Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Start Chat, Video Call…Talk to Strangers sa mundo ng Social Media”

Ni Francine Tacla at Zarah Gae Mata

Simula pa nang tayo’y mga bata, kinagisnan na natin ang paalala n gating mga magulang na
‘huwag makikipag-usap sa hindi mo kakilala’ ngunit ang mga salitang ito’y binali ng isang website
matapos tumala ng halos limang milyong users worldwide, ito ay ang Omegle.

Ang Omegle ay isang website kung saan may kakayahan kang makisalamuha sa iba’t-ibang tao
tulad ng content ng Neargroup at Profoundly na hindi ibinibigay o ipinakikita ang itong real identity.
Bibigyan ka nito ng kalayaan na makipag-usap sa mga ‘di mo kakilala.

Kung paanong sumikat sa publiko’y ganoon naman ito kinahumalingan ng isang atleta ng
Bugtongnapulo Integrated National Highschool (BNPINHS) mula sa baiting walo na si Shannen Tacla, 13,
na nagbibigay ito ng saya sakaniya matapos mag-ensayo sa paaralan.

“Para sa akin malaking tulong ito para mabawasan kahit pansamantala lamang ang mga bagay
na naglalaro sa isip ko at ‘yung pagod na nararamdaman ko pagkatapos naming mag-ensayo.” Ani
Shannen.

Para naman sa mag-aaral na si Dianne Dimaunahan, 14. Ang Omegle ang nakatutulong sa kaniya
sa ibang paraan.

“Gumagamit ako ng Omegle para makahanap ng bagong kaibigan na ramdam ko ‘yung presence
kaysa sa personal friends ko na ‘di ko naman feel.” Pahayag ni Dianne.

Bukod sa makakakilala ka ng mga bagong kaibigan, narito pa ang iba pang mga rason na nagiging
dahilan ng pagkawili ng ilan sa paggamit ng Omegle:

Unang-una na diyan, aminin man natin o hindi, maraming kabataan ang tumatambay at
naglalaan ng oras sa pag-o-Omegle upang makabingwit ng lovelife para sa pansamantalang kilig at saya
na kanilang mararamdaman. Isama na rin ang pagtuklas ng kani-kanilang mga soulmates na pawing nasa
imahinasyon ng bawat kabataan sa panahon ngayon.
Ikalawa, ay ang kanilang malayang pagbabahagi ng mga hinaing sa buhay o mga ‘rants’ lalo na at
hindi naman nila kilala ang isa’t-isa dahil isang estranghero naman ang kanilang makakasalamuha. Tulad
nga ng sinabi ni Ethan sa pelikulang ‘Hello Love, Goodbye’, mas ayos pang makipag-usap ka sa ‘di mo
kakilala para iwas judgement. Matututo ka ring magsalita ng iba’t-ibang lengguwahe dahil sa Omegle,
may mga estranghero doon na nagmula sa iba’t-ibang bansa tulad ng America, Denmark, Brazil at iba pa.

Pinupunan rin ng website na ito ang satisfaction ng bawat users sa mga panahong wala silang
ginagawa kaya ‘to-the-rescue’ ang Omegle sa mga taong may nais mapaglaanan ng oras.

Ngunit hindi lahat ng masaya, ay tama. Sa likod ng lahat ng ito ay may tinatago rin itong
masamang epekto tulad na lamang ng nangyari kay Julissa Romero, 12, na nagmula sa California na
nabalitaang limang buwan nang nawawala at may nagsabing patay na ito sa pamamagitan ng nasabing
website noong 2014 ngunit ang totoo’y ligtas siya at walang bahid ng krimen.

Hindi lamang puno ng magagandang papuri ang Omegle dahil nakapaloob din dito ang mga
kapahamakan o kasamaan na maaari mong makaharap sa paggamit nito tulad na lamang ng pakikipag-
chat sa mga taong may makamundong pag-iisip o mga manyakis kung ating tatawagin.

Laganap sa Omegle ang mga lalaki o babaeng desperado sa kanilang mga ‘sex life’ kaya naman
silay ay gumagamit ng mga dating apps and websites para maka-huli ng mga taong gagawin ang kanilang
mga kagustuhan. Hindi natin masasabi kung kalian tayo tatamaan ng pana ni kupido kaya ang tamang
gawin ay maghintay sa tamang panahon at huwag umasa sa mga online websitesna ‘di natin alam na
may dala-dalang peligro.

Ika nga nina Inay at Itay, “huwag kang makikipag-usap sa di mo kakilala’ ngunit bulong ng
mundo, ‘masarap ang bawal’. Masayang makipag-usap at magbahagi ng kuwento online pero dapat
nating tandaan na dapat ang lahat ay nasa moderasyon lamang dahil minsan, magdudulot ito sayo ng
kasiyahan o kaya nama’y makakatapak ka sa patibong ng iba.

You might also like