PAMAGAT3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAMAGAT : JOSE RIZAL (1998)

Ang Pelikulang ito ay tungkol sa buhay n gating pambansang bayani na si


dr. jose rizal. Saklaw nito ang kanyang buhay mula sa pagkabata hanggang sa siya ay
litisin, hatulang balirin sa bagung bayan mamatay sa kamay ng mga kastila. Ipinapakita
rin ditto ang kanyang malawak na imahinasyon. Ang kanyang dalawang nobelang noli
me tangere at El filibusterismo na kung saan ipinipakita dito ang kanyang mithiin na
matigil na ang pagmamatrato ng mga kastila, gisingin ang mundo sa pangaabuso ng
pamahalaan ng espanya at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang paraan
imbis na sa madugong labanan.

Sumulat o may akda;


Ricky Lee
Jun Lana
Peter Ong Lim

Simbolismo: Aklat ng noli me tangere at El fulibusterismo

Implikasyon:
Implikasyon sa pelikulang jose rizal ay pangaabuso sa pamahalaan at
ang at ang patuloy na coraption sa isang bansa na ginagamit ang kapangyarihan upang
kontrolin ang mga Sistema sa bansa at patuloy na paglaban upang maging pantay
pantay ang pagtingin sa mga Filipino.

Buod:
Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni rizal ng katotohanan sa paamagitan ng
kanyang mga nobela, ang noli me tangere at el filibusterismo na nagging daan para
mabuhay ang puso ng mga Filipino upang maghimagsik at makamit ang inaasam na
kalayaan ng pilipinas laban sa pamahalaan ng espanya. Inilahad ditto ang kanyang
maithin na kapayapaan para sa mga Filipino dahil sa mga nobelang ito, ang
pamahalaan ng espanya ay pinabibintangan si jose rizal bilang pinuno ng rebolusyong.
Maging ang kanyang kapatid na si paciano ay pinahirapan para umamin sa si rizal ay
may kainalaman sa nasabing rebelasyon. Nobyembre 1896 ay nadakip si Rizal at
dinala sa Fort Santiago.Sa kulungan ay may isang alipin o tagasilbi na
nakakakuwentuhan niya ng kanyang buhay. Ginunita niya ang kanyang kabataan, kung
paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martir na
GOMBURZA (Gomez, Burgos at Zamora), ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora
Alonzo at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-
aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina, ang pagpapalit ng apelyidong Mercado sa
Rizal, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa
mata ng kanyang ina .Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang
abugado para i-depensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose
Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abugado niya. Si Taviel ay isang
opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala sa kanya. Pero sa pagbabahagi ng
buhay ni Rizal sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin si Rizal at
napagtanto na ito’y hindi lang isang inosente sa kaso kundi isang kahanga-hangang
nilalang at dahil doon ay nagdesisyong siya na ibibigay ang lahat para maipagtanggol
ito sa paglilitis. Naikwento ni Rizal dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo
Tomas na kung saan ay kumuha siya ng kursong medicina, ang labis na diskriminasyon
sa mga estudyanteng Pilipino doon, at ang pag-iibigan nila ni Leonor Rivera na kanyang
pinsan at kasintahan.

Marami napag-usapan sina Rizal at Taviel. Isa na rito ang mga kinalaban ni Rizal.
Ayon kay Taviel, ang kinalaban ng nobela ni Rizal ay ang gobyerno at relihiyon ng
Espanya. Kinatwiran ni Rizal na bilang isang manunulat, kalaban niya ang lahat pati
ang sarili niya. Lahat ng bagay na naisulat niya ay pawang sa katotohanan lang, sa
mga bagay na naisulat niya ay matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili,
ang kanilang kasaysayan. Ikalawa ay ang nais iparating ni Rizal sa Espanya. Hinihiling
lamang ng mga Pilipino ay ang pagkakapantay-pantay at makilala ang Pilipino bilang
kapantay ng Kastila. Ikatlo ay ang pagpunta ni Rizal sa Europa. Nagtataka si Taviel
bakit nagawang iwan ni Rizal si Leonor? Anong layunin ang mas matimbang pa kaysa
pagmamahal sa kasintahan? Pinapunta siya ng kanyang kuya Paciano upang mag-aral
doon ng medicina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo siya at
malaya niyang maisusulat ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan.

Naikwento rin niya ang pagpasok sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884.
Dito ay nag-aral siya ng medicina. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda na isang
organisasyon na naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na
karapatan ang mga Pilipino katulad ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo
H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel Hidalgo. Sa pamamagitan ng La Solidaridad, ang
pahayagan ng kilusan, naipaparating nila ang kanilang mga adhikain. Enero ng taong
1891 nang nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan ng maisipan na nilang maghalal ng
pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikan ng La Solidaridad ay pampribado
na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La Solidaridad ay dapat
pambansa.
Pagbalik sa Pilipinas, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Ito’y isang pansibikong
samahan ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito
ay nakilala niya si Andres Bonifacio. Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap.
Itinuring na isang samahan na kumakalaban sa Espanya ang La Liga Filipina. Nagtanim
ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni Rizal.
Dahil dito, kababalik palang ni Rizal sa Pilipinas ay ipinahuli na siya at ipinatapon sa
isang malayong lugar, sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang-kanluran ng
Mindanao. Sa lugar na iyon ay nakilala niya ang pag-ibig ng kanyang buhay na si
Josephine Bracken, isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong, na kung saan ay
nagkaroon sila ng anak pero namatay din ng ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon kay
Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing
ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga prayle na siya ay mamatay.
Umabot na sa pagpapalit sa bagong Gobernador-heneral ng Pilipinas dahil na rin sa
isyung naging malapit si Gob. Heneral Blanco kay Rizal. Noong ika-26 ng Disyembre,
1896, ginanap ang araw ng paglilitis ni Rizal. Sa panig ng mang-uusig,
pinagbibintangan si Rizal bilang pasimuno ng pag-aalsa, at dahil din sa mga isinulat
niya na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at pamahalaang Espanya.
Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan.
Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat
patakbuhin ang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para
sa mga Pilipino ang nais niya. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal
ang dahilan ng rebolusyon.Sa katunayan, sa paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya
nagsulat ng mga bagay na may koneksyon sa pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr.
Pio Valenzuela sa Dapitan upang ikonsulta at yayaing sumama siya sa rebolusyon, si
Rizal ay hindi pumayag sa nasabing balak na pag-aalsa. At sa huli, sa pahintulot na
magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya ay kalayaan. Kalayaang hindi
nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon.
Pero sa kabila ng pagtatanggol na ginawa ni Taviel kay Rizal, wala na siyang
magagawa ukol sa tadhanang nito. Ang paglilitis ay isa lang panloloko Si Rizal ay
nakatakdang barilin sa ika-30 ng Disyembre, 1896.Sa kinahinatnan ng kaso, si Taviel
ay nasaktan at naiinis kung bakit siya ay naging isang Kastila pa. Dahil sa hatol, binisita
si Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Binigay niya ang kanyang huling kahilingan sa
ina at ang isang lampara na may laman ng kanyang huling tula, ang Mi Ultimo Adios (o
Huling Pahimakas).
Ika-30 ng Disyembre, 1896 ay ang nakatakdang Araw ng Kamatayan ni Rizal. Ang
huling kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya
pinayagan. Ang mga Kastila ay gusto siyang barilin sa likod tulad ng isang traydor.
Nang siya ay pinagbabaril na, naisipan niyang humarap ng kaunti para sa pagbasak
niya sa lupa ay nakaharap siya sa kalangitan.Sa pagkakamatay ni Rizal, lalong
lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong ika-
12 ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas, naideklarang Pambansang Bayani si Dr.
Jose P. Rizal.

Gintong aral;
“Mabuti pang mamatay para sa Bayan kaysa
mamatay ng wala man lang nagawa para sa kinabukasan nito…”

You might also like