Pagsulat NG Balita at Editoryal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pagsulat ng Balita

Katuturan
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin.

 Pasalita. Kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon.


 Pasulat. Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.
 Pampaningin. Kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.

Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay-impormasyon
Halimbawa:
Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi-gabi ay may mas mataas na panganib
sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon sa isang bagong pag-aaral.
2. Nagtuturo
Halimbawa:
Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang stress at mapapanatili ang magandang
kalusugan.
3. Lumilibang
Halimbawa:
Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa Presscon ng My Only Love.
Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling eksena para mapansin niya.
4. Nakapagpapabago
Halimbawa:
Matapos na masangkot sa anomaly ang mga pulis ng Manila Police District Station Anti-Illegal Drugs, iniutos ni
Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa II police station ng Manila Police District (MPD).

Mga Katangian ng Balita

 Kawastuhan. Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
 Katimbangan. Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig ng sangkot.
 Makatotohanan. Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
 Kaiklian. Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

Mga Sangkap ng Balita


Ang isang balita ay magiging balita lamang kung ito ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring
sabihing ang anumang kaganapan na balita para sa isa ay hindi balita para sa iba.

 Kapanahunan. Ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal nang nangyari ngunit ngayon lamang natuklasan.
 Kalapitan. Mas interisado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman ang nangyayari sa kanilang paligid o
pamayanan kaysa sa malalayong lugar.
 Kabantagon. Tumutukoy sa pagiging prominente o sa pagiging kilala ng taong sangkot sa pangyayari.
 Kakatwahan o kaibahan. Mga pangyayaring ‘di karaniwan tulad halimbawa ng isang tao na nangagat ng aso o ng isang
hayopna dalawa ang ulo.
 Tunggalian. Ito ay tumutukoy hindi lamang sa labang ng tao laban sa kapwa tao, maaari itong pakikibaka ng tao laban sa
kalikasan o ng tao laban sa kaniyang sarili.
 Makataong kawilihan. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring nakapupukaw sa iba’t ibang uri ng emosyon ng tao : pagibig,
poot, simpatiya, inggit, at iba pa.
 Romansa at Pakikipagsapalaran. Tinatalakay ditto hindi lamang ang buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng ng mga artista
kundi ang pakikipagsapalaran din ng mga ordinaryong tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona Mahilum sa kaniyang mga
kaptid sa nasusunog nilang bahay.
 Pagbabago at Kaunlaran. Anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng balita
tulad ng pagpapatayo ng mga bagong gusali, mga kalsada, pamilihang bayan at iba pa.
 Bilang o Estadistika. Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.
 Pangalan. Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng mga nakapasa sa mga board examinations.
 Hayop. Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippines Eagle mula sa itlog na nabuo sa pamamagitan ng
artipisyal inseminasyon.
 Kalamidad. Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol, pag-putok ng bulkan at iba pa, karaniwang pinapaksa ng balita
ang mga pinsalang dulot nito.
Mga Uri ng Balita

A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos

1. Tuwirang Balita. Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombensyonal o kabuurang pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain. Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.

B. Ayon sa lugar na pinangyarihan

1. Lokal na Balita. Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng tagapakinig o
mambabasa.
a. Pambarangay
b. Panlalawigan
c. Pambayan
d. Panrehiyon
e. Panlunsod
f. Pambansa

2. Balitang Pang-ibang bansa

C. Ayon sa Nilalaman

 Pang-agham at teknolohiya
 Pangkaunlarang Komunikasyon
 Pang-isports o pampalakasan

D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkunan

1. Batay sa aksyon. Ang manunulat/mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.
2. Batay sa Tala. Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang
ahensya.
3. Batay sa Talumpati. Kung ang pinagkukunan ng datos ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam. Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong sangkot o may
alam sa pangyayari.

E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina

1. Balitang may iisang tala. Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang.


2. May maraming talang itinampok. Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na naganap sa iisang araw at halos
magkaparehong oras.
3. Balitang Kinipil. Balitang pinaikli nalamang dahil sa kawalan ng espasyo.
4. Dagliang Balita. Pahabol na balita na dahil kawalan ng espasyo ay nilagyan na lamang ng salitang flash at kasunod nito ang
isang linya o talatang nilalaman.
5. Balitang Pangkatnig. Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagapay sa kaugnay na pangunahing balita.
6. Bulitin. Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa pangmukhang pahina na nakakahon at nasa tipong
margin.

F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman

1. Balitang pamukaw-kawilihan. Karaniwang maiikling balita tungkol sa tao, bagay, hayop na umaantig sa damdamin ng
mambabasa.
2. Balitang nagpapakahulugan. Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa dahilan, saligan, katauhan, katauhan ng mga
pangunahing sangkot at kahalagahan ng isang pangyayari.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

Pagsulat ng ulo ng balita

Katuturan
Ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng lalong malaking titik kaysa teksto o katawan nito.

Gamit ng mga Ulo ng Balita

1. Upang lagumin ang balita (To summarize the story)


2. Upang pagandahin ang pahina (To make the page attractive)
3. Upang bigyang antas ang bawat balita (To grade the news)

Mga Uri ng Ulo ng Balita

1. Banner (Banner Headline) – ulo ng pinakamahalagang balita na nagtataglay ng pinakamalaking titik at


pinakaitim na tipo.
2. Bandereta (Streamer) – isang baner na tumatawid sa buong pahina .
3. Baynder (Binder) – isang ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina na nasa itaas ng panloob na pahina.
4. Kubyerta (Deck, Bank, Readout or Drophead) – pangalawang ulo ng bahagi pa rin ng baner na nagtataglay ng
lalong maliit na titik at naiibang tipo sa unang ulo.
5. Payong (Umbrella or Skyline) – tanging pangalan sa bandereta na nasa itaas ng pangalan ng pahayagan
(Nameplate) na pumapayong sa lahat.
6. Sabhed (Subhead) – isang maikling pamagat na ginagamit upang mabigyang ang mahabang istorya ng break o
putting ispasyo (white space) upang hindi pagsawaan ang pagbabasa.
7. Taglayn (Tagline), Tiser (Teaser), o Kiker (Kicker) – binubuo ng isang maikling linya na inilalagay sa itaas ng
pinakaulo sa bandang kaliwa nito o sentro. Ito rin ay nagtataglay ng maliit na tipo at sinalungguhitan.
Ginagamit ito pang-akit sa bumabasa at ito’y isang salita o parirala lamang kung ang taglayn ay mas malaki
kaysa ulo ng bahagi.
8. Nakakahong Ulo (Boxed Head) – ulo ng balita na kinulong sa mga guhit para maipakita ang kahalagahan.
9. Talon-ulo (Jump Head) – ulo ng jump story na nasa ibang pahina.

Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Istilo (According to Style)

1. Malalaking Titik
2. Malaki-Maliit na Titik
3. Pababang Istilo

Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Anyo (According to Structure)

1. Pantay-Kaliwa (Flush Left) – binubuo ng dalawa o higit pang linya na pantay ang pagkakahanay sa kaliwang
baybayin. Ang kabaliktaran nito ay ang ‘Pantay-Kanan” (Flush Right)
2. Draplayn (Dropline or Step Form) – binubuo ng dalawa o higit pang linya na ang unang linya ay pantay kaliwa
at ang bawat kasunod na linya ay inurong pakanan.
3. Bitin-Pantay (Hanging Indention) – binubuo ng maraming linya ang unang linya ay pantay kaliwa, at ang
dalawa o tatlong magkakapantay na linya ay inuring pakanan.
4. Baligtad na Piramide o Tagilo (Inverted Pyramid) – binubuo ng dalawa o higit pang linya na paikli ang haba, na
ang huli at pinakamaikling linya ay nakasentro.
5. Kroslayn o Barlayn (Crossline or Barline) – binubuo ng isang linya lamang na maaaring sumakop ng dalawa o
tatlong kolum.
6. Plaslayn (Flushline or Full Line) – Dalawa o higit pang magkasinghabang linya na umaabot sa kaliwa at kanang
mardyin.

Mga Tuntuning Tradisyunal sa Pagsulat ng Ulo ng Balita

1. Iwasan ang magdikit-dikit na titik o salita.


Hal. ArawangMakakaisangBansa,ipinagdiwang
2. Iwasan ang madadalang na titik.
Hal. O p e r a t i o n L i n i s S i n i m u l a n
3. Iwasan ang ulong walang pandiwa.
Hal. Limang guro sa Seminar
4. Iwasan ang ulong pang-etika.
Hal. Linggo ng Wika
5. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng isang kubyerta.
Hal. Mali- Aklasan sa UST, nalutas
Nagsipag aklas, bumalik
Tama- Aklasan sa UST, nalutas
guro, kawani nagsibalik
6. Huwag gagamit ng pangalan maliban kung ang tao’y tanyag o kilalang kilala.
7. Maging tiyak, iwasan ang masaklaw na pagpapahayag
8. Iwasan ang opinion sa balita. Ibigay ang tunay na pangyayari
9. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo, lantad man o tago
10. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa
11. Gumamit ng mabisa at nakakatawag-pansing pandiwa
Pahina ng Editoryal o Pangulong Tudling

Ang mga balita sa pahayagan ay nakapanghihikayat sa patnugutan upang bigyan-puna o opinion ang mga balita. Ang mga
ito ay isinasama sa pahina ng editoryal.

 Folio – matatagpuan ito sa itaas na bahagi ng pahina na may petsa ng pagkakalimbag at pangalan ng pahayagan. Ito rin ay
matatagpuan sa iba pang pahina ng pahayagan.
 Patnugutan – ito ay nakakahong pangalan ng mga kasapi ng patnugutan. Nagtataglay ito ng logo ng pahayagan, pangalan
ng tagapayo, superbisor at punung-guro ng paaralan.
 Editoryal – ito ang kabuuang komentaryo ng patnugutan na pinagtalunan at tinalakay at pinahalahang mga paksa. Ito rin
ang paninindigan ng pahayagan tungkol sa mahahalagang isyu.
 Tudling pang-editoryal – ito ang opinyon ng nakatakdang kolumnista. May layunin itong bumatikos, pumuna, magturo,
manlibang o magpahalaga.
 Kartung Pang-editoryal – ito ay larawang-guhit ng isang Kartunista na may kinalaman sa pagksang tinatalakay at may
layuning kaparis din ng tudling pang-editoryal.
 Mga Liham sa Patnugot – mga puna o opinyon ng mga mambabasa hinggil sa iba’t ibang isyu.

HALIMBAWA NG BALITA

Robredo tinanggap na ang posisyon bilang drug czar

TINANGGAP na ni Vice President Leni Robredo ang posisyon na alok sa kanya ni Pangulong Duterte matapos naman siyang italaga
bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Inihayag ni Robredo ang kanyang desisyon isang araw matapos ipalabas ng Malacañang ang memorandum ni Duterte kung saan
itinalaga siya bilang drug czar kung saan makakahati niya sa posisyon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron
Aquino.

Nauna nang tahimik si Robredo sa alok na posisyon kung saan sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez na isang
‘problematic’ memorandum ang inilabas ni Duterte kung saan inalok siya ng ‘non-existent post’ base sa Executive Order No. 15.

Sa ilalim ng memorandum na inilabas ni Duterte, tatagal hanggang Hunyo 2022 ang pagiging drug czar ni Robredo.

2 bagyo binabantayan ng Pagasa


By Leifbilly BegasNovember 06,2019

DALAWANG bagyo ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Lumakas ang bagyong Quiel na nasa tropical storm category na kahapon at inaasahan na lalo pa itong lalakas pero maliit ang
tyansa na mag-landfall sa bansa.

Ang bagyo at ang tail end ng cold front ay magdadala ng pag-ulan sa Babuyan Islands, Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental
Mindoro, Antique, bahagi ng Palawan kasama ang Cuyo Islands at Kalayaan Islands, Batanes, Apayao, Ilocos Norte, Aklan, Iloilo,
Oriental Mindoro, at Cagayan, ayon sa PAGASA.

Ito ay may hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 90 kilometro bawat oras.

Ngayong ang bagyo ay nasa layong 465 kilometro sa kanluran-timog kanluran ng Subic, Zambales o 465 kilometro sa kanluran-
hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Binabantayan din ng PAGASA ang bagyong may international name na Halong. Ito ay nasa layong 2,960 kilometro sa silangan ng
hilagang Luzon at maliit umano ang tyansa na pumasok ito ng Philippine Area of Responsibility.

Umaabot sa 215 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito.


#
HALIMBAWA NG EDITORIAL

EDITORYAL - Kapayapaan at pagbabago

(Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2016 - 12:00am

“LAHAT tayo ay naghahangad ng kapayapaan o katahimikan– hindi nang katahimikan para sa mga patay kundi katahimikan para sa
mga buhay,” sabi ni President Rodrigo Duterte kahapon sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA). Tumagal ng isang
oras at kalahati ang pagsasalita ng Presidente na unang napabalita na 30 minuto lang tatagal. Maraming isiningit si Duterte sa
kanyang talumpati katulad nang simpleng pagpapatawa na nagdulot naman ng kasiyahan sa mga bisita.

