Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

12-Facetime

“LIHAM”

Regienald Fernandez Arabelle Camat


Vladimir Batobalonos Kate Yanga
Norman Langga Irish Ibanez
Rian Libao Angeline Furio
Mark Setenta Ayumi Sahagon
Mark Henrinch Jewel Montoya
Darren Carbungco Abigil Paz
Mark Christian Balatbat Edwin Garcia

BATOBALONOS as Daniel – Son of Reginaldo and Josepina (Leading


Man)
YANGA as Natasha – Daughter of Bangki (Leading Woman)
FERNANDEZ as Reginaldo – Father
IBANEZ as Josepina -Mother
FURIO as Julia – Daughter of Reginaldo and Josepina
SETENTA as Manuel – Son of Reginaldo and Josepina
CAMAT as Maria – Daugter of Dolores
PAZ as Dolores – Mother
CARBUNGCO as Junel – Husband of Julia
GARCIA as Paeng – P.A. of Reginaldo
BALATBAT as Bangki – Father of Natasha
MANZANO as Natan – Son of Daniel and Natasha
LANGGA as Jon – Son of Daniel and Natasha
LIBAO as Rain – Son of Daniel and Natasha
SAHAGON as Yumi – Girlfriend of Natan
MONTOYA as Kim – Friend of Yumi
“LIHAM”
Scene 1: Time Lapse pagsikat ng araw/ pagtunog ng alarm / Pagpatay sa
alarm / pagkatok ng tatay.
(Bahay)
Daniel: Nak lumabas ka na dyan.
( walang imik ang anak sa bati ng kanyang ama at bumaba
ang ama at kianusap ang asawa )
Daniel: Ano bang ang nangyayari sa anak mo? Bakit siya
nagkakaganyan?.
Natasha: Hindi ko nga rin alam kung ano nangyayari jan sa anak mo.
Natasha: Mga anak alam niyo ba kung bakit nagkakaganyan yang
katapid niyo?.
Rain: Broken, iniwan ni yumi eh.
Daniel: Dahil lang sa babae nagkakaganyan siya.(Pabiro)
Natasha: Dati rin naman nagkaganyan ka rin nung naghiwalay tayo.
Mga anak: (Pinagtawanan ang kanilang ama)
Daniel: (Habang tumatawa) Ganun kita ka mahal kahit iniwan mo na ako
hindi pa den kita iniwan.
Mga anak: (Owwww!)
Natasha: Nambola nanaman. (pinuntahan ang anak sa kwarto at inalok
na lumabas para kumain)
( wala pa deng imik sa natan)
Natasha: Lumabas ka na lang anak kung gusto mo ng kumain.
(kumain ang buong pamilya bukod kay natan)
(Lumabas na si natan ngunit tapos ng kumain ang kanyang pamilya)
Natasha: Oh anak kumain kana dyan may tinira akong ulam para sayo
paborito mo.
Daniel: Mga anak aalis na ako asawa ko aalis na ako.
Natasha: Mag iingat ka Daniel.
(Kinagabihan ng umuwi si Daniel galing trabaho)
(Papuntang ng kwarto si daniel ng may marinig syang humahagulgol
galing sa kwarto ng kanyang anak na si natan at agad nya itong kinatok)

Daniel: Natan anak, okay ka lang ba? Buksan mo itong pinto.


(binuksan ni natan ang pinto)
Daniel: Okay ka lang ba? Bakit anak? Mag kwento ka kay papa.
Natan: (Patuloy sa pag iyak) Okay lang ako pa.
Daniel: Okay ka lang ba talaga? .
Natan: Hindi po.
Daniel: Sige anak mag sabi ka.
Natan: Pa bakit ganon? Ginawa ko naman ang lahat pero bakit kulang
parin? Hindi parin sapat lahat ng mga nagawa ko, ano pa ba, san pa ba
ako nag kulang?
Daniel: Ganun talaga ang buhay nak, kahit ibinigay mo na ang lahat
hindi parin magiging sapat para sa taong hindi makita ang halaga mo,
pero palagi mong tatandaan “Love will always leave you with a stronger
heart even if you get hurt” Maging masaya ka man o masaktan may
makukuha ka padin.
Natan: Kahit anong gawin ko pa, hindi ko parin maiwasang hindi
masaktan.
Daniel: Ganun talaga nak, minsan yung sakit yung nagtuturo saten kung
paano maging matapang at kung paano maging matatag. Pero kung sa
tingin mong worth it pang ipaglaban yung isang bagay wag kang
matakot na muling subukan.
Daniel: Tulad namen ng nanay mo.

