibigang taglay, Ang Poong Buhay!

-Larbio, Clarisse
PASKO
Pilipinas

KOMEDYA: (1) PASKO – Dula-dulaan Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D.


Morales Unang Tagpo (Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak
papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.) Nanay: “Dalian ninyo mga
anak. Baka mahuli tayo sa misa.” Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.” Anak
2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.” Anak 3: “Handa na po
ako, Tatay.” Anak 4: “Ako rin po.” Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa
labas ng bahay, mga anak.” Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa
kalsada.” (Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.) Tilon Pangalawang
Tagpo (Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera.
May tugtuging pamasko.) Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga
anak.” Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at
Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng
simbahan.) Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?” Tindera 1: “Mayruon akong puto
at kutsinta.” Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.” Anak 2: “Mayruon po
ba kayong suman?” Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”
Anak 2: “Dalawa po.” Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi
pa naman ako gutom.” Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap
pa!” Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.” Tatay: (Kakatok
sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.) Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo
mga anak.” Tilon Pangatlong Tagpo (Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)
Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.” Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng
Diyos, mga anak.” (Nanay at Tatay – magmamano rin) Ninong at Ninang:
(Naka-upo sa silya.) Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.” Ninang at
Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.” Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng
luto ninyo!” Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.” Lolo: “Halina
na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche
Buena.” Anak 3: “Gutom na nga ako eh.” Anak 4: “Sabi ko na inyo eh,
maraming magluto si Lola, at masarap pa.” (Matapos kumain – Hahaplusin ang
tiyan sa busog at magkukuwentuhan) Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging
Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.” Mga Anak: “Lolo,
Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong
Taon sa lahat.” Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga
pagkain. Busog na busog po kaming lahat.” Buong Mag-anak: (Muling mag-
mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po
kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.” Lolo at Lola: “Mag-
iingat kayo sa daan.” Tilon Mga Tauhan: Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales
Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada Nanay at Tatay: Laura
Corpuz at Lito Capati Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye,
Zenaida Falcon Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon Musika: Renato Blancaflor at
Daisy Franada Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero

-Nicopior, Christian Dave


Michael Taylor Jr.
Pilipinas

Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa


isang bar na nagngangalang freedom pad. Anak siya sa labas ng isang
amerikanong sundalo na hindi niya nakita man o nakilala. Malaki ang galit niya
sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at
sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo
siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong
amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang nag-ampon dito at
nakasama niya sa paglaki. Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga
sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya ng dahil sa
mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali. Si Modesto ay isang
pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa pinagtatrabahuan
niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William Smith. Tinitiis
niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya
rito. Si Ali naman ay isang baklang masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto.
Naging kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na si Richard Halloway.
Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga
sundalong amerikano sa base militar. Nakipagsagutan siya sa isang opisyal
doon at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya
ng mga kasamahan ng sundalong puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni
William, napatay nila si Modesto. Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at
Ignacio at binugbog rin. Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang
sundalo na nagngangalang Steve Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve
hanggang sa sa nabuntis siya nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng isang
kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong babalikang
pamilya sa Estados Unidos. Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng
kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa nga amerikano. Naulit na naman ang
paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay Magda. Hinampas ni Michael si
Steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay ni Steve. Nakulong si
Michael. Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan.
Ipinagpaalam niya ang pagpapangalan ng anak niya kay Mike. Ang bata ay
magiging si Michael Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay
sa magkabilang panig ng rehas.

-Nicopior, Christian Dave


Anekdota
Pilipinas

Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, naklilibang o


patalambuhay na pangyayari. Heto ang isang halimbawa ng anekdota: Isang
mahirap na tao ang tumama ng suwipstik. Siya ay maysakit sa puso kaya’t ang
ahenteng binilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang
balita nang hindi aatakihin sa puso ang tumama. Sa kanilang pag-uusap ay
tinantiya ng ahente kung ano ang magiging damdamin ng tao kung malaman
na ito ay tumama sa suwipistik. Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay
ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Ang ahente ang inatake sa puso.

-Nicopior, Christian Dave


Ang Ibon ng Hari
Pilipinas

Duplo: Ang Ibon ng Hari Ang Ibon ng Hari Hari: Simulan na ang laro. Bumilang
kayo. Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo. Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo. Hari:
Tribulasyon! Lahat: Tribulasyon! Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig)
Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay! Ang magulo ay mahalay
Sa mata ng kapitbahay. Mga binibini at mga ginoo, Matatanda’t batang
ngayo’y naririto, Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong
larong duplo. Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal, Asero ang pinto’t
patalim ang urang; Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, Ang mga bilyaka
ang nuha’t nagnakaw! Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw. Hari: Sino ang
nagnakaw? Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan; May isang
aninong aking natanaw; Hindi sinasadya, nang aking lapitan Isang babae po,
iyang natagpuan. At kitang-kita kong ikinubli niya. Siya’y naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka! Hari: Diyata’t bilyaka? Sino sa kanila?
Bilyako 1: Sa unang hanay po. Bilyaka 2: H’wag paniwalaan. Siya’y bulaan!
(Magkakaingay) Hari: (Sa lahat) Katahimikan! (Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?
Bilyako 1: Ako’y nalalaan! Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya, Hindi
maaari’t kami’y magkasama; Kami’y namamasyal ng irog kong sinta, Pa’nong
mananakaw ang ibon sa hawla? Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino At
pakaasahang parurusahan ko. Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang
hanay, Doon nakaupo nang buong hinusay, Walang iba kundi kanyang
kasintahan (Ituturo.) Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang? Hari:
Pinararatanga’y hindi umiimik, Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip)
Sapagkat may sala Heto, palmatorya! (Akmang papaluin) Bilyako 2: Kaiingat
kayo, O mahal na hari, Mag-isip-isip ka’t baka magkamali. (Titigil ng pagsasalita
bago magpapatuloy) Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw. Aking
ibubulong kung pahihintulutan. Hari: Nagpapahintulot! Bilyako 2: (Lalapit at
bubulong) Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay? (Siyang pagdating ng abay
ng reyna) Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala, Isasauli ko sa
kinunang hawla; Kagabi po ito’y kinuha ng reyna Siya ay nag-aliw sa
pangungulila! Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan! Ibalik ang ibon sa
hawlang kinunan. Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam Nang huwag ang iba ang
mapagbintangan. Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya, Baka
nalimutan at nalingat siya. Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako, Ngayo’y
tinatapos itong larong duplo. Paalam sa lahat, salamat sa inyo, Muling
magkikita pag naglaro tayo. WAKAS

-Nicopior, Christian Dave


Dandansoy
Pilipinas

Dandansoy Folk Song (Visayan) Dandansoy, bayaan ta ikaw Pauli ako sa


payaw Ugaling kung ikaw hidlawon ang payaw imo lang lantawon.
Dandansoy, kung imo apason Bisan tubig di magbalon Ugaling kung ikaw
uhawon Sa dalan magbubon-bubon. Kumbento, diin ang cura? Munisipyo, diin
justicia? Yari si dansoy makiha. Makiha sa pag-higugma, Ang panyo mo kag
panyo ko Dal-a diri kay tambihon ko Ugaling kung magkasilo Bana ta ikaw,
asawa mo ako.

-Nicopior, Christian Dave


TIPSY D VS SINIO
Pilipinas

-TIPSY D VS SINIO- TIPSY D ROUND 1 Yow! Itong si SINIO CAGASAN, mukha pa


lang talo na kahit SINO KALABAN, Sobrang pangit, mapapaMURA ka kahit 'di
mo TAWARAN, Sobrang lampa, 'pag sinuntok tataob kahit 'di mo TAMAAN,
Kaya ano'ng bigat ni SINIO sa LARANGAN? Wala, kasi patpatin ang Hayop na
'yan! Ano'ng nakain niya bakit niya ako nilabanan? Wala, 'di naman kumakain
ang Hayop na 'yan! Tapos nag-gigym ka pa niyan? Walang magagawa ang
PUSH UP, tanga! Magkakadibdib ka lang 'pag nagsuot ka nag PUSH UP na BRA!
At kahit pa nasa PAMPANGA teritoryo ko 'to BITCH! You coudn't just WALK here,
WALTER WHITE JR this BITCH! Uuwi kang naka-WALKER, (Breaking Bad ref.) O
kaya, papasabugin ko ulo mo na para bang WALKER (Walking Dead ref.) Tapos
career mo pagbangga mo sa'kin, parang si PAUL WALKER! Yow! Rest in Peace!
Yow! Rest in Peace din sa karir mo, ako'y ALAS ng BATAAN,Napasubo ka ng ALL-
IN, parang nagDEEPTHROAT ka sa DILDO, Diba sinabi mo kay SPADE, na nasa
taas ng BARAHA ka SINIO, 'Di ka pa din dapat sumugal ngayon kasi wala
namang kwenta ang JOKER sa CASINO! PAMPANGA'S BEST, pwes panis sa'kin
'tong TOCINO, Kung sila napa-ikot mo na para bang TSUBIBO, Mga BARA ko
malalim, walang sinaSANTO 'to SINIO, Kahit feeling HAWAK ang MUNDO, nitong
sinaSANTO ninyo, 'Di niya pa rin masasalo ang tagumpay, kasi kung
mapapansin niyo, Ako'y kabilang GLOBO na TAGOS pa, kaya BUTAS ang
KAMAY ni STO. NIÑO! 'Di ko na kailangan pa na magpaTAWA, para PUNITIN ang
iyong PAPEL, Para lang talunin ka, 'di ko na kailangan pa na magpatawa at
ako'y bumaba sa'yong LEBEL, Oo kapatid kita sa division, pero ayokong
magpigil, Kasi 'di naman nagpapatawa si CAIN nang pinatay niya si ABEL! At
diba ang gusto mong makaDUELO, ang REBUTTAL KING na si DELLO, baka nga
matalo mo siya, PERO ngayong gabi ikaw ang DEDO, Baka nalilimutan mo
SINIO, ako ang INIMPROVE na DELLO! Kasi kung tutuusin mas marami akong
tumatak na REBUTTALS kesa sa kanya Diba? Sa lahat ng naniniwala pakitaas
ang dalawang kamay oh! Yow! FLOW so CLEAN like mineral water, 'pag
nasagasaan ka ng truck sa labas, lolo ko yung Driver, Kung hinarddriver ko si
ABRA, pinowerplant ko si TOMA (hawk) Ikaw, hinihintay kita, Matagal nang
nakasulat 'to SINIO bata pa lang tayo, na papatayin kita! Pakitaas lang oh,
alam niyo na kasunod nito.. Uulitin ko lang just like you witness before, FUCKING
SINIO sabay sabay tayong.. lamunin mo 'tong ENERGY BALL! Oh ano bahala si
BATMAN? Huwag kang umasa sa REBUTTALS mong banban, Mahina mong
DEPENSE, baka OPENSA ko'y 'di mo matakpan, Uulanin ka ng PUNCHES parang
nag-walang bahala si PACMAN! Bahala si BATMAN? Walang magagawa
DEPENSA mo sa mga tira kong mala-HOOKSHOT ni DUNCAN, Hindi mapipigilan
parang si OPTIMUS, sa kalagitnaan ng TRUCK BAN! Bahala si BATMAN? Gago,
malabo nang ika'y maka-SIBAT MAN, Round 1 pa lang patay na yung JOKER,
wag niyo nang tawagin si BATMAN! SINIO ROUND 1 Mahina! Mahina, mahina,
mahina, mahina Kabilang globo na tagos pa?Ako gago kahit magnapkin yung
girlfriend mo tatagusan siya! At BATMAN, niloloko mo ba'ko? Gusto mong
hampasin kita ng CASE? Yung lapad ng mukha mo pangDALAWANG TAO, mas
bagay sa'yo si TWO-FACE! At yung kagwapuhan ko gusto niyang tawaran, 'Wag
naman ganyan, ito nalang ang aking puhunan! Tignan mo nga naman TIPSY D,
'pag minamalas ka, swineswerte ako, Sulit na sulit yung oras na sinayang ko
sa'yo, Kasi yung makakalaban mo ngayong gabi, ibang klaseng SINIO, 'Pag
sinumulan ko nang mag-JOKE, maraming nawawala sa pagkatino, Mas terible
at mas masakit pa'ko sa TADHANA mag-BIRO! Kaya TIPSY D, ano yan 'pag
nagkaanak ka si TIPSY E? 'Pag naging BASAGULERO at RAPPER, another
GANGSTA -- TIPSY G? Gago, yung buhok mo mukhang BROCCOLI! At mukha
naman yang CAULIFLOWER for sure 'pag binlondie! Napanood kita sa TV, puta
lupit mo! May gusto ngang kumuha sa'yo eh, si LORD baka trip mo? Diba gusto
mo ng FLEX?Pwes, bibigyan kita ng matinding STRETCH, MARK! Yung talagang
nakaka-STRESS, MARK! Yung tipong nakita mo yung girlfriend mong may ibang
kiniKISS, MARK! Yung sa sobrang inis, hanggang sa pagtulog binabalot ka pa din
ng puot mo, Mamatay ka na sana sa BANGUNGOT -- MARK-Y CIELO! Sasabihin
at gagawin ko ang aking gusto, this is my LAND, MARK, Nakakalimutan mo
atang nakatungtong ka sa LUPAIN ko! Kaya sigurado HIGHLIGHTS bawat LINYA
hindi na kailangan i-MARKer pa Tumatatak bawat PUNCHLINES, reMARKable
talaga, Kaya kahit saan ka magpunta, siguradong sapul ka pa din, Mapa-
LONG RANGE man, tawagin mo'kong MARKSMAN patay kung sino ang aking
ASINTAHIN! Alam mo ba tawag do'n MARK? Tinamaan ka ng MAGALING! At
mga CABALEN, gusto niyo bang malaman ang BAHO nito? Hindi niyo nagets, i-
slowmo ko, Mga CABALEN, gusto niyo bang malamang ang BAHO nito! Ngayon
alam niyo na ang BAHO nito! Impersonate ka ni EINSTEIN? -- TIPSY
NEPOMUCENO, Sa pagpasok mo sa PINTO ng liga, ang ginamit mong KEY --
DUPLICATE na istilo, Magaling lang mag-IMITATE ang mukhang instik na 'to!
Puwede nating sabihing STOLEN PIC ang IMAGE na DINEVELOP mo! At ikaw
daw ang PINAKAMATALINO sa inyong grupo, Wala daw tapon sa bawat bitaw,
kasi nga EINSTEIN daw, puta edi wow! Ngayon TIPSY D, it's GRIND TIME now,
DON'T FLOP, ito'y SMACK to your face, Sa pagsulat ang way address bar ng URL,
kinopy paste (COPY-PASTE) Kaya sa pagiging FLEXIBILITY at CREATIVE ARTIST,
BASE MENTALITY -- wala kang ORIGINALITY! Sa FLIPTOP, 'di ka magiging KING OF
THE DOT, 'di ka ORGANIC, isa kang CARBON COPY! Siguradong babagsak ka sa
PUNCHLINE na HEAVY, Title ng laban natin, KOTD, KNOCK OUT si TIPSY D! TIPSY D
ROUND 2 Yow! Dinamay niya yung girlfriend ko, Ito kahit simple rebut lang,
malamang maubos ang BARAHA mo, Diba malaki yung ngipin ng girlfriend mo?
Sa t'wing hinahalikan mo siya ako maaalala mo! ulol! Alam niyo hirap sa mga
palabiro?'pag nakadismaya, magsosorry nalang, Kaya nung nagchoke siya kay
AKLAS, ano ginawa niya? Nagsorry nalang, Kaya tuloy yung mga taong bumili
ng ticket, ang gusto'y isoli nalang, Kababayan mo nga si GLORIA(GMA) kasi
pagkatapos niyong makinabang sa pera, kayo'y nagsorry nalang! Binabayaran
tayo para tumula, hindi tayo binabayaran para kumalimot, Kaya naman nung
nagchoke ako sa laban, yung mga letra pilit ko pa rin na hinugot, Upang
masuklian ang bawat piso niyo, kahit ako pa ay matalo, Dahil kung alam mo
ang responsibilidad mo, 'di mo na kailangan magsorry sa mga tao! Pero ako'y
nanalo, oo ako'y nanalo sa kabila ng lahat, Magaling daw siya magbalik eh,
PRINSEPE ng REBUT, Masyado kang SELF PROCLAIMED dapat kilabutan ka sa
sarili mo, Kasi kung magaling ka magbalik, nung nawala ka kay AKLAS, bakit 'di
mo naibalik yang sarili mo?! Tapos ito nagpalusot nalang siya, na kahit 'di daw
siya mag-Champion eh mag-chaChampion naman kami, Tarantado, sa
kagustuhan namin ipahiya ka kaya nagpatalo nalang kami! Yow! Tapos diba
sabi mo quit ka na sa battle, kasi sasakay ka na ng bapor, At dahil wala naman
sumeseryoso sa'yo kaya pinagtripan ka nung doktor, Pagdating mo tuloy sa
agency, sablay ka sa medical nu'ng iyo na ipakita, Nasa X-ray mo ang resulta,
picture ni Batista! Tang ina ka, Tapos nag-gigym ka pang hinayupak ka,
Nakasuot pang JOGGING, nakasapatos pa, Naka-earphones while LIST'NING sa
IPOD niya, Tapos konting STRETCHING hinihika na! Kasi lampa ka, oo lampa ka,
Nung hindi siya makalaro sa PLAYOFFS nanghihinayang pa siya, Sa COMPUTER
ka na nga lang nagbaBASKETBALL, napipilayan ka pa! Yow! Pero huwag ka,
maingat na yan, Takot na sa konting STUMBLE yan, Nakasuot na nga yan ng
HELMET habang nagteTEMPLE RUN! Yow! ito pa matindi, Alam niyo ba na hindi
siya makaalis sa STAGE 2-2 ng SUPER MARIO, kasi sa ilalim ng TUBIG nakaset,
kaya magdamag siya nagBABAD, kinabukasan nagkasakit! Tapos sabi niya
kung wala daw ang tulad nito matagal na daw tayong walang FLIPTOP, AHON
3, ikaw lang ang TALO, lahat kami NANALO nang walang hirap, At ngayong
pinagtapat tayo, 'di mo pa ba nakuha yung mensahe ni ANYGMA, Mas
magaling ako mag-REBUT at magpaTAWA sa'yo 'di ka na namin kailangan sa
LIGA! O ano masakit ba? Ah!, hindi pa? Diba mahilig ka magpasanib? o sige
magtawag ka,Nagpapapasok ka sa KATAWAN nang KATAUHAN ng iba, Sana
MAKULONG ka nalang sa SELDANG may kasama na ARABO na LIMA,
Pagkatapos pagsawaan sana PATAYIN ka nila, TAGAIN, i-CHOPCHOP ulo,
kamay mo at paa, Mga ORGANS mo i-donate sa nangangailangan talaga,
Tutal mahilig ka naman ipagamit yang KATAWAN mo sa iba! Yow! Naaalala
niyo 'to? Gusto niyo ng QUADRUPLE TIME? TATATATIME! Ulol! Meron ka pang
TATATIME para sumuko pero pinili mong pumunta, Kaya kong TATATIMING-an
