Pananaliksik (Raeiza Panida)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.

3202 MARIA AURORA, AURORA

“Epekto sa mga Mag-aaral nang ika-10 Baitang


ng Mount Carmel School of School of Maria
Aurora sa Presyo ng mga Bilihin sa Canteen”

CASTRENCE, RAEIZA A.
PANIDA, PRINCESS S.
(11-MAPAGMALASAKIT)

Bb. JELYN R. SINDAC


MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

Talaan ng Nilalaman

Pangunahing Pahina

Talaan ng Nilalaman

Introduksiyon

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Bibliyograpiya

Interpretasyon

Konklusyon

Rekomendasyon
MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

Introduksyon

Implasyon ay ang isang pang-ekonomiyang


tagapahiwatig na sumusukat sa kalagayan ng
ekonomiya ng isang bansa. Ito ay ang patuloy
na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga
bilihin sa pamilihan. Sa panahon ngayon,
laganap ito sa buong bansa. Bilang
karagdagan sa “implasyon” na sa kanyang
sarili tumutukoy sa mga pagbabago sa antas ng
presyo para sa isang tiyak na tagal ng
panahon.Dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng
mga presyo ng bilihin at produkto sa merkado
naitala ang 3.4 porsiyentong inflation rate
noong Setyembre na sinasabing pinakamataas sa
nakalipas na taon. Marami ang naaapektuhan
dahil sa sitwasyong ito kabilang na ang mga
estudyante. Malaking hadlang sa mga mamayan
ang pagtaas ng mga bilihin sa bansa .

Ayon sa pinakabagongdatos ng ASEAN, mas


mataas talaga talaga ang implasyon sa
Pilipinas simula nitong 2018,at malayo ang
mga antas sa implasyon ng Malaysia,
Indonesia, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Ibig sabihin, may mga “local factor” o mga
nangyayari dito lang sa bansa, tulad ng isyu
sa kakulangan sa suplay sa mga produktong
pang-agrikultura, humihinang piso, at reporma
sa buwis. Salik sa implasyon ang pagmahal ng
mga presyo ng langis sa pandaigdigang
merkado. Karamihan sa mga Pilipino ay
“matinding naapektuhan” ng pagtaas ng presyo
ng mga bilihin na naramdaman ng halos lahat,
lumalabas sa isang survey. Nasa 98 porsiyento
ang tumugon na ramdam nila ang pagtaas ng
presyo ng mga bilihin. Nasa 86 porsiyento ng
mga tumugon sa survey ang nagsabi na
“matindi” ang epekto ng pagtaas ng presyo ng
mga bilihin sa kanilang pamumuhay. Pinaka-una
sa listahan ng idinadaing ng mga
Pinoy na naramdaman nila ang pagmamahal ay
ang pagkain, particular ang bigas at
matatamis na inumin.

Paglalahad ng Suliranin

Bilang pagtalakay sa kabuuang konsepto ng


tapik na ito,nais mailahad kung ano ba ang
iba’t ibang dahilan at epekto sa pagtaas ng
bilihin. Narito ang ilang mga katanungan:
MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

1.) Bakit mataas ang presyo ng mga


bilihin?

2.) Ano ang dahilan ng mataas na presyo ng


mga bilihin?

3.) Anu-ano ang mga epekto ng mataas


na presyo ng mga bilihin?

4.) Ano ang maaring maging solusyon


sa mataas na presyo ng mga bilihin?

Layunin ng Pag-aaral

Sa pangkalahatan, layunin ng saliksik na ito


na maipakita ang dahilan at epekto sa pagtaas
ng bilihin at makapagbigay ng maaring
solusyon dito.

1.) Malaman ang sanhi ng mataas na presyo ng


bilihin

2.) Malaman ang bunga ng implasyon

3.) Magbigay ng maaring solusyon sa mataas na


presyo ng mga bilihin

4.) Maibahagi ang nakalap na impormasyon sa


iba

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa


paglalahad ng mga positibo at negatibong
epekto ng pagtaas ng mga bilihin sa mga mag-
aaral ng junior high mula sa ika-10 baitang
sa Mount Carmel School of Maria Aurora sa
akademikong taon 2018-2019.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-


aaral ng Mount Carmel School of Maria Aurora.
Hinahangad ang pag-aaral na ito na suriin ang
mga pananaw at persepsyon ng mga mag-aaral sa
epektong dulot ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin sa mga mag-aaral ng junior high
school. Sa huli, bibigyan ng mga mananaliksik
ng mga mungkahing upang malaman ang dahilan
at solusyon sa mataas na presyo ng mga
bilihin.
MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

Bibliyograpiya

https://brainly.ph/question /5477055

https://www.facebook.com/pages/category/Book
/Bunga-ng-implasyon-at-paano-maiwasan-ang -
implasyon-170338209302664/

https://mgazine-tungkol-sa-mga-
pananalapi.buvba.com/article-ano-ang-
implasyon-at-bakit-dapat-naming-maging-
interesado-sa-kanya

https://www.scribd.com./doc/27422834/INTRODU
KSYON-SA-PANANALIKSIK

https://brainly.ph/question/506874

https://brainly.ph/question/509096
MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

Interpretasyon

Unang bahagi
Ayon sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod
ay ang mga nakuhang datos at impormasyon sa
pag-aaral na ito. Ang lumabas na resulta sa
pag-aaral ng mananaliksik sa mga mag-aaral ng
ika-10 baitang sa Junior High sa paaralang
Mount Carmel School of Maria Aurora.

1. Bilang ng mga kababaihan at kalalakihan na


nagbigay impormasyon sa pag-aaral.

Nasa 63 porsyento ng mga kababaihan ang


nagbigay ng impormasyon sa pag-aaral,
samantalng 37 porsyento naman sa mga
kalalakihan.

2. Mga pagkaing madalas binibili ng mga mag-


aaral sa canteen.

60 porsyento ng mga mag-aaral ang mas


pinipiling bumili ng lutong pagkain gaya ng
mga palabok pansit, spaghetti at marami pang
iba. Samantala, 40 porsyento naman ang
bumibili ng mga snacks.

3. Mga inuming madalas binibili ng mga mag-aaral


sa canteen.

57 porsyento na mga mag-aaral ang bumibili ng


mga nakaboteng inumin gaya ng buko juice,
malunggay tea, calamansi juice, at iba pa.
Samantalang 49 porsyento naman ang bumili sa
mga juice (tang, nestea, at chocolate).

4. Ang baon ng bawat mag-aaral sa isang araw.

Maraming estudyante ang 70-100 pesos ang


baon sa isang araw na nasa 49 porsyento.
Sumunod naman ang mga mag-aaral na nagbbaon
ng 40-60 pesos at sila ay 38 posyento at ang
pinakamaliit na bilang ng mga mag-aaral ay
nagbabaon ng 10-30 pesos na nasa 13
porsyento.

5. Ang natitirang baon ng mga mag-aaral sa isang


araw.
Pinakamaraming bilang ng porsyento ang wala
nang natitira sa baon ng mga mag-aaral.
MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

Pangalawang Bahagi

Bilang ng mga mag-aaral na pabor sa


pinapatupad na presyo ng mga bilihin sa
canteen ayon sa resulta na nakuhang mga datos
at impormasyon sa pananaliksik.

Base sa mga resultang nakalap ng mananaliksik


sa pag-aaral na ito, ayon sa mga mag-aaral
marami ang hindi sang-ayon sa mga pinapatong
na presyo ng mga bilihin sa canteen bagama’t
maraming mag-aaral ang may kalakihang halaga
ng baon ay hindi ito sapat para mapunan ang
pangangailangan ng bawat mag-aaral. Sa
ganitong sitawasyon mas pinipili na lamang ng
mga mag-aaral na bumili ng abot kayang presyo
na pagkain.
MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang persepsyon at saloobin ng mga mag-aaral


sa ika-10 baitang hinggil sa presyo ng mga
bilihin sa canteen. Napag-alamang higit na
marami ang hindi pabor o sang-ayon sa presyo
ng mga bilihin sa canteen sa bilang na 90%.
Samantala 10% naman ang sumang-ayon.

Di Sang-
ayon(10%)

Sang-ayon(90%)

Sang-ayon(90%) Di Sang-ayon(10%)
MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

Konklusyon

Batay sa mga datos na sinuri. Iba’t-ibang


opinion ang lumabas sa pananaliksik. Ngunit
mas marami ang hindi sumang-ayon sa
ipinatutupad na presyo na pagkain sa canteen.
Kailangang dagdagan ang buwis na nalikom ng
pamahalaan upang makalikha ng malaking
produksiyon na kailangan sa bansa. Sa
pamamagitan nito, maging ang presyo sa
canteen ay mababago
MOUNT CARMEL SCHOOL OF MARIA AURORA INC.
3202 MARIA AURORA, AURORA

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito,


iminumungkahi ang mga sumusunod:

1. Sa pagsugpo ng implasyon ay ang makapagbabago


sa presyo ng canteen.

2. Nararapat na iayon ang presyo sa pagkain


upang hindi mahirapan ang mga mag-aaral sa
pagbili ng kanilang nais kainin.

3. Mas tatangkilikin ng mag-aaral ang pagbili sa


canteen kung ito ay mababa ang presyo

4. Ang hindi pagkain ng tama ay nakasasama sa


estudyante. At ito ay nakakaapekto sa
kanilang pag-aaral. Upang maiwasan ang
suliraning ito, ang abot kayang presyo para
sa mga estudyante ang mabisang solusyon.

You might also like