G8 1stquiz 2ndquarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CARITAS DON BOSCO SCHOOL

SY 2018 – 2019
Junior High School Department
30
AP 8
Pangalawang Markahan – Unang Lagumang Pagsusulit

Blg: ______
Pangalan: ____________________________________ Petsa : ___________________
Baitang at Seksyon : ___________________________ Guro: ____________________

I. Hanapin sa kahon kung ano ang inilalarawan o tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

Dinastiyang Zhou Hammurabi Cyrus the Great Delian League


Kabihasnang Indus Lao Tzu Haring Minos Chaldean
Kabihasnang Hellenic Confucius Mesopotamia

______________________1. Ito ang tinuturing na lundayan ng sibilisasyon


______________________2. Kilala bilang tagapagbigay ng batas ng Babylon
______________________3. Ito ang kabihasnan na kilala rin bilang “bagong babylonia”
______________________4. Siya ang pinuno ng mga Persians na nagtatag ng Achaemenid dynasty.
______________________5. Siya ay kilalang magiting na pilosopo ng Tsina na nagtatag ng Taoism
______________________6. Ito ang pinakadakilang sibilisasyon na naganap sa kasaysayan ng daigdig
______________________7. Siya ang maalamat na haring sinasabing nagtatag ng kabihasnang Minoan
______________________8. Ito ang kabihasnan kung saan nakilala ang Panchantantra, Mahabharata
at Ramayana
______________________9. Ito ang tawag sa samahan ng mga lungsod-estado ng Greece na
pinamumunuan ng Athens
______________________10. Ito ay tinuturing na ginintuang panahon ng Tsina kung saan nakilala ang
tatlong magigiting na pilosopo

II. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at baguhin ang nakasalungguhit kung mali.

________11. Tumagal ng dalawampu’t pitong taon ang digmaang Persian


________12. Si Pisistratus ay kilalang pinuno ng Athens na namahagi ng lupa sa mahihirap.
________13. Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius I ang tangkang pagpapabagsak sa Athens
________14. Ang huling hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni
Leonidas ng Sparta.
________15. Tinatawag na Phalanx ang hukbong may labing-anim na hanay na nagsisilbing
tagapagtanggol ng polis
________16. Si Pericles ay isa sa mga pinuno ng Athens na sinasabing lumabag sa paniniwalang
panrelihiyon, tumakas at naglingkod laban sa kanyang bayan.

________17. Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Athens ay magkaroon ng


kalalakihan at kababaihang walang kinakatakutan at may malalakas na pangangatawan
________18. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng polis ay 5000 na kalalakihan dahil noon
ay sila lamang ang nailalalgay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado
III. Piliin kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

________19. Si Mang Kiko ay isang magsasaka na gumagamit ng pang-araro sa kanyang bukid. Ginagamit naman
ng kanyang anak ang de gulong na karton upang maghatid ng kanilang ani sa bayan. Anong
kabihasnan ang nag-ambag ng pang-araro at gulong na hanggang ngayon ay atin pa ding
napapakinabangan?

a. Sumerian c. Akkadian
b. Chaldean d. Babylonian

________20. Gusto ng presidente ng isang samahan na maging pantay ang kasingilan sa nagawang kasalanan ng
isang myembro. Ayon sa kanya, “mata sa mata, ngipin sa ngipin at buhay sa buhay”. Saang batas
ibinatay ng president ang kaniyang paniniwala?

a. Kodigo ni Ur- Nammu c. Konstitusyon


b. Kodigo ni Hammurabi d. Batas Pambansa

________21. Bilang isang mag-aaral na hilig ang kasaysayan, ninanais ni Harry na makapunta sa pinagmulan ng
kabihasnan na inilalarawan bilang “lupain sa pagitan ng dalawang ilog”. Ano ang tinutukoy ni
Harry?

a. Mesopotamia c. Indus Valley


b. Tsina d. Ilog Tigris at Euphrates

________22. Isang masigasig na mag-aaral si Chinnie, kaniyang pinag-aaralan ang sistemang numeriko na
nakabase sa animnapu. Saang kabihasnan nanggaling ang sistemang numerikong ito?

a. Akkadian c. Babylonian
b. Chaldean d. Sumerian

________23. Isang atleta si Jacques at kanyang pinapangarap na irepresenta ang kaniyang bansa sa gaganaping
Olympics. Saang bansa nagmula ang konsepto ng Olympics?

a. Brazil c. Spain
b. China d. Greece

________24. Isang presidente ng asosasyon sa kanilang bayan si Ginoong Juanito Alfonso, kaniyang iminungkahi
ang pagtatakwil ng mga myembro na nagsisilbing panganib sa kanilang samahan upang mapanatili
ang kapayapaan. Sa sinaunang Greece, ano ang tawag sa sistemang ito?

a. Extraction c. Purification
b. Ostracism d. Zoroastrianism

________25. Si Allana ay nagmula sa India at isa sa kanyang paniniwala ay banal ang lahat ng halaman at hayop.
Anong relihiyon nakabatay si Allana?

a. Hinduismo c. Sikhism
b. Budismo d. Jainism

________26. Hanggang ngayon ay natatamasa ng Pilipinas ang kalayaan na ilang taong ding ipinaglaban ng
ating mga bayani. Ang konsepto ng demokrasya ay nagmula sa pangkat ng __________ sa Greece

a. Spartan c. Athenians
b. Dorians d. Ionians
IV.Basahing mabuti ang tanong. Ipaliwanag ang iyong sagot.

27 – 28. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig?

______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

29 – 30. Magbigay ng isang mahalagang ambag ng sinaunang kabihasnan sa daigdig at ipaliwanag ang
kahalagahan nito sa kasalukuyan.

______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Pamantayan:
2- Kumpleto ang ideya at naipaliwanag ng maayos ang sagot.
1- Hindi kumpleto ang ideya at hindi gaanong naipaliwanag ang sagot

Pansariling Pagtataya

Masasabi kong ang pagsusulit ay ____________________________ dahil


_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

You might also like