bawat tira mo kaya malabo kang umubra, Kung walang TATATIME LIMIT sa'kin,
ay mas lalong pulbos ka, Kahit magTATATIME si ANYGMA, 'di ibig sabihin tapos
na, Kukuha ako ng TATATATATIME MACHINE at ako ay babalik sa NAKARAAN, Sa
TATATIME ng ASPAKAN 2 upang talunin ka na naman! Time! SINIO ROUND 2 SELF
PROCLAIM bilang REBUTTAL PRINCE, dapat ang pinupuna mo si DELLO, Isipin mo
SKWATER lang yun, wala yung RIGHTS para magkaTITULO! At nagteTEMPLE RUN
daw ako nakaHELMENT(helmet) pa, Ito FLIPTOP, bakit naka-MOUTH PIECE ka?
Alam mo, Pamilyar yang mukha mo, parang namumukhaan kita, Parang may
kamukha ka, mukha kang tanga! Tingnan mo naman kasi itsura ng puta,
parang sa libro mo lang makikita, Kasi ang kapal at anlapad ng mukha mo
kung 'di mo napansin, Itong venue masyado nang masikip para sa'tin, Kaya
yang gagamitin mong TIME MACHINE, yung ASPAKAN 3 sa mukha mo na
gaganapin! Ano hindi ka payag? puta anSAMA SAMA mo Mukha kang
MASAMANG tao na MASAMAng magalit, Tuwing napapaSAMA ang
MASAMAng balak, Dahil sa MASAMA mong pagmumukha pero sana 'wag
mong MAMASAMAIN! Sabi nga nila, okay lang naman magbiro sa lasing, 'wag
lang sa bagong gym! Joke lang Pero ang aking balita, meron ka daw syotang
maganda, puta kamukha daw ni DARNA, Pero sana lagi mo siyang ingatan,
dahil 'pag yan naumpog sa bato, sigurado magwaWONDER WOMAN! Eh kaya
mo lang naman siya naging kasintahan, kasi sikat ka, Dinaan mo sa konting
PANGALAN at BOLA, parang si BARROCA! Pero alam niyo ba mga PEEPS, kahit
ganyan si TIPS, Hindi yan babaero kahit na ma-CHEEKS (CHICKS) Kaya 'wag ka
nang mainis, joke lang, Gago, TRUE LOVE na yan, Sana nga 'pag nag-away
kayo ng girlfriend mo, dun na kayo magkatuluyan! Ano napipikon ka, gusto mo
ng ASPAKAN? Gago, 'di mo kayang sindakin 'to, Ba't ako MATATAKOT eh
TINAKOT ko nga yung sarili kong MULTO, 'Di ako KINAKABAHAN sa'yo kahit
kamukha mo pa yung DAGA sa DIBDIB ko! DAGA! Kaya pala mahilig sa
KESOKaya pala mahilig sa KESO, mahilig magpalusot 'to, Alam niyo ba kung
bakit? KESO ganyan, KESO ganito Pwes, mag-isip ka na ng magandang palusot
mo kapatid, Dahil yung nilulusutan mo ngayon, hindi butas ng karayom kapatid,
Butas ng SINULID! Alam mo yung SINULID? 'pag pinagsusuntok kita sa mukha mo,
dun kita SINULID! (SINOLID) At alam mo ba yung ayoko sa'yo? Yun na, ayoko
sa'yo, wala nang ibang sagot, Tipsy D ansarap mong ibaon sa limot, Dahil sa
lahat ng mga bobo, wala nang mas bobobo pa sa'yo, Dahil sa sobrang bobo
mo, akala mo kaya mo ako! Ako, pagdating sa PUNCHLINE, kaya kong
makipagpalitan ng SUNTOK -- BLOW BY BLOW Asahan magiging pukpukan ang
laban -- TOE TO TOE Sisiguraduhing ALL THREE ROUND makakamit mo'y ZERO, X
na MARK ka -- TIC TAC TOE! Sa sobrang tindi ng mga BARS ko, napa-SO SICK si
NEYO! Kaya tumahimik ka nalang kung wala kang sasabihing magaling,
Nagkakalat ka lang sa BATTLE, para kang si TWENG Ako, simpleng
KOMEDYANTE, pero mala-TERORISTA kung umatake, Kaya kung ating
pagsasamahin, ang itawag mo sa'kin, MR.BEAN LADEN! (MR.BEAN/BIN LADEN) O
kaya tawagin, tawagin mo nalang ako 'pag may load ka na TIPSY D ROUND 3
Yow! CENTRAL LUZON EVENT, hindi ka ba nahihiya sa mga taga-hanga mo? Kasi
ako, 'di ko malilimutan yung mga katangahan mo! Isang buong round nilait ni
AKLAS yung CENTRAL LUZON diyan sa pagmumukha mong simangot, PRINSEPE
ka ng REBUT? Eh bakit 'di mo man lang nakuhang sumagot?! Imbes na
ipagtanggol ang DIVISION, ipinagsigawan niya pa sa ibabaw, Na ang RESPETO
niya nga raw ay na kay SAK MAESTRO na ng DAVAO, PUTA ka SINIO! Ikaw ay
bading! Wala nang argumento, Sa CENTRAL LUZON ako ang KING, no
SACRAMENTO, Kasi ika'y PEKE, 'di MALINAW parang tatak sa RECTO, Mag-
impake ka nalang sa DAVAO so you can SUCK MAESTRO! (SAK MAESTRO) Kasi
nga magaling siya diba? Idol mo siya diba? O sige kumapit ka na dun sa
malupit, Basta 'pag tinalo ko si SAK sa harap mo, 'wag mo sasabihing CENTRAL
LUZON ka na ulit! Uulitin ko PUTA ka SINIO! 'wag ka na magpaMACHO pa,
mahinhin ka! Kung naging prutas ka, BALIMBING ka! Wala kang bagong
PAKULO, MALAMIG ka pa sa 'di nakasaksak na PLANTSA, Kapag ikaw ay
NAPUNO, sa'kin BASAG ka katulad ng ALKANSYA! COMEDY KING ka ba? really?
approve ba kayo don? O siya siya, Susunod na kita kay DOLPHY, tutal naka-
moved on na si Zsa Zsa! Yow! Rest in Peace sa tunay na HARI ng KOMEDYA,
Tutal dinamay mo yung PATAY na BITUIN, sana mabagsakan ka ng KOMETA!
Pero kung mamamatay ka man ngayon, ay wag sa IMPYERNO, sana kunin ka
na ni GOD, Mga namatay na KOMEDYANTE nagtatag ng IMPERYO, hinihintay
ka na nila brad, Tulad nila REDFORD, BABALU at TADO, ang galit 'di mapigilan sa
bigat, Gugulpihin ka nalang nila sa LANGIT tutal gusto mong kumalaban ng
SIKAT! At wala akong pake kung ikaw ang TAGA DITO at ako ang BAGO RITO,
Dahil kahit saan magpunta, ako ang PABORITO, Iikot ka sa HANGIN ko parang
IPO-IPO, Titiklop ka sa PUNCHES ko parang IPPO, IHO, Ngayong UMAGA,
INALMUSAL ko itong TOCINO, Mga muchacha iligpit niyo na yang pinagkainan
kong bangkay ni SINIO, At aking tutulugan, hinanda ni MOCKS WUN kasama
BISYO, Libreng PAMASAHE at MASAHE, magandang SERBISYO, Kaya sana'y
ipagpaumanhin niyo kung ako ay PILYO dito, Gusto ko lang malaman ni SINIO
kung sino ang SENIORITO! (Sinio rito) Sir Anygma, kami ay magka-DIVISION na
magkaiba ang ISTILO, Tapos ngayon pinagtapat mo kami sa isang DUELO, Ang
tanong ko ay bakit? Ano ba ang 'yong nagamit? Isang guhit o isang pack? Ang
gusto nilang maulit DELLO vs TARGET hindi BLKD vs KRACK! Naalala niyo si
KRACK? Yung mahilig suminghot ng LIGHTER at UMIDLIP na HUKLUBAN, Pwes,
kahit sumanib sa'yo si KRACK -- I'm your worst NIGHTMARE, 'di mo ako pwedeng
TULUGAN! Speaking of TULOG, Ako ay bisita, 'pag wala akong NASAKYAN,
TUTULUYAN kita, Ano daw? 'pag wala akong NASAKYAN, TUTULUYAN kita, Gago,
'di ko tinutukoy ang SASAKYAN o TUTULUGAN kita, Ang tinutukoy ko yung mga
JOKES mo, 'pag wala akong NASAKYAN, TUTULUYAN kita! At wala akong balak
pumreno, GUGULUNGAN kita! Kung hindi man makaBINGGO, PUPURUHAN kita!
Sa dinami dami dami dami dami dami ng mga JOKES mo, wala akong maalala
na TINANAN kita! Alam mo kung ano nakakatawa? Hindi mo nagawang
BUMENTA sa'kin kasi wala kang HALAGA! SINIO ROUND 3 Yung respeto ko nasa
DAVAO, hindi ka saklaw non pre, Kaya ko lang naman yun sinabi kasi meron
silang SAK at DUTERTE! At bakit ka ba lumaban TIPSY? LASING ka pa ata sir, Mga
linya mo puro sabit na, meron ka pa atang HANGOVER! Yang pagiging
LASENGGERO mo mismo ang sa'yo magpapahamak, GENIUS o baka naka-GIN
USE, alam kong duwag ka kasi nanghihiram ka pa ng tapang sa ALAK! Pwes,
puputukan kita ng COLT 45 at kahit sino 'di puwedeng umawat, Pero ang alak
'di nilalagay sa ULO kaya TAMA mo puro BODY SHOT! Maasim-asim na maalat
alat! Pero higit sa lahat mapait, ang iyong mararamdaman 'pag umuwi kang
talunan, Kasi isipin mo naman, ikaw nga 'tong TIPSY pero iSUSUKA ka na ng
BATAAN! At kahit saan mo pa tignan, wala akong WEAKNESS, Ang meron ako
DISS ABILITY, Kasi 'pag ako nan-DISS, sigurado MABANGIS, 'di man ganon kaBILIS,
rekta wala pang DAPLIS, Malabo magMINTIS, yan ang aking DISS ABILITY! And
THIS ABILITY, Ang magpapabagsak sa'yo TIPSY D! I-OOVERDOSE kita sa GENERIC,
Oo, puwede kitang ituring na BANTA pero 'di ka sa'kin TINIK | na EMCEE, Sa
ABILITY, I have natural technique, Na sa banatan pigtas ang FLEXIBILITY ni
LASTIKMAN sa VERSATILITY ni MR. FANTASTIC! How Ironic, parang GYM
INSTRUCTOR vs GYMNASTIC.. talagang EPIC, Kasi masyado pa daw akong
baguhan kung ako sa'yo ikukumpara, Aminadong may GATAS pa sa LABI pero
ang KAMAY may DUGO na, Tulad ng GLADIATOR sa ARENA, matira matibay sa
BATTLE, Sa banatan sanay ang katawan mala-KIMBO SLICE STREET FIGHTER,
BOXER na laging hinahanap ang RING, parang si SMEAGOL! At alam ko mga Sir
kanina niyo pa inaabangan kung paano ko lalaitin yung ipin nito, Gusto niyo ba
ng sample? Si TIPSY D ang kumagat sa LOGO ng APPLE, Aminin mo na tol, na
hindi si EBA at si ADAN kundi ikaw yung kumagat do'n sa MANSANAS, Hindi pa
nakuntento si UNGAS, kinagat pati yung AHAS! Bobo ka talaga, ambobo bobo
mo! Nung sinabihan ka na kagatin mo yung BREAK mo, kinagat mo yung
PRENO! (BRAKE) Kaya What's up Doc? Hindi yung pagiging BUGS BUNNY mo
ang aking pinupuna, Kaya What's up Doc? Diba IT ka? pero ba't angaling mo
man-DOKTOR ng LINYA?! Punyeta ka anlakas mo pang mamuna, na si G-
CLOWN gumaya ng STYLE at ng PABARA BARANG DANCE MOVES! Eh ikaw
KINOPYA mo yung mismong PUNCHLINE, ikaw yung tunay na PALKUPS! At oops..
bago ka umuwi ng BATAAN, meron lang akong gustong ibulgar, Ang
pinagkaiba niyo ni EINSTEIN, si EINSTEIN matalino, Ikaw TOP, TOP SNATCHER ka ng
BAR! Ano raw?! Ano raw?! Magnanakaw! Time

