Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Schools Division of Davao City


Region XI
Malabog District
V.BONTILAO SR. INTEGRATED SCHOOL
GRADE VIII
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

__________1. Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan, at bulong.
a. Karunungang-Bayan c. tula
b. Kwentong-Bayan d. kawikaan
__________2. Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na
naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.
a. Kasabihan c. bulong
b. Salawikain d. bugtong
__________3. Ito ang mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga.
a. Bulong c. sawikain
b. Palaisipan d. salawikain
__________4. Ito ay yaong mga tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas ng mga tinatawag na mother
goose.
a. Alamat c. mito
b. Epiko d. kasabihan
__________5. Ito ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
a. Pangngalan c. pandiwa
b. Pang-abay d. pang-uri
__________6. Ito ang pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap.
a. Pamanahon c. pamaraan
b. Panlunan d. panggaano
__________7. Ito ay isa sa mga mahahalagang elemeto ng Epiko na nagbibigay-linaw sa paksa, sa banghay, at maging sa
mga tauhan.
a. Pasimula c. tagpuan
b. Tauhan d. wakas
__________8. Alin sa mga ito ang salawikain?
a. Nagsulian ng kandila c. mabulaklak ang dila
b. May krus ang dila d. daig ng maagap ang masipag
__________9. Bakit importante ang salawikain at sawikain?
a. Hindi naman importante ang mga ito.
b. Ang mga ito ang nagpapaalala sa atin tungkol sa mayamang tradisyon ng lahing Pilipino.
c. Nakapapawi ng pagoda ng mga ito kapag nabasa mo.
d. Nakakaaliw ang mga ito.
__________10. Kung gusto mung maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto
ka nila.
a. Magsabi ng katotohanan
b. Magsinungaling
c. Maglaro sa buhanginan
d. Magpatiwakal
___________11. Puro balitang kutsera ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa kanya.
a. Balitang sinabi ng kutsera
b. Balitang walang katotohanan
c. Balitang makatotohanan
d. Balitang maganda
___________12. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
a. Matiniding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao.
b. Pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
c. Nagkaigihan
d. Nagkabati
___________13. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.
a. Mag-iingat ka parati at huwag magpapadala sa taong akala mo’y may mabuting kalooban. Maaring ang
taong iyon ay mabait lamang sa simula. Kilatisin mong mabuti kung ang sinasabi niya ang katotohanan.
b. Huwag kang bibili ng alahas sa hindi mo kakilala. Baka ka maloko
c. Kung may mapulotkang makinang huwag ka kaagad mag-akalang ginto iyon. Baka mapeke ka lang.
d. Ang ginto at tanso ay parehong makinang.
___________14. Saan mang gubat ay may ahas.
a. Lahat ng kagubatan sa Pilipinas ay tinitirhan ng mga ahas at iba pang mga hayop.
b. Hindi nawawalan ng masasamang tao. Kahit saan ka magpunta ay may taong hindi mabuti ang
kalooban
c. Ang mga gubat ay pinamamahayan ng mga ahas.
d. Ang ahas ay magaling maglungga lalo na sa mga lugar na mapuno.
___________15. Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?
a. Francisco Balagtas
b. Jose Rizal
c. Manuel L. Quezon
d. Jose Palma
___________16. Ito’y mga kwentong bayan na ang mga tauhan sa kwento ay mga hayop na kalimitan ay kapupulutan ng
aral.
a. Nobela c. pabula
b. Epiko d. elehiya
___________17. Ito’y mahabang salaysay na sumasaklaw na sumusunod na mga sangkap: tauhan, lugar, balangkas, at
pangyayari. Alin sa sumusunod ang tinutukoy dito?
a. Talumpati c. nobela
b. Epiko d. awit at korido
___________18. Ito ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at nagtataglay ng mga paksang
kababalaghan at maalamat.
a. Korido c. karagatan
b. Awit d. duplo
___________19. Ito ay isang tula na sumikat noong panahon ng Hapones na may sukat at tugma at binubuo ng pitong
pantig sa bawat taludtod.
a. Haiku c. batutian
b. Tanaga d. tulang patnigan
___________21. Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop,dugo, yaman, dunong,
katiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.
a. Ang taong wagas at dalisay na pagmamahal sa bayan ay handing mag-alay ng sarili para sa tinubuang
lupa.
b. Yaman, dugo, at talino ang kailangan upang ang bayan ay mahango sa pagkakaalipin
c. Matatalino at mayayamang tao lamang ang maaring maglingkod sa bayan.
d. Ang taong mahirap ay yayaman pagdating ng panahon.
___________22. Bakit? Alin ito na sakdal ng laki na hinahandugan ng buong pagkasi, na sa lalong mahal nakapangyayari at
ginugugulan ng buhay na iwi?
a. Ang ating tinubuang lupang Pilipinas ay nararapat na handugan ng ating pagsinta at pagmamahal,
katumbas man nito’y buhay nating taglay.
b. Dahil sa laki ng Pilipinas, nararapat lamang na tayo rin ay mag-alay sa kanya ng mataas na pagsinta.
c. Gugulin ang iyong buhay para sa kabutihan ng mga taong iyong minamahal.
d. Kung saan ka nanggaling, doon Ka rin babalik
___________23. Ito ay isang uri ng pag-ibig na handang magsakripisyo o limutin ang sarili para sa minamahal.
a. Storage c. philia
b. Eros d. agape
___________24. Ito ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may
layunin, at pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa pinapaksang pangungusap na maaaring lanatad o di-lantad.
a. Talata c. sanaysay
b. Salaysay d. pangungusap
__________25. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa.
a. Panimula c. wakas
b. Gitnang talata d. talatang pabuod
II. SANHI AT BUNGA
PANUTO: Salungguhitan ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap. Isang salungguhit kung sanhi at
dalawa sa bunga.

1. Nahulog si Jared sa kanal dahil hindi niya tinitignan ang kanyang dinaraanan.
2. Nahulog sa puno si Badong dahil siya ay malikot.
3. Pinag-aralang mabuti ni Myrna ang kanyang leksyon kagabi kaya nakakuha siya ng mataas na marka.
4. Si Angelito ay mahilig mag-ipon ng pera kaya nakabili siya ng bagong kotse.
5. Kakaiba ang araw na iyon para kay Susan sapagkat dumating ang kanyang kaibigan.
6. Nais niyang magkaroon ng trabaho kaya gagawa siya ng paraan upang makapag-aral.
7. Malayo sa kabihasnan ang baryong tinitirhan ni Susan kaya mahirap itong puntahan.
8. Kailangan nilang tumulong sa magulang upang hindi magutom ang pamilya.
9. Nakakuha siya ng trabaho dahil nakatapos siya ng pag-aaral.
10. Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.

III. TANAGA AT HAIKU


PANUTO: Gumawa ng tulang Haiku at Tanaga (10pts each)

Haiku Tanaga
___________________________________ __________________________________________
_________________________________________ __________________________________________
___________________________________ __________________________________________
__________________________________________

You might also like