Professional Documents
Culture Documents
Pal Atul Dikan
Pal Atul Dikan
Pal Atul Dikan
GRADUATE SCHOOL
TAGAPAG-ULAT: SHIRLEY C. VENIEGAS
ASIGNATURA: PAGPAPLANONG PANGWIKA
PROPESOR: DR. LOURDES BELA-O
PETSA: SEPTEMBER 21, 2019
Kahalagahan ng Tuldik
Mahalaga ang mga tuldik upang maging patnubay sa wastong pagbasa ng mga salita, lalo na para
sa mga bagong nag-aaral ng wika.
Palatuldikang Filipino
Rizal Lope K. Santos
agudo (acute) pahilis (΄)
grave (grave) paiwà (`)
circumflejo (circumflex) pakupyâ (^)
Mga Usapin tungkol sa Tuldik
HANGGANG NGAYONG SINUSULAT ko ito ay hindi ko matiyak ang bigkas sa bayan ng “Mamasapano.”
“Mamásapáno” (malumay) ba? O “Mamasápanó” (mabilis)? Mapapansin din ninyo, dahil isang salita itong mahabà
(binubuo ng limang pantig) ay nangangailangan ito ng dalawang diin. Ang unang diin sa aking pagsulat ay sinasagisag
ng tuldik ding pahilis: nása ikalawang pantig ang unang diin sa bigkas na malumay, nása ikatlong pantig ang unang
diin sa bigkas na mabilis.
Una kong narinig sa unang silakbo ng balita ang bigkas na malumay: “Mamásapáno.” Ngunit isang malakas na
estasyon ng telebisyon ang biglang nagpasok ng bigkas na mabilis: “Mamasápanó.” Nalito ako at pati ang maraming
brodkaster. Hindi naman nakatulong ang mga pagdinig sa Kongreso. Kani-kaniyang bigkas ang mga senador at
kongresista at gayundin naman ang mga tinatanong na opisyal ng PNP at AFP.
Hinango ni Rizal ang naturang mga pangalan ng tuldik at mga simbolo sa mga wikang Europeo.
Ngunit ang naging paraan ng paggamit ng mga ito, lalo na pagkatapos likhaan ni L.K. Santos ng
katumbas na pangalan sa Tagalog, isang mahalagang kasangkapan sa pag-aaral ng wastong
bigkas ng mga katutubong salita.
Sa loob mismo ng Tagalog, karaniwang halimbawa noon pa ang pangyayari na may apat na
bigkas ang anyong “paso” na may apat ding kahulugan sang-ayon sa bigkas: pẚso (malumay)mula
sa salitang Espanyol na tumutukoy sa isang lugar na daanan paakyat ng bundok o gulod), pasὀ
(mabilis, mula sa Espanyol na tumutukoy sa tiket o katulad na lagpas na sa takdang panahon ng
paggamit) pasô (malumi at singkahulugan ng lapnos), at pasô (maragsa at tumutukoy sa likhang
luad na taniman ng halaman.)
Sinasabing si Rizal ang nag-imbento o nagpasimula ng tuldik o diacritical mark at hindi si Lope K.
Santos.
1
Noong panahon ng Komonwelt ay may lathalain na nilalagyan ng tuldik ang lahat ng salita na
naging malaking trabaho ito sa para sa mga editor at mga imprenta. (Resulta: Lihim na tinutulan
ang paglalagay ng tuldik)
Hanggang dumating ang panahon na hindi na gumagamit ng tuldik ang lahat ng Language
Planning and Filipino Our Own Diacritics Another.
Naganap ang pagbabalewala sa kabuluhan ng tuldik kahit sa mismong mga patnubay sa
ortograpiya ng KWF. Hanggang noong 1977, sa nakalathalang mga Tuntunin ng Ortograpiyang
Filipino ng SWP ay may tagubilin hinggil sa opsyunal na paggamit ng tuldik, lalo na mga
sitwasyong kailangang ipakita ang pagkakaiba ng bigkas ng dalawang salita na may iisang anyo.
Sa Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng KWF noong 1987 ay may seksiyon
pa rin sa “Ang Gamit ng Tuldik” at nagtatagubilin na kailangan ito upang mapag-iiba-iba ang
kahulugan ng mga salitang magkakatulad sa ispeling ngunit magkakaiba sa diin at bigkas.
Kailangan din sa diksyunaryo upang mabigkas nang wasto ang mga entri.
Noong 2001 sa Ortograpiya ng KWF, ganap na inalis ang interes hinggil sa tuldik. Tuluyang ding
inalis ang pagtuturo ng tuldik at ng wastong bigkas, na nagresulta naman sa mga di-kailangang
varayti ng bigkas sa kasalukuyan.
Apat na uri ng tuldik sa palatuldikan ng Wikang Filipino: