Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mapanuring Paggamit ng Gadyet: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa

Sa modernisadong panahon, nagiging madali nalang sa mga tao ang mga bagay-bagay kung ihahalintulad sa sinaunang
panahon sapagkat talamak na ang paggamit ng teknolohiya. Nagiging aktibo at abala ang nakararami sa patuloy na
pagbabago sa mundo ng teknolohiya lalong lalo na ang imbensyon ng mga gadyet.

Ang gadyet, tulad ng cellphone, tablet, laptop, computer at maraming pang iba, ay isa sa mga pangunahing gamit sa ating
lipunan. Ito ay laganap hindi lamang sa loob ng bansa maging sa buong daigdig. Mahalaga ang mga ito sa kasalukuyang
henerasyon. Ginagamit ito ng mga guro’t mag-aaral sa kanilang pananaliksik, paghahanda at pag-aaral sa mga aralin,
mahalaga rin ito sa kapulisan upang mapadali ang paghahatid ng impormasyom ukol sa mga taong nagkasala o lumabag
sa batas. Nagagamit din ang gadyet sa mga transaksyon, napapadali ang proseso lalo na sa mga negosyanteng may ka-
transaksyon sa loob at labas ng bansa. Sa panahon ng kagipitan kagaya ng aksidente sa daan o di kaya ay nagkakasakit o
inatake ng sakit, nagagamit ang gadyet sa madaliang pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima o pasyente.
Makabuluhan din ang ang gadyet sa mga taong malayo sa kani-kanilang pamilya na sa pamamagitan nito ay naiibsan ang
pangungulila at natitiyak ang kaligtasan ng bawat isa kahit nasa malayo.

Kagaya ng iba pang bagay, lahat ng sobra ay nakasasama. Kapag nasobrahan sa paggamit ng mga gadyet, magdudulot din
ito ng hindi mabubuting kinalabasan. Posible itong maka-epekto nang masama sa ating kalusugan lalo na sa ating mga
mata. Pu-pwede rin itong magamit upang makapanikil, makapang-scam o makapanira sa kapwa. At minsan, dahil sa
gadyet, mas nakauusap pa natin ang mga taong nasa malayo kaysa ang mga taong nasa ating tabi. Minsan nagiging abala
na tayo sa mga apps na nasa gadyet, gaya ng social media at mga laro, nananakaw na ang ating oras na dapat ginugugol
at itinutuon sa mga mas importanteng bagay para sa pamilya at kaibigan. Marami na ang nakatuon sa gadyet bilang
sandalan at takbuhan na kung saa’y madaling maikubli ang lahat dahil “filter lang ang katapat”.

“People nowadays are expecting more from the technology and less from each other”, wika ni Sherry Turkle. Ito ay
magpapatuloy kung hindi tayo magiging mapagmatyag at mapanuri sa paggamit ng gadyet. Gamitin ito nang tama at
huwag kalimutan ang mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa, sa malapit man o malayo.

You might also like