rito ang pangalan ng pahayagan, ating mga pangunahin o mahahalagang balita.
2. BALITANG PANDAIGDIG – mababasa sa
pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
3. BALITANG PANLALAWIGAN – mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.
4. EDITORYAL – sa pahinang ito mababasa
ang kuru-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu.
5. BALITANG KOMERSYO – dito mababasa
ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo. 6. ANUNSYO KLASIPIKADO – makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’tibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitang ipinagbibili.
7. OBITWARYO – ang pahinang ito ay
anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.
8. LIBANGAN – ito ang pahina sa mga balita
tungkol sa artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Naririto rin ang mga krosword, komiks,at horoscope.
9. LIFESTYLE – mababasa sa pahinang ito ang
mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.