Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ALAMAT

- Ito ay isang uri ng kwentong-bayan na nagsalaysay o nagsasaad ng


pinagmulan ng isang bagay o lugar. Maaaring magpaliwanag ito kung paano
pinangalanan o kung bakit nagkaroon ng ganoong pook o bagay. Ito ay
karaniwang kathang-isip at ito ay pasalin-dila mula pa sa panahon ng ating
mga ninuno

Kaligirang pangkasaysayan
ng Alamat
- MALAY - ang sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan. Katulad ng mga
Indones, sila rin ay may pananampalatayang pagano. May dala rin silang
sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga karunungang bayan. Sila rin
ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag na Alifbata o
Alibata.
- Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na pasaling-dila o bukambibig
lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng
niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan ng
matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong ito, higit na lumaganap ang
mga alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang Maragtas
at Malakas at Maganda.
- Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano - Ang mga ito ay may mga dala ring kani-
kaniyang kultura na nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa
ating kapuluan. Sa mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat
ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at
naipalaganap. Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan.

You might also like