Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Talumpati tungkol sa kahirpan at droga

Magandang araw sa inyong lahat! Alam nating lahat na ang pilipinas ay nahaharap sa
mga ibat ibang isyu ang ating lipunan o ating bansa kung kaya't tayong mga kabataan
ay dapat na may sapat na kaalaman tungkol dito upang hindi na madagdagan ang mga
isyung ito ,maraming mga kabataan ngayong panahon na dahil hindi nakapag aaral ng
sakto dahil sa kahirapan dahil wala itong pang gastos sa mga kagamitan para sa mga
anak nila, Sa lahat ng isyung kinakaharap ng ating lipunan isa rito'y nakaagaw ng ating
pansin, ang kahirapan, Ang mga gawaing ito ay hindi nararapat na magpatuloy pa
sapagkat ito ay nakakadagdag ng mga suliranin at nagging isyu sa ating lipunan.

Ako po si Kian Argyll M. Astacaan at narito po sa inyong harapan para mag salita
tungkol sa isyu ng pinas na kahirapan at droga.

Ako ay may isang tanong sa lahat, para sa inyo ano ang pinakamalalang problema ng
ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw ba? Korupsyon ba? Pagbebenta ba ng droga?
O kahirapan? Para sa akin at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat
ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa
pinakamalaking kinakaharap ng ating bansa at lipunan.

Dahil sa kahirapan, maraming mga pinoy ang nakakagawa ng mga kasalanan, dala ng
kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi dapat
gawin. Dahil rito, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayo ng
mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng
mahirap,sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng
matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi
masolusyunan dala ng kahirapan.

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga pagkakorap ng mga opisyal sa mga
gobyerno. Ninanakaw nila ang ang pera natin at pondo ng ating bansa na para sana sa
ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyal,
kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng
mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin.
Paano tayo makararanas ng isang maganda na pamumuhay kung ang mga
pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang bilhin.

Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at mga ugali ng pilipino. Ang
katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang
tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila
sa kahirapan na kanilang gusto sa buhay.

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi
maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa
simpleng pamamaraan, ako ay magsikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon
ay magkaroon ng magandang kinabukasan at magandang trabaho para sa aking
kinabukasan . Hindi lamang ako kundi pati ikaw,dapat tayong lahat ay kailangan natin
ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa
kinabukasan ng ating bayan at sa ating mga sarili, isang bansa na
magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang
henerasyon.

Sa aking palagay ito'y masosolusyunan kung mabibigyang pansin ang pagkakaroon ng


libreng edukasyon ang ating bansa at ang mga magulang na walang trabaho ay bigyan
ng pagkakataon na makapagtrabaho upang magkaroon ng sila ng puhunan na
magagamit nila sa pang-araw-araw na gastusin at sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Marami sa mga tao din ngayong ay gumagamit ng mga illegal na droga para sa
kanilang mga sarili at maka iwas sa mga problema nila katulad ng depresion, Ang
paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng maraming hindi kanais-nais na
epekto lalo na sa pisikal at mental na kalusugan ng isang tao.

Walang pinipili ang mga nagiging biktima ng droga mayaman, mahirap, bata matanda,
ang lahat ay gumagamit nito.

Bilang isang studyante dapat natin umpisahan natin ang pagtuturo at pagbabatid sa
ating mga pamilya at mga kamag-anak ang mga kasamaan na idinudulot ng paggamit
ng bawal na gamot.

Maging alerto tayo lagi at huwag matakot magsuplong sa kinauukulan kung


kinakailangan

You might also like