Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ISANG PAG-AARAL: DULOT NG K TO 12 KURIKULUM SA MGA MAG-

AARAL NG BULACAN STATE UNIVERSITY-BUSTOS CAMPUS NA NASA

UNANG TAON NG TERSIYARYO

_______________________________________

Isang Pananaliksik naIniharap

saPanel

________________________________________

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa

Asignaturang Araling Filipio

______________________________________

Nina

Bergado, Ma. Catherine Joy C.

Cristobal, Alessandra P.

Manugay, Lyka Mina DS.

Reobaldo, Mary Rose M.

Santos, Lea Joy D.

Nobyembre 2019
PANIMULA

Kaligiran ng Paksa

Sa patuloy na pag usbong ng modernisasyon ay hindi maiiwasan ang ilang

pagbabago sa ating bansa tulad na lamang sa aspetong edukasyon. Ang isang halimbawa

nito ay ang K-12 kurikulumsa Pilipinas. Layunin nito na madagdagan ng dalawang taon

ang Basic Education Program upang makasabay sa ibang bansa.

Ang Pilipinas ay tinagurian na pinaka huling bansa sa Asya na nagpatupad ng K

to 12 kurikulum. Bago maipatupad ang programang ito, ang Pilipinas ay mayroong

lamang na sampung taon na pangunahing edukasyon at programa ng pre-unibersidad

(SEAMEO & INNOTECH, 2012). Sa buong mundo, ang Pilipinas kasama ng Djibouti at

Angola ng Africa ang mayroong pinakamaikli na pre-unibersidad na sistema ng

edukasyon kung ikukumpara sa ibang karatig na mga bansa na binubuo ng labing-tatlo

hanggang labing-apat na taong sikulo sa pag-aaral (Senate of the Philippines, 2011). Ang

labing-dalawang taon na pag-aaral o higit pa ay alinsunod sa internasyunal na kasanayang

tulad ng itinakda ng Washington Accord, Bologna Process maging ang ASEAN at APEC

Mutual Recognition Project at marami pang iba.

Samakatuwid, labing-tatlo ang kailangan na buuin ng isang mag-aaral bago

tumungo sa mas mataas na edukasyon: Isang taon para sa kindergarten, apat na taon

naman sa Junior High, at ang dalawang taon para sa Senior High na idinagdag upang

maging handa ang mga mag-aaral sa kurso na nais nilang kunin sa pag tungtong nila sa

kolehiyo. Kasama rin dito ang pagpapatupad ng mother-tongue-based

multilingualeducation program, o ang paggamit ng wikang kinagisnan sa pagtuturo sa

mga mag-aaral mula sa unang baitang hanggang ikatlong baitang(Villar, n.d.).


Sa mas maingat na pagsusuri ukol sa kakulangan ng Pilipinas pagdating sa

pangunahing sistema ng edukayon, noong Mayo 2013 termino ng dating pangulo na si

Ninoy Aquino Benigno III, opisyal ng itinala ang Republic Act 10533, o kinikilala din sa

tawag na, Enhanced Basic Education Act na naglalayon na ang dating labing-isa na

pangunahing edukasyon ay naging labing-tatlo dulot ng dagdag na dalawang taon sa

senior high (Congress of the Philippines, 2011). Ang Pilipinas kasama ng Myanmar,

Malaysia at Singapore at mayroong dalawang taon ng Senior High. Samanatalang ang

natitirang mga bansa sa Timog Asya ay mayroong tatlong taon ng pag-aaral para sa

Senior High. (SEAMEO & INNOTECH, 2012)

Hindi naman lingid sa kaalaman ng bawat isa na bago sa Pilipinas ang

implementasyon ng Senior High na programa. Ang kurikulum na pinagbatayan ay

alinsunod sa paaralan na sekondaryang matatagpuan sa United States. Ukol sa

kumparatibong datos na inilabas para sa mga bansa na nakatataas pagdating sa

karunungan, ang Japan ay naungusan ang United States pagdating sa Matematika, Agham

at Pagbabasa sa Programme for International Student Assessment o PISA (NCEE, 2012)

Ang layunin at pangako alinsunod ng K-12 ay magandang pakinggan. Ngunit

kamakailan lang ay ang pag-usbong ng isyung tanggalin ang K to 12 kurikulum ay

naging mainit na usapin ito. Nangangahulugan lamang na sa kabila ng negatibong dulot

nito para sa ilan ay ang higit na positibong dulot nito hindi lang sa bansa ngunit lalo na sa

mga mag-aaral.

Ayon kay Casim (2008), ang pagpili sa kursong kukuhanin ay nararapat lamang

na mapag-isipan ng mabuti, sapagkat dito nakasalalay ang magiging kinabukasan ng

isang estudyante. Sa oras na magkamali sa pag pili ang mga mag-aaral sa kursong

kanilang kukuhanin ay maaaring maging sanhi ito upang sila ay mahirapan, bumagsak sa
ilang asignatura o hindi lubos na maintindihan ang mga pag-aaral na ginagawa. Kaya’t

layunin ng pagpapatupad ng K to 12 kurikulum ay gawing handa ang mga estudyante,

gayun din ang magkaroon ng maraming kaalaman ukol sa mga kursong maaari nilang

kuhanin.

Nakakatulong ang K to 12 kurikulum sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan

sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa karagdagang dalawang taon ay mas nahahasa ang

kanilang mga kakayahan bilang isang mag-aaral dahil ang dalawang taong karagdagan sa

pag-aaral ay naging panahon para sa mga estudyante na mas linangin pa ang kanilang

mga kaalaman at maging mas mahusay na mga mag-aaral bago sila sumabak o

tumungtong sa Kolehiyo.

Konseptual na Balangkas

K to 12 Survey Unang Taon ng


Kurikulum Questionnaire Tersiyaryo

Makikita ang magiging dulot ng K to 12 Kurikulum sa mga mag-aaral na nasa

unang taon ng tersiyaryo sa pamamagitan ng Survey at masusukat ito sa pamamagitan ng

pagkalap sa mga resulta ng Midterm Exam ng mga mag-aaral na magiging tagatugon sa

pag-aaral.

Sa pamamagitan ng K to 12 kurikulum ay inaasahan na mas magiging handa ang

bawat mag-aaral sa anumang larangan na kanilang pipiliin at sa mga pag-aaral na

kanilang gagawin sa oras na tumungtong na sila sa kolehiyo (Castro, 2019).

Suliranin o Layunin ng Pag-aaral


Ang pananaliksik na ginagawa ay naglalayon na malaman ang nagging dulot ng

K-12 kurikulum sa mga mag-aaral ng Bulacan State University- Bustos Campus. Ang

mga mananaliksik ay inaasahan na makakalap ng impormasyon ukol sa sariling

karanasan ng mga estudyante noong sila ay senior high; positibo o negatibo ba ang

nagging dulot nito sa kanila.

Ang pananaliksik na ito ay nais matuklasan ang dulot ng K-12 kurikulum sa mga

mag-aaral na nasa unang taon ngayon ng tersiyaryo. Hinahangad din nito na masagot ang

mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga tagatugon sa mga tuntunin ng:

1.1. Edad

1.2. Kasarian

1.3. Kurso

2. Mayroon bang magandang dulot ang k-12 kurikulum sa midterm exam ng mga mag-

aaral na nasa unang taon ng tersiyaryo?

3. Ano ang halaga ng k-12 kurikulum sa pagtungtong ng mga mag-aaral sa unang taon ng

tersiyaryo?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang paksa ng pananaliksik na gagawin ay nakatuon sa dulot ng k to 12 kakayahan

o competency ng mga nakapagtapos Senior High na ngayon ay nasa unang taon ng

kolehiyo.

Ang layunin ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:


1. Upang malaman ang dulot ng k to 12 sa mga Senior High na nakapagtapos at

ngayon ay nasa unang taon ng kolehiyo sa Bulacan State University- Bustos Campus.

2. Upang malaman kung nakatulong ang k to 12 kurikulum sa pagiging handa ng

mga estudyante sa mas mataas na edukasyon sa tersiyaryo.

3. Upang malaman kung walang kabuluhan ang k to 12 kurikulum sa pagiging

handa ng mga estudyante sa mas mataas na edukasyon sa tersiyaryo.

Para sa limitasyon ng pag-aaral:

Sino, ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga estudyante ng Bulacan State

University-Bustos Campus na nasa unang taon ng kolehiyo.

Saan, ang pananaliksik na ito ay kasalukuyang ginagawa sa Bulacan State

University-Bustos Campus.

Kailan, ang pananaliksik ay sinimulan sa kalagitnaan ng unang semestro sa

kolehiyo taong dalawang libo't labing-siyam, taong kasalukuyan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang ginawang pananaliksik ay may kabuluhan dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Upang malaman ang tunay na dulot ng ginagawang pananaliksik ukol sa mga

estudyante na nakapagtapos ng Senior High at ngayon ay nasa unang taon ng kolehiyo sa

Bulacan State University-Bustos Campus.

Upang magbigay ng kamalayan at malaman ang dapat na gawin na aksyon kung

sakaling ang dulot nito ay negatibo.


Upang malaman kung nakatulong ba sa kahandaan ng estudyante ang pagiging

produkto ng k to 12 kurikulum sa pagtungtong nila sa kolehiyo.

Upang magsilbi na tagapagmulat na kaakibat ng magandang adhikain ng k to 12

kurikulum ay ang kakulangan pagdating sa implementasyon nito.

Upang magsilbi na sanggunian ng mga susunod na mananaliksik. May adhikain

na punan ang puwang ng pananaliksik na ito.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang K to 12 na programa (o tinatawag din na P-12) ay isang basic education

program na malawakan na pinatutupad sa buong mundo sa loob ng labing-tatlong taon,

umpisa sa kindergarten tungo sa labing-dalawang pag-aaral. (Department of Education

and Training, 2010, Philippine Senate, 2011).

Ang Department of Education (DepEd) sa Pilipinas ay naniniwala na ang labing-

dalawang taon na programa ng K to 12 ay ang mainam na panahon sa lalong pagkatuto

ng mga mag-aaral. Datapwat, ito din ang nakikinita na istandard para sa mga estudyante

at maging sa mga propesyunal sa iba't ibang panig ng mundo; ito rin ang nagsilbing

dahilan kung bakit ang Pilipinas ang pinakahuling bansa na nagpatupad ng nasabing K to

12 na programa. (DepEd, n.d)

Ang K to 12 na programa sa edukasyon sa Pilipinas ay tinutukoy ang kakulangan

pagdating sa pangunahing kurikulum ng edukasyon na matagal ng umiiral sa ating bansa.

Tulad ng pinagtitibay ng lumikha ng K to 12 na programa, ang kurikulum ay walang

gusot, nasisiguro ang maayos na transisyon sa pagitan ng mababang anats ng pag-aaral sa

elementarya tungo sa mas mataas na antas ng pag-aaral tungo sa tersiyaryo. (SEAMEO

INNOTECH, 2019)
Ukol sa estatistika na inilabas ng DepEd, 60.5 porsyento ang opisyal na nakatala

sa academic track at 39 porsyento ang nakatala sa technical vocational kurikulum, at ang

natitirang 0.5 na porsyento ay napili ang may kinalaman sa isports, arte, at disensyo na

kurikulum.

Ukol sa probisyon ng DepEd, inilunsad ang Senior High Curriculum na

magsisilbing batayan ng K to 12 na programa na umiiral ngayon sa buong Pilipinas.