-Nicopior, Christian Dave


Ang Kwento ni Mabuti
Pilipinas

MAIKLING KWENTO Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute Hindi ko


siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya.
Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang
umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang
maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga
kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya
ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan n buhay. Saan man
sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko
siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyan anyo…
at sa kanyang buhay… Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang
sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit
hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan,
walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya’y tinatawag
naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula
ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi
niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-
aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng
paniniwala sa buhay. “Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula
tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti…
Mabuti!” Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di
lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng
bata kong puso ang pambata ring suliranin. Noo’y magtatakipsilim na at
maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay
ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang
tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha.
Doon niya ako natagpuan. “Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli
ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung
makakatulong ako.” Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa
kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kaabaan ang
pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng
hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda
ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. “Hindi ko alam na may tao
rito”….. naparito ako upang umiyak din.” Hindi ako nakapangusap sa
katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa
aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang
labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig
sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.
Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y
nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong
kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam
ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat. Lumabas kaming
magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay
natatanaw na nang bigla akong makaalala. “Siyanga pala, Ma’am, kayo?
Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na
… iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa
kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang
ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.” Si
Mabuti’y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang
mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo
niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa
sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi
niya nang hapong iyon. At habang tumaaginting sa silid naming ang kanyang
tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan n pagtungo niya
sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon,
sa aming sulok na iyong… aming dalawa… At sapagkat natuklasan ko ang
katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay
ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan,
pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng
maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-inti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa
anitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at
ako’y humanga. Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili
pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming
aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos
na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa
kalooban n

-Memita, Kenesha Janelle


Ibalon
Pilipinas

EPIKO Ibalon (Epiko ng Bicol) Ang epikong Ibalon ay isang salaysay ng


pakikipagsapalaran ng mga bayaning sina Baltog, Handiong, at Bantong.
Pinaniniwalaang isang sinauna’t mitolohikong salaysay ito ng mga Bikolano.
Gayunman, pinagdududahang epikong-bayan ito dahil sa kasalukuyang
napakaikling anyo nitó (240 taludtod) at nakasulat sa wikang Espanyol. Bahagi
ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose Castaño, isang paring nadestino sa
Bikol. May makatang nagsalin ng teksto sa Bikol ngunit walang nakatutuklas
hanggang ngayon ng kahit isang orihinal na saknong nitó sa wika ng mga
Bikolano. May tumatawag ding Ibalon sa Kabikulan. Nagsisimula ang salaysay
sa isang kahilingan ng ibong si Yling kay Cadugnung na kantahin ang kuwento
ni Handiong. Isinasalaysay muna ni Cadugnung ang kagitingan ni Baltog na
pumatay sa Tandayag, isang dambuhalang baboy. Sumunod ang kuwento ni
Handiong. Bago siya dumating ay punô ng mababangis at malalaking hayop
ang Kabikulan. Madalî niyang pinatay ang mga ito maliban kay Oriol, ang
mailap na ahas na nagbabalatkayo bilang isang napakagandang babae.
Pagkatapos mapatay si Oriol ay nagkaroon ng mga pag-unlad sa sining at
industriya sa ilalim ng pamumunò ni Handiong. Ang hulíng bayani, si Bantong,
ang pumatay sa dambuhalang si Rabot, isang nilaláng na kalahating tao at
kalahating hayop at nagiging bato ang matingnan. Pinatay ni Bantong si Rabot
hábang natutulog. Dito huminto sa pag-awit si Cadugnung. Buod ng Ibalon Si
Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang
malaking baboy-ramo. Siya’y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman
ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng
Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling
kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na
tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay
matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si
Handiong. Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang
lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad
na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito
maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na
may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang
mga masasamang hayop sa Ibalon.