FLASHBACK
Scene 2: Bahay ni Reginaldo

(Kumakain ang buong pamilya ni Daniel kasama ang mag inang si


Dolores at Maria)

Reginaldo: Daniel itong si maria ang pangangasawahin mo hah gusto ko


siya para sayo. Pumapayag ka ba maria?
Maria: Opo, gusgustuhin ko rin po na si Daniel na lang ang aking
mapangasawa.
Dolores: Eh kung ganon pala bakit hindi na naten asikasuhin ang
magiging kasal nyo ni maria Daniel.
Reginaldo: Narinig mo ba iyon Daniel.
Daniel: Tay naman!
Reginaldo: Bakit Daniel may problema don?! Si maria ang
pangangasawahin mo.
Maria: Matagal na akong may nararamdaman para sayo Daniel simula
pa lang noong mga bata pa tayo.
Daniel: Maria, alam mo naman na yon diba.
Reginaldo: Daniel! Sumunod ka na lang sa akin ako ang ama mo, alam
kong hindi ka rin pababayaan ni Dolores.
Dolores: Oo Daniel.
Reginaldo: Si maria ang pakakasalan mo gaganda ang buhay mo kapag
si Maria ang pinakasalan mo!
Daniel: Kung yan lang den pala yung habol mo tay mas gugustuhin ko na
lang maghirap ako kaysa mahalin ko yung taong hindi ko naman mahal.
(Tumayo si daniel sa kanyang kinauupuan at hindi na tinapos ang
kanyang pagkain)
Reginaldo: San ka pupunta? Tapusin mo yang pinagkainin mo.
Daniel: Wala na akong gana.
Reginaldo: Wala kang modo, sumasagot ka pa.
Reginaldo: Ako ang ama mo, kung hindi mo kayang sumunod sakin
lumayas ka sa pamamay na ito.
(Nag aakmang umalis si daniel ngunit pinigilan ito ng kanyang ina)
Josepina: Anak, wag kang umalis.
Reginaldo: Hayaan mo siya kung gusto nyang umalis .
Reginaldo: Sa oras na umalis ka sa bahay na ito hindi kana maaring
bumalik.
( Ipinagpatuloy ni daniel ang kanyang pag lisan )
(Nagpunta si Daniel sa pamamhay ni Natasha na syang kasintahan nito)

Scene 3: Bahay ni Natasha

Daniel: (Marahang Kumakatok sa pintuan nila Natasha)


Natasha: ( Binuksan ang pintuan)
Daniel: (Nang binuksan ni Natasha ang pintuan ay agad nya itong
yinakap)
Natasha: Anong nangyari sayo? Dis oras na ng gabi bakit pumunta ka
rito? Baka Makita ka ni tatay.
Daniel: Pasenya kana, Gusto ni itay na pakasalan ko si Maria na hindi ko
naman gusto at sinuway ko siya at pinalayas nya ako. Dahil ikaw Natasha
ikaw ang mahal ko.
Natasha: Naiintindihan kita Daniel.
Natasha: Dito kana muna tumuloy, ipagpapaalam kita kay itay.
Daniel: Maraming salamat Natasha.
(Ipinagpaalam ni Natasha si Daniel na don muna matulog dahil pinalayas
ito nang kanyang itay at pumayag naman si Bangki na syang ama ni
Natasha)
Natasha: Tay Maari bang dito muna tumuloy si Daniel pansamantala,
pinalayas kase sya sa kanyang tinitirhan.
Bangki: Sige Natasha.
Daniel: Maraming salamat itay bangki.
Bangki: mag pahinga na kayo.
(Kinabukasan nagluto si Daniel ng kanilang makakain )
Daniel: Oh gising na pala kayo halina po kumain na po tayo nag luto po
ako ng makakain naten.
Bangki: Abat mabait pala itong kaibigan mo Natasha nakuha pa tayong
ipagluto.
(Ngumiti si Natasha at nag simula na silang kumain at ng pag tapos
nilang kumain ay ipinasyal ni Daniel sa parke si Natasha)

Scene 4: Parke

Natasha: Ang ganda naman ng lugar na ito Daniel.


