Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Karagatan - uri ng sinaunang panitikang larong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan.

Ang paksa ng
karagatan ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing sa karagatan. Nagpapasikatan ang mga
binata sa kanilang mga husay at talento (na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa
kanila ang makakakuha ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.
Duplo - isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula ang duplo na ginagawa sa
lamayan.tinaguriang punong halamanan ang haring namumuno rito.nagsimula ang paligsahan sa
pagdarasal para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.
Ang Karagatan
1 . I t o a y i s a n g l a ro n g m a y p a l i g s a h a n s a t u l a .
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ngisang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ngsingsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang“sumisid’
sa dagatang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ngsingsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6.Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro nghari o kaya naman ay magsusumbong ang
bilyako sapagkathinamak ng isang bilyaka.
7.Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
8.Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangalsa isang namatay.
9.Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid aydaglian o
impromptu
10.Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haringtagahatol.

Ang pabása ay isang ritwal ng pag-awit ng Pasyón—ang patulang pagsasalaysay sa búhay,


kamatayan, at uling-pagkabuhay ni Hesukristo— tuwing Mahal na Araw sa Filipinas. Para sa
ilang pamilya, ang pagdaraos ng pabasa ay isang panata at kayâ ginaganap ito sa kanilang
tahanan, malimit sa harap ng bahay at sa lilim ng isang napapalamutihang damara na may
pansamantalang altar. Gayunman, ang tradisyonal na pabasa ay idinadaos sa mga kapilya sa
maraming nayon at bayang Katoliko.

Dahil tuloy-tuloy ang pabasa, umiinom ng salabat ang mga umaawit ng pabasa upang mapanatili
ang kanilang boses. May inihahanda ring pagkain ang maypabasa para sa mga bumabása at ibang
tagapakinig. Kung sa kapilya, may nakatokang mga pamilya sa nayon para magpakain sa umaga,
tanghali, at hápon, pati na sa mga meryenda.

Dahil sa mahabàng tradisyon, may iba’t ibang himig na ginagamit sa pagawit ng Pasyon. May
masiglang himig, malimit na gamit ng mga kabataan, at tinatawag na tres kaida o treskeda. May
malumbay at mabagal na mga himig. May himig na maririnig lámang sa Marinduque at may
himig na higit na ginagamit sa Bulacan at Nueva Ecija. Hindi rin maiwasan na may kabataang
ngayong magpasok ng himig ng awiting popular at makabago sa pabasa.

May pamahiin na kailangang hindi inihihinto ang pabasa hanggang Biyernes Santo. Kayâ palit-
palit ang mga pangkat na imbitado (kung sa pribadong pook) o namamanata (kung sa kapilya)
upang hindi malagot ang pag-awit, lalo na pagkaraan ng hatinggabi. Sa ilang pook, ginagawang
maringal ang hulíng araw, ang Biyernes Santo, sa pamamagitan ng paligsahan sa paghábi—isang
paraan ng masalimuot na paghimig sa estropa ng Pasyon. Ibinibitin ng manghahabi ang pagtapos
sa hulíng taludtod ng binabasang saknong at isinisingit ang isang buong melodiya ng isang popular
o tradisyonal na kanta.

You might also like