Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paggamit sa mga iba’t ibang bisyo dito sa ating lipunan

Hindi naman lingid sa atin na halos lahat o karamihan sa mga mamayang Pilipino ay
nalululong na sa masasamang bisyo o mga pangkaraniwang gawain na masyado na tayong
nagiging adik sa mga bagay na ito. Hindi rin natin matatanggal na kahit kaming mga kabataan na
ayon kay Gat Jose Rizal ay syang pag-asa daw ng bayan ay nalululong na din sa mga bisyong ito.

Lubhang nakakalungkot kung ating iisipin na kung bakit kaya pilit na dumadami ang bilang
ng mga taong nalululong sa mga bisyong ito, sapagkat kahit saang anggulo naman natin tingnan
walang kagandahang maidudulot sa atin, sa halip, nakakasama pa ito sa ating buhay. Ang paggamit
ng droga ay maaaring makaroon ng depekto ang isipan at takbo ng pag-iisip ng taong gumagamit
nito. Ang alak at sigarilyo naman, lubhang naaapektuhan ang kalusugan ng taong nalulong sa
bisyong ito, masisira nito ang importanteng “organs” ng ating katawan tulad na lamang ng baga,
puso at maaaring din masira ang iba’t ibang parte ng ating utak at ang pagsusugal naman hindi
man ito marahil umiipekto sa ating kalusugan o pag iisip ay mas matindi naman ang epekto nito
sa relasyon natin sa ating pamilya dahil pag naadik ka sa sugal, kakaunti nalang ang maitutuon
mong oras sa iyong pamilya, hindi mo sila mabibigyan ng sapat na atensyong kailangan nila, sa
ganitong sitwasyon magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga miyembro ng pamilya na
maaaring humantong sa matinding hidwaan.

Dahil sa pagkakalulong sa mga bisyong ito, nauudyokan ang isang tao na gumawa ng
masamang mga bagay tulad ng krimen, pagnanakaw, pagpatay at iba pang masasamang gawain
para lang matustusan ang kanilang mga bisyo.

Ang mga tao ay nahuhumaling sa bisyo dahil gusto nilang takasan at kalimutan ang
kanilang problemang hinaharap. Dahil din sa sobrang katamaran ng mga Pilipinong pabanjing
panjing lang at walang magawa sa buhay kaya wala ng alam gawin kundi lumalaklak ng alak at
magpaadik sa droga.

Lubhang kay sakit isipin ng mga bagay na ito na kung tutuusin ay hindi naman mahirap
umiwas at pigilan ang mga bisyong ito. Hindi rin naman ganon kahirap sa pagtakbo ng oras at
paglipas ng mga araw, hindi n asana lalong dumami ang bilang ng mga taong nalululong sa mga
bisyong ito, sa halip bigyan natin ng pansin ang mga taong nakapaligid sa atin, ang ating mga
pamilya, pag-aaral o trabaho at higit sa lahat ang mahal na Panginoon.
Ipinasa ni: Zyrus Tulay

You might also like