-Memita, Kenesha Janelle


SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO
Pilipinas

KWENTONG BAYAN SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO Isang araw si Juan ay


inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa palengke at
bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si
Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin. Nang
makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga
alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang
alimango at nagpasalamat sa tindera. Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi
ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juan sa palengke ay
naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may
malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't
naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango. "Mauna na
kayong umuwi, magpapahingamuna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay.
Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan,
ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."
Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang
magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno.
Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang
magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang
kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-
layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno
ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok
nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga
alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni
Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag umaga ko pa po
pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na." "Juan, paanong
makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi
naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit
hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang
mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay pagpapaliwanag ni
Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.

-Memita, Kenesha Janelle


Ito Pala Ang Inyo
Pilipinas

DULA Ito Pala Ang Inyo ni Frederico b. Sebastian Part 1 Clary: sabik na sabik na
akong makarating sa bahay bert. Bert: totoo ba yan? Clary: oo naman. Ang
hangin sa lalawigan ay tunay na nakakaakit. Bert: masaya ako dahil
nasisiyahan ka mahal ko. Clary: Nais ko na talagang makarating Bert sa ating
paraiso!!!(papasok na sa maralitang bahay) Clary: Ito pala ang sinasabi mong
bahay Bert. Bert: Oo mahal ko. *tumitingin tingin pagkatapos umupo sa bangko
ito ay bumagsak Clary: Aray ko pohhh!!!! Bert:Nasaktan ka ba mahal?
Clary:Nasaktan!?hello??!bumagsak kaya ako dahil sa upuan na yan!Hindi mo
man lang sinabi na bulok na pala yan.(galit na galit) Bert: (aamuhin si Clary)
Wag ka nang magalit.(I mamasahe ang binti ng babae) Matagal na kasi ako
hindi nakakauwi dito mahal. *ngingiti na si Clary at babangon Clary: ito pala
ang sinasabi mong paraiso. Kita mo pala ang mga bituin kahit araw na araw.
Bert: oo nga. At ang sofa namin ay matigas lamang. *tatawa ang dalawa
Clary: Bert….wala ka na bang damit maliban pa diyan? Bert:Ano naman ang
masama sa suot ko, mahal kong Claring? Clary: (nagalit) Baket noong
dumadalaw ka pa sa amin ang ayos ng iyong suot? And by the way haven’t I
told you call me Clary. Bert: ayaw mo bang Claro na lang?(tatawa) Clary: its
not Claro its Claryyyyy!(lalayo kay bert at tatalikuran ito) Bert: (yayakapin
patalikod si Clary) sige Clary. Bakit nga pala tayo naguusap ng ganito,kakasal
pa lamang natin ah? Clary: Oo nga. Bert: Sige na, magbihis ka na muna. Clary:
saan ako magbibihis? Bert: Aba saan pa e di dito. Wala naman taong
makakakita sayo kundi…ako lang(titingin sa manonood tapos tataas-taas ang
kilay) Clary: Dito?!(titingin sa nanonood) Bert: Alam mo mahal ko, dito sa
probinsya lalo na sa katulad kong mahirap wala ka ng makikita pang room
kundi ito lang. Clary: mamayang gabi na lang ako magbibihis.(magdadabog)
Bert: Ikaw ang bahala. Pero ang gabi sa amin ay tunay na gabi? Clary: Huh?
Bert: walang electrisidad dito, mahal ko. Clary: OMG! Di na talaga ako
makakapag bihis!!! Sa Maynila na nga lang ako magbibihis. Bert: (tatawa)
Clary: (iirap) At saka asan pala ang ating bed? Bert: wala tayng katre mahal
ko…. Clary: Ano?! San Tayo matutulog? Bert: sa sahig mahal ko. Clary: Sa
ganda kong ito matutulog ako sa sahig? Bert: masanay ka na…sapagkat
mahirap lang ak…. Clary: tama na! wala na akong magagawa!!!samahan mo
na lang ako sa banyo at maliligo muna ako. Part 2 Alberto: Wag ka na maligo
Clary. Malamig ang panahon at hindi ka pa masyado sanay ditto. Clary: Bakit
pati paliligo ko ay iyong pinapakialaman?At bakit ako magsasanay maligo,
hindi ba ako naliligo? Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang banyo mo
sa maynila sa banyo namin. Hindi ka nga makapagpalit dahil sa hiya ang
pagliligo pa kaya sa batalan. Clary: Sige na…..Mr. Alibi Bert: (sa sarili) ang hirap
pala magkaasawq lalo na ang tulad ni Clary na laki sa Maynila at mayaman. At
ano kaya ang mangyayari kung malaman niya na ako ay may mga anak….
*bumalik na galling sa batalan si Clary Clary: Bert! Hindi ako pwedeng maligo
doon….wala man lang harang yung… Bert: batalan, mahal Clary: at bert wala
pa akong nakikitang gripo. Saan kayo kumukuha dito ng tubig? Bert: kumukuha
kami ng tubig sa poso mga kalahiting kilometro lang naman mula rito. Kung
maliligo ka, sabihin mo na para ako ay maguumpisa ng maglakad. Clary: Wag
na, bert! sa maynila na lang ako maliligo. Bert: Sa maynila ka na rin maliligo at
doon ka rin magbibihis? Clary: oo.at asan dito yung…. Bert: Ano? Clary: yung
kasilyas. Bert: wala kami. Karamihan sa amin ay wala pang toilet, lalo na ang
mga mahihirap na tulad ko. At hindi pa kase nakakarating ang sibilisasyon sa
amin e. Clary: ano?! Ano ang gingamit niyo? Bert: nakikita mo ba yun?(tuturo sa
kabilang direksyon) Clary: yung kawayan? Bert: oo, yun ang kasilyas naming.
Clarita: what?! Sukdulan na ang mga pagsubok mo sa akin bert! Dito mo ba
ako ititira?! Akala ko ba may sarili tayong paraiso at mamumuhay tayo ng
parang si Adan at si Eba!!!? Ano ang nangyari sa sinabi mo??? *magugulat na
lang si Clary may pumasok na matanda Bert: (gulat) Tiya Isyang!!! Tiya Isyang:
Berto!(nakakunot ang noo) * ang mga bata ay pupunta kay bert Mga bata:
tatay!tatay! tatay! wala ka bang pasalubong sa amin?(with a cute face) *
gulat na gulat si clary(nakatingin lang sa nakikita niyang pangyayari) Bert: tiya
isyang siya ay si clary ang aking asawa , Clary ang aking tiya at aking mga….
Clary: Anak! Walang hiya ka, hindi ka nagsabi sa akin ng buong katotohanan.
Uuwi na lang ako sa maynila. Doon may banyo, toilet, bed, rooms at higit sa
lahat walang mga makukulit na bata ang manggugulo sa akin. *umalis si Clary
at hinabol naman siya ni bert at nahawakan sa kamay Bert: Hindi ka maaring
umalis na wala ako. ……(nag iiyakan ang mga anak) Aling Isyang: Tumahimik
kayo! Tinamaan kayo ng lintik.

-Memita, Kenesha Janelle


Wikang Filipino o Wikang English
Pilipinas

BALAGTASAN Alin ang Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?


Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)
Lakandiwa: Minamahal naming mga kamag-aral Mga magulang, mga guro at
prinsipal Mga panauhing pinagpipitaganan Naririto ngayon sa’ting paaralan.
Magandang umaga po, ang bating marangal Ang Buwan ng Wika ating
ipagdiwang Ikalimang baitang ang amin pong alay Ipagmamalaki, isang
balagtasan. Wikang Filipino ay sariling wika At ang wikang English ay wikang
banyaga Kapwa ginagamit ng may pang-unawa Higit na mahalaga, alin na
nga kaya? Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala Dalawang mahusay,
maganda at batikang makata Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila
Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila. Sa wikang Filipino ang
mangangatuwiran Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald At sa wikang English ang
makakalaban Bb. Lariza ng Grade V- Section one. Wikang Filipino: Sa puso at
diwa, ako’y Pilipino Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko May sariling wika,
wikang Filipino Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko. Wikang Filipino ay
wikang panlahat Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas Sa pagkakaisa
naipahahayag Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad. Wikang English: Alam
nating itong English, isang wikang pandaigdig Sa lahat ng pag-aaral
pangunahing ginagamit Ang mga asignaturang Science, English at
Mathematics Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip. Ang bagong alpabeto hindi
mo ba napapansin Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na May computer,
may internet, Facebook at may Google plus pa Ito’y mga pagbabagong
Wikang English ang simula. Wikang Filipino: Alam nating sa’ting mundo marami
ng pagbabago Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso Mentalidad
na kolonyal dayuhan ang pasimuno Ngunit naghihirap pa rin ang maraming
Pilipino. Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao Matibay na pundasyon
ng ating pagka-Pilipno Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago. Wikang English: Sapagkat itong
English isang wikang unibersal Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan
Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan Upang itong mga bansa ay
magkaunawaan. Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral Kung mahusay
kang mag-English sa call center ka mag-apply Siguradong matatanggap at
kikita rin kaagad Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa
magdamag. Wikang Filipino: Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino
Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso Itong wikang kinagisnan, ang
Wikang Filipino Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso. Wikang
English: Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino Mahalaga rin ang English at ‘yan ay
nababatid mo Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo Ang
pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo. Lakandiwa: Tama na, sukat na,
mahuhusay na makata Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa Sa
madlang nanonood kayo na po ang magpasiya Alin ang mas mahalaga,
sariling wika o wikang banyaga? Kaming tatlo ay narito, sa inyo’y
nagpapasalamat Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang Taos
pusong bumabati, maligayang pagdiriwang Ang hiling po namin, masigabong
palakpakan.

-Memita, Kenesha Janelle


Iba't ibang Sawikain
Pilipinas

Iba't ibang Sawikain 1. ahas ----taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga


kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas. 2. anak-
dalita ---mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak
dalita. alilang-kanin ---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain
ngunit walang suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong
maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin
lang." balitang-kutsero ---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin
sa mga balitang-kutsero. balik-harap ---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit
taksil sa likuran. Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi
magiging mabuting kaibigan. Bantay-salakay ---taong nagbabait-baitan
Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
basa ang papel ---bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling
pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina. buwaya sa
katihan ---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging
masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming
buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo? bukal
sa loob ---taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na
inihahandog ko sa mga nangangailangan. busilak ang puso ---malinis ang
kalooban Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at
pakikipag-kapwa tao. Puri sa harap, sa likod paglibak Kaibigan kung meron,
Kung wala'y sitsaron Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan Matabang
man ang paninda, matamis naman ang anyaya Kapag tunay ang anyaya,
sinasamahan ng hila Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan Hindi
sasama ang pare, kundi sa kapwa pare Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-
sukot sa harap ng dayo Ang taong tamad, kadalasa'y salat Mag-aral kang
mamaluktot habang maigsi ang kumot May pakpak ang balita, may tainga
ang lupa Sagana sa puri, dukha sa sarili

-Mandahay, Diana Joebele


Bakit Dala-dala ni Pagong ang kanyang Bahay
Pilipinas

Noong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng bathalang


maykapal si Barangaw magmula sa alapaap upang tingnan kung maligaya
ang ating mga ninuno. Kung minsan si Barangaw ay nag-aanyong bahaghari
upang pahintuin ang unos na maaaring makasira sa mga pananim. Kung
minsan ay nag-aanyong isang sultan, naglalagay ng putong, nagdadamit ng
kundiman at palakad-lakad sa loob at labas ng balangay. Isang baston o
tungkod na nilalik na kamagong ang kanyang dala-dala tanda ng
kapangyarihan. Ito ang pinaparusa niya sa mga malulupit at mga masasama,
at ito rin ang ginagamit niya sa paggawad ng gantimpala sa mabubuti. Isang
araw noong panahon ni Lakan Lumatay ay inutusan nga ni Bathala si Barangaw
na mamasyal sa Malanday upang malaman ang mga daing ng mga aliping
namamahay at aliping sagigilid. Samantalang naglalakad si Barangaw,
nakaalinig siya ng abot-abot na lagapak ng hagupit na kasabay ang
malungkot na daing. Bakit kaya? ang tanong ni Barangaw sa kanyang sarili
walang kakilakilatis siyang nasok sa silid na pinanggagalingan ng daing ng
taong hinahagupit ng lanubo ng bayabas. Kitang-kita niyang namimilipit sa
sakit ang taong hinahagupit na sa kahit saan tamaan! Kaawa-awang alipin!
ang malungkot niyang nasabi. Walang nakakita kay Barangaw sapagkat ang
tagaputong niya ay maysa tagabulag, ngunit kitang-kita niya ang lahat.
Naroon si Lakan Lumatay at nakapamewang, pinag-abot-sikong nakabalita
ang alipin at pinapalo ng walang patumangga ni Magbitag na siyang
tagapagparusa ni Lakan. Saan mo itinago ang iyong anak na dalaga? Ang
tanong ni Magbitag, sandaling tinigilan ng palo ang alipin ito’y hubad baro, at
ang katawan ay halos putok-putok sa sa kapapalo. Hala, magsabi ka ng totoo.
Pag hindi’y mauutas ka. Dapat mong ipagpasalamat na Lakan pa at puno
natin ay may ibig sa anak mo. Ano, magsasabi ka o hindi? Hindi umimik si
Barangaw. Nakinig siya upang malaman ang puno’t dulo ng paghahagupit na
yaon. Hinintay na sumagot ang alipin, ngunit ito’y walang imik Matigas ang ulo,
Hala lantakan mo uli! ang makapangyarihang utos ni Lakan Lumatay.
Pagkamatay ay itapon na ninyo sa ilog at ng lamunin ng buwaya. Pagkaunat-
unat ng Magbitag ng kanyang bisig upang hagupitin na naman ang aliping
halos wala ng malay-tao. Datapwa’t ng sasayad na sa katawan ang lanubo
ang tagapagparusa ay biglang sinangga ng tungkod na kamagong ni
Barangaw. Nahulog sa lupa ang lanubo at nanginig ang buong katawan ng
mabalasik na si Magbitag. Si Barangaw ay galit na galit sa nakita niayang
kalupitan ng punong dapat sanang magpasunod sa kahabag-habag na alipin.
Lakan Lumatay! Ikaw ba ang nag-utos na hagupitin ang aliping ito? ang
tanong ni Barangaw. Hulihin ang pangahas! ang mabangis na utos ni Lakan
Lumatay sa kanyang mga kampon. Paluhurin sa monggo at timbain sa tubig.
Sayang, sa gulogod mo sana naubos ang lanubo ko. Kung hindi lamang sa utos
ng puno ko, masasarapan ka! Mata mo lang ang walang latay! At inakmang
hagupitin si Barangaw. Ngunit pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si
Magbitag at ang wika: Malupit kang walang kaparam wala kang awa sa
kapwa. Ngayon din ay magsisi ka ng iyong mga kasalanan. Dadaluhong sana si
Magbitag ngunit ang mga paa nito ay parang natilos sa kinatatayuan at
nawalan ng lakas. Kaya si Lakan Lumatay naman ang nagtangkang humagupit
kay Barangaw, ngunit ito’y nawalan din ng lakas. Ah, malulupit, magagara ang
inyong damit, maiinam ang inyong bihis ngunit wala kayong bait. Binigyan pa
naman kayo ng Lumikha ng puso’t diwa, ang bagay sa inyo ay ito! at anyong
hahatawin ang kanyang tungkod. Ngunit ang alipin ay natauhan noon at
napasigaw. Poon ko po patawarin mo po ang aking puno. Ang akin pong anak
ay itinatago ko nga! Hindi itinuloy ang paghataw ni Barangaw. Bakit mo itinago
ang iyong anak? ang tanong sa alipin. Ayaw ko ng anak ko na mahulog sa
kamay ni Lakan. May tunay po siyang iniibig: si Malaya, ayoko po namang
piliting ibigin ng anak ko ang Lakan. Ako po ang may sala. Patawarin mo na po
ang aking puno. Mabuti kang kampon, aliping tapat hanggang wakas. Bakit
ang kalupitan ay sinusuklian mo ng katapatan? Dahil sa iyong hiling ay hindi ko
papatayin ang iyong puno at ang humagupit sa iyo. Subalit sila’y hindi
makatao, kaya’t sila’y dapat parusahan. Buhat ngayo’y mag-uusad silang
tulad ng ibang hayop; ngunit ng sila’y may masilungan, dadalhin nila ang
kanilang bahay. Sinaling ang tungkod niya kay Lakan at si Magbitag, at ang
wika sa mga ito: Mula ngayon ay dadalhin ninyo ang inyong bahay at kayo’y
uusad upang huwag ng pamarisan.

