Professional Documents
Culture Documents
Soslit LTB 2
Soslit LTB 2
Soslit LTB 2
Sosyedad at Literatura/Panitikan
9:30-10:30 MWF
RM 203
Hija de puta!
Magagalit ang kabanal-banalang santo papa
Isusumpa ka ni monsignor sgreccia
Parang kababaihang kosovar noong dekada nubenta
Sa kasagsagan ng digmaan laban sa serbia
Hijo y hija de puta, caramba!
Huwag pigilan ang pagliliwaliw ng semilya
Bayaang maglambada sa bahay-bata ng ina
Hanggang umuha’t wisikan ng agua bendita
Hijo de puta, huwag kang magkokondom
Hija de puta, huwag kang mag-iud at pildoras
Ipahid na lamang sa sutana
Ang likidong pumiglas at tumagas sa puerta
At maglitanya ng sanlaksang rosaryo
Baka maging tiyanak pa sa kampanaryo
At magtawag iyon ng milyong deboto.
Noong Hunyo 25, 2011, ginawaran siya ng KM64 Poetry Collective ng titulong MAKATA
NG BAYAN “dahil sa kanyang panulaang masugid na nagsusulong sa mga adhikain at
pakikibaka ng sambayanang Pilipino, lalo na yaong nakararaming isinadlak ng hari-hariang iilan
sa mga imburnal at pusali ng lipunan.” Sa pagdiriwang ng Poesia 2011, pinarangalan siya ng
Pamantasang De La Salle (Dasmarinas) “sa kanyang natatanging ambag sa pagpapalago ng
kamalayang panlipunan at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino… sa malalim na pagsusuri sa
kalagayang pambansa… at kinikilala ang kanyang kontribusyon sa panulaan at panitikan bilang
mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas na lipunan.” Sa paggunita sa
ika-107 taong anibersaryo ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ginawaran siya noong Set.
30, 2011 ng plake ng karangalang “namumukod at bantog na manunulat na, sa pamamagitan
ng kanyang prolipikong panulat, ay patuloy na nagbibigay-dangal sa Unibersidad at, bilang
nobelista at makata, natanghal ang kanyang sarili na isa sa pangunahing tagapag-ambag sa
ikayayaman ng Literatura ng Pilipinas.”
Naging hurado rin siya sa iba’t ibang timpalak pampanitikan at tagapanayam din sa ilang
seminar sa literatura at pagsulat. Nagtapos siya ng B.S.C.E. (Inhinyeriya Sibil) at Master of Arts
in Mass Communication. Kasalukuyan siyang propesor sa Graduate School ng PUP at
nagtuturo rin sa kolehiyo nito ng malikhaing pagsulat, tula at panulaang filipino, pulitika ng wika,
Rizal, panitikan at kasaysayan ng Pilipinas, at maikling kuwento at nobela.