Salita NG Watawat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SALITA NG WATAWAT

Ako ang bandila ng Pilipinas


Isinupling na may araw ang bituin.
Bininyagan ako sa dugo at luha
binuhay sa kagitingan at pagibig

Ako ang sagisag ng inyong soberanya,


tanda ng kalayaan at luwalhati ng iyong kaluluwa.
Hindi ako maaring humigit pa sa sinisikap nyong gawin
upang akoy maging ganito.
Dahil sa ako ang pananalig sa inyong sarili,
at kng ano ang inaasahan nyo mangyari
ay may lakas kayo ng loob upang ito’y pagsumikapan.

Pabago-bago ang aking buhay,


Buhay na simbuyo ng hangarin ng kalungkutan at kaligayahan
Nabatid ko ang pamiminsala ng digmaan,
Ang kabiguang ito dulot ng pagkatalo at pagbubunyi dahil sa tagumpay

Habang kayong aking mga mamayan ay nabubuhay,


akoy nabubuhay din sapagkat ako ang inyo kaluluwa.
Saan man kayo pumunta,
naroon din akon habang akoý wumawagayway sa inyo tapat,
makikita ninyo ako bilang maliwanag na sinag ng kulay.

Ang bughaw ko’y matatag sa pananalig at katarungan,


ang pula ko’y nagniningning sa kapusukan at katapangan,
ang aking puti’y nakakasilaw sa kalinisan ng kanyang simulain
at ang bituin ko’y nagpapaalala ng nagliliyab na sulo ng kalayaan

Samantalang ang araw ay nagpapaala-ala


Na panatilihin niyong buhay ang pagkaisa
Ako ang bandila ng Pilipinas ang simbolo at ang kapanyarihan
Luwalhati at karangalan ng mahigit 100 milyong Pilipino
Diyos ko, mangyari nawa ito.

You might also like