Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

HOST

CLAIRE DAWATON

DIRECTOR
TRISHA CAJA

TECHNICALS
JUVY BAUN
JAMMAINE FERRER
JANINE RACELES

FLOOR DIRECTOR
ROSHIEL NUNAG

CAMERAMEN
BEA SIAPNO
LAUREN ALIMONDO
YNA BACALANMO

PRODUCTION ASSISTANTS
KENNETH LEYCO
JOLLAN BACASEN

TELEPROMPTER
SEBASTIAN DACANAY
LAWRENCE SOLIMAN
INTRO TRIP MO!
#OKTUBIYAHE

MTRCB

OBB

ES (Play Instruments)

MS CLAIRE: NAGSIMULA NG LUMAMIG ANG SIMOY NG HANGIN, ANG


HUDYAT NA NAGSIMULA NA NGA ANG BER MONTHS AT ANG
BUWAN NGA NG OKTUBRE AY PUNONG-PUNO NG MGA
SELEBRASYON AT DITO SA TRIP MO TULOY NA TULOY ANG ATING
PAGLALAKBAY. SO FASTEN YOUR SEATBELT AND START YOUR ENGINE
DAHIL ITO ANG TRIP KO, TRIP MO HASHTAG OKTUBIYAHE.

GFX TEASERS
KWENTONG GURO TRIP MO!
#OKTUBIYAHE

ES CLAIRE : ANG OKTUBRE AY LIGLIG SA MGA SELEBRASYON AT


KABILANG NGA DIYAN ANG TEACHER’S MONTH UPANG BIGYANG
PARANGAL ANG MGA GURONG NAGSILBING IKALAWANG
MAGULANG SA ATING IKALAWANG TAHANAN-ANG PAARALAN.

KAUGNAY NITO, ATING KILALANIN ANG ISTORYA NG ISANG GURO


NA NAGMARKA NG KANYANG BUHAY. ATING ALAMIN ANG ISTORYA
SA LIKOD NG KANYANG PAGIGING GURO, KANYANG MGA
PAGSISIMULA AT INSPIRASYON SA BUHAY.

GFX

VOSOT CLAIRE: Paboritong guro ng mga estudyante sa loob at labas


ng eskwelehan. Dahil sa kanyang dedikasyon at pagpapahalaga sa
kanyang mga estudyante. Siya si Estelito Mendoza. Mas kilala siya sa
pangalang Sir Esty.

Mula sa pagiging Student teacher, ipinagpatuloy ni Sir Esty ang


pagtuturo at kasabay nito ay ang mga papuri na kanyang mga
natanggap.

Apat na taon lamang ang highschool ngunit ang mga karanasang


maiipon natin ay magtatagal habang buhay. Ang mga guro na katulad
ni Sir Estelito Mendoza ay patunay na ang mga guro ay nag-iiwan ng
magandang marka sa lipunan at sa kabataan.

[SIR ESTY VOSOT]

MS CLAIRE: MGA KA-TRIP TULOY –TULOY PA RIN ANG ATING BIYAHE


KAYA HUWAG MAGLILIPAT NG TSANEL AT TUMUTOK DITO LAMANG
SA TRIP
CUE TO GAP MO, HASHTAG OKTUBYAHE.

ZOOM OUT

COMMERCIAL BREAK BARCELONA (PARODY)


LIVE INTERVIEW TRIP MO!
#OKTUBIYAHE

ZOOM IN

MS CLAIRE: UMAARANGKADA PA RIN ANG TEACHERS MONTH


CELEBRATION SA BUWAN NG OKTUBRE. KAYA MGA KATRIP MO
ATING ITULOY TULOY ANG BYAHE SA PAGSALUBONG SA ATING
BISITA.

TALENTADO, MATALINO, MULA SA LA TRINIDAD BENGUET


,KUMUKUHA NG KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN EDUCATION
MAJOR IN PHYSICS ISANG FUTURE GURO : MR. JOHN PAUL
CABASAG.

WELCOME SA TRIP MO.

[CONVERSATION]

ES SET OF QUESTIONS

ZOOM OUT

ES

BALIK-TANAW TRIP MO!


#OKTUBIYAHE

LEAD IN

MS CLAIRE: SA PAGDAAN NG PANAHON AT KUNG IKAW AY TATANUNGIN


MARAMI KA NG NASAKSIHAN AT MARAHIL ILAN SA MGA ITO AY
NINANAIS MONG MAPUNTAHAN O KAYA NAMAN NAIS MO MULING
BIGYANG BALIK TANAW.

