Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pinag-aagawang terretoryo

“West Philippine Sea”

Magandang hapon po, minamahal kong guro na si Ginoong Jonathan Surio, sa


mga hurado na silang naghuhusga sa aking talumpati ukol sa ping-aagawang terretoryo
ng tsina at pilipinas sa West Philippine Sea. Alam mo, alam ko, alam nating lahat na
marami na ang napipirwisyo dahil sa mga pangyayaring ito. Kaya kung ikaw ay isang
tunay na Pilipinong may pagmamahal sa bayan kailangan mong gumising, tumingin at
maging aktibo sa mga pangyayari sa ating bansa.
Ang west Philippine sea ay matatagpuan sa kanlurang bahagi n gating bansa ito
rin ay ang pagitan ng tsina at pilipinas. Ayon sa mga mananaliksik ang West Philippine
Sea, dito matatagpuan halos lahat ng mga uri ng isda, dito rin makikita ang mga
naggagandahang mga coral reefs o tirahan ng isda. Noon pa man ang territoryong ito ay
pinag-aagawan na ng dalawang bansa kahit pa sa kapanahonan n gating mga magulang.
Pina-init lamang ang isyung ito nang umupo na sa pwesto an gating dating pangulo na si
Benigno Aquino III. Dahil sa kanya ay napagdesisyonan na ang West Philippine Sea ay
ating pagmamay ari. Basehan man nito an gating mapa o nakaraan. Subalit hindi ito
inererespeto ng tsina dahil ayon sa kanila ay parte pa daw ito ng kanilang nakaraan.
Marami na silang itinayo na mga artificial island at nilalagyan ito ng kampo ng militar.
Ngayon sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakikipag kaibigan sya sa tsina
ngunit ang tsina naman ay umaabuso rito. Sa katunayan meron pang mga pangyayaring
hindi inaasahan ang nagaganap sa West Philippine Sea gaya nalang ng pagbangga ng
kanilang barko sa fishing vessel na pagmamay ari ng mga mangingisdang pinoy. Subalit
ang mga biktimang pinoy ay hindi naniniwala na aksidente ang nangyari dahil ayon sa
kanila ay sinadya raw ito. Kahit na nikipag kaibigan na an gating mahal na pangulo ay
lubha pa rin syang nasasaktan sa mga pangyayaring nagaganap. Ayon sa kanya
iniintende nya nag buhay ng mga tao dahil wala tayong laban sa kanila kahit na maraming
nagagalit na mga tao sa kanya kung kinokonsente lamang nya ang mga pangyayaring
ito. Dahil may mga nagsasabing na naaapakan daw ang kanilang karapatang pantao.
Kung kayo ang tatanongin ano ba ang mas importante ang karapatan ng isa o ang buhay
ng nakararami.
Sa aking palagay mas importante ang buhay ng nakararami dahil minsan may mga
bagay na kailangan nating magpakumbaba at piliin ang iba kaysa sarili nating desisyon.
Ipanalangin na lamang natin na magaroon ng mabuting relasyon ang dalawang bansa
dahil tayo din naman ang talo sa huli. Bilang mga Pilipino kailangan nating magka isa,
magkaisa sa pamamagitan ng ating mga panalangin ay meron na tayong malaking
maitutulong. Dahil wala manang imposible sa ating mahal na panginoon kung meron
lamang tayong matibay na pananampalataya sa kanya.
Tulampati
Sa
Filipino
Ipinasa ni:
Elmar Aloysius s. diaz
Ipinasa kay:
Jonathan surio

You might also like