Alamat NG Bundok Banahaw - Mga Alamat - Pinoy Edition

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

11/6/2019 Alamat ng Bundok Banahaw - Mga Alamat - Pinoy Edition

Pinoy Edition (//www.pinoyedition.com/)


Search 

 Home (/)

 Topics

 Links

 About
MGA NAKA-SPONSOR NA PAGHAHANAP

famous filipino stories delicacies filipino

filipino food filipino meal

Alamat ng Bundok Banahaw


Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang Banahaw ay meron ng
maraming tahanang nakatayo sa paanan ng bundok na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog.

Sa maraming mag-aanak na doon nakatira ay kabilang ang mag-asawang Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang
lalaki, si Limbas, ang namumukod sa lakas, sa tapang at sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo,
unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi nagtagal, sa paligid-ligid, ng malaking bundok ay natanyag ang
pangalang Limbas. Siya ang naging hantungan ng paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay dumating ang
kabayanihan ni Limbas.

Isang araw ay nawala si Limbas at gayon na lamang ang panimdim ng mag-asawa. Hindi sila makakain at makatulog
sa hindi pagdating ng kanilang anak. Makalipas ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas. Dala
niya ang isang balutan na sari-saring damit at pagkain. Sa buhay ng mag-asawa ay hindi pa sila nakakalasap at
nakakatikim ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang pagkain. Pakinggan natin ang balita ni Limbas.

"Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na isang 'enkantado'. Sa maharlikang tahanan nito sa tugatok
ng bundok ay doon isinama si Limbas. Doon, ang lahat ng hayop ay puti ang balahibo, di lamang ang mga manok
pati ang mga usa. Ang hardin ay napakalawak at humihitik sa mga bunga ang mga puno. May sasakyang hinihila ng
dalawang kabayong puti, na siyang ginagamit sa paglalakbay sa buong Luzon. At sumama lamang ako sa pag-uwi
ng bahay ay hindi nawala ang dulot."

https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bundok-banahaw/ 1/5
11/6/2019 Alamat ng Bundok Banahaw - Mga Alamat - Pinoy Edition

Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga magulang ay unang dulot ng
maginoo. Nguni't ang bilin nito bago iabot ang dulot ay dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga
magulang. Anupa't ang hindi paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi minsan mang nawala
si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkain ang dala ang
nakasisiya sa kanyang mga magulang.

Minsan pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto ang padala ng ginoo. At sa tuwa ni
Limbas ay nakalimutan humalik muna ng kamay sa kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang balot at
sinabing, "Narito po ang ating kayamanan mga bolang ginto!"

Subali't ng buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas kundi mga bunga ng Anahaw.

Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas: Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!"

At buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon din, ang bayan ng
Lukban at Tayabas ay nagsimula sa pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.

See also

 Alamat ng Butiki (/mga-alamat/alamat-ng-butiki/)

 Alamat ng Buwan at mga Bituin (/mga-alamat/alamat-ng-buwan-at-mga-bituin/)

 Alamat ng Chocolate Hills (/mga-alamat/alamat-ng-chocolate-hills/)

 Alamat ng Daliri (/mga-alamat/alamat-ng-daliri/)

 Alamat ng Durian (/mga-alamat/alamat-ng-durian/)

 Alamat ng Gagamba (/mga-alamat/alamat-ng-gagamba/)

 Alamat ng Hagdan-Hagdang Palayan sa Ifugao (/mga-alamat/alamat-ng-hagdan-hagdang-palayan-sa-ifugao/)

Facebook 15 Twitter MIX LinkedIn More 14

 Home (/)

 Topics

 Links

 About

https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bundok-banahaw/ 2/5
11/6/2019 Alamat ng Bundok Banahaw - Mga Alamat - Pinoy Edition

MGA NAKA-SPONSOR NA PAGHAHANAP

alamat na galing sa luzon alamat ng mga taga luzon

alamat sa quezon province alamat tungkol sa kabayanihan

https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bundok-banahaw/ 3/5
11/6/2019 Alamat ng Bundok Banahaw - Mga Alamat - Pinoy Edition

Sponsored

Most Powerful Military Forces in Asia – Check out Philippines Rank


Everydaychimp

Play this Game for 1 Minute and see why everyone is addicted
River Combat

Find Out How She Got White Teeth Permanently


Hollywood Smile

Must Read If You Store Photos & Videos On Your Computer


ThePhotoStick

Can Vitamin Supplements Really Make You Healthier? Check This To Find Out
Cardio Trust

Fast Weight Loss for Lazy People


FruThin

0 Comments Pinoy Edition 


1 Login

 Recommend 3 t Tweet f Share Sort by Newest

Start the discussion…

LOG IN WITH
OR SIGN UP WITH DISQUS ?

Name

Be the first to comment.

✉ Subscribe d Add Disqus to your siteAdd DisqusAdd 🔒 Disqus' Privacy PolicyPrivacy PolicyPrivacy

https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bundok-banahaw/ 4/5
11/6/2019 Alamat ng Bundok Banahaw - Mga Alamat - Pinoy Edition

Sponsored

Most Powerful Military Forces in Asia – Check out Philippines Rank


Everydaychimp

Play this Game for 1 Minute and see why everyone is addicted
River Combat

Find Out How She Got White Teeth Permanently


Hollywood Smile

Must Read If You Store Photos & Videos On Your Computer


ThePhotoStick

Fast Weight Loss for Lazy People


FruThin

Can Vitamin Supplements Really Make You Healthier? Check This To Find Out
Cardio Trust

THIS WEBSITE IS DEDICATED TO ALL FILIPINO PEOPLE WHO LOVE THEIR COUNTRY, THE PHILIPPINES.

THE PURPOSE OF THIS WEBSITE IS TO HELP ALL FILIPINOS, MOST IMPORTANTLY THE FILIPINO STUDENTS IN THEIR UPBRINGING, NOT JUST IN THEIR STUDIES IN
SCHOOLS, BUT ALSO DURING THEIR LEISURELY TIME ONLINE. WHO SAID FUN IS ALL ABOUT PLAYING GAMES?

CURRENTLY, WE HAVE ARTICLES ABOUT FILIPINO FOLKLORE INCLUDING SHORT STORIES, FABLES, PARABLES, MYTHS, AND LEGENDS. BIOGRAPHIES OF FILIPINO

P I N O Y E D I T I O N ( / / W W W. P I N O Y E D I T I O N . C O M / ) © 2 0 0 9 - 2 0 1 9 • A L L R I G H T S R E S E RV E D
P O W E R E D B Y C Y B E R S PA C E . P H

https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bundok-banahaw/ 5/5

You might also like