SA ISA MULING MAKABULUHANG EPISODE NG TRIP MO ATING


BISITAHIN ANG KAUNA-UNAHANG MINING TOUR DITO SA PILIPINAS.
ATIN MULING BIGYANG PANSIN ANG MGA NAMUMUKOD TANGING
GANDA AT DISKUBRE DITO LAMANG SA TRIP MO, HASTAG
OKTUBYAHE. PAGBABALIK TANAW.
SFX & GFX Trip Mo

VOSOT CLAIRE [RECORDED]: Ang siyudad ng Baguio ay nagsimula


bilang isang “mining town” ng mga ginto at sa Probinsiya ng Benguet
matatagpuan ang oldest at nangungunang minahan . At sa taong
1997 binuksan nito ang kauna-unahang at nagiisang mining tour sa
bansa. Na matatagpuan sa Balatoc Mines, Virac Acupan Itogon
Benguet.

STANDUPPER CLAIRE

Ang Benguet Corporation ay mahigit isang daang taong kompanya ng


mineral na siyang pinaka nangunguna sa modernong minahan ng
ginto sa Pilipinas sa pagsisimula nito taong 1903. Sa pagsapit ng
taong 1906 ito ay nagsimula sa kaniyang operasyon sa pagmimina sa
Antamok at Itogon.

Taong 1916, ang Benguet Corp ay ang kauna-unahang kompanya ng


minahan na nagpakilala ng liberal labor policy na nagbibigay sa
kanilang mga empleyado ng mga libreng pabahay, tubig, ilaw at
gasul,edukasyon, Christmas bonus at nagsilbing modelo sa
industriya.

At ayon sa 1921 Trade Publication tinanghal din ito bilang isa sa mga
“Richest Gold Mine in the Orient” dahil na rin sa malakihang
produksiyon nito na umabot sa isang milyon.

BALIK-TANAW 2 TRIP MO!


#OKTUBIYAHE

CLAIRE VOSOT

Hindi maikakaila na sa tagal nito marami na rin itong nagawa ilan na


rito ang: First reforestation, project in Benguet highland 1921 ,First
in the industry, to use modern rock hammer operated by
compressed air in 1929. First to introduce ballmill ore crushing
technology in the 1930s

First to resume mining operation in the Philippines after devastation


from World War II: chromite mining operation in Masinloc in 1946
and gold mining operation in Antamok, Acupan and Balatoc in 1947.

STANDUPPER CLAIRE
VOSOT: Sa Sitio Virac, bagama’t malayo man sa siyudad kapansin
pansin na makikita ang mga minero na ilan sa kanila ay nakatira o
umuupa.

Mayroong mga maliit na talipapa, basketball court, mga


tindahan,paaralan at maliit na simbahan- isang bakas ng kanilang
simpleng pamumuhay.

At sa aming paglilibot kami ay nagalak sa aming naabutan sa


mababang paaralan ng Balatoc Mines na kung saan aming
nasaksihan ang mga kabataang naglalaro ng “Kadang-Kadang”
pagkatapos ng kanilang klase.

Ang larong kadang kadang ay ilan lamang sa mga Panlarong pilipno


na nakagawian na n gating mga ninuno subalit dala na rin mismo ng
modernong teknolohiya sinusubukan pa rin nilang pahalagahan dito
sa Sitio Virac.

Bagama’t marami tayong mga kinikilalang mga bago at pamosong


atraksiyon nawa’y huwag nating kaligtaang balikan at muling bigyang
pansin ang mga namumukod tanging ganda at diskubre ng nakaraan
dito lamang sa Trip Mo, hashtag Oktubyahe. Pagbabalik Tanaw.

CUE TO GAP

LIVE SA STUDIO: IT’S TOO GOOD TO BE OLD NGA NAMANG


MAITUTURING MGA KA-TRIP KAYA NAMAN KUNG MAY THINK
OUTSIDE OF THE BOX BAHIT HINDI RIN NATIN SUBUKANG MAG-TRIP
BACK TO THE PAST.

COMMERCIAL BREAK 2 ONE MORE CHANCE

BIYAHENG TUBA TRIP MO! #OKTUBIYAHE

MS CLAIRE [LIVE]: NGAYONG BAKASYON, NAGHAHANAP KA BA NG


SARIWA AT TIYAK NAKAKA-EENJOY BISITAHIN? BAKIT HINDI MO
SUBUKAN TUNGUHIN ANG MGA MALAMIG AT NAKAKAPAWI SA
PAGOD NA FALLS NA MATATAGPUAN LAMANG DI KALAYUAN SA
SIYUDAD NG BAGUIO.

SFX/GFX: TEASER

CLAIRE VOSOT: Sa mundong ibabaw kung saan three-fourths ay


nilalaman ng bahaging tubig at one-fourth ay nilalaman ng bahaging
lupa. Na kung saan tayo ay namumukudtangi sa mga isla, pulo at
kabundukan, mga katuklas-tuklas na uri ng halaman at hayop na
noon ay hindi natin nabibigyang pansin.

Siguradong mag-eenjoy ang barkada, at buong pamilya dahil bukod


sa napakalapit ay libreng entrance fee pa kaya sulit ito mga Ka-trip.

