Alan: Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nangangalang
tuwaang. Isang araw nakatanggap ng mensahe na kailangan dumalo ni tuwaang sa kasal ng dalaga ng monawon. Dorilag: Huwag kang pumunta, tuwaang. Dahil nararamdaman ko na mayroong masamang mangyayari sa iyo doon. Nable: Huwag kang mag-alala tiyang. Kaya kong alagaan ang sarili ko. Dorilag: Hindi mo naiintindihan tuwaang. Nable: Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang. Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng dalaga ng monawon. Alan: Binalaan siya ng kaniyang tiyahin na huwag nang pumunta dahil mayroong masamang mangyayari. Ngunit determinado at hindi nagpapigil si tuwaang. Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga Diyos para sa kanya at dinala niya ang kaniyang espada at panangga at isang mahabang kutsilyo. Habang naksakay sa kidlat papunta monawon. Natagpuan niya ang gungutan isang nakapagsasalitang ibon sa kapatagan ng kawkawangan. Nable: Merong isang gungutan. Alan: Gusto ng ibon na sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala niya ito. Nable: Tara sama kana sakin. Alan: At nang makarating na siya ay nagsidatingan na rin ang mga bisita. Dumating ang Binata ng panayangan , pagkatapos ay ang binatang liwanon at ang binate ng sumisikat na araw. Huling dumating and lalaking kasal , ang binate ng sakadna na kasama ang isang daang lalaki. Nang dumating ay iniutos ng binata ng sakadna na paalisin ang mga bisitang hindi nararapat na naroon. Eoy: Paalisin niyo lahat ng hindi karapat dapat naririto sa kasal na ito. Alan:Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo ngunit nagparinig at sinabi ng binate ng sakadna Eoy: Wala pa silang gintong plauta at gintong gitara Alan: Tumulong si tuwaang sa kaniyang misteryosong hininga niya ay nagkaroon sila ng gintong plauta , gitara at gong. At nang lumbas na ang babaeng ikakasal ay napanganga ang mga bisita sa kagandahan niya. Nable: Napakaganda! Alan:Nainsulto at napahiya ang binate ng sakadna ng tumabi ang ikakasal na babae kay tuwaang sa halip na sa kanya. Kaya hinamon niya ito sa isang laban. Eoy: Tuwaang hinahamon kita sa isang laban. Kung sino man ang Manalo ay siya ang kukuha sa kamay ng binibini. Nable: Tinatanggap ko ang iyong hamon Alan:Pakiramdam ng lalaki ay nainsulto siya at lumabas ito sa bulwagan at hinamon si tuwaang sa isang laban. Eoy: Ipakita mo sa akin na nararapat ka sa karangalang ibinibigay sa iyo ng aking minamahal sa pagtabi sa iyo! Labanan mo ako hanggang kamatayan. Alan:Tinitigan ni tuwaang ang babae. Nakita niya ang pagmamahal at paghanga nito sa kanyang mga mata. Dorilag: Mag-Ingat ka sa pakikipaglaban sa kanya. Alan: At upang lalong galitin pa ang binate ng sakadna sinuklayan ng babae ang buhok ni tuwaang. Lumaban ng buong makakaya si tuwaang at ang gungutan sa binata ng sakadna at sa isang daang lalaki. Alan:Madali nilang natalo ang anim pang natitirang nakatayo hanggang siya at ang binate ng sakadna na lamang ang natirang nakatayo. Matapos nilang matalo ang isang daang mga kalalakihan ay nagharapang na sina tuwaang at ang binata ng sakadna. At dahil sa matinding labanan ay lumindol ang lupa at lahat ng mga puno ay nagbagsakan. Kaya binuhat ng sakadna si tuwaang at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog at nakarating si tuwaang sa hades at nakita niya si tuhawa ang diyos ng hades Nable: Tuhawa tulungan mo ako at sabihin mo saakin kung paano patayin ang binata ng sakadna. Morales: Ang buhay ng binata ng sakadna ay nasa gintong plauta. Alan: Sabi ni tuhawa upang mapatay nito ang binata ng sakadna Lumitaw mula sa lupa si tuwaang at pinatay ang lalaki sa pamamagitan ng pagbili sa gintong plauta. Tumakbo ng masaya ang babae sa kanya at niyakap niya ito. Sumama ang babae kay tuwaang sa kuaman at sila’y nagsama ng maligaya kasama ang gungutan. At dito na nagtatapos ang kwento.