Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kultura

Katuturan ng Pananaliksik

 Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok


ng teorya, o paglutas ng isang suliranin
 Ayon kay Fred Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,
emperikal, at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa mga
natiral na pangyayari
 Ang pananaliksik ay isang sining. Maraming paraan and maaring gamitin sa pananaliksik
 Pagtuklas sa mga teorya na gamit sa komprehensibong pag-aaral
 Mula sa depenisyon na inilahad at iba pang iskema, maaring ganito mabigyan ng lagom
ang mahalagang konsepto na dapat tandaadn sa pananaliksik

Katangian ng Pananaliksik

 Obhetibo
 Mayaman sa ginagamit na datos
 May angkop na pamamaraan o metodolohiya
 Maayos ang dokumentasyon
 May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat
 Kritikal

Mga Layunin sa Pagsasagawa ng Pananaliksik

 Makatuklas ng mga bagong imporasyon, ideya, o konsepto


 Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon sa dati nang ideya
 Mabigyang-linaw and isang mahalagang isyu o paksa
 Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa suliranin
 Makapagpapatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga mapananaligang materyales
dokumento tungkol sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw
 Makapagbigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang perspektibo para sa
isang pangyayari o senaryo

Responsibilidad ng Mananaliksik

1. Pagkamatiyaga
2. Pagkamapamaraan
3. Pagkamasistema sa Gawain
4. Pagkamaingat
5. Pagkamapanuri o kritikal
6. Pagkamatapat
7. Pagiging responsible

Uri ng Pananaliksik
1. Emperikal o Mala-siyentipiko
- Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensya at aktuwal ng mga
datos. Ito’y nailalarawa, naihahambing, at natutuos upang Makita ang relasyon ng
hipotesis sa panukalang tesis o disertasyon na isang trabahong siyentipiko
2. Applied Research
- Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kongklusyon at estadistika.
Karaniwang ito’y bunga ng madaling pagsasagwa ayon sa hiihinging panahon. And
isang mahusay na halimbawa nito’y sa panahon ng eleksiyon. Gumagamit ito ng
prediksyon na nagkakatotoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng
adbertisment. Ang mabisang resulta nito ay depende sa sarbey at mga napiling
sampling
3. Pure Research
- Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang
bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Maari naman itong gawin ayon sa hilig ng
mananaliksik.

Mga Paraan ng Pananaliksik

PALARAWAN (Descriptive Method)

 Dinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayn sa kasalukuyan


 Uri ng Palarawang Paraan
1. Pag-aaral ng Kasol (Case Study)
- Ang paraang ito ay detelyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob n
sapat na panahon
2. Sarbey
- Pagaaral na ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa, o pangyayari
- Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon
- Sarbey – isang bahagi ng populasyon
3. Mga Pag-aaral na Debelopmental
- Nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat
ng mga tao sa loob ng mahabang panahon
- Longitudinal o mahabang panahong paraan – pinagaaralan ang prosesong sampol
ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon
- Kros-seksiyonal na paraan (Cross Sectional Method) – pagaaral ng mga kalahok na
may iba’t ibang gulang at iba pang katangian
4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies)
- Ginagamit ito kung ibig na masubaybayan ang isang tiyak na prediksyon
- Kailangan upang ibig tiyakin ang maaring bunga ng isang pag-aaral
5. Dokumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)
- Nangangailangan ng pagkalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri
ng mga nakasulat na record at mga dokumento upang malutas ang suliranin
6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis)
- Isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tintawag din ng iba na
feasibility study
- Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan
7. Mga Pag-uuganay na Pag-aaral (Correlational Studies)
- Isang palarawang pag-aaral na idinisneyo para alamin ang iba’t ibnag baryabol na
mmagkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon

EKSPERIMENTAL NA PARAAN

 Sinabi ni Gay (1976), na ito ang pamaraan ng pananaliksk na tunay na makakasaubok sa


palagay o hipoteses tungkol a ugnayang sanhi at bunga
 Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimeto at kaalasang itinuturing na
pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hipotesis
 Hakbang sa Pananaliksik
1. Pagpili at Paglilimita ng Paksa
2. Pagbuo ng Konseptong Papel
3. Paggamit ng Iba’t ibang Sistema ng Dokumentasyon
4. Pagbuo ng Balangkas
5. Pagkuha, Paggamit, at Pagsasaayos ng mga Datos
6. Pagsulat ng Burador
7. Pagsulat ng Pinal na Sipi
 Batayan sa paglimita ng paksa/suliranin
1. Sakop ng Panahon
- Nakapagpapadali at nakapagpapabilis sa isinagawang pagaaral
2. Sakop ng Edad
- Nakatatawag-pansin ang paksang natutukoy agad ang edad o kaya’y ayon
sa particular na gulang
3. Sakop ng Kasarian
- Ang tiyak na kasarian ay higit na malinaw kaysa sa masaklaw na
paglalarawan
4. Sakop ng Propesyon o Pangkat na Kinabibilangan
- Maaring maging batayan sa paglilimita ang mga trabaho o grupong sosyal
etnolingguwistiko, o pampropesyonal
5. Sakop ng Anyo o Uri
- Maaring gamitin ang anyo, kalagayan sa lipunan, pigura, o estruktura
6. Sakop ng Lugar
- Nagagamit sa paglilimita ng paksa ang particular na lugar o mas malawak
na lugar
 Pagbuo ng Konseptong Papel
- Isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig na tuklasin,
linawin o tukuyin
- Apat na Bahagi
1. Rasyonal – inilahad sa bahaging ito ang kaligiran o pinagmulang ideya kung
bakit napili ang isang particular na paksa
2. Layunin – isinasaad ang mga dahilan na pananaliksik o kung ano ang ibig
matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa
3. Metodolohiya – tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at
pagsusuri sa piniling paksa
4. Inaasahang Ibubunga – inilalahad ang inaasahang bunga ng pananaliksik
 Paggamit ng Iba’t ibang Sistema ng Dokumentasyon
- Maipapakita ang paraan ng pagsasaliksik
 Pagbuo ng balangkas
- Ang balangkas ay ang iskeleton ng anumang sulatin
 Pagkuha, paggamit at pagsasaayos ng mga Datos
- Dapat malaman ang paraan ng paglakap ng mga datos at pano ito ayusin ng tama
 Pagsulat ng Burador
- Makikita dito ang kahalagahan ng datos
 Pagsulat ng Pinal na Sipi
- Inilahad dito ang kabuuan ng buong papel

Sanggunian:

Jocson, M. O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City:


Vibal Group, Inc.

You might also like