Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
City Schools Division of Koronadal
KORONADAL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL
City of Koronadal

GAMHANAN NGA ESPIRITU: Isang


Pag-aaral sa Konteksto ng Dungan

Kritikal na Papel nina:

Resus, Julius Miguel

Diaz, Sky

Rascal, Asmairah

2019 - 2020
Ang Dungan ay katulad ng ligaw na kaluluwa. Ligaw na kaluluwa na kung saan
pumapasok at lumilisan sa ating katawan kahit anong oras at kahit saang lugar.
Pumapasok sa ating katawan depende sa sitwasyong ating kinakaharap. Pumapasok at
namamalagi sa ating katawan kapag mahina ang pananalig natin sa Diyos. Lumilisan
sa ating katawan kapag ito ay pinapaalis o kusa itong umaalis.

Ganito namin ihambing ang dungan sa ligaw na kaluluwa sa kahit anong


sitwasyong ating kinakaharap mula sa normal na pangangatawan hanggang sa ibang
kaluluwang namamalagi sa ating katawan.

Uunahin naming ilalahad ang pagkilala sa dungan at malaki nitong apekto sa


buhay ng tao. Ang konteksto ng pagsisimula ay ang pagdaloy ng mga kwentong
nakapaloob tungkol sa mga dungan at pagdadalumat na sosyolohikal tungo sa pag-
unawang pangkasaysayan ng dungan.

Pagtuki: Pagsisimula ng Kontekso ng Dungan

Nagsimula ang konteksto ng Dungan ng nagsimulang magtanong ang tao kung


ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging tao, ngunit maraming maaaring rason kung bakit
itinuturing na tao ang isang tao kung kaya’t binigyang diin ang sinaunang paniniwala na
ang lahat ng tao ay mayroong sariling Dungan na nagsisimulang mamalagi sa katawan
ng tao na kanyang pinili ng ito’y isilang. Ang Dungan ay dumadaan sa proseso ng
pakikibagay sa pisikal na katawan ng tao kung saan ito namamalagi,kailangan rin ng
dungan na maging komportable sa napiling katawan, kung hindi maaari itong hikayatin
ng iba pang mga espiritu na manatiling pagala-gala ng walang pisikal na katawan o
maaari itong maging bihag ng nasabing espiritu (Aguilar, 1998).

Pagtugib: Pagpapakahulugan tungkol sa Dungan

“Kasabay” ang literal na kahulugan ng Dungan sa kakaibang konsepto ng mga


taga-Panay ito rin ay maaaring matawag na kakambal ng isang tao sapagkat kilala rin
ang Dungan sa tawag na “kaluluwang kambal.” Kahit saan magpunta kasakasama ng
isang tao ang kaniyang Dungan sa pagtulog man o paggising. Kapag malakas ang
dungan ng isang tao maaari niya itong gamitin bilang sandata panlaban sa mga kulam,
hiwit o barang, sa mga nilalang na ‘di nakikita ng mata at pati na rin sa mga aswang
(Teodoro, 2015).

Ang dungan na binigyang kahulugan ni Teodoro ay makikita sa kalangitan kung


kaya’t ito’y namamalagi sa ibabaw na parte ng kalangitan. Ito ay nagkaka-interes sa isang
tao na hindi pa naisisilang kung saan nila napiling maghapon o manatili. Ito rin ay hindi
lamang makikita sa isang bahagi ng katawan sapagkat ito’y lumalago o yumayabong ng
pantay-pantay sa lahat na bahagi ng katawan. Pagkasilang ang Dungan ng isang tao ay
mahina pa kung kaya’t ang tao ay maaaring mausog kung mayroong taong mas malakas
ang Dungan. (Gaverza, 2014).

Sa artikulo ni Pacete (2017) sinabi niyang meron pang isang espiritu na


namamalagi sa katawan ng tao na tinatawag na “ginhawa.” Ang ginhawa at dungan ay
dapat laging magkasama. Ginhawa ang nagbibigay ng lubhang mahalaga sa
pagpapanatili ng buhay ng tao at ang dungan naman ay ang siyang nagbibigay ng
emosyon, kamalayan at talino kung kaya’t pag lumalabas ang dungan nawawalan ng
malay ang isang tao at bumabalik lang ito kapag bumalik na ang dungan.

Ayon sa libro ng University of the Philippines (1976) sinasabi ring ang Dungan ay
pansamantalang umaalis sa katawan ng tao kapag ito’y nagugulat, ang pagbalik
kahinahunan ay may kaugnayan sa pagbalik ng Dungan sa katawan ng tao matapos
nitong nakaharap ang takot. Umaalis rin ang Dungan sa katawan ng tao upang makita ng
tao ang kanyang sarili sa isang panaginip.

Bilang resulta, ginagawang panakot ng mga magulang ang Dungan noon sinasabi
nilang kapag nagutom ang Dungan ng isang bata maaari itong pumunta sa kusina kung
nakahanda ang mga pagkain sa anyo ng mga insekto. Kung kaya’t napipilitang kumain
kahit kaunti lamang bago matulog sa takot na mag anyong insekto ang kanilang Dungan
(Demetrio, Cordero-Fernando, & Zialcita, 2010).( Demetrio,2010)
Sinangayunan ito ni Acuṅa (2017) sapagkat ayon sa kanya ang Dungan ay
maaaring magkatawan insekto o ano mang hayop kapag ito’y lumisan sa katawan ng
kusa habang natutulog ang katawang-tao.
Sa pangkalusugang anggulo nagingay malakimalaki ang ng gampanin ang ng
Dungan sa pagpapanatili ng kalusugan ng isang tao mula sa pangkaloobang bahagi at
sa pisikal na katawan. Ang pagababatak-dungan ay isang ritwal kung saan pagkasilang
ng bata ang kanyang Dungan ay ginagawang malusog at pinatatag sa pangangasiwa ng
isang babaylan base sa tradisyon at kalinangan sa panay.

Ang pagbabatak-dungan ay binigyang kahulugan rin ngayon sa Cultural Center


of the Philippines (2018). Ayon sa kanila ito ayay isang ritwal kung saan nagsasagawa
ng iba’t-ibang uri ng mga dasal katulad ng dasal para sa pasasalamat, paghiling sa
biyaya ng diwata at para sa magandang buhay. Pinaniniwalaan rin na para sa kabutihan
ng isang bata kailangang hilain pataas ng andungon ang dungan ng bata upang lumaki
ito ng malusog at matalino.

Ayon sa pananaliksik ni Victoria (2017) ang pagbawi ng dungan o kaluluwa ng


isang namayapa ay isa sa mga katangi-tanging kakayahan ng mga babaylan. Base sa
paniniwala ng mga babaylan, may tungkuling maging isang babaylan ang sinumang
namatay at ang mga taong bumalik ang Dungan matapos itong umalis sa pisikal na
katawan ng tao.

Ayon pa rin sa kay Acuṅa (2017) ang Dungan para sa may sapat na gulang ay
sukatan ng tunggalian sa kapangyarihan at ang mga taong may mataas na Dungan ay
kilala sa tawag na “Dunganon”. Ang taas ng dungan ay may kinalaman sa ugnayan sa
mundo ng espiritu kung kaya’t ang mga namumunong datu ay nagtatagumpay dahil
kinikilingan umano sila ng mga bagay ng mundong hindi nakikita ng ating mga mata.

Ang pagpapahalaga ng mga katutubo ang nagbigay daan sa mga Espanyol upang
pumasok sa kamalayang kosolohiko-espirituwal upang maitawid ang kanilang layunin na
sakupin ang bansang Pilipinas. Ang Dungan ang nagsilbing batayan sa paumunong
bayan sapagkat ang gahum ng Dungan ay nagpapahayag ng kalakasan, katapangan at
kaalaman. Maaari ring maihambing ang Dungan sa mga abilidad, yaman at karisma na
magagamit ng isang opisyal sa pamumuno noong unang panahon (Villan,2013).

Singayunan ito ni Acuṅa (2017), dahil ayon sa kanya ang Dungan para sa may
sapat na gulang ay sukatan ng tunggalian sa kapangyarihan at ang mga taong may
mataas na Dungan ay kilala sa tawag na “Dunganon.” Ang taas ng dungan ay may
kinalaman sa ugnayan sa mundo ng espiritu kung kaya’t ang mga namumunong datu ay
nagtatagumpay dahil kinikilingan umano sila ng mga bagay ng mundong hindi nakikita ng
ating mga mata.

Pagsusuri sa Konteksto ng Dungan

Sa pananaliksik ng aming grupo aming inaral mga ideyang umiikot sa Pilipinas


ngunit mas binigyan namin ng pansin ang mga ideya ng “Koronadaleṅos” patungkol sa
dungan at ang mga paniniwalang nakaugnay rito.

Ang aming grupo ay naghanap ng mga taong kapapanayamin sa loob ng


parametro ng Lungsod nga Koronadal tungkol sa konteksto ng dungan at ang mga
paniniwalang kaugnay nito gamit ang random sampling. Sa pagkalap ng impormasyon,
gumamit kami ng semi-structured interview sa pagpapanayam sa aming mga katugon.

Bunga ng aming pananaliksik kami’y nakapagtala ng mga ideyang umiiral sa


Pilipinas partiklular na sa Lungsod ng Koronadal. Ang mga ideya nakalap ay isang
repleksiyon ng pagiging hitik ng kultura kung saan nakapaloob ang paniniwala ng bawat
isa.

