Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BUDDHISMO

Ang Buddhismo (Sanskrit: Buddha Dharma.


nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay
isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral
ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na
marahil namuhay noongika-5 siglo BCE.Ang dalawang
mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalaha-
tang kinikilala ang Thwravada
("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda")
at Mahayana ("Ang Dakilang Sasakyan"). Ang mga
Budismo sa buong mundo ay tinatayang sa pagitan ng
350–500 milyon o sa pagitan ng 1.2 - 1.7 bilyon.Ito ay
kinikilala rin bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong
relihiyon sa buong mundo
ZOROASTRIANISMO

Ang Zoroastrianismo na tinatawag ring Mazdaismo at


Magianismo ay isang relihiyong batay sa mga katuruan ng prope-
tang si Zoroaster na kilala rin bilang Zarathustra sa Avestan. Ito ay
dating isa sa pinakamalaking mga relihiyon. Ito ay malamang na
itinatag noong mga panahong bago ang ika-6 siglo BCE sa
silanganing bahagi ng Dakilang Iran. Sa Zoroastrianismo, ang
manlilikhan si Ahura Mazda ay buong mabuti at walang kasamaan
na nagmumula sa kanya. Kaya sa Zoroastrianismo, ang kabutihan at
kasamaan ay may dalawang mga natatanging mga pinagmumulan na
ang masama (druj) ay sumusubok na wasakin ang nilikha ni Mazda
(asha) at ang mabuti ay sumusubok na panatilihin ito.Tinatayang
may mga 124,000 at 190,000 na mga Zoroastrian sa buong mundo.
KRISTIYANISMO

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala


sa iisang Diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang
mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na isang
tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking
relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa
2.1 bilyong táong kasapi nito.
Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga
maagang siglo nito ay hindi isang nagkakaisan kilusan ngunit
binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling
pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan.
Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni Empe-
rador upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakayungga-
ling sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano.
JUDAISMO

Ang Judaismo ang kulturang pampananampalataya ng mga


Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang naitalang pananampalatayang
monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong sinusundan
pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng
Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga
pananampalatayang Abraamiko kasama na ang Kristyanismo at
Islam Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo
sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay
ang Bituin ni David sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay
ang isang araw isang aranyang may pitong sanga, na tinatawag
na menorah.
ISLAM

Ang Islam ( "pagsuk sa kalooban ng Diyos)" ay isang


Pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking
relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama
ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng
mga pananampalatayang ito. Naniniwala ang mga tagasunod ng
Islam na kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ng Diyos(Allah
sa Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamama-
gitan ng maraming mga naunang mga propeta at ni Muhammad na
siyang huling propeta ng Islam.
5 haligi ng Islam:
1.Iman(pananampalataya)
2.Salah(pagdarasal)
3.Zakah(pag-aabuloy)
4.Sawm(pag-aayuno)
5Hajj(paglalakbay)
JAINISMO

Ang Jainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain


Dharma ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo
na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng
Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā
(599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang
pamilya at naging asetiko..Ang kadalisayan ay matatamo
sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. May
limang panata ang sinusunod ng mga Hain:
1.Ahimsa (kawalang-karahasan)
2. Satya (katotohanan)
3.Asteya (katapatan)
4.Brahmacharya (kabirhenan)
5.Aparigraha (karalitaan )

SIKHISMO

Ang Sikhismo ay isang monoteyistikong relihiyon, isang


pananampalataya na naniniwala lamang sa isang diyos, na nag-
mula sa rehiyon ng Punjab sa Timog Asya noong ika-15 siglo.
Tinatawag ang mga nananampalataya nito bilang mgaSikh, at
tinatawag na Guru Granth.Sahib ang kanilang banal na aklat.
Isa sa mga pinakabata na kabilang sa mga pangunahing relihi-
yon ng mundo, na may 30 milyong mga mananampalataya sa
buong mundo, kung kaya ang Sikhismo ay ang ika-lima na
pinakamalaking relihiyon sa mundo.Sinimulan ang Sikhismo
noong 1464 ni Guru Nanak Dev ang una sa "Sampung mga Guru".
HINDUISMO

Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo,


Vaishnavismo at Srauta at iba pa. Hinduismo ay kinabibilangan
ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyon
ng mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma,dharma
at iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay nabuo sa
mga iba ibang tradisyon at walang isang tagapagtatag.Kabilang sa
mga direktang ugat nito ang historikal na relihiyong.Hinduismo
ay kadalasang tinatawag na "pinakamatandang nabubuhay na
relihiyon” sa mundo.
SHINTOISMO

Ang Shintoismo o Shinto ay ang katutubong relihiyon ng Hapon


at dating naging relihiyon ng estado. Ito ay kinapalolooban ng
pagsamba sa Kami o mga diyos. Ang ibang Kami ay lokal at
maaaring ang mga espiritu o ang henyo ng isang partikular na
lugar, ngunit ang iba ay nagpapakita ng mas malaking bagay na
natural at proseso.Ang salitang Shinto ay nagmula sa salitang
Tsinong Shén Dào na ang kahulugan ay daan ng mga diyos(Shin) na
ang kahulugan ay mga diyos at espiritu(kung babasahin ito nang mag-
-isa, ito ay binibigkas bilang "kami") at na ang kahulugan ay isang
paraang pilosopikal (tulad ng panulat ng mga Intsik na sa salitang
Dao) . Sa madaling salita, ang Shinto ay kadalasang sinasalalin
bilang "Ang Paraan ng mga Diyos."Minsan ang tawag ng mga Hapon
sa Diyos ay Kami-sama.

You might also like