Professional Documents
Culture Documents
Ap9 - 3rd Quarter
Ap9 - 3rd Quarter
Guro:
22. Ang implasyon ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa loob ng isang taon. Ano ang negatibong epekto ng
implasyon sa ekonomiya?
A. Pagbagsak ng suplay ng mga produkto.
B. Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan
C. Pagdami ng perang nasa sirkulasyon
D. Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa.
23. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagbabago ng halaga ng salapi?
A. Pagbaba ng palitan ng peso sa dolyar
B. Pagdami ng panindang kinukonsumo
C. Pagpapatupad ng privatization at liberalization
D. Pagsasaayos sa presyo ng mga paninda ng pamahalaan
24. Sa Macroekonomiks ang savings ay tumutukoy sa?
A. Paraan ng pagpapaliban sa paggastos
B. Kitang hindi ginagamit sa pagkonsumo
C. Kitang hindi ginagastos sa pangangailangan
D. Lahat ng nabanggit
25. Sa panahon ng recession ang pamahalaan ay dapat na ______________ maliban sa.
A. Magbawas ng halaga na sinisingil na buwis
B. Bumili ng maraming kalakal at paglilingkod
C. Lumikha ng maraming empleo
D. Itaas ang sinisingil na buwis
26. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
A. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
B. Mahihikayat ang tao na mag impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
C. Mahihikayat ang tao na mag angkat ng produkto sa ibang bansa.
D. Mahihikayat ang tao na magtipid para sa hinaharap.
27. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay
ng magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
D. Bilhin ang nararapat na bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
28. Upang masukat ang laki ng pagbabago sa presyo, ang mga sumusunod at ginagamit na panukat maliban sa.
A. CPI C. GNP Deflator
B. PPI D. GNI
29. Ang implasyon ay isang suliraning pangekonomiya, subalit ang mga sumusunod ay nakikinabang maliban sa
A. Mga negosyante/may ari ng kompanya
B. Mga umuutang
C. Mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan
D. Mga mamamayan na mataas ang sahod
30. Ang mga sumusunod ay mga dahilan at bunga ng implasyon maliban sa.
A. Tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng salaping nasa sirkulasyon
B. Tumataas ang presyo dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar
C. Tumataas ang presyo dahil sa monopolista
D. Tumataas ang presyo dahil sa maraming umuutang.
31. Kung ang implasyon ay tumutukoy sa pataas na paggalaw ng presyo ang ___________ naman ay pagbaba
sahalaga ng presyo.
A. Resesyon C. Implasyon
B. Depresyon D. Deplasyon
32. Si Marcela ay umutang kay Juana ng Php. 200.00 na ipinambili niya ng isang kilong isda. Sa kasalukuyan, kung 5%
ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilo ng isda?
A. Php 200.00 C. Php 210.00
B. Php 250.00 D. Php 195.00
33. Kung ang kabuuang kita ni George ay Php 34,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php 24,500.00,
magkano ang maari niyang ilaan para sa pag iimpok?
A. Php 10,000.00 C. Php 9,500.00
B. Php 9,000.00 D. Php 11,000.00
34. Kung si Angie ay may Asset na ang halaga ay Php 380,000.00 subalit may utang siya sa Rural bank na may
kabuuang halaga na Php 180,000.00. Magkano ang net worth ni Angie?
A. Php 560,000.00 C. Php 180,000.00
B. Php 380,000.00 D. Php 200,000.00
35. Malaking porsyento ng pondo ng pamahalaan ay nagmumula sa buwis. Alin sa mga sumusunod na buwis ang
ipinapataw sa mga negosyante na nagbukas ng negosyo at gayundin sa iba pang propresyon na inaatasang kumuha ng
lisensiya?
A. Real State Tax
B. Business/Occupation Tax
C. Income Tax
D. Residence Tax
36. Ang isang pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan ay ang buwis sa adwana. Alin sa sumusunod ang tumutukoy
dito?
A. Porsyentong buwis na binabayaran ng mga may-ari ng pabrika.
B. Binabayarang selyo sa iba’t-ibang dokumento.
C. Binabayarang porsyento ng halaga ng local na kalakal.
D. Halagang binabayaran kapag namili ng mga bagay na galing sa ibang bansa.
37. Aling pinagkukunang salapi ng pamahalaan ang sapilitang ipinapataw sa mga may hanapbuhay at may mga
negosyo?
A. Pangungutang
B. Kita sa buwis
C. Pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan
D. Kita mula sa pribadong tanggapan at negosyo
38. Ang mga proyektong pampubliko ay di-matutulungan kung walang sapat na pananalapi ang pamahalaan. Sa mga
pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan, alin ang hindi kasama?
A. Buwis
B. Dayuhang pagkakautang
C. Pensyon ng mga retiradong kawani ng pamahalaan
D. Taripa mula sa inaangkat na Kalakal
39. Alin sa mga sumusunod na institusyon ang nilalagakan ng pondong pangseguridad o pang-retiro ng mga kawani ng
pamahalaang lamang?
A. Insurance
B. Social Security System
C. Government Service Insurance System
D. Philippine Deposit Insurance Corporation
40. Ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng perang nasa sirkulasyon ay mahalaga sa ekonomiya. Napapanatili nito
ang presyo ng mga bilihin at kapwa masaya ang mga konsyumer at ang mga prodyuser. Anong institusyon o ahensya ng
pamahalaan ang nangangasiwa sa suplay ng salapi sa ekonomiya?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas
B. Kawanihan ng Rentas Internas
C. Kagawaran ng Pananalapi
D. Tanggapan ng Pambansang Ingat-yaman
41. Ang isang taong nagtratrabaho ay dapat tumanggap ng kabayaraan sa serbisyong kanyang ginagampanan. Paano
ginagamit ang salapi dito?
A. Paraan ng Pakikipagpalitan ( Medium of Exchange)
B. Pamantayan ng halaga
C. Pamantayan ng ipinagpalibang bayad
D. Taguan ng halaga
42. Ang promissory note ay nagsisilbing instrument ng mamimili upang bayaran ang produkto/serbisyo sa ipinakiusap
na petsa. Samakatuwid ano ang gamit ng promissory note dito?
A. Halagang naipon sa bangko
B. Regalo sa isang okasyon
C. Kasangkapan sa pakikipagpalitan ng mga produkto at serbisyo
D. Pamantayan ng ipinagpalibang bayad
43. Makatuwiran na mas taasan ang mga buwis na ipinapataw sa sigarilyo at alak dahil sa ___________.
A. Mas mayaman ang mga consumer dito C. Kaligayahan na idinudulot nito
B. Masamang idinudulot sa kalusugan D. Mataas and presyo ng mga ito