Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MT. MORIAH CHRISTIAN ACADEMY, INC.

IKATLONG MAHABANG PAGSUSULIT

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri Antas: 11

Pangalan: _________________________________________ Pangkat: ______________ Iskor: _________

Inihanda ni: Tr. Mecaella Kate Bulatao


Tr. Mhariz Calub Iwinasto ni: Gng. Carmencita Y. Sanchez
Tr. Benjamin L. Manomboc

I. PAGTUKOY
PANUTO: Basahing mabuti ang tanong. Isulat sa patlang ang hinihinging sagot sa bawat
bilang.

__________________1. Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari


__________________2. Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita
__________________3. Tumutukoy sa lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa akda
__________________4. Ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
__________________5. Mabibisang salitalng ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon
__________________6. Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap
__________________7. Uri ng tekstong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit nagana pang isang
bagay o pangayari
__________________8. Uri ng tekstong naglalahad ng mga totoong pangyayaring naganap sa isang
panahon o pagkakataon
__________________9. May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan
pa rin ng mambabasa ang pangungusap
__________________10. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig
ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay

II. PAGSURI
PANUTO: Isulat sa patlang ang titik tamang sagot. Suriin kung ang mga salitang
sumusunod ay nabibilang o maiuugnay sa tekstong:

A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Naratibo

__________11. Ihayag ang kwento


__________12. Para sa iyong kaalaman
__________13. Makulay na paglarawan
__________14. Narito ang mainit na balita
__________15. Ano ang lasa ng pagkain dito?
__________16. Siya ay nadapa dahil sa kanyang pagtakbo

III. PAGPAPALIWANAG
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Gamitin ang likurang bahagi sa
pagsagot.

17-18. Sa paanong paraan nakatutulong ang larawan, dayagram, o flowchart upang higit na
maging epekibo ang isang tekstong impormatibo? 2 puntos

19-20. Bumuo ng sariling tauhan para sa maikling kwento, ano ang mas magagamit
mo, paglalarawang subhetibo ba o ang paglalarawang obhetibo? Ipaliwanag. 2 puntos

You might also like