Fil 4 - Pagbibigay NG Angkop Na Wakas

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

FILIPINO

4 WORKSHEET
PAGBIBIGAY NG ANGKOP NA WAKAS

Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap.

1. Dumungaw si Maria sa kanilang bintana at nakitang umuulan. Naisip niyang maligo sa ulan kaya
nagmadali siyang lumabas. Tumakbo siya sa kanilang kalsada at nagtampisaw sa tubig. Bumalik
siya sa loob ng bahay upang kumuha ng isang pahina mula sa diyaryo. Itinupi niya ito hanggang
makagawa siya ng bangkang papel. Muli siyang lumabas upang ipaanod ang bangka sa tubig na
nasa kanal. Buong hapon siyang naglaro sa ilalim ng ulan. Kinagabihan, habang siya ay
naghahanda na sa pagtulog, nagsimula siyang bumahing.
_________________________________________________________________________________________________________________

2. Si Federico ay mahilig sa hayop ngunit wala siyang alaga dahil wala silang pambili ng aso o
pusa. Isang araw, habang siya ay papauwi mula sa paaralan, may narinig siyang mahinang iyak.
Pumunta siya sa gilid ng daan at sumilip sa ilalim ng mga halaman. May nakita siyang maliit na
kuting na umiiyak at parang tinatawag ang kanyang nanay. Lumingalinga si Federico ngunit wala
siyang nakitang pusa sa paligid.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

3. Si Luis ay isang mag-aaral sa ika-sampung baitang. Mahilig siyang maglaro ng video games.
Palagi siyang lumiliban sa klase tuwing siya ay tinatamad pumasok. Sa halip ay naglalaro na
lamang siya sa kaniyang kuwarto. Kahit na siya ay nasa klase, madalas ay nakakatulog siya dahil
palagi siyang napupuyat. Kapag may mga pagsusulit, kumukopya si Luis mula sa mga katabi niya
upang mayroong maisagot. Mababang mababa ang kanyang nakukuhang mga marka. Sa araw ng
huling pagsusulit, tinawag si Luis ng kanyang guro. Pinapunta siya nito sa silid-aralan kung saan
mag-isa lamang siyang nasa ika-sampung baitang na mag-eeksamen.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

4. Si Renato at Wilson ay matagal nang magkaaway. Palagi kasing tinutukso ni Renato na duwag
at mahina si Wilson. Tuwing uwian, inaabangan niya si Wilson para batuhin ng putik o sigawan ng
mga masasakit na salita. Nagtitiim-bagang lamang si Wilson dahil ayaw niyang mauwi sa sakitan
ang kanilang away. Isang araw, nakita ni Wilson na natumba si Renato sa daan. Nilapitan niya ito
at natuklasan na nawalan ito ng malay. Kaagad na sumigaw si Wilson para humingi ng tulong.
Hindi nagtagal at may dumating nang trasikel para dalhin si Renato sa ospital.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
Teacher Abi’s Worksheets
teacherabiworksheets.blogspot.com

You might also like