-Mandahay, Diana Joebele


Salawikain
Pilipinas

Minsan may magkapatid na naninirahan sa isang bayan. Ang isa ay mayaman.


At ang isa naman ay mahirap na walang ibang pinagkakabuhayan kundi ang
pagtatanim ng kalabasa. Isang araw, namunga ng isang kakaibang kalabasa
ang kanyang pananim. Isang kalabasang may pambihirang laki! Hindi alam ng
lalaki ang kanyang gagawin sa dambuhalang kalabasa. Naisin man niyang
kainin ito, ngunit napakalaki at tiyak na maraming masasayang. Kung mag-
iimbita siya ng mga bisita para kumain sa kalabasa ay manghihinawa lang ang
mga iyon. Kung dadalhin naman niya sa palengke upang ibenta ay hindi rin
maaari. Walang sasakyang maaaring magdala sa ganito kalaking kalabasa. At
hindi rin magiging sapat ang kita para makabawi sa gagamiting transportasyon
patungo sa palengke. Naisip ng taong ito na iregalo na lamang sa hari ang
dambuhalang kalabasa. At ganoon nga ang kanyang ginawa. Laking tuwa ng
hari. Dahil noon lamang ito nakakita ng ganoong kalaking kalabasa. Isa itong
kamangha-manghang bagay. Tiyak na magiging pangunahing pang-akit ito sa
ating kaharian! At dahil sa kasiyahan ng hari, binigyan nito ng ginto at
mamahaling bato ang taong nagbigay ng regalo. Tuwang-tuwa siya at
kaagad nagtungo sa kanyang kapatid upang isalaysay ang nangyari. Hindi
makapaniwala ang kanyang mayaman na kapatid. Gayunpaman, naisip ng
mayamang kapatid na kung ang hari ay natuwa sa walang kuwentang
kalabasa, tiyak na mas ikagagalak nito kung reregaluhan niya ng mas
mahalagang bagay tulad ng mamahaling kasuotan at magagandang alahas.
Kaya’t ganoon nga ang ginawa ng mayamang kapatid. Niregaluhan niya ang
hari ng mga magagandang kasuotan at magagandang alahas. Lubos
namang natuwa ang hari. Ang sabi niya, Ang mga ganitong pambihirang
regalo ay dapat lang suklian ng pambihirang regalo. Natuwa ang mayamang
kapatid. Batid na niyang saku-sakong ginto ang ireregalo sa kanya. Ngunit sa
kanyang kabiglaanan, ang ipinagkaloob sa kanya ng hari ay ang
pinakamahalagang bagay sa palasyo noong mga sandaling oyon. At iyon ay
walang iba kundi ang dambuhalang kalabasang nagmula sa kanyang kapatid.
Mensahe: Magbigay tayo nang hindi naghahangad ng kapalit. Huwag umasa
ng kapalit sa bawat bagay na ibinibigay natin nang hindi tayo mapahiya.

-Mandahay, Diana Joebele


Mga Talumpati
Pilipinas

Mga Talumpati / Filipino Speeches Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o


opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad
ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa
paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati
(extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa
mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring
may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na
impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan
binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa. Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang
talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna
ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang
sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula
at wakas lamang.

-Mandahay, Diana Joebele


Ang Karagatan
Pilipinas

1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.2. Ang kuwento nito ay batay sa
alamat ng singsing ng isangdalaga na nahulog sa gitna ng dagat.2.
Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing. 4. Sa larong ito,
hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang nais magkapal ad sa
dalagangnawalan ng singsing.5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang
bahay.6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may
sarisaringpagkaing-nayon.7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.8.
Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.9. Maaaring
magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyanng dalaga ng
talinghaga.10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan
ngtabong may tandang puti.11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang
binata bago tuluyang sagutin

-Mandahay, Diana Joebele


Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak
Pilipinas

SANAYSAY Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak


(Sanaysay) ni: J Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa
kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong
kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na
substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari
kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at
mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala
ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang
mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa
iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong
katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na
pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain. Alam
nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming
masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay.
At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman
mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa
pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting
desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang
kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin
dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa
iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong
maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong
mga mahal sa buhay. Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa
nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung
ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo
ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming
paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng
mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang
paghinto sa pag-inom ng alcohol. Marami pang panahon para tumigil ka.
Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon
bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang
sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos
mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang
ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na
magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at
lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi
man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang
baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At
sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay
magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay
ngayon at sa darating pang panahon.

-Anicete, Alexa
Alamat ng Ampalaya
Pilipinas

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may
kanya-kanyang kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si
Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos
na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa,
si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na
balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isang gulay na
umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang
maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag. Araw-
araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at
lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa
niyang mga gulay. Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng
magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang-tuwa si
Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay
pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon
ang mga gulay na kanyang ninakawan. Napagkasunduan nilang sundan ang
gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang
hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki ang
kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit ang mga
gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila
ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat
ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay. Laking tuwa
ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa
niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang
anyo. Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo
at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-
ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung
kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.
Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi
nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.

-Lumberio, Lea Jarina


Paano Ang Niyog Dumating Sa Myanmar
Myanmar

Naaalala ang isang tanyag na Burmese folk tale, sumulat si Madhu Gurung sa
network ng mga bata ng Pitara: Ang Myanmar ay kilala bilang ang ginintuang
lupain ng ginto na simbahang pagodas at pinapalo ang mga puno ng niyog.
Ang mga puno ng niyog ay orihinal na tinawag na 'gon-bin' sa wikang
Myanmar, na isinalin sa Ingles ay nangangahulugang punong gawa ng
kamalian. Bakit kilala ito ng hindi pangkaraniwang pangalan na ito, dahil noong
isang siglo na ang nakakaraan, isang balsa na nagdadala ng tatlong tao na
nakarating sa baybayin ng Burmese. Ang mga taong nakasakay sa balsa na ito
ay dinala sa hari. Sa pagtatanong sa kanila ay nalaman ng hari na sila ay
pinalayas sa kanilang sariling kaharian dahil sa mga krimen na kanilang
nagawa. Ang isang tao ay isang magnanakaw na nakawat mula sa ibang tao;
ang sumunod ay isang mangkukulam na nagsasagawa ng mga masamang
mantra at pinatakot ang mga tao. Samantalang ang pangatlo ay isang
gumagawa ng kamalasan, na walang ginawa ng tama at sinaktan lamang
ang lahat sa pagsasabi ng mga sugat at kasinungalingan. Narinig ng hari ang
kanilang kwento na inutusan ang kanyang ministro na magbigay ng isang
libong piraso ng pilak sa magnanakaw at pinayagan siyang manirahan sa
Burma. Para sa bruha rin, nagbigay siya ng parehong mga order. Ngunit para
sa gumagawa ng kasamaan, inutusan niya siyang patayin kaagad.
Ipinagpaliwanag ng hari sa kanyang nakaganyak na mga kawani na ang
magnakaw ay nakawat mula sa iba dahil siya ay mahirap at kung may sapat
siyang mabuhay, gagawa siya ng isang mabuting paksa. Ang bruha
masyadong cast spell dahil sa siya ay inggit, mahirap at hindi masaya at kung
siya ay may sapat na upang mabuhay, siya rin ay gumawa ng isang mahusay
na paksa. Ngunit para sa pangatlo, itinuro ng hari na "sa sandaling isang
gumagawa ng kasamaan, palaging isang gumagawa ng kasamaan". Kaya
ang gumagawa ng kalokohan ay dinala sa dalampasigan at pinugutan ng ulo.
Kinabukasan nang maipasa ng opisyal ng hari ang lugar ng pagpatay sa
kamangmangan, nagulat siya nang buksan ang ulo ng gumagawa ng
kasamaan at sumigaw ng malakas, "Sabihin mo sa iyong hari na lumapit at
yumukod sa harap ko o kaya ay gagawin ko patumbahin ang kanyang ulo. "
Ang natakot na opisyal ay tumakbo sa hari upang iulat ang pinaka hindi
pangkaraniwang nangyayari. Hindi siya pinaniwalaan ng hari at nadama
niyang pinapahiya siya. "Panginoon ko kung hindi ka naniniwala sa akin,
magpadala ka ng isang kasama ko at kumpirmahin niya ang nakita ko lang."
Kaya't inutusan ng hari ang isa pang opisyal na samahan ang una. Nang
makarating sila sa mga patlang na pagpapatupad ay tumahimik ang ulo.
Iniulat ng pangalawang opisyal ang kanyang nakita at sa galit ay inutusan ng
Hari ang unang opisyal na ipapatay dahil sa isang sinungaling. Ang kapus-
palad na opisyal ay dinala sa mga patayan at pagpatay sa ulo. Nang makita
ito, tumawa nang malakas ang ulo ng gumagawa ng kamalian, "Ha, ha!
Maaari pa rin akong gumawa ng kasamaan kahit na patay na ako. Ang opisyal
ay nagmamadaling bumalik sa palasyo at nag-ulat sa hari. Ang hari ay napuno
ng kalungkutan at pagsisisi. Napagtanto ng hari na ang ulo ng gumagawa ng
kamalian ay lilikha ng karagdagang mga problema, kaya't inutusan niya ang
ulo na ilibing sa isang malalim na hukay. Kinabukasan ay lumago ang isang
kakaibang punong kahoy kung saan inilibing ang ulo, na nagdadala ng hindi
pangkaraniwang prutas, na kahawig ng ulo ng gumagawa ng kamalian. Ito
ang puno ng niyog na tinawag ng Burmese na punong 'gon-bin'. Sa paglipas ng
mga taon, ito ay naging "on-bin". Kung kukunin mo ang "gon-thi" (isang prutas
ng niyog) at iyong iling, maaari kang makarinig ng isang tunog ng pagbubully -
sapagkat ito pa rin ang gumagawa ng kamalian na nais na mag-tiklop at mag-
play ng kalokohan.