Mayroong apat na istrand ang maaaring kuhanin ng mga mag-aaral sa senior high (ngunit

nakadepende pa din ito sa mismong paaralan na kanilang papasukan dahil hindi lahat ng

pampublikong paaralan ang may kakayahan na ilunsad ang apat na istrand);

Accountancy, Business, and Management (ABM), Humanities and Social Sciences

(HUMSS), General Academic Strand (GAS), at Technical Vocational and Livelihood na

kinapapalooban ng Home Economics (HE), Information and Communications

Technology (ICT), Agri-Fishery Arts (AFA), Industrial Arts (IA).

Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Okabe (2013) na pinamagatang, "Where does

Philippine education go? The 'K to 12' program and reform of Philippine Basic

Education", binigyang diin niya na ang edukasyon ay isang pangunahing susi para sa

kaunlaran ng bansa. Tulad ng nakapaloob sa 1987 Philippine Constitution, ang primarya

at sekondaryang edukasyon lalo na sa pampublikong paaralan ay ginawang libre, sa pag-

asang ang publiko lalo na ang nasa laylayan ng lipunan ay mabigyan ng pagkatataon na

makapag-aral.

Ukol kay Okabe (2013), inisa-isa niya ang mga dahilan kung paanong ang

panibagong kurikulum ay mas mabuti kaysa sa dating umiiral na kurikulum. Una, sa

pagpapalawig at pagdaragdag ng dalawang taon sa edukasyon ng sekondarya, sa wakas

ay nakasusunod na ang Pilipinas sa ibang bansa na sakop ng Timog Silangang Asya at sa


buong mundo. Isa pa, ang mga nakapagtapos ng senior high sa Pilipinas ay kikilalanin sa

akademikong aspeto ng mga nasa ibang bansa. Hinggil pa dito, ang dalawang taon na

karagdagan ay makatutulong na malutas ang problema pagdating sa mga estudyante na

hindi na nakapagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at walang mapasukan na trabaho

pagkatapos ng sekondarya dahil wala pa sa wastong gulang. Ngunit dahil sa panibagong

kurikulum na naipasa, karaniwan na nasa edad labing-walo kapag nakatapos ng senior

high. Sa madaling salita, ang k to 12 ay naglalayon na ihanda ang mga estudyante sa

lalong mataas na taas ng pag-aaral. (Okabe, 2013)

Sinabi ni Okabe (2013), na ang nakaraang kurikulum ng edukasyon sa

elementarya ay napahalagahan ng malaki dahil na din sa matinding pangangailangan

pagdating sa unibersal na edukasyon at pagpapabuti ng kapakanan ng mga mahihirap,

habang ang edukasyon sa tersiyaryo ay pinahahalagahan para sa kaunlaran pagdating sa

kaunlaran ng industriya at mas pagyayabong pa ng kaalaman.

Ang resulta ng unang dalawang taon na implementasyon ng senior high na

programa sinasabi na nalampasan pa ang inaasahan, ukol sa Sekretarya ng Edukasyon na

si Leonor Briones.

Sinabi niya na, "Sobrang natutuwa kami sa resulta dahil ang inaasahan namin ay

mas nalampasan pa; nadoble sa pamamagitan ng bilang ng mga nagpatala, doble

pagdating sa mga nakapagtapos ng programa." (Briones)

Dugtong pa niya, "Ito ay dahil na din sa malawakan na suporta na ipinahahatid ng

gobyerno sa programa ng senior high."

Ukol kay Briones, ang mga nakapagtapos ng senior high ay malaki ang lamang

kaysa sa mga aplikante na hindi dumaan sa programa dahil sa senior high, bahagi nito
ang tinatawag na work immersion. Lahat ng mag-aaral na nasa senior high ay namulat

pagdating sa lugar ng trabaho at industriya na may kinalaman sa istrand na kinuha nila.