“Sa paniniwala ng mga kristyano, ang dungan ay mas mataas yung panggagamot
niya kaysa pangkaraniwang tao, mas mataas yung kanyang dungan kaysa
pangkaraniwang tao, marunong gumamot yang mataas ang dungan.” (Fatima
Daud)
“Ang dungan ng mataas ang dungan mo. Patas sa akon taas akon dungan amuna.
Mabuyagan kag magsakit ang tiyan mo. Basta mabuyagan ka lang ah.” (Venos
Selorio)

“Ang akon nga kwan paniniwala sa dungan kung akon sa kay ako may dungan
man ko. May dungan ako sya. Taas ang dungan ko kag i-anhon taka magsakit ang
tyan mo. Mapati gid ako. Ng mga usog. Kung taas ang usog mo kag taas ang usog
niya kung di mo mabulungan mapatay ka.” (Venos Selorio)

Base sa mga sagot sa taas mahihinuha nating ang katuringan at mga paniniwala
nang dungan na umiiral sa Lungsod ng Koronadal ay umiikot lamang sa antas ng dungan
ng bawat tao. Ang taong may mataas na dungan ay may kalakip na abilidad na
manggamot ng mga sakit o maaari siya mismo ang maging sanhi ng karamdaman katulad
ng pagsakit ng tiyan. May isang paniniwala ring umiiral patungkol sa magkakapatid, ayon
sa paniniwala kung ang isa sa magkapatid ang sumailalim sa ritwal ng batak-dungan
hindi na maaring ipahiram o ipagamit pa nito ang kanyang mga damit sa kapatid dahil
maari itong magkaroon ng sakit.

Ang batak-dungan ay isang ritwal na ginagawa upang maiwasan ng isang tao


magkaroon ng sakit. Ang pagsasagawa ng dungan ay nangangailangan ng alay katulad
nalang ng itim na hayop, o di kaya’y manok, isda, hipon, alimasag at kakanin,
kakailanganin rin ng sinulid na itim at pula.

“Ang batak-dungan, halimbawa ikaw yung mga ninuno mo na mayroong


manggagamot na.... halimbawa yung babaylan. Kung walang "sulundon" yung
pamilya nyo. Na lalabas sa inyong pamilya. Na lalabas na mayroong
manggagamot.“ (Fatima Daud)

Sa pagsuri sa sagot ni Daud malalaman natin na ang abilidad ng isang tao na


manggamot ay nagmula pa sa mga ninuno ng kanilang pamilya. Ang kakayahang
manggamot at magsagawa ng mga ritwal ay napepreserba sa pamamagitan ng pagpasa
o pagsasalin lahi ng mga kakayahang ito sa isang tao sa loob ng isang pamilya o kung
tawagin nating “sulundon”.
“Mahalaga ang batak dungan kay minsan nagkakatotoo din yung mga
panggagamot nila,nakakagamot din sa mga taong may sakit . Halimbawa yung
mga napasukan ng masasamang espiritu. Ang doktor hindi rin naman dyan
makagamot,yung ano lng. Yung mga. Halimbawa yung mga babaylan yun lang
yung makagamot dun,yung mga makaalis ng mga masasamang espiritu.” (Fatima
Daud)

“Syempre pag mayroong mga may sakit na hindi rin tugma sa doktor, yung
kadalasang mga tao kasi,yung mga mahihirap. Walang pera, dun nagpapatingin.
Halimbawa yung para hindi sa doktor yung sakit mo. Yun lng sila ang
makakagamot. Yung mga mayroong batak-dungan.” (Fatima Daud)

“Halimbawa may magkwan sa imo. May magbugno gani sa imo. Nan kalabanan
man na. Masiling ka nga pwera usog. Nami nga may bal'an ka about sa dungan
kay para hindi ka ma-usogan. Pareha sa mga bata ng ginabutngan nila sang
porselas kay para hindi mabuyagan.” (Angelina Bacera)

Ang mga ideya tungkol sa dungan ay naging mahalaga na sa buhay ng mga


Koronadaleṅo, makikita sa mga sa sagot nila na naging malaki na ang naging parte ng
mga paniniwalang kaugnay sa konteksto ng dungan, lalo na sa pag-iwas sa mga sakit.
Ang batak-dungan ay naging alternatibong paraan na ng mga tao sa pagpapagaling ng
mga sakit at pagpapatatag sa kalusugan dahil na rin sa umiiral na kahirapan at mga sakit
rin na hindi tugma o walang abilidad ang isang doctor na gamutin tulad ng pagsanib ng
masamang espiritu sa isang tao.