-Tindugan, Ruth Naomi


ANG MAMARIL
Myanmar

ANG MAMARIL Pandora Kung makita mo ang bandilang pumaparada


Suhetuhin ang iyong pamamaga Walang pagpapasabog Ang giyera ay dapat
na maging tahimik May tamang pag-iisip, sa dugong nanlalamig Sa matalim na
pamamaril, ng mga sanay na kamay Ipasikat ang kahusayang gaya ng sa
araw Magbalatkayo tulad ng isang hunyango Hindi natitinag gaya ng tulog
Huwag kumurap, huwag maglakad nang tulog Kung maaari, magpatay-
patayan Huwag kumibo kahit sila'y maglakad sa iyong palibot Sisihin ang
kapalaran kung binaril nang malapitan Upang siguruhun ang kamatayan Ang
buhay ay maaaring magtapos sa pag-asa Wala ng dapat pang pag-isipan
Halimbawa ay... Limang kaaway ang parating Limang bala na lamang sa iyo
ay nalalabi.

-Basay, Krisha Gayle


Ang “Ginintuang Lupain”
Myanmar

MATATAGPUAN sa pagitan ng mga hanay ng bundok na bumubuo ng isang


likas na hangganan kasama ng katabing mga bansa nito sa Asia ang
“Ginintuang Lupain.” Sa timog-kanluran, ang Bay of Bengal at ang Andaman
Sea ay humahampas sa halos mahigit na 2,000 kilometro ng dalampasigan nito.
Sa kanluran masusumpungan ang Bangladesh at India; sa hilaga, ang Tsina; at
sa silangan, ang Laos at Thailand. Ito’y mas malaki nang kaunti sa Madagascar
at mas maliit sa estado ng Texas sa Hilagang Amerika. Ang pangalan ng
lupaing ito? Myanmar, ang dating Burma.

Tinatawag na Ginintuang Lupain ng unang mga nanirahan dito, maraming


kayamanan ang Myanmar: langis at gas, tanso, lata, pilak, tungsten, at iba
pang mineral, at gayundin ang mahahalagang bato, tulad ng mga sapiro,
esmeralda, rubi, at jade. Kabilang sa iba pang mga kayamanan nito ang
tropikal na maulang mga kagubatan na may mga kahoy na bihirang makita,
tulad ng teak, rosewood, at nara. Ang mga kagubatang ito ay tahanan din ng
maraming hayop sa ilang—mga unggoy, tigre, oso, kalabaw, at elepante ang
ilan sa mga ito. Ngunit ang tunay na kayamanan ng Ginintuang Lupain ay ang
mga mamamayan nito.

Ang mga Mamamayan ng Myanmar

Likas na mahihinahon at mapapayapa, ang mga mamamayan ng Myanmar


ay may mabuting pag-uugali at mapagpatuloy. Pinakikitunguhan nila ang mga
panauhin nang may paggalang at dignidad. Karaniwan nang tinatawag ng
mga bata ang nakatatandang mga lalaki na tiyo at ang nakatatandang mga
babae na tiya.
Ang mga nagpupunta sa Myanmar ay madalas na nagkokomento sa makikinis
na kutis ng mga may-edad na. Ang isang dahilan ng malasutlang kutis na ito,
halimbawa sa mga babae, ay ang popular at mapusyaw-na-gintong kosmetiko
sa mukha—ang thanaka—mula sa puno ng thanaka. Sa pamamagitan ng
paggiling ng isang piraso ng sanga sa isang matigas at lapád na bato at
pagdagdag ng kaunting tubig, nakagagawa ang mga babae ng isang pinong
balsamo, na kanilang ipinapahid nang may artistikong mga disenyo sa kanilang
mukha. Bukod sa ito ay nakababawas ng mga kulubot at nakapagpapalamig,
ipinagsasanggalang din ng thanaka ang balat mula sa masakit na tama ng
tropikal na araw.

Ang karaniwang pananamit para sa lalaki’t babae sa Myanmar ay ang lungi,


na madaling ginagawa sa pamamagitan ng pagtatahi sa isang piraso ng tela,
na may dalawang metro ang haba, sa magkabilang dulo nito upang bumuo
ng isang bilog. Pagkatapos na isuot ito, ibinabalot ng isang babae ang lungi sa
kaniyang puson, kagaya ng palda, at isinusuksok ang nakakalag na dulo nito sa
kaniyang baywang. Sa kabilang dako naman, kinukuha ng lalaki ang
dalawang dulo at may-kaluwagang itinatali ang mga ito sa baywang sa
harapan. Mahinhin at presko sa katawan, angkop na angkop ang lungi para sa
mga tropikong lugar.

Ipinakikita ng isang pagdalaw sa mga pamilihan na ang mga mamamayan ng


Myanmar ay nagtataglay ng maraming kakayahan—dalubhasa sa paghahabi
ng seda, paggawa ng alahas sa pamamagitan ng kamay, at pag-ukit ng
kahoy. Ang teak, nara, at iba pang kahoy ay nagiging nakapupukaw-pansing
mga pigura ng mga tao, tigre, kabayo, kalabaw, at elepante. Maging ang
pang-araw-araw na mga bagay tulad ng mga pang-ibabaw ng mesa, dibisyon
ng kuwarto, at upuan ay pinapalamutian ng masasalimuot na ukit. Ngunit kung
ikaw ay seryoso sa pagbili nito, dapat na handa kang makipagtawaran!

Ang mga mamamayan ng Myanmar ay magaling din sa paggawa ng maririkit


na pinalamutiang mga bagay na binarnisan—mga mangkok, bandehado, at
kahon na may takip. Pero ang nagpapangyari sa mga paninda nila na maging
kakaiba ay ang kanilang uwidong disenyo at mga inukit na padron. Ang
pangunahing anyo ay nagsisimula sa tulad-gasang habi ng pinong mga piraso
ng kawayan. (Ang mas mataas na kalidad na mga produkto ay nagsisimula sa
pinagsamang habi ng kawayan at buhok ng kabayo.) Sa balangkas na ito, ang
bihasang manggagawa ay nagdaragdag ng pitong pahid ng barnis, na
ginawa sa pamamagitan ng paghahalo ng langis ng thisei, o puno ng barnis, at
ng sinunog na buto ng hayop na giniling nang pino.

Kapag tuyo na ang barnis, inuukit ng dalubhasa ang isang disenyo sa ibabaw
ng produkto sa pamamagitan ng isang aserong pluma. Pagkatapos,
pagkapahid ng kaunting pintura at pampakintab, ang resulta ay hindi lamang
isang mainam na likha ng sining kundi isa ring bagay na magagamit sa
tahanan.

-Nacion, Amy

You might also like