Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY - ARALIN SA FILIPINO 1

IKALAWANG MARKAHAN

I. LAYUNIN
Nagagamit ng wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng
ngalan ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari.
( FIWG - 11C-f-2 )

II. PAKSANG- ARALIN


Mga Hayop at Halaman
Sanggunian: Gabay Pangkurikulum 2016 p.7 ng 190
Gabay sa Pagtuturo p.48-50
Kagamitan ng mag-aaral pp.15-17 Bumasa at
Sumulat
Kagamitan: Chart, Powerpoint, flash cards, cut outs
( ESP and Math Integration)

III. PAMAMARAAN : Mga Gawain ng Guro

1. Bago Magbasa
Magpaawit sa mga bata ng bahay kubo

A. Pagganyak: 3 minuto
Magpakita ang guro ng larawan ng mga gulay.

Itanong: Alin kaya sa mga gulay na ito ang inyong nakikita


sa ating paligid?

B. Pag-alis ng Balakid : 5 minuto


Alamin muna natin ang ilan sa mga salita mula sa kuwento.
Piliin mula sa mga plaskard na nakadikit sa gulay ang
tamang salita.

Patatas Broccoli Letsugas


Repolyo

Pagsusuri sa Salitang Inilalarawan


1. Isang uri ng dahong gulay na hindi nakabukadkad at laging
na kopkop. Kadalasan ito’y isinahog sa pansit, nilaga at
sapsoy. Ito’y ______________.
2. Isa rin itong dahong gulay na berding berde at ang dahon ay
kasinghugis ng cactus. Ito’y mayaman sa bitamina C. Ito ay
_____.
Kasagutan: repolyo, broccoli

C. Balik- aral: 5 minuto


Sabihin: Para sa ating bahaginan ngayong araw, maglalahad
tayo tungkol sa iba’t- ibang gulay na alam na natin, kinain na natin,
o nakita na natin sa palengke o sa ating bakuran.
Ngayon maari kayong magbahagi ng inyong ideya tungkol sa
halaman kung paano ito nakatutulong sa atin.
Ano-ano ang mga gulay na nakikita ninyo?
Tumawag ng tatlong mag-aaral para sa kanilang paglalahad.
Isulat sa pisara ang mga pangngalan ng gulay na binanggit nila.

Basahin ang mga pangungusap para sa mga bata.


Si Binibining Repolyo ang reyna ng luntian.
Dinala ni Mang Tong ang mga gulay na gisantes, kangkong,
kintsay, at zucchini sa palengke upang ipagbili.

D. Pag- unlad ng Talasalitaan


 Palawakin pa ang talakayan ukol sa mga gulay na binanggit ng
mga mag-aaral sa bahaginan at inilista sa pisara.
 Tanungin ang buong klase kung sino ang may alam sa mga
gulay sa mga pisara.
Ano ang lasa, kulay, hugis ng gulay na ito?
Sa anong niluto ginagamit ang gulay na ito?
 Ilabas ang mga aktwal na gulay o mga larawan ng mga
sumusunod: repolyo, broccoli, petsay, gisantes, letsugas at
kintsay.

Ipaliwanag sa mga bata na ang mga pangngalan ng gulay


na ito ay maririnig sa mga pangungusap na babasahin.

Dinala ni Mang Tong ang mga gulay na gisantes,


kangkong, kintsay sa palengke upang ipagbili.

Ano ang napansin mo sa mga may salungguhit na mga salita?


Ang mga ito ay ngalan ng tao, bagay at lugar. Ang tawag sa
mga ito ay pangngalan.

Unang Pangkat

Magbigay ng tiyak na ngalan ng sumusunod. Komplituhin ang


tsart.

Tiyak na Ngalan
Kainan Kainan ni Kambal
Guro
Paaralan
Kaklase

Ikalawang Pangkat
Magbihay ng tiyak na ngalan na nagsisimula sa letra ng bawat
gulay sa kaliwa.

Ngalan ng Tao Ngalan ng Lugar


Petsay Paz Polilio
Letsugas
Talong
Ampalaya

Ebalwasyon:

1. Ano ang tawag sa mga salita na nagsasabi ng ngalan ng tao,


hayop, bagay at lugar?
a. Pangngalan
b. Pangungusap
c. Salita
d. Pangangalan ng tao
2. Alin dito ang mga pangngalan?
a. aklat b. sila c. paaralan
tayo mag-aaral bulaklak
maganda naglalaro gulay
3. Alin ang ngalan ng tao?
a. Lito b. Nayong Pilipino c. bahay-bahayan
4. Ano-ano ang ating nakukuha sa gulay?
a. bitamina, protina at calcium
b. calcium, carbohydrate at bitamina
c. bitamina A at C
5. Sino si Bb. Repolyo?
a. Reyna ng Santa Cruzan
b. Reyna ng karagatan
c. Reyna ng luntian
d. Reyna ng kabundukan

You might also like