Professional Documents
Culture Documents
Adiksyon Sa Kompyuter Games
Adiksyon Sa Kompyuter Games
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa mga games na nilalaro ng mga estudyante at ang
mga masasamang epekto nito sa bawat isa sa kanila.
Mahalaga ang paksang ito sapagkat ito ay magbibigay impormasyon sa mga estudyanteng
naglalaro ng kompyuter games ukol sa mga hindi magagandang bagay na kanilang maaaring sapitin
kung sila ay magpapatuloy sa paggawa ng bagay na ito. Ang kahalagahan din ng pananaliksik na ito
ay upang malaman ng mga estudyante kung paano nila maiiwasan ang mga masasamang epekto sa
paglalaro ng kompyuter games.
Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng sarbey, ito ang Filipino spelling sa English
word na survey. Tinanong namin ang dalawang pinsan ni Kyla J. Yarte ng ilang mga katanungan
kagaya ng, para sa kanila ano ang masamang epekto ng kompyuter games sa pag-aaral. Sila ang
aming napili dahil mahilig silang maglaro ng kompyuter games.
Ayon kay Queen Beatriz Y. Cañeda (sampung taong gulang) nag-aaral sa Monterey School Inc.
Naglalaro siya ng kompyuter games dahil napakacolorful ng mga laro, maganda sa mata at
nakaka-engganyo. Napakaganda rin daw ng mga graphics na ginamit dito at kakaiba ang mga
iniimbentong mga laro, exciting ika nga. Hindi naman daw sagabal sa kanyang pag-aaral ang
paglalaro ng kompyuter games sapagkat nag-aaral naman din daw siya ng mabuti at matataas ang
kanyang marka kaya hindi siya pinagbabawalang maglaro ng kompyuter games.
Ayon naman kay Princess Mary Y. Cañeda (anim na taong gulang) nag-aaral din sa Monterey
School Inc. na kapatid ni Queen. Ang kompyuter games daw ay madaling matutunan at magandang
pagkaabalahan sa kagaya nila. Hindi rin daw sagabal sa kanya ang paglalaro ng kompyuter games
dahil kagaya ng kanyang ate matataas din ang kanyang marka sa paaralan.
Isa namang artikulo ang nabasa ng mga mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng kompyuter games
ito naman ay ayon sa artikulo ni Geoff Edgers. Ayon kay Geoff ang unang game console ay tinatawag
na "Atari VCS" ito raw ay nakabenta ng 30 million na uri nito, ito ay may dalawang joystick at itong
console na ito ang nag hari hangang kalagitnaan noong 1980’s ngunit marami daw ang hindi na
nakuntento sa game console na ito kaya dito nag simula ng paggawa ng laro ang nintendo ayon ito
kay Geoff.
Ayon kay Edmund Kam, ang adiksyon ay ang sobrang pag-lalaro, at hindi na ito napipigilan. Ngunit
bakit hindi ito napipigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga
gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang pag-lalaro nang kompyuter ang nagbibigay sa kanila
nang kasiyahan at ng mapaglilibangan. Maraming mag-aaral ang nagwawaldas nang kanilang mga
pera sa pag-lalaro ng kompyuter, minsan pa nga ang kanilang pera ay ginagamit pa nila upang
ipambili ng tinatawag na “Virtual Money”, ito ay ang perang ginagamit sa ilang kompyuter games. Ang
pag-lalaro ng mga larong ito ay aksaya sa oras lalo na at kinakain nito ang oras mo upang mapaunlad
ang iyong sarili at ang iyong pag-aaral.
Ang adiksyon sa mga kompyuter games ay nilalayo ang mga mag-aaral sa tunay na mundo na dapat
para sa kanila. Ang mundo na dapat ay lumilinang sa kanilang mga isipan para maging mga
propesyonal sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng mga halimbawang hindi makakatulong sa paghubog
ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga sa sobrang adiksyon ay hindi na
pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan. Mahirap pigilan ang pag-lalaro nito ngunit kung hindi ito
matitigil paano na ang kinabukasan nang ating bayan kung ang mga kabataan ay iba na ang
mundong ginagalawan at hindi na din pinahahalagahan ang pag-papaunlad ng kanilang mga sarili.
Paano na ang susunod na henerasyon kung hindi papahalagahan ang edukasyon na siyang susi sa
bawat maunlad na bansa. Ngayon sa mga mambabasa nang research na ito huwag sanang ipagpalit
ang edukasyon at ang pag-lilinang sa ating mga sarili sa walang saysay na pag-lalaronang kompyuter
games, dahil bukod sa pag-lalaro marami pa tayong magagawang mas makabuluhan.
Sobrang Pag-taba
Video-induced Seizures
Tendonitis
Nerve Compression
Carpal Tunnel Syndrome
Eye Strain
Nakuha namin ang mga impormasyong ito sa internet pati na rin sa aming kapwa kakaklase upang
makatulong sa pagtapos ng pananaliksik na ito. Talagang marami ang mga masasamang epekto na
idinudulot ng kompyuter games sa mga estudyante sa kanilang katawan pati na rin sa pang
araw-araw na pamumuhay. Marami ang rason na kung bakit pinagpapatuloy ng mga estudyante ang
paglalaro ng kompyuter kahit na marami sa kanila ay nakakaranas na ng mga masasamang epekto
nito. Karamihan sa mga estudyante ay hindi nakakaalam nito at wala rin naman silang paki, dahil ang
paglalaro ng kompyuter games ay isang adiksyon na mahirap talagang itigil.
Ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay nasa di-gaanong mababa. Dapat
pagtuunan pa ng pansin ng mga guro at magulang ang pagtuturo ng wastong paggamit ng
teknolohiya, upang mas lalo pang madagdagan ang kanilang kaalaman at magabayan ang mga
mag-aaral kung paano at kailan dapat gamitin ang teknolohiya.
Dapat bigyan ng limitasyon ng magulang ang kanilang mga anak sa paggamit ng kompyuter.
Dapat pahalagahan ng mga kabataan ang mga tuntunin sa paggamit ng teknolohiya at gamitin
nila ito sa tamang paraan hindi sa kalokohan lamang.
Kung maaari, bilhan niyo ng mga board games ang inyong mga anak katulad ng chess board,
snake & ladder, scrabble at marami pa. Para may iba silang pagkakaabalahan.
Ang mga impormasyon tulad ng kasaysayan ng kompyuter games ay galing sa mga web site na ito:
http://www.raisesmartkid.com/raise-smart-preschool-kid-articles/the-good-and-bad-effects-of-vide
o.html
http://library.thinkquest.org/07aug/01690/conclude.html
http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm