Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Patricia Marie C.

Guila

HIST1 S1

Marawi Siege

‘Di hamak na mas pamilyar ang nakararami sa atin sa Marawi Siege na naganap
nitong Mayo 2017 kumpara sa naganap noong 1972. Mas marami ring sanggunian
ang naglalathala tungkol sa Marawi Siege 2017. Ilan lamang sa mga sanggunian na
ito ay ang GMA Public Affairs (YouTube) na galing mismo sa tropa ng sundalo sa
marawi ang ibinahaging aktwal na kuha ng kanilang bakbakan laban sa Maute-ISIS,
Rappler Documentary, Marawi: 153 Days of War at ang The Manila Times. Masasabi
kong maaaring pagkatiwalaan ang mga sanggunian na ito dahil mismong mga
nakaranas ng gyera ang nagbigay ng mga detalye at kuha na nakapaloob sa mga ito,
maituturing na sila ay primaryang sanggunian. Ang pinagsimulan ng Marawi War
2017 ay ang di umanong pagtatangkang pagdakip ng militar kay Isnilon Hapilon, lider
ng ISIL-Abu Sayyaf group, matapos mabalitaan na si Hapilon ay nasa siyudad at
makikipagkita sa militante ng Maute group. Nagdeklara si Pangulong Duterte na
mapasailalim ang Marawi sa Martial Law sa kadahilanang posible itong pagsimulan
ng rebelyon. Tumagal ng lagpas limang buwan ang gyera sa Marawi na nagdulot ng
matinding pinsala sa kabuuang siyudad ng Marawi pati na rin sa mga residente nito.
Napakaraming nagbuwis ng buhay para lang matigil ang gyera sa pagitan ng militar
at Maute. Noong Oktubre 23, 2017, pormal ng inanunsyo ang pagtatapos ng digmaan
sa Marawi laban sa naturang grupo. Sa pamumuno naman ni Marcos naganap ang
Marawi Siege 1972 na nagsimula sa pagdedeklara ng Martial Law. Ang mga Moro at
Lumad ang tinarget ng AFP at Christian Extremist group na kakampi ng Pangulo.
Tinuturing din na pinagsimulan ng pagaaklas ng mga Moro ang Jabidah Massacre sa
pagkamit ng Bangsamoro. Pinasabugan at ni-raid ng Ilaga, grupo sa ilalim ng
kapangyarihan ni Marcos, ang mga bayan pati na rin ang mga mosque na lubos na
ikinagalit ng mga Moro National Liberation Front. Lumagda si Marcos at ang MNLF sa
resolusyong naghahangad ng kapayapaan na tinawag na Tripoli Agreement ngunit
nawalan rin ito ng bisa paglipas ng taon. Ang parehong giyera ay nagdulot ng
matinding pinsala sa mga residente roon at takot sa mga Pilipino. Mas tumagal ang
siege noong 2017 kumpara sa 1972. Pareho ring nagdeklara ng Martial Law ang
pangulo ng mga panahong nagaganap iyon. Hanggang sa ngayon ay ramdam natin
ang alitan sa parte ng Mindanao at sa ating gobyerno na sana ay tuluyan ng
mawakasan.

You might also like