Daniel: Maganda ang lugar na ito, pero mas maganda ka Natasha.
Natasha: Nako.
Daniel: Natasha noon pa man wala na akong ibang hinangad ay kundi
yung makasama ka alagaan ka, mahalin ka siguro panahon na Natasha.
(Si Daniel ay lumuhod at nag alay ng singsing kay Natasha upang
tanungin kung pwede nya ba itong pakasalan)
Daniel: Natasha Taylor, Mas gugutuhin kong mayroon ako ng isang araw
na meron ka kesa sa ilang libong araw na wala ka. Maari mo ba akong
pakasalan?
Natasha: (Naiiyak) Oo Daniel.
Daniel: (Yinakap si Natasha) I love you.
Natasha: I love you too.
(Nag diriwang ang dalawa sa saya)
Daniel: Kailan naten ipapaalam sa kay itay bangki ang tungkol dito.
Natasha: Ikaw ang bahala Daniel pero mas maari kung liligawan mo
muna ang aking itay para sya ay tuluyang pumayag na tayo ay mag
pakasal.

Scene 5: Bahay nila Natasha

(May dalang buhay na manok si Daniel alay kay tatay bangki para sa
pagpapaalam nya ang tungkol sa kasal)
Daniel: Itay, kame po ay mag kasintahan ni Natasha at ipagpapaalam
po sana namen sainyo kung maari kameng mag pakasal.
Bangki: Ayos lang saken iho, nakita ko naman na bukal ang puso mo at
malinis ang hangarin mo para kay Natasha.
Daniel: Maraming salamat Itay Bangki.
(Tuwang tuwa si Daniel at Natasha)
Natasha: Masaya ako Daniel, para saten walang susuko ha? kakayanin
naten ito.
Daniel: Oo Natasha, lalaban tayo hanggang dulo hindi kita iiwan
mamahalin kita, araw araw at pang habang buhay palagi kang nasa
puso’t isipan ko ano mang oras at handa akong gawin lahat para sayo.
Mahal na mahal kita.
Natasha: Mahal na mahal den kita.
(Lumipas ang isang buwan)

Scene 6: Parke

Daniel: Sino yung lalaking kasama mo?!


Natasha: Kaibigan ko lang yon Daniel.
Daniel: Kaibigan e daig nyo pa yung tukong hindi mapag hilaway, wala
ka talagang pinipili Natasha!.
(Sinampal ni Natasha si Daniel)
Natasha: Alam mo, lagi na lang tayong ganto Daniel! Nakakasawa na.
Ganyan kaba mag mahal puros pagdududa wala ka bang tiwala saken?
Daniel: Kasalanan ko bang mag selos Natasha, mahal kita natural lang
na maramdaman ko ito kase takot ako, takot akong mawala ka.
Natasha: Hindi na yan takot, nakakasakal kana Daniel paulit ulit na lang.
Bakit hindi na lang naten itigil to?.
Daniel: Iiwan moko Natasha?
Natasha: Pasensya na, hindi ko na alam kung pano pa, pano pang
lumaban. (Umiiyak)
Daniel: Hindi mo na ba ako mahal?
Natasha: Hindi ko na alam Daniel.
Daniel: (Umiiyak) Ipinaglaban kita sa pamilya ko, sarili kong ama sinuway
ko para sayo.
Natasha: Dat hindi mo na lang ginawa kung isusumbat mo lang den pala!
Daniel: Hindi ko sinusumbat, ipinagpapaalam ko lang na sayo, kung ano
yung mga bagay na sinakripisyo ko para lang mapatunayan sayo na
mahal kita.
Daniel: Pero bakit parang ang dali lang sayo na iwan ako, san ba ako
nagkulang ginawa ko naman lahat, san pa ba ako nag kulang ?
Natasha: Patawad Daniel pero ayoko na, pagod na pagod na ako,
pagod na akong intindihin ka, pagod na akong mahalin ka, patawarin
moko Daniel.

(Tuluyang nag hiwalay ang dalawa at lumisan na nga si Natasha)

Scene 7: Bar
(Nagpapakalasing si Daniel habang nakita ito na Maria na may ari ng
isang bar habang siya ay kumakanta)
(Pinuntahan ni maria si Daniel na lasing na)

Maria: Daniel, ayos ka lang? Ano bang nangyayari sayo.