Kasama ang buong production team ng Trip Mo, binaybay at tinungo


namin ang dalawang falls na makikita sa Benguet na siyang
nagsisilbing stop over ng mga byahero.

Sinong mag-akalalang sa matatayog na bulubundukin at matarik na


daan makakaranas ka ng simple ngunit sulit sa bulsa na iyong
dadayuhin.

BIGATIN ITO! TRIP MO!


#OKTUBIYAHE

LS CLAIRE (LIVE) – SA BAWAT PAG BYAHE SIYEMPRE HINDI MAWAWALA


ANG FOODTRIP. KAYA HALINA’T SAMAHAN NIYO AKO SA MGA STOP
OVERS NATIN PARA MAGHANAP NG MGA KAKAIBA AT MASARAP NA
PAGKAIN DAHIL BIG’ATIN’TO!

SFX /GFX

Stop Over 1 – Chopping Burgh

CLAIRE VOSOT : Nakakatakam nga ang amoy ng nilulutong burger


patty, bacon and egg. May fries pa!At yan nga ready to serve na ang
order natin na tinatawag nilang Let’s Beat It!

V.O. – Hmmmm, kaya ko bang ubusin mag isa to?

Stop Over 2 – Biggest Club Sandwich

VOSOT – Ang 50’s diner ay isang American – themed restaurant kung


saan matitikman ang biggest club sandwich.

Syempre hindi ko nanaman kinayang ubusin mag isa tong big’ating’


Club sandwich.

Stop Over 3 – Canto

Tara naman dito sa Canto:Bogchi joint sa loob ng Ketchup


Community para matikman ang pinakamalaki at pinakamasarap na
lomo ribs dito sa baguio.
Ang canto ay pinupuntahan ng mga tao dahil sa magandang
ambiance ng lugar na mayroong American themed rin na menu at
siyempre sa kanilang masarap na pagkain na kanilang handog.

Ang ribs ditto ay nagkakahalagang 400 peseos para sa whole slab na


kasyang kasya sa 3 hanggang 4 na tao. Eto rin ay may kasamang
salad na kanilang specialty rin dahil sa kakaibang mga nilalaman nito.

Ang masarap na ribs ay binebake nila ng ilang oras para maging


katakam takam ang lasa neto. Kaya naman katrip, dalhin na ang
buong barkada at tara na!

LEADERSHIP TRAINING TRIP MO! #OKTUBIYAHE

LEAD IN CLAIRE: MULA SA ISANG GURO NA KATULAD NI SIR ESTY, NA


NANINIWALA SA GALING NG KABATAANG PILIPINO, DITO SA TRIP
MO NA NAGHAHANGAD MAGPARATING NG PURONG KASIYAHAN AT
PASASALAMAT SA TAO. SAMAHAN KAMI SA AMING HULING PASADA
SA AMING PAGBIBIGAY NG ISANG LIBRENG LEADERSHIP TRAINING
PROGRAM.

CLAIRE VOSOT: Youth o mas kilala bilang mga Kabataan ay isang


panahon ng Kasibulan. . Minsan naihahalintulad ito sa pagiging
masiyahin, punong-puno ng enerhiya, galak, sigla at karakter ng
isang tao.

Kaya naman para sa huling pasada, samahan kami sa pagbigay


suporta at kalinga sa ating mga Kabataang Lider kasama ang Rotaract
Downtown Session sa isang Leadership Training Program bilang
paggunita sa National Youth ngayong buwan.

Mahigit anim-na-pung estudyante ang naki-isa at nagalak na sumali


sa training. Iba’t-ibang pagsasanay sa kanilang pagiging malikhain at
pagiging aktibo, mga larong may kapupulutan ng aral ang ating
ibinahagi. Ito ay para mas mahubog ang kanilang karakter at
personalidad.

CLAIRE VOSOT:
Ika nga ni Gat Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag -asa ng bayan” kaya
patuloy pa rin nating pinapahalagahan ang tungkulin ng mga
kabataan.

CLOSING SPIEL TRIP MO!


#OKTUBIYAHE

LS CLAIRE: DITO NA NAGTATAPOS ANG ATING BIYAHE SA ARAW


NA ITO. NAWA’Y SA BAWAT ANDAR, LIKO, AT STOP-OVER AY
NABUSOG KAYO MGA KA-TRIP SA MGA BAGONG
DESTINASYON, ISTORYA AT KUWENTUHAN.

MS
MALAYO MAN O KAY LAPIT
PLANADO MAN O HINDI
BARKADA, PAMILYA, KASINTAHAN
SA BIYAHE NG BUHAY
HINDI MAITATAGO ANG SAYA
BASTA TRIP MO!

SA NGALAN NG BUONG POWERHOUSE PRODUCTION, MAGKITA-KITA


MULI TAYO SA SUSUNOD NA SABADO PARA NA NAMAN SA ISANG
BAGONG PASADA NG TRIP MO.

PAALAM.

ZOOM OUT
CBB

You might also like