Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAF 204

Pagsipat sa Panghalip Batay sa Pagsusuri sa Balarila ng Wikang Pambansa

Erwin P. Crisostomo
MA Filipinolohiya

1.0 Panimula
Ayon kay Santiago at Tiangco (1997) ang Balarila ng Wikang Pambansa ay isang aklat hinggil sa
wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang Tagalog. Isinulat ito ni Lope K. Santos at inilathala ng
Surian ng Wikang Pambansa noong 1939. Ito ay binubuo ng humigit kumulang na limang daang
(500) pahina na naglalaman ng mga paksaing may kinalaman sa wika; Palatitikan, Pantig,
Palabuuan, Palagitlingan, Palatuldikan, Baybaying Pilipino at Palasurian. Sa lahat ng paksang ito
ang Palasurian ang binigyang pansin dahil ito ay tumatalakay sa paglalahad ng bahagi ng
pananalita. Kasabay ng pagpapalimbag ng Balarilang ng Wikang Pambansa ang usapin sa
pagkakaroon ng isang ganap na Wikang Pambansa kaya’t nagkaroon noong 1935 na isang Artikulo
14 seksiyon 3 na , “ Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”. Si
Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsasagawa ng pag-aaral at ang napili nito
bilang batayan ng wikang pambansa ay tagalog. Kagya’t nabuo ang Balarila ng Wikang Pambansa
na nakabatay na sa Tagalog.

2.0 Pagsusuri
Iikot ang pagtalakay sa pagsipat sa bahagi ng pananalita na panghalip batay sa pagsusuring ng
Balarilang ng Wikang Pambansa na isinulat ng isa sa pinakakilala sa Gramatikang Tagalog na si
Lope K. Santos. Ayon sa inilahad na kahulugan ng panghalip sa Balarilang tagalog ito ay mga
salitang at katagang ginagamit sa pangungusap na panghalili sa mga pangngalang nabanggit na di
na dapat pang ulitin o nauunawaan na’t di kailangang sabihin pa uli. Samantala kung ito ay
ikukumpara sa pag-aaral ni Tanawan (2007) sa kanyang aklat na Istruktura ng Wikang Filipino
binigyan niya ng pagpapakahulugan ang panghalip sa makabagong pananaw na ang panghalip ay
makikilala sa pagbabagong anyon ayon sa tatlong kaukulan – panghalip na nasa anyong ang, ng, at
sa bilang panghalili. Kung pakasusuriin ang anyong tatlong kaukulan na binabanggit ni Tanawan ay
may kinalaman naman sa kaukulan binigay ni Santos sa panghalip-panao. Mayroong tatlong
kaukulan ang panghalip panao; palagyo, paari at paukol. Masasabi na ang palagyo ay humahalili sa
ngalan ng tao o mga taong gumagawa ng gawain o sa madaling sabi ito ay panghalip na inihahalili
sa pangngalang pinangungunahan ng ang o si o kaya’y panghalip na ginagamit sa paksa o
kaganapang pansimuno. Bilang Halimbawa, bilang ginagamit sa paksa; Siya ay masungit., Ako ay

1
naglilingkod sa bayan., Kata ay manonood ng palabas mamayang hapon., ginagamit bilang
kaganapang pansimuno; Ikaw ang dahilan ng kanilang pagkakasundo., Sila ang dapat managot sa
kasalanan., Kami ang may-ari ng malaking bahay. Sumunod naman ay ang panghalip panao na
paari na kumikilala sa tao o mga taong nag-aari o kinauukulan ng bagay, gawain o pangyayaring
binabanggit sa pangungusap. Samantalang batay sa pag-aaral ni Tanawan ang paari ay nasa
anyong “ng” o mga panghalip na inihahalili sa pangngalang may panandang ng o ginagamit ito
bilang panuring at nagsasaad ng pag-aari. Halimbawa bilang panuring; Ang aking kaibigan ay
nangibang bansa., Ang iyong bag ay napakaganda. Samantala bilang nag-aari; Kanila ang lupang
sinasaka ni Temyong., Akin ang aklat na hiniram niya. Panghuli ay ang panghalip-panao na paukol
o palayon na siyang ginagamit na anyo sa mga layong di-tuwiran ng pangungusap, gaya ng
makikita sa kabanata ng mga pandiwa at uri ng pangungusap. Binanggit na rin ni Santos na ang
paukol ay pinangungunahan lagi ng “sa”. Samantalang sinasabi naman ni Tanawan na hindi
lamang sa ang maaaring mauna rito pa na rin ang “kay”. Bilang halimbawa, bilang layon ng pang-
ukol; Para sa inyo ang karangalan ko., Wala akong kinalaman tungkol sa kanya. Bilang di-tuwirang
layon; Ang pahayagan ay basahin mo araw-araw., Kanyang babayaran ang utang ni Nida. Bilang
paglalahat ay masasabi na hindi pa ganoon naibigay sa mas madali at mas malinaw na
pagpapaliwanag ang mga bagay na dapat na maibigay sa loob ng paksang panghalip sa aklat ni
Santos na Balarila ng Wikang Pambansa kahit pa ito ay akma at halos may pagkakaparehas pa.

3.0 Sanggunian

 Santiago & Tiangco 1997; 2003, p.iii


 Mañalac et. al. 1944, p. 4
 Tanawan, Dolores. Istruktura ng Wikang Filipino. Cabanatuan City:Jimcy Publishing
House,2007

You might also like