(Tinignan lang ni Daniel si maria sa sobrang kalasingan)
Maria: (Pinipilit na tumayo si Daniel) Tumayo ka na diyan ihahatid na kita
sa inyo. (Itinayo si Daniel at ito ay bumagsak)
Maria: Daniel! Daniel (humingi ng tulong para buhatin si Daniel at para
pag pahingahin muna sa bahay nila Maria)

Scene 8: Kwarto

Maria: Kung alam mo lang Daniel, kung gaano kita ka mahal, pero alam
kong hindi ako ang babaeng para sayo.
Maria: Masakit para saken na hindi ako ang pinili mo, kung magiging
masaya ka sa piling ni Natasha titiisin ko para sayo, Makita ko lang mga
ngiti mo okay na ako. (Naiiyak)
Scene 9: Sala, Kinabukasan.

Dolores: Daniel kumain kana. Okay na ba ang pakiramdam mo?


Maria: Kain na tayo Daniel Ipinaghain kita.
Daniel: (Gulat) Pano ako napunta ditto.
Maria: Lasing na lasing ka kagabi, kaya dinala muna kita dito para mag
palipas ng gabi.
Daniel: Salamat.
Maria: Kain na.
Dolores: Masarap yan.
Daniel: Salamat po.
Maria: San ka tumutuloy ngayon Daniel
Daniel: Wala
Maria: Bakit hindi ka bumalik sa pamilya mo matagal ka nang hinahanap
ng ina josepina mo.
Daniel: Ayoko na muna lalo na at wala akong pera.
Maria: Hindi bat manunulat ka, bakit hindi ka tumula ulit don sa bar na
yon Daniel.
Daniel: pano.
Maria: Ako na ang may ari non Daniel, ipapasok kita bilang manunula
Daniel.
Daniel: Salamat Maria:

(Bumalik sa pagiging manunulat si Daniel at tatanghal sa ibat ibang lugar


na)
(Makalipas ang dalawang buwan)

Scene 10: Tanghalan


(Napanood ni Natasha si Daniel na nag tatanghal ng isang tula at nang
matapos ito ay agad nya itong inalok kung pwede syang makausap sa
labas)
Daniel: Natasha, sorry kanina ka paba?.
Natasha: Hindi naman, napanood kita ang galling mo sa tingin ko alam
kong para saken yung mga tulang yon. (pabiro niyang sinabi ngunit may
halo itong lungkot sa kanyang muka)
Daniel: Ah? wala yon.
Natasha: Sorry.
Daniel: Para saan?
Natasha: Doon sa nangyari sa huli nateng pag-uusap.
Daniel: Okay lang, Nakalimutan ko na den naman, saka tanggap ko na,
na hanggang dun na lang talaga tayo.
Natasha: Sorry kung nasaktan kita, sorry kung napagod ako, sorry kung
nawalan ako ng lakas para lumaban, sorry kung iniwan kita.
Daniel: Hindi mo naisip na nasasaktan din ako, na napagod din ako pero
hindi kita iniwan, kase mahal kita, hanggat kaya ko pinaglaban kita
Natasha pero binaliwala mo lang lahat ng yon.
Natasha: Yun ba talaga ang tingin mo saken Daniel, minahal kita ,
ipinaglaban din kita.
Daniel: Pero bakit moko iniwan?.
Natasha: Hindi ko alam.
Daniel: Hindi pwedeng hindi mo alam.
Natasha: I just made a choice.
Daniel: At mas pinili mong iwan ako.
Natasha: Patawarin moko, pinagsisihan ko na lahat, lahat nga mga
pananakit ko sayo.
Natasha: Kung pwede ko lang maitama lahat ng yon gagawin ko.
Daniel: Anong ibig mo sabihin.
Natasha: Daniel gusto ko sanang ayusin naten yun relasyon yung nasira
simula nung lumisan ako .
Daniel: Hindi ko na alam, kung kaya ko pa, kung kaya ko pa bang
sumugal. Takot na ako, takot na akong masaktan ulit Natasha, patawarin
moko.
Natasha: Patarawarin moko Daniel.
Daniel: Paalam Natasha.
(Umalis si Daniel at pumunta sa kanyang Pamilya)