V. Panapos na pagsilip sa mga pananaw kung saan nanggaling ang Dungan

Noon, bago pa man naming masimulan ang pagkalap ng impormasyon para sa


kritikal na papel tungkol sa konteksto ng dungan ang kaalaman namin sa mga espiritu o
sa konteksto ng kapangyarihan ng dungan ay limitado lamang, ngunit ngayon nabuksan
ang aming mga isip na hindi lamang nakaikot sa isang ideya ang konteksto ng mga
espiritu, ang konteksto ng dungan, an na ang dungan ay hindi lamang dungan dahil
ginagamit ito ng mga tao ang kanilang kaalaman sa dungan bilang gabay sa pangaraw-
araw at naipapasa at napepreserba kasabay ng daloy ng panahon lalo na ang
kakayahang manggamot na napapasa at napepreserba kasabay ng pagdaloy ng
panahon. Dahil sa aming pananaliksik natuklasan naming ang salitang batak-dungan
kung saan ito’y bago lang sa aming pandinig, nalaman rin namin ang sanhi ng usogang
mga bilin ng aming mga magulang tulad nalamang ng hindi pagtanggap ng direkta ng
luy-a dahil maaaring sumakit ang aming tiyan. Sa kabuuan, halos lahat ng ideya at
paniniwala ng mga Koronadaleṅo na nakauganay sa konteksto ng dungan ay umiikot
sa pangkalusugang aspeto na kung saan naging basehan nila ito lalo na ng mga
magulang sa pag-iwas sa mga sakit at sa pagpapanatili ng magandang kalusugan ng
kanilang mga anak.
Ang mga paniniwala at ideyang ito ay kailangangang maipakilala sa mga kabataan
ngayon lalo na sa mga kabataang kabilang sa Generation Y and Z upang mabuksan ang
kanilang isip sa mga paniniwalang umiiral at malaman nila kung ano ang dahilan ng
pagpunta sa manghihilot.
Patuloy mang dumadaloy ang panahon at ang modernisasyon hindi parin natin
basta-basta mabubura ang mga paniniwalang ikinintal sa isipan ng mga Koronadaleṅo.
Kahit pa patuloy ng humuhusay ang mga doktor at mas lalong nagiging advanced ang
mga kagamitan sa hospital babalik at babalik at paniniwalaan parin ng mga tao ang
ideyang nakaugnay sa konteksto ng Dungan .

Mga Tala

(2019, October 12). (J. M. Resus, S. D. Diaz, & A. Rascal, Interviewers) Field Code Changed

Acuña, A. R. (2017). Larawan ng Cama-cama Bilang Filipino: Ang Imahen ng Nacion ni


Adelina Gurrea (Portrait of the Cama-cama as Filipino: Adelina Gurrea’s Image
of Nacion). 38-39. Retrieved September 20, 2019
Aguilar, F. V. (1998). Clash of Spirits: The History of Power and Sugar Planter
Hegemony on a Visayan Island. University of Hawaii Press. Retrieved
September 20, 2019

Bacera, A. (2019, October 12). (J. M. Resus, S. D. Diaz, & A. Rascal, Interviewers)

University of the Philippines College. (1976). Danyag. University of the Philippines.


Retrieved September 20, 2019

Daud, F. (2019, October 12). (J. M. Resus, S. D. Diaz, & A. Rascal, Interviewers)

Demetrio, F. R., Cordero-Fernando, G., & Zialcita, F. N. (2010). The Soul Book (Vol. 1).
GCF Books. Retrieved September 20, 2019

Gaverza, J. K. (2014). THE MYTHS OF THE PHILIPPINES. 72. Retrieved September


20, 2019

Pacete, V. F. (2017, March 16). Pacete:Exploring the spirit world in us. Retrieved
October 9, 2019, from www.sunstar.com.ph

Cultural Center of the Phillipines. (2018). CCP Encyclopedia of Philippine Art: Philippine
literature (Vol. 9). Cultural Center of the Phillipines. Retrieved October 9, 2019

Selorio, V. (2019, October 12). (J. M. Resus, S. D. Diaz, & A. Rascal, Interviewers)

Sidestial, N. (2019, October 12). (J. M. Resus, S. D. Diaz, & A. Rascal, Interviewers)

Teodoro, J. I. (2015). Bag-ong Yangaw. 1. Retrieved September 20, 2019

Victoria, V. A. (2017). Ang Wika sa Amaya Bilang Tagapaghayag ng Sinaunang


Kalinangan. 95-96. Retrieved September 20, 2019

Villan, V. C. (2013). LAWAS, BUUT, PATUGSILING, ‘AG DUNGAN: ISANG PAG-


UNAWA SA PAPEL NG KINAGISNANG SIKOLOHIYA SA KASAYSAYANG
KOLONYAL AT HIMAGSIKANG PILIPINO SA PANAY, 1896-1898. 76. Retrieved
September 20, 2019
Dokumentasyon

You might also like