Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MANUANGAN HIGH SCHOOL-DATU BINASING ANNEX

Datu Binasing, Pigcawayan, Cotabato


Ikalawang Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Pangalan:__________________________ Taon at Seksiyon:_________ Iskor:______ Pirma ng Magulang:__________

I.A.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang numero.

_____1. Sino ang nagsabi na, “Anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw,
ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon”?
A. Agapay B. Agonsi C. Aparino D. Apositor
____2. Tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao.
A. Acts of Man B. Actual of Man C. Human Act D. Humanitarian Act
____3. Ano ang kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa?
A. Acts of Man B. Actual of Man C. Human Act D. Humanitarian Act
____4. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon.
A. Pagkilos B. Pagkukunwari C. Kusang-loob D. Di Kusang-loob
____5. Ang paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon?
A. Pagkilos B. Pagkukunwari C. Kusang-loob D. Di Kusang-loob
____6. Dito ang walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon.
A. Pagkilos B. Pagkukunwari C. Kusang-loob D. Walang Kusang-loob
____7. Ayon sa kanya, “Hindi lahat ng kilos ay obligado”.
A. Santo Jose B. Santo Papa C. Santo Pedro D. Santo Tomas
____8. Sino ang nagpahayag na, “May eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa
proseso ng pagkilos.
A. Plato B. Uranus C. Vistol D. Aristoteles
____9. Nakikita ng tao ang isang masamang epakto ng kilos na sa kaniya ang pagsasakilos ng paraan.
A. Paglalayon C. Pagpili ng pinakamalapit na paraan.
B. Pagsasakilos ng paraan. D. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin.
____10. Dito ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran.
A. Paglalayon C. Pagpili ng pinakamalapit na paraan.
B. Pagsasakilos ng paraan. D. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin.
_____11. Naitatanong ang pag-iwas sa pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip.
A. Paglalayon C. Pagpili ng pinakamalapit na paraan.
B. Pagsasakilos ng paraan. D. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin.
_____12. Ginagamit ang kilos loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kios upang maging tunay na mapanagutan.
A. Paglalayon C. Pagpili ng pinakamalapit na paraan.
B. Pagsasakilos ng paraan. D. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin.
_____13. Tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
A. Takot B. Karahasan C. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin
_____14. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa mga bagay o kilos o damdamin.
A. Takot B. Karahasan C. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin
_____15. Ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal s abuhay.
A. Takot B. Karahasan C. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin
_____16. Ito ay ang pagkakaroon ng ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob
at pagkukusa.
A. Gawi B. Karahasan C. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin
_____17. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi nan g sistema ng buhay sa ataw-araw.
A. Gawi B. Karahasan C. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin
_____18. Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
A. Paraan B. Layunin C. Kahihinatnan D. Sirkumstansiya
_____19. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. Paraan B. Layunin C. Kahihinatnan D. Sirkumstansiya
_____20. Isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
A. Paraan B. Layunin C. Kahihinatnan D. Sirkumstansiya
_____21. Ang lahat na ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan at may kaakibat na pananagutan.
A. Paraan B. Layunin C. Kahihinatnan D. Sirkumstansiya
_____22. “Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin”, ay isang _____________________.
A. Lokatibo B. Reasonable C. Categorical Imperative D. The Golden Rule
_____23. Siya ay naglalayong ipakita ang tunay na batayan ng mabuting kilos.
A. Plato B. Aristotle C. Confucius D. Immanuel Kant
_____24. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”, ay halimbawa ng __________________.
A. Lokatibo B. Reasonable C. Categorical Imperative D. The Golden Rule
_____25. Sino ang nagsabi na ang matibay na batayan ng moral na kilos ay ang reciprocity o reversibility?
A. Plato B. Aristotle C. Confucius D. Immanuel Kant
_____26. Sino ang nagpahayag na, “Ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga.
A. Plato B. Scheler C. Confucius D. Immanuel Kant
_____27. Ito ng puso at hindi ng isip, kung kaya’y nauunawaan ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagdama rito.
A. Obra B. Obheto C. Orasyon D. Organismo
_____28. Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalabasan nito.
A. Magsagawa ng pasiya. C. Isaisip ang mga posibilidad.
B. Tingnan ang kalooban. D. Maghanap ng ilang kaalaman.
_____29. Hind sa lahat ng panahon ay alam mo ang mabuti, ano ang iba pang kailangan mong gawin?
A. Magsagawa ng pasiya. C. Isaisip ang mga posibilidad.
B. Tingnan ang kalooban. D. Maghanap ng ilang kaalaman.
_____30. Ang lahat ng katanungan ay kailangan sagutin sapagkat sa anumang pasiya na gagawin, kailangan na maging masaya.
A. Magsagawa ng pasiya. C. Isaisip ang mga posibilidad.
B. Tingnan ang kalooban. D. Maghanap ng ilang kaalaman.
_____31. Pagnilay ng mabuti ng agam-agam o pagkalito sa pipiliin.
A. Magsagawa ng pasiya. C. Isaisip ang mga posibilidad.
B. Tingnan ang kalooban. D. Maghanap ng ilang kaalaman.
_____32. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na _______________.
A. Panahon B. Pag-iisip C. Pagsasagawa D. Pagmamalasakit
_____33. Resulta ng pinili.
A. Utos B. Bunga C. Pagpili D. Paggamit
_____34. Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya.
A. Utos B. Bunga C. Pagpili D. Paggamit
_____35. Halimbawa ay, matapos bilhin ang isang bagay ay gagamitin na ito.
A. Utos B. Bunga C. Pagpili D. Paggamit
_____36. Mauunawaan kung angkop ba ang isinagawang kilos.
A. Utos B. Bunga C. Pagpili D. Paggamit
_____37. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Pagsusugal C. Pagpasok nang maaga
B. Paglilinis ng ilong D. Maalimpungatan sa gabi
_____38. Alin sa mga sumusunod ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse. C. Ang pag-ilaag ni Manny Pacquiao sa suntok.
B. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit. D. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.
_____39. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa kahinaan ng isang tao C. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
_____40. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush. C. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
B. Pagsugod sa bahay ng kaalitan. D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na marking
Nakuha.
_____41. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
A. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
B. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa lagging huli sa pagpasok ang kanilang guro.
D. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang aralin ang kanilang guro.
_____42. Ang tao ay iaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya.
Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
C. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan kamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng maling
bunga.
_____43. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa __________________.
A. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
C. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan.
D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang.
_____44. Bakit hindi maaaring maghiwalay ang panloob at panlabas na kilos?
A. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
B. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
C. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
D. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.
_____45. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang lubos ang
kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
B. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
D. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa
masamang kilos.
_____46. Si Gene ay isang espesyalistang doctor sa puso. Siya ayn maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa
pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng
iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
A. Kilos B. Layunin C. Kahihinatnan D. Sirkumstansiya
_____47. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?
A. Tumulong sa kilos ng isang tao. C. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
B. Gumabay sa pagsasagawa ng kilios. D. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
_____48. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay
nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapitbahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano
kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
D. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
_____49. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Immanuel Kant?
A. ang mabuting bunga ng kilos C. ang makita ng kilos bilang isang tungkulin
B. ang layunin ng isang mabuting tao D. ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng
mabuting kilos
_____50. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
A. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
B. Ang pagtakbo sa halalan uopang maglingkod sa bayan.
C. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit.
D. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
_____51. Anong paninindigan ang hindi ipinapakita kung tama dang isang tao na mag-aral?
A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.
B. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman.
C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.
D. Ang pag-aaral ay para sa matatalino at masisipag pumasok sa paaralan.
_____52. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay Max Scheler?
A. nakalilikha ng iba pang halaga C. mahirap o di-mabawasan ang kalidad
B. nagbabago sa pagdaan ng panahon D. malaya sa organismong dumaranas nito
_____53. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?
A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin rin sayo.
D. Lahat ng nabanggit
______54. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na
pagpapahalaga.
A. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.
B. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.
D. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa saili.
_____55. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais
ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?
A. Isaisip ang posibilidad C. Umasa at magtiwala sa Diyos
B. Tingnan ang katotohanan D. Maghanap ng ibang kaalaman
_____56. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya,
mkapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay C. Umasa at magtiwala sa Diyos
B. Tingnan ang kalooban D. Maghanap ng ibang kaalaman

______57. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay C. Isaisip ang posibilidad
B. Tingnan ang kalooban D. Maghanap ng ibang kaalaman
_____58. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong
klaseng sapatos. Tumigil siya ng sandal at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong
kilos si Mary Rose?
A. Nais ng layunin C. Pagkaunawa sa layunin
B. Intensiyon ng layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
_____59. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang maidudulot ng pasiya?
A. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
B. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
C. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpiliu.
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
_____60. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

You might also like