Scene 11: Bahay ni Reginaldo


Daniel: Nay musta na?.
Josepina: okay lang ako nak.
Daniel: Sila kamusta na?
Josepina: Okay lang sila anak. Teka kumain kana ba? Pumasok kana
muna sa loob.
(IPinaghain ni Josepina si Daniel at dumating sila Reginaldo kasama sila
Manuel at Julia)
Reginaldo: Anong ginagawa mo dito, hindi bat sabi ko sayo na wag ka
ng bumalik.
Manuel: Abat ang kapal den pala ng pagmumukha mo na pumunta pa
sa pamamahay na ito.
Janet: At nakikain ka pa, pagkatapos mo kaming iwan at ipagpalit sa
babaeng yon, na kame na pamilya mo.
Manuel: Alam namen na kasintahan mo si Natasha.
Julia Sinuway mo si itay para lang sa babaeng yon.
Daniel: Hindi lang siya babae, Minahal ko siya.
Manuel: Anong tingin mo samen? Kaibigan mo?
Julia: Wala kang utang na loob!
Josepina: Tumigil na kayo!
Reginaldo: Bakit? Mas kinakampihan mo yang anak mong walang
kwenta mong anak!
Josepina: Hindi naman saganon!.
Manuel: Pati ba naman ikaw nay.
Daniel: Yan ba talaga tingin nyo saken. Walang kwenta? Walang utang
na loob?
Daniel: Bakit , alam nyo ba kung ano yung mga pinagdaanan ko? Hindi,
alam nyo ba kung ano yung mga sinakripisyo ko sa pamilya na ito.
Daniel: Hindi kase wala naman kayong ibang pinuna kundi yung mga
maling nagawa ko.
Daniel: Ikaw julia nung nagkasakit yung mga anak mo saken kaden
namen lumapit nung kinailangan mong ipa hospital yung mga anak mo.
Ginamit ko yung inipon kong pang paaral sa sarili ko pero para sayo
ginawa ko at wala ka namamg narinig saken diba.
Daniel: Ikaw manuel nung kinailangan mo ang sakahan sinong nag paubaya
ako, alam mo kung bakit dahil pinakiusapan ako ni tatay na mas kailangan mo
ang sakahan dahil ikaw manuel, may anak at pamilya, ako wala.
Daniel: Ikaw tay nung nawalan ka ng gana ng mag trabaho, wala ka namang
narinig saken na reklamo nung sinapo ko yung responsibilidad mo bilang ama
sa pamilya na to.

Daniel: Pero bakit kahit anong sakripisyo pa ang gawin ko, baliwala paden
sainyo at wala paren akong kwenta para sainyo. Wala naman na akong ibang
hiniling na kapalit, kundi yung pagbigyan niyo man lang ako sana na mahalin
yung taong mahal ko. Mahal ko kayo, kaya kayo, kayo na lang naman ang
meron ako, kayo ang pamilya ko, but why is it that you always make me feel
that I’m the enemy? Not a brother, not family.
Josepina: Daniel! Anak patawarin mo kame, wag ka ng umalis.

(Hindi pinansin ni Daniel ang kanyang ina at tuluyang syang umalis)


(lumipas ang ilang araw)
(Bumalik si Daniel sa kanyang pansamantalang tirahan kung saan pinuntahan
ito ng kanyang ina na may dalang masamang balita)

Josepina: Daniel
Daniel: Pano nyo nalaman na andito ako.
Josepina: Sinabi saken ni Maria.ang tatay mo! Sinugod namen sa hospital.

(Agad na pumunta ng Hospital si Daniel kasama ang kanyang ina at agad itong
tumungo sa kanyang itay)

Daniel: Tay wag kang bibitiw, mag pakatatag ka, lumaban ka hah?, gagaling
ka dito lang ako di na kita iiwan.

Reginaldo: Anak patawarin mo ang iyong itay sa lahat ng mga nagawa nya
sayo, maraming salamat sa lahat anak.

Reginaldo: Pasensiya na kung ngayon ko lang sasabihin sayo ito nak na mahal
na mahal kita at pinagmamalaki kita bilang panganay na anak ko.
(Nag agaw buhay ang kanyang itay at tuluyan na itong pumanaw)
(Humagulgol ang lahat sa pag-iyak)
(Ramdam ng buong pamilya ni Daniel ang sakit ng pagkawala ni Reginaldo)

(Lumipas ang ilang araw matapos ang pag ka libing kay reginaldo ay nilinis ni
Josepina ang gamit ni Reginaldo ng may makita itong liham na nasa kabinet ni
Reginaldo na may nakasulat na gustong basahin ni Reginaldo ang sulat na
ginawa nya ni Daniel sa harap ng mga anak nya at ng kanyang asawa)
Josepina: May iniwan na liham ang inyong ama sa atin gusto niyang basahin
mo ito sa harap namen Daniel.

(Kinuha ni Daniel ang liham at nag tipon tipon silang lahat at sinimulan ni Daniel
na basahin ang liham)

Daniel: Gusto kong humingi ng kapatawaran para sa lahat ng mga kasalanan


ko sainyo mga anak ko, patawarin nyo ang itay sa mga pagkukulang nya
sainyo-.

Reginaldo:-Kung hindi ko nagampanan ng maayos ang responsibilidad ko


bilang Padre de pamilya ng tahanang ito. Sinubukan kong ibigay lahat ng
makakaya ko para maging maayos ang buhay nyo pero nabigo ako. Sana
mapatawad nyo pa ako. Daniel alam kong malaki ang kasalanan ko saiyo, ang
dahilan kung bakit ipinagpipilitan ko na mapangasawa mo si Maria dahil yun
na lang ang nakikita kong paraan para hindi ka ng mag hirap dahil alam kong
hindi ka pababayaan ng kaibigan kong si Dolores at dahil din sa mayaman ang
pamilya nya dahil gusto kong nasa maayos na pamumuhay ka kapag nawala
ako dahil hindi ko na kayang ibigay saiyo yon at sa mga kapatid mo. Hindi ko
pinaalam sainyo na mayroon akong malubhang sakit dahil ayaw ko kayong
mag alala at yun din ang dahilan kung bakit tumigil ako sa pag tra-trabaho. At
sa bawat kita ko sayo na ikaw na ang sumapo ng responsibilidad ko walang
gabing hindi tumulo ang aking luha. Anumang oras maari na akong mawala
sainyo kaya ang gusto ko bago ako mawala ay nasa maayos na lagay kayo.
Patawarin mo ako nak, patawarin nyo ako sa lahat ng mga pagkukulang at
lahat ng mga kasalanan ko sainyo. Mahal na mahal ko kayong lahat higit pa sa
lahat ng bagay. Mga anak sundin nyo ang puso nyo wag kayong matakot na
mag mahal ng totoo kung hanggat kaya nyo pang ipaglaban ang isang
bagay wag kayong susuko sa anumang hamon ang inyong pagdaanan.
Paalam mga anak, paalam Josepina mahal na mahal kita, mahal na mahal ko
kayong lahat.

(Bakas ang luha sa muka ng bawat isa at tuluyang nag kaayos ang mga ito at
ipinagpatuloy ang buhay nila ng wala na ang kanilang ama at ang tanging
mga alala na lamang ang kanilang babaunin hanggang sa pag tanda)

(Si Julia ay nanitili kasama ang pamilya neto sa bahay ng kanilang itay
Reginaldo kasama ang kanyang inay. Si Manuel ay pinagpatuloy ang
pagpapalago sa sakahan habang si Daniel naman ay hinanap si Natasha
upang makipag ayos at ayusin ang mga bagay na nasira nila noong nag ka
hiwalay sila at namuhay ng masaya na nagkaroon ng tatlong anak )
Scene: 12

Daniel: Natasha pwede ba kitang makausap sa dati nating tagpuan.


Natasha: Sige Daniel.
Daniel: Alas otso ng gabi hihintayin kita.
( Nagkita si Daniel at Natasha sa dati nilang tagpuan)
Daniel: Maupo ka.
Natasha: Salamat.

Daniel: Sarap balikan ng mga alala mga sandaling magkatabi tayo sa upuang
ito.
Natasha: Ako den.

Daniel: Natasha mahal paden kita ikaw pa den yung babaeng gugustuhin
kong pagpaguran at alagaan at mahalin ng walang hanggan.
Natasha: Mahal din kita Daniel.
Daniel: Pwede ba nateng ayusin yung mga bagay na nasira saten.
Natasha: Oo Daniel.
Daniel: I love you Natasha!
Natasha: I love you too Daniel

( Akmang mag kikiss ang dalawa pero pinigilan ito ni Natasha at hindi na
itunuloy ni Daniel at yinakap na lamang ito)
Natan: Grabe pa pano mo nalagpasan yon, pano mo kinaya pa?.

Daniel: Hindi ko din alam anak pero walang ibang nasa isip ko non kundi yung
mag pakatatag at harapin yung mga problema na meron ako. Kaya ikaw anak
wag kang panghinaan ng loob, palagi kang magpapakatatag, gawin mo ang
nararapat.
Natan: Opo pa, sana kayanin ko din yung ginawa mo para kay inay.
Daniel: Anak wag ka mawalan ng pag asa lahat ng bagay may dahilan kaya
magpatuloy kalang sa buhay at maging mas matatag pa.
(Lumabas na sa kwarto si Daniel)
Scene 13: Yumi and Natan

You might also like