Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ayon kay Gerald (1960), ginagamit ang berbal na komunikasyon sa mga sumusunod na sirkumstanses:

1. Kung may sunud-sunod na datos na kailangang lutasin, ang paggamit ng pandinig ay higit na mabisa
kaysa biswal na pamamaraan sa paglikha ng temporal na diskriminasyon.

2. Kapag ang tatanggap ng mensahe ay abala sa ibang gawain o kondisyon, ang kanyang alertness ay
nababawasan.

3. Kapag ang mga mensahe ay mahahalaga, maiikli o madadali, mas madali iyong mauunawaan at
matatandaan kapag napakinggan o nabasa.

4. Kapag mahalaga ang pleksibiliti ng transmisyon ng mensahe, mahalaga ang paggamit ng tinig lalo na
sa pagbibigay ng iba’t ibang impleksyon at empasis.

5. Kapag nais nating maglahad ng impormasyong kaugnay ng isang tiyak na usapin o isyu, ang paggamit
ng berbal na paraan ay napakabisa.

6. Kapag ang resepsyong biswal ay hindi mabisa sa kadahilanang maiuugnay sa kondisyong


pangkapaligiran, ang paggamit ng berbal na paraan ay mas lalong angkop.

Sa pagpapakahulugan o pag-iinterpret ng mga simbolong berbal, mahalagang maisaalang-alang ang


maaaring pagmulan ng kahulugan ng bawat salita:

1. Referent ang tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita.

2. Common Reference ang tawag sa parehong kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot sa isang
sitwasyong pangkomunikasyon.

3. Kontekstong Berbal ang tawag sa kahulugan ng isang salita na makukuha batay sa ugnayan nito sa iba
pang salita sa loob ng isang pahayag.

4. Ang paraan ng Pagbigkas o Manner of Utterance (Paralanguage) ay maaari ring magbigay ng


kahulugang konotatibo.

Iba’t Ibang Anyo ng Di-verbal na Komunikasyon

1. Kinesika ( Kinesics) -- ginagamit sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.

a. Ekspresyon ng Mukha

Mehrabian (1971)

7%- verbal na pagpa-hayag-kahulugan ng mensahe

38%- palatandaan ng pagsasalita ( tono ng tinig)

55%- ekspresyon ng mukha/ kahulugan ng kilos


b. Galaw ng Mata

Argyle at Ingham (1988)

2.95 segundo – katamtamang tagal ng pagtingin

1.18 segundo – ang pagtitinginan ng dalawang taong may paghanga sa isa’t isa

c. Kumpas

-- unibersal na kahulugan

Pagtaas ng kamay

Pagtikom ng kamao

nakabuka ang hintuturo at ang

hinlalato– victory sign

d. Tindig

-- nakapagbibigay ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.

2. Proksemika (Proxemics)

-- pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo (Edward Hall 1963-

Antropologo)

hal. Malapit– may interes

Malayo– kawalan ng interes

Uri ng Proxemic Distance

1. Intimate Distance

-- up to 1- ½ ft.

2. Public Distance

-- 12 ft. o higit pa

3. Social Distance

-- 4 -12 ft.

4. Personal Distance

-- 1- ½ - 4 ft.

3. Kronemika

~ Oras

Dalawang Aspekto
1. Panahon o oras na Pangkultura

a. Teknikal o Siyentipikong Oras

- eksakto

- ginagamit lamang ito sa laboratoryo at kaunti lamang ang kaugnayan nito sa


pang-araw-araw nating pamumuhay

b. Pormal na Oras

-- tumutukoy kung paano binibigyan ng kahulugan ang kultura at kung paano


ito itinuturo.

Hal. Sa kultura ng ating oras

= hinahati sa segundo,minuto,oras, araw, linggo, buwan at taon.

Sa ibang Kultura

= ginagamit ang pagbabagu-bago ng buwan o panahon sa


pagpapaliwanag ng oras.

Sa eskwelahan

= may itinakdang oras sa isang asignatura, ilang linggo sa sa loob ng


`isang semester

c. Impormal na Oras

= medyo maluwag sapagkat hindi eksakto.

hal. Magpakailanman, agad-agad, sa madaling panahon at ngayon din

d. Sikolohikal na Oras

-- tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan, sa


kasalukuyan at sa hinaharap.

3. Pandama o Paghawak ( Haptics)

-ang pandama o paghawak ay isa sa pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. (sense of


touch)

* Ilarawan ang mga ss:

hawak pindot

hablot pisil

tapik batok

haplos hipo
4. Paralanguage

-- tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita

-- pagbibigay-diin sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses
at taginting ng tinig

-- kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto

5. Katahimikan / Hindi Pag-imik

-- may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang di pag-imik/ katahimikan

-- pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng


kanayang sasabihin

-- sandata rin ang katahimikan

-- tugon sa pagkabalisa o pagkainip, pagkamahiyain o pagkamatatakutin

-- tumutukoy sa pagbigkas ng isang salita

6. Kapaligiran

-- ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa ay


tumutukoy sa uri ng kapaligiran

-- Pormal/ di pornal – kaayusan ng lugar

7. Simbolo (Iconics)

-- mga simbolo sa paligid na may malinaw na mensahe

Hal. Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.

8. Kulay

-- nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon

Hal. Itim na damit

Bandilang pula

taling dilaw sa noo

puting panyo
Pisikal ba taglay ng tagapagsalita na maaaring makatulong sa mensaheng nais niyang iparating

Melba Padilla 2003

a. kulot na buhok -- matigas ang ulo

b. malapad ang noo – matalino; malawak ang pananaw sa buhay

c. makitid ang noo – hindi matalino; makitid ang pananaw sa buhay

d. magatla o malinyang noo – maraming suliranin

e. salubong ang kilay – galit; masungit; naiinis; matapang

f. mangungusap na mata – mapaglarawan o mapagpahayag

g. mapungay na mata – inaantok; mapangarapin; may gusto

h. malaking tainga – mahaba ang buhay

i. ngiting aso – taksil o masama ang pakay

j. bumagsak ang mukha – napawi ang tuwa

k. mukhang maamo -- mabait

You might also like