Professional Documents
Culture Documents
No Homework Policy Trina
No Homework Policy Trina
Ang pagkakaroon ng takdang aralin ay hindi binibigay para maging obligasyon ito ay binigay para
makatulong at mapabuti ang kaisipan at memorya ng mag aaral. Ang pagkakaroon ng takdang
aralin ay nag bibigay ng positibong kasanayan ng paksang tinalakay. Dalawang “ No homework
policy” ang ipinalukala sa house of representative house bill no. 3611 ay tuluyang magbabawal sa
mga guro magbigay ng homework araw-araw. Ang house bill no. 3838 ay tuwing weekends
lamang. ang pagkakaroon ng “No homework policy” ay may masama at mabuting dulot sa mag
aaral. Ang masama at magandang dulot nito ay nakadepende sa mga mag aaral. Sumakatuwid
ang pagkakaroon ng takdang aralin ay gabay lamang sa mga paksang tinalakay ng mga
mag aaral sa dalawang “No homework policy” magandang isulong at ipasabatas ang pagbabawal
ng pagbibigay sa mga mag aaral ng takdang aralin pag weekends para hindi nahahati ang oras nila
sa kanilang pamilya
Ang pag kakaroon ng dalawang “No homework policy” sumasangayon ako sa house bill no. 3838
para magkaroon ng oras sa pamilya. Sa house bill no. 3611 ay hindi ako sumasangayon sa
pagbabatas nito sapagkat ang pagkakaroon nito ay masyadong paluwag sa mga mag aaral masyado
silang magpapabaya sa kanilang pag aaral.