Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

Pamagat: Alamat ng Chocolate Hills


ll. Istilo ng Paglalahad: ito ay pasalaysay at ang paglalahad ay may pagka sunod-
sunod na pangyayari.
lll. Sariling Reaksyon/Tauhan :
Dalawang Higante- ang nag-aaway at nag aagawan sa teritoryo
Ang mga nanirahan- nilisan nila ang lugar para maiwasan nila ang gulo
Taga roon- ang nakasaksi sa mga pangyayari
Matatanda- ang nakakaalam sa kwento
lV. Pagpapahalaga sa Nilalaman
E. Kalagayang Sosyal: magulong pamumuhay pero sa bandang huli ay naging
masagana at mapayapa din sila.
F. Kulturang Pilipino: maramot sa kapwa, pag-aagawan sa lupain
G. Pilosopiyang Pilipino: kahit may awayan na nangyayari ay nanatili parin ang
kanilang kapayapaan at kasaganahan sa bandang huli.
H. Simbolismong Pilipino: Berde- kapaligiran
V. Pananalig sa Pampanitikan( Teoryang Pampanitikan):
Reaslismo- ito ay nagyayari sa totoong pamumuhay.
Dekonstruksyon- dahil ipinapakita ang sa kwneto na may iba't ibang aspeto na
bumubuo sa tao at mundo.
Vl. Bisa sa Pampanitikan: ito ay nakapagbigay inganyo sa mga mambabasa at
nakapag bigay aral.
Vll. Bisa sa Damdanim: huwag maging maramot.
Vlll. Bisa sa Isip: hindi kailangan mag away para lamang sa isang bagay.
IX. Bisa sa Kaasalan: ito ay nag papakita ng kasakiman huwag nating tularan ang
dalawang Higante. Dapat mag unawaan tayo at mag bigayan.
PANITIKAN SA REHIYON 7

Alamat ng Chocolate Hills

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang


malawak subali't ito ay tuyo. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init.
Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay
maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit
kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng
pook.Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may
dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman
ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang
dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari
nagkita nga ang dalawang higante."Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!". Ito'y
aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog.
"Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."
"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante
mula sa hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!". "Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!"
sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.
"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.Noong
panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila.
Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang
isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil
na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas
at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay. Marami
ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang
mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa
pagbabatuhan.Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon.
Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante
na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng
Chocolate Hills.

You might also like

  • Pagma Mahal
    Pagma Mahal
    Document2 pages
    Pagma Mahal
    Greece Cabintoy
    No ratings yet
  • Written
    Written
    Document6 pages
    Written
    Greece Cabintoy
    No ratings yet
  • 1
    1
    Document3 pages
    1
    Greece Cabintoy
    No ratings yet
  • 2
    2
    Document3 pages
    2
    Greece Cabintoy
    No ratings yet