Tagalog Bible

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang mga nakisama sa paglalakbay ng mga Israelita ay labis nang nananabik sa dati nilang pagkain at

nagaya sakanila ang mga Israelita. Kaya, nagreklamo na naman sila . Ang sabi nila, “Kaylan pa ba tayo
makakatikim ng masarap na pagkain? Mabuti pa sa Egipto! Doon isang hingi lamang naming ay mayroon
na agad isda, pipino, pakwan , sibuyas at bawang. Dito naman walang makain kundi manna”

Ang manna ay kamukha ng buto kulantro at kakulay ng bedelio. Ito ang lagging pinupulot ng mga tao,
ginigiling o binabayo . Kung luto, sinsarap ito ng tinapay na niluto sa langis. Itoy kasama ng hamog na
bumabagsak tuwing gabi.

Hindi kaila kay Moses ang iyakan ng lahat ng sambahayan na nakatayo sa pintuan ng kani-kanilang tolda
. Nagalit nang labis ang Diyos kaya nabalisa si Moses. Itinanong ni Moises kay Yahweh, “Bakit ninyo ako
isinuong sa ganito kalaking pasanin? Bakit ninyo ako ginaganito? May nagawa ba akong laban sainyo?
Ako ba ang nagsilang sakanila? Sila ba’y aalagaan ko tulad ng pag-aalaga ng isang ina sakanyang anak,
hanggang sa lupang ipinangako ninyo sa aming mga ninuno? Ayaw nila akong tigilan sa kahihingi ng
karne . Saan ako kukuha ng karne, para sa ganito karaming tao? Hindi ko sila kayang alagaan mag isa .
Napakalaking Gawain ito pars saakin!

31-34

Si Yahweh ay nagpadala ng hangin mula sa kanluran na may tangay na maraming pugo mula sa kabila ng
dagat. Ang mga ito’y nagliparan sa paligid ng kampamento. Tatlong talampakan ang taas ng kanilang
lipad mula sa lupa at ang lawak ay isang araw na lakarin sa kabi-kabila ng kampamento. Lumabas ng
kampamento ang Israelita at nanghuli ng pugo hanggang kinabukasan; ang pinakakaunting nahuli ng
isang tao ay sampung kaing. Ang mga ito’y ibinilad nila sa paligid ng kampamento. Ngunit bago pa
lamang nila ito kinakagat, ibinuhos na ni Yahweh ang kanyang galit sa mga Israelita at siya ay nagpadala
ng isang kakila-kilabot na salot . Ang lugar na yaon ay tinawag nilang KIbroth-hataava pagkat doon
nalibing ang mga taong naging hayok sa pagkain.

You might also like