Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TEORYA NG WIKA

BIBLIKAL
Tore ng Babel

Ayon sa Genesis kab. 11:1-8, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Ngunit naghangad ang tao na higitan
ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga
tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa
pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Bilang parusa,
ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at
naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.

SIYANTIPIKAL

Ding Dong

Nagmula ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng


kalikasan at mga naririnig sa kanilang kapaligiran. Ito marahil ang dahilan kung bakit
ang boom ay laging naikakabit sa pagsabog at splash sa paghampas ng tubig.

Bow-Wow

Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng sinaunang tao sa tunog na


nagmumula sa mga hayop.

Pooh-Pooh

Nagmula ang wika mula sa mga salitang namumutawi sa mga bibig ng mga tao
nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tuwad ng tuwa, galit, sakit,
sarap,kalungkutan, at pagkabigla.

Ta-Ta

May koneksiyon ang galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito ang naging
dahilan ng paglikha ng tao ng tunog at natutong magsalita.
Yo-He-Ho

Ang wika ay nabuo mula sa pagsasama sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang
magkakasama.

Sing-Song

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,


pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.

Yum-Yum

Lumilikha ang tao ng tunog sa pamamagitan ng paggaya sa mga tunog na


nagmumula sa mga kilos o galaw.

Ta-ra-ra-boom-de-ay

Ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal
na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Rizal

Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao.

You might also like