Pangabay PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Pang-abay

Mayroon sa Wikibooks ng patungkol


sa Pang-abay.

Ang pang-abay o adberbyo[1] ay mga


salitang naglalarawan sa:

1. pandiwa
2. pang-uri
3. Kapwa pang-abay

Mga Uri ng Pang-abay


Mayroong siyam na mga uri ng pang-
abay: pamanahon, panlunan, pamaraan,
pang-agam, panang-ayon, pananggi,
panggaano (tinatawag ding
pampanukat), pamitagan,[2] at panulad.

Pamanahon

Ang pang-abay na pamanahon ay


nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may
pananda, walang pananda, at nagsasaad
ng dalas. Halimbawa ng may pananda
ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula, umpisa, at hanggang.
Halimbawa ng pangungusap na may
pang-abay na pamanahon na mayroong
pananda ang "Kailangan mo bang
pumasok nang araw-araw?". Ang walang
pananda ay mayroong mga salitang
katulad ng kahapon, kanina, kanina,
ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba
pa. Halimbawa ng pangungusap na may
pang-abay na pamanahon na walang
pananda ang "Manonood kami bukas ng
pambansang pagtatanghal ng dulang
Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon
na nagsasaad ng dalas ay mayroong
mga salitang katulad ng araw-araw,
tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang
halimbawa ng paggamit na ganito ang
"Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos
kami sa aming pook ng santakrusan."[2]
Panlunan

Ang pang-abay na panlunan ay isang uri


ng pang-abay na nagsasaad ng lugar
kung saan naganap ang pangyayari.
Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung
saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang
kilos sa pangungusap; sa ibang
pananalita ay tumutukoy ito sa pook na
pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos
sa pandiwa. Halimbawa nito ang
"Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak
upang dalawin ang kanilang mga kamag-
anak."[3] Karaniwan ding ginagamit sa
pangungusap na mayroong pang-abay na
panlunan ang mga pariralang sa, kina o
kay. Ginagamit ang sa kapag ang
kasunod ay isang pangngalang
pambalana o isang panghalip.
Samantala, ginagamit naman ang kay at
kina kapag ang kasunod ay pangngalang
pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa nito Halimbawa na ang mga
pangungusap na "Maraming masasarap
na ulam ang itinitinda sa kantina." at ang
"Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng
masarap na mamon para sa kaarawan.

Pamaraan

Ang pang-abay na pamaraan ay ang


pang-abay na naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o magaganap ang
kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay
ang mga panandang nang, na, at -ng.
Halimbawa nito ay magaling, mabilis,
maaga, masipag, mabait, atbp.
Halimbawa sa paggamit nito ang
pangungusap "Sinakal niya ako nang
mahigpit", "Mahusay bumigkas ng tula
ang batang si Boy".

Pang-agam

Ang pang-abay na pang-agam ay ang


pang-abay na nagbabadya ng hindi o
kawalan ng katiyakan sa pagganap sa
kilos ng pandiwa. Ginagamit sa
pangungusap ang mga pariralang
marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at
iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang
pangungusap na "Marami na marahil ang
nakabalita tungkol sa pasya ng
Sandiganbayan."[2]

Panang-ayon

Ang pang-abay na panang-ayon ay


nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit
dito ang mga salitang oo, opo, tunay,
sadya, talaga,syempre at iba pang
halimbawa. Halimbawa ay "Talagang
mabilis ang pag-unlad ng bayan."

Pananggi

Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-


abay na nagsasaad ng pagtanggi o
pagtutol. Nilalagyan ito ng mga
pariralang katulad ng hindi, di at ayaw.
Halimbawang pangungusap para rito ang
"Hindi pa lubusang nagamot ang kanser.".
"Hindi ako papayag sa iyong desisyon".

Panggaano o pampanukat

Ang pang-abay na panggaano o pang-


abay na pampanukat ay nagsasaad ng
timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang
pang-abay na panggaano sa tanong na
gaano o magkano ang halaga.
Halimbawang pangungusap para rito ang
"Tumaba ako nang limang libra."[2]

Pamitagan
Ang pang-abay na pamitagan ay ang
pang-abay na nagsasaad ng paggalang.
Halimbawang pangungusap para sa
pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo
uuwi sa lalawigan ninyo?"[2]

Panulad

Ang pang-abay na panulad ay ginagamit


sa pagtutulad ng dalawang mga bagay.
Halimbawa ng paggamit nito ang
pangungusap na "Higit na magaling
sumayaw si Armando kaysa kay
Cristito."[4]

Mga sanggunian
1. "Pang-abay, adberbyo, adverb". English,
Leo James. Tagalog-English Dictionary
(Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
2. Pang-abay , mamsha.tripod.com
3. Ano ang pang-abay na panlunan ,
tl.answers.com
4. Ano ang Pang-abay? Mga Uri ng Pang-
abay , Takdang Aralin, takdangaralin.com

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pang-
abay&oldid=1647734"

Last edited 1 month ago by WayKu…

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like