Professional Documents
Culture Documents
Pag Tata Pos
Pag Tata Pos
Cindy: Hinihiling po namin ang katahimikan ng lahat, sa ilang sandali lamang ay magsisimula
na ang ating palatuntunan.
I. Awiting Makabayan
II. Doksolohiya
Jerome: Magsitayo po ang lahat para sa pag-awit ng Pilipinas kong mahal at susundan ng Doksolohiya sa
pamamagitan ng power point presentation.
Jerome: Magandang umaga po sa ating lahat! Matutunghayan natin sa araw na ito ang pampinid na
Palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa 2016 (dalawang libo labing anim).
Cindy: Bilang panimula, pakinggan po natin ang pambungad na pananalita na magmumula sa ating
mahal na punong guro na si Dr. Florito J. Gerena. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.
Cindy: Maraming Salamat po Dr. Gerena sa inyong napakagandang mensahe. Ngayon naman po ay
saksihan natin ang natatanging bilang ni Kyla Marie Masangcay ang Oratorikal, ang nagwagi ng Unang
gantimpala sa Pandistritong Patimpalak. Palakpakan po natin siya.
Jerome: Maraming salamat Kyla sa ipinamalas mong kagalingan. Muli ang aming pagbati sa iyong
pagwawagi.
Jerome: Dumako naman tayo para sa Paggawad ng Gantimpala sa mga nagwagi sa Iba’t-ibang
patimpalak. Tinatawagan po naming ang ating punong guro na si Dr. Florito J. Gerena at ang puno ng
Kagawaran ng Filipino na si Ginoong Moises L. Tarobal para pangunahan ang pagbibigay ng sertipiko sa
mga mag-aaral na nagwagi.
Jerome: Inaanyayahan din po namin na umakyat sa entablado ang mga gurong namahala sa mga
patimpalak ng Pagsulat ng Sanaysay, Dagli, Informance, at ang Oratorikal.Tinatawagan sina G.Dave
Peradilla,G.Felix Malalis,G.Richie Macatangay at Bb.Cristina Balaoro.
Jerome: Talaga nga naming napakagaling ng ating mga kapwa mag-aaral.Muli binabati naming ang mga
nagsipagwagi sa iba’t ibang patimpalak.
Cindy:Sa bahaging ito ng ating palatuntunan,pakinggan naman natin ang awiting magmumula kay Betina
Alvarez ng Baytang siyam pangkat Narra.Palakpakan po natin siya.
VII. Balik-Tanaw
Cindy:Sa pagkakataong ito,tunghayan natin ang pagbabalik-tanaw sa iba’t ibang Gawain at mga
nagdaang patimpalak kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa tulong ng power point
presentation.
Jerome:Ngayon naman po,ay panoorin natin ang pagtatanghal ng informance ng mga piling mag-aaral
mula sa sa baytang 9 at 10.
Cindy:Huwag na nating patagalin pa,panoorin natin ang mga mag-aaral na nagwagi ng ikalawang
gantimpala sa pandistritong patimpalak ng informance.Palakpakan po natin sila.
Jerome:Ngayon naman po ay tinatawagan ang Tagapayo ng Filipino Club na si Gng.Mary Ann V.Tan para
sa pangwakas na pananalita.
Cindy:Lagi nating tandaan,na sa Wikang Filipino nag-uugat ang katarungan patungo sa tunay na
kaunlaran.
Cindy:Ako po si Cindy Dellomas