Mga Sanggunian

Casim, L. (2008). Epekto ng Maling pagpili ng kurso ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng

unibersidad ng perpetual help binan laguna. Retrieved from

https://www.academia.edu/22638123/EPEKTO_NG_MALING_PAGPILI_NG_K

URSO_NG_MGA_MAGAARAL_SA_KOLEHIYO_NG_UNIBERSIDAD_NG_

PERPETUAL_HELP_BI%C3%91 AN_LAGUNA (Accessed November 2,

Castro, I. (2019). K to 12: Salamin ng paghamon, pagkasindak, at realidad. Retrieved

from https://www.academia.edu/13090342/_K_to_12_Salamin_ng_Pagham

on_Pagkasindak_at_Realidad_ (Accessed November 2, 2019)

Celis, I. et.al. (2016). Epekto ng k-12 kurikulum sa mga mag-aaral ng senior highschool:

Hamon sa globalisasyon. Retrieved from

https://www.coursehero.com/file/23788320/PANANALIKSIK-FINAL/

Congress of the Philippines (2013). RA 10533, An Act Enhancing the Philippine Basic

Education System by Strengthening its Curriculum and Increasing the Number of

Years for Basic Education, Appropriating Funds Therefore, and for other

Purposes. Retrieved fromhttp://www.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/

(Accessed November 3, 2019)

Department of Education (DepEd), ND. An Introductory Guide to Senior High School,

DOI: http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/SHS%20Student%20Primer

_Colored%20HiRes.pdf (Accessed November 3, 2019)


Department of Education and Training – Queensland (2004). "Why is P–12 career

education important?". Department of Education and Training (Queensland).

2004. Archived from http://www.webcitation.org/5mS3DpcUU (Accessed

November 3, 2019)

GMA NEWS ONLINE (2013). PNoy, pinirmahan ang batas na magpatutupad ng

programang K to 12 ng DepEd. Retrieved from

https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/308483/pnoy-pinirmahan-

ang-batas-na-magpatutupad-ng-programang-k-to-12-ng-deped/story/ (Accessed

Mateo, J. (May 11, 2018) Senior high school results exceeded expectations — DepEd.

The Philippine Star. Retrieved November 3, 2019 retrieved from

https://www.philstar.com/headlines/2018/05/11/1814173/senior-high-school

results-exceeded-expectations-deped/amp/

November 2, 2019)

Okabe, M. (2013). Where does Philippine education go? The "K to 12" program and

reform of Philippine Basic Education. Retrieved from

https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/40589215/ARRIDE_Discus

ion_No.425_okabe.pdf?AWSAccessKeyId=AKIAIWOWYYGZ2Y53UL3A&E

pires=1504791967&Signature=Ms7XXh0g8lpajVgUti5szn%2FfL9o%3D&resp

nse-content

disposition=inline%3B%20filename%3DARRIDE_Discussion_No_425_okabe.

df (Accessed November 3, 2019)

Radyo Man Manila. (2019). Implementasyon ng k-12 program ng pamahalaan,

ipinatitigil ng kabataan partylist. Retrieved from


https://rmn.ph/implementasyon-ng-k-12-program-ng-pamahalaan-ipinatitigil-ng-

kamara/(Accessed November 2, 2019)

Senate of the Philippines (2011). K to 12: The Key to Quality Education?, Policy Brief.

Senate Economic Planning Office. Retrieved from

https://www.senate.gov.ph/publications/PB%20201102%20%20K%20to%2012

20The%20Key%20to%20Quality.pdf (Accessed November 3, 2019)

Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) and Regional Center

for Educational Innovation and Training (INNOTECH), (2012). K to 12 Toolkit,

Resource Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers.

DOI:54-13-209-3-10-20170103.pdf (Accessed November 3, 2019)

Villar, A. (n.d.). Mga mahalagang kaalaman tungkol sa k-12 program. Retrieved from

https://ph.theasianparent.com/k-to-12-program-in-the-philippines (Accessed

November 2, 2019)

You might also like