Dapat nang wakasan ang karahasan at tamasahin na ang sarap ng kapayapaan. Inihayag ni Duterte kahapon ang unilateral
ceasefire sa mga rebelde. Sana raw, ganito rin ang gawin ng mga rebeldeng komunista. Sabi pa ng Presidente, nakatakda na ang
usapang pangkapayapaan sa mga rebelde sa susunod na buwan na gagawin sa Norway.

Maganda ang hakbang na ito ni Duterte. Ang pagkakamit ng kapayapaan ay dapat nang magkaroon ng puwang upang umusad ang
bansa at tuluyan nang umunlad. Kapag nagkaroon ng positibong resulta ang usapang kapayapaan laban sa mga rebeldeng
komunista, mahihikayat na ang investors na maglagak ng kanilang puhunan sa bansa. Wala na silang katatakutan para dito sa
Pilipinas magnegosyo. Ang resulta nito ay ang pag-angat ng ekonomiya at maraming mahihirap na pamilya ang makikinabang.
Wala nang magugutom at wala nang gagawa nang krimen. Ang kahirapan ang ugat ng krimen.

Nararapat namang tuparin ng Duterte administration ang naunang pangako na susugpuin ang kriminalidad at ang pagkalat ng
bawal na droga. Tiyakin na wala nang drug lords sa bansang ito sa loob ng anim na buwan. Ipatupad din ang madaliang pagkuha ng
mga papeles at anumang dokumento na hindi na pipila. Wakasan na ang contractualization at ganundin naman ang bawas tax sa
mga karaniwang manggagawa.

Kapayapaan at pagbabago ang mensahe ni Duterte kahapon. Aabangan ng mamamayan ang mga pangakong ito.

PAGSASANAY:

Smuggling ng metal

PANUTO: Sumulat ng isang balita, base sa mga sumusunod ng detalye ng balita. Gawan ito ng ulo/headline.

Nagreklamo ang mga lokal ng manufacturer ng mga produktong bakal laban sa umano’y talamak na pagpapalusot ng “finished
metal products”
Nagtataka ang mga nagrereklamo kung paano nailusot ang mga steel rods sa presyong mas mababa sa presyo ng scrap metals.
Ang paliwanag ng Cebu Customs sa mga nagrereklamo ay “transaction value method” ang ginamit para malaman ang buwis at
taripa sa mga imported products.
Sa sistema ng “transaction value method” tanging dokumento lang ng shipment na nakalagay ang presyo at notaryado sa
pinanggalingan ng produkto ang kailangan. Pwedeng tanggapin na lamang ito ng customs collector kahit na may iba pang
prescribed BOC valuation methods and references para ma-double check ang deklaradong presyo.
“Kung seryoso ang BOC na sawatain ang technical smuggling, madali lang, kung mahigpit nilang i-enforce ang Valuation Procedure
o kaya dapat i-cross reference yan sa Metal Bulletin Weekly, Steel Business Briefing of London o MySteel ng China kung saan
makikita ang tamang presyo ng bakal o metal,” sabi ng tagapagsalita ng mga nagrereklamo.
Ang reklamo ay nagmula sa Philippine Iron and Steel Institute at Galvanized Iron Wire Manufacturing Association at ipinarating
kina Department of Finance (DOF) Sec. Cesar Purisima at Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon.
Ang Philippine Iron and Steel Institute at Galvanized Iron Wire Manufacturing Association ay may annual sports festival kung saan
nagsasama-sama ang lahat ng mga miyembro mula sa buong bansa para makipagtagisan ng galing sa iba’t ibang isports tulad ng
figure skating at gymnastics.
Ang inirereklamo ay isang kumpanya na naka-base sa Mandaue at mayroong maliit na steel rolling plant. Ang kumpanya ay ang
pangunahing nag-aangkat ng finished steel products tulad ng ‘smaller sized steel wire rods’ na nirorolyo para maging ‘reinforcing
steel bars’ at ibinebenta sa mga hardware store para sa mga maliliit na construction projects.
Ang reklamo ay nagmula sa mga local na manufacturer ng mga steel products sa Cebu.
Ang mga ‘finished metal products’ ay ibinebenta sa mas mababang halaga kaysa sa scrap metal.

You might also like