Plano Sa Pagkatuto - Usok at Salamin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino- Baitang -9

Ikatlong Markahan
Pampanitikan Timog Kanlurang Asya

Petsa: Enero 9, 2017


Seksyon:
Einstein, Galileo , Gold , Silver, Copper at Nickel

Yugto ng Pagkatuto: Tuklasin

I.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang ng Kanlurang
Asya.
Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano
II. Kasanayang Pampagkatuto:
F9PN-IId-47-Naipaliliwanag ang pananaw ng mayakda tungkol sa paksa batay sa napakinggan
III. Paksang nilalaman:
Panitikan: USok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at Ang Pinaglilingkuran
Sulat ni Gordon Filman, salin ni Pat V. Villafuerte
Sanaysay- Israel
Gramatika: Pamaksa at Pantulong na Pangungusap
Sanggunian: Panitikang Asyano -manwal ng mag-aaral Ph.212-229), Batikan ph. 148-156
Kagamitan: larawan, biswal eyd, manwal ng mag-aaral, projector
IV. Pamamaraan
A. Paunang Pagtataya
1. Pinag-ugatan ng anumang diskurso P __ k __ __
2. Ang saloobin ng may-akda sa paksa __ o __ o
3. Ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa K __i __ __ p__ __
4. Ang lahat ng talata ay may pangunahing __ d __ y __
5. ito ang mga pangungusap na nagbibigay ng paliwanag o detalye sa isinasaad ng pamaksang
pangungusap. P __ __ t __ __ __ __ g
B. Pangganyak
(Pagpapakita ng mga larawan ng isang napapanahong isyu o paksa)
- Patungkol saan ang mga nasa larawan?
- Ano-ano ang masasabi mo ukol dito ?
C. Pagtalakay sa Aralin
(Babasahin ang sanaysay na “Hindi ako magiging Adik” ni Manny Ledesma)
Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang iyong binasa?
2. Ano ang layunin ng may-akda sa binasang sanaysa?
3. Ano ang mensahe ang nais niyang iparating sa mambabasa ?
4. Ano ang damdamin ng may-akda sa kanyang sanaysay?

D. Mahalagang Tanong:
1. Paano ang pagbuo ng sanaysay bilang akdang pampanitikan at paano ito naiiba sa iba pang uri ng
akda?
2. Bakit mahalaga ang pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagbuo ng sanaysay?
E. Kasunduan:
(Isulat ang sagot sa kuwaderno)
1. Basahin ang Usok at Salamin: Ang tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran ph. 217-218
2.Sagutin ang nasa pahina 220 at 221
Banghay Aralin sa Filipino- Baitang -9
Ikatlong Markahan
Pampanitikan Timog Kanlurang Asya

Petsa: Enero 10-11, 2017


Seksyon:
Einstein, Galileo , Gold , Silver, Copper at Nickel

Yugto ng Pagkatuto: Linangin

I.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang ng Kanlurang
Asya.
Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano
II. Kasanayang Pampagkatuto:
F9PB-IId-47-Naipaliliwanag ang mga: - kaisipan - layunin - paksa; at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay
F9PT-IId-47 -Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap
III. Paksang nilalaman:
Panitikan: USok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at Ang Pinaglilingkuran
Sulat ni Gordon Filman, salin ni Pat V. Villafuerte
Sanaysay- Israel
Gramatika: Pamaksa at Pantulong na Pangungusap
Sanggunian: Panitikang Asyano -manwal ng mag-aaral Ph.212-229), Batikan ph. 148-156
Kagamitan: larawan, biswal eyd, manwal ng mag-aaral, projector
IV. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
(Panonood ng “Video clips” tungkol sa piling palabas na dokumentaryo sa telebisyon.)
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Tungkol saan ang iyong pinanood?
2. Ano ang layunin ng palabas?
3. Ilahad ang mensaheng nais iparating ng dokumentaryong napanood?
4. Isa-isahin ang argumentong tinalakay sa dokumentaryong palabas?
5. Ano ang masasabi mong kaibahan ng dokumentaryong palabas sa iba pang programa sa telebisyon?

B. Pagpapabasa ng aralin
C. Pagtalakay sa Aralin
Gawin 1- Talasalitaan sa pamamagitan ng” tweet or retweet” Batikan ph. 152
Gawain 2- Sa antas ng iyong pag-unawa (tanong ko sagot mo! ) batikan ph. 153
Gawain 3- Tukuyin ang kaisipan, layunin at paksa sa tulong ng Double Entry Data ph. 220
Gawain 4- tukuyin ang mga damdamin ng may-akda sa tinalakay na sanaysay
D. Rubriks sa pagmamarka
E. Presentasyon ng pag-uulat
F. Input ng guro sa Panitikan ( Alam mo ba…)
Ang mga elemento ng sanaysay ay ang paksa, tono at kaisipan ..
G. Takdang-Aralin
Basahin at pag-aralan ang pamaksa at pantulong na pangungusap ph. 225
Magsaliksik ng mga halimbawa ng talumpati at bigyan ito ng sariling pagkukuro-kuro ang paksa
(Ilagay ang sagot sa kwaderno )
Banghay Aralin sa Filipino- Baitang -9
Ikatlong Markahan
Pampanitikan Timog Kanlurang Asya

Petsa: Enero 12-13, 2017


Seksyon:
Einstein, Galileo , Gold , Silver, Copper at Nickel

Yugto ng Pagkatuto: Pagnilayan at Unawain

I.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang ng Kanlurang
Asya.
Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano
II. Kasanayang Pampagkatuto:
F9PU-IId-49-Naisusulat ang isang talumpating naglalalahad ng sariling pananaw tungkol sa napapanahong isyu
o paksa
F9EP-IId-17 Nasasaliksik ang ibat ibang halimbawa ng talumpati
III. Paksang nilalaman:
Panitikan: USok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at Ang Pinaglilingkuran
Sulat ni Gordon Filman, salin ni Pat V. Villafuerte
Sanaysay- Israel
Gramatika: Pamaksa at Pantulong na Pangungusap
Sanggunian: Panitikang Asyano -manwal ng mag-aaral Ph.212-229), Batikan ph. 148-156
Kagamitan: larawan, biswal eyd, manwal ng mag-aaral, projector
IV. Pamamaraan
Pagbabalik-aral
A. (babalikan ang naging kasunduan
B. Magpapakita ng larawan ng kahirapan bilang paksa at bibigyan nila ito ng pantulong na kaisipan..
_______________________________ ______________________________
_______________________________ kahirapan
______________________________
_______________________________ ______________________________
C. Pagtalakay sa Aralin
(Pagpapabasa ng Tilamsik ng Sining…Kapayapaan ni Magdalena O. Jocson ph. 222)
- Pagsagot sa gabay na tanong ph. 224
D. Pagpapayaman
Gamit ang semantic web, ilahad ang paksa, tono, kaisipan sa Tilamsik ng kapayapaan
E. Input sa Gramatika (Alam mo ba.. )
Ang pamaksa at pantulong na pangungusap ay …
F. Pagsasanay 1 paghahanay ng pamaksa at pantulong na pangungusap sa sumusunod ph. 226
* Death penalty sa bansa dapat nga bang ibalik
* Programang K to 12
Pagsasanay 2 ph. 226
Pagsasanay 3 Debate sa paksang “ Dapat nga bang gamitin ang modernong teknolohiya sa pag-aaral.
G. Insight (dyornal aktibiti)
Maglahad ng mga pananaw hinggil sa paksang “ Ang masamang dulot ng ipnagbabawal na gamot
(bumuo ng dalawa hanggang tatlong talata upang ipahayag ang iyong saloobin tungkol dito.
H. Paglilinaw sa Mahalagang Tanong
I . Pagtataya (25 aytem)
Banghay Aralin sa Filipino- Baitang -9
Ikatlong Markahan
Pampanitikan Timog Kanlurang Asya

Petsa: Enero 16, 2017


Seksyon: Einstein, Galileo , Gold , Silver, Copper at Nickel

Yugto ng Pagkatuto: Ilipat

I.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang ng Kanlurang Asya.
Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano
II. Kasanayang Pampagkatuto:
F9PS-IId-49-Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating
nagpapahayag ng matibay na paninindigan
III. Paksang nilalaman:
Panitikan: USok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at Ang Pinaglilingkuran
Sulat ni Gordon Filman, salin ni Pat V. Villafuerte
Sanaysay- Israel
Gramatika: Pamaksa at Pantulong na Pangungusap
Sanggunian: Panitikang Asyano -manwal ng mag-aaral Ph.212-229), Batikan ph. 148-156
Kagamitan: larawan, biswal eyd, manwal ng mag-aaral, projector
IV. Pamamaraan

A. Pagbabalik-aral
B. Gawain sa Pagganap
Goal- Paglalahad ng sariling argumento sa paraang patalumpati
Role- Nakagagawa ng isanga makabuluhang talumpati hinggil sa isang isyu o paksa.
Audience- kamag-aral bilang manonood
Situation- Isa kang nominado para sa Gawad Ulirang Kabataan ng iyng pamayanan.kinausap ka uoang
magtalumpati upang hikayatin ang mga kabataan na sugpuin ang bawal na gamot sa inyong lugar.
Performance- pagbigkas ng isang talumpati ukol sa isang napapanahong paksa
Standards-
Nilalaman……………………………………………….……10 pts
Tinig ................................................................................... 5 pts
Hikayat………………………………………………………3 pts
Ugnayan sa tagapakinig......................................................... 2 pts
___________
Kabuuan…………………………………………………….. 20 pts

V.Pagtataya sa pagtataya

VI. Sintesis Paglalahat ng kaisipan/insights matapos ang tatlong araw ng pagtalakay


Matapos ang tatlong araw na aralin ay natutuhan kong_________________________________.
Nauunawaan
ko_______________________________________________